Reviewer QuizBee

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

TALAMBUHAY SAN ANDRES APOSTOL

Ipinanganak si San Andres Apostol sa Bethsaida ito ay malapit sa lawa ng Galilea. Siya

ay anak ni Jonas o Juan na isang mangingisda doon. Siya ay may isang kapatid at ito

naman si San Pedro Apostol. Si San Andres ay unang naging alagad ni Juan Bautista at

ng katagalan ay naging alagad na ni Kristo. Silang dalawang magkapatid ay hindi

nakapag aral sapagkat sila ay mahirap lamang ngunit si San Andres ay isang masigasig at

maka- Diyos. Mahal na mahal ni San Andres ang kaniyang kapatid na si Pedro kung kaya

nang Makita niya si Kristo, siya ang nagpakilala sa kanyang kapatid sa pagsasabing

“Natagpuan namin ang Mesiyas” at agad niyang inanyayahan ang kaniyang kapatid

maging alagad.

Ayon sa Ebanghelyo ni San Juan, noong panahong bininyagan ni Juan Bautista si Hesus,

nakita niya ang dalawang magkapatid na sina Pedro at Andres at matapos ay inanyayahan

niyang sundan siya ng mga ito sa Galilea. Sinasabi naman sa sinoptikong ebanghelyo

nina San Mateo, San Marcos at San Lukas, na nakita sila ni Hesus sa lawa ng Galilea

habang naghahagis ng lambat mula sa kanilang Bangka, ay sinabi sa kanila ni Hesus na

sundan siya at maging “mamalakaya ng tao”

Saksi ang dalawang magkapatid nang gawin ni Hesus ang himala sa kasalan sa Cana

kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Nang sundan si Hesus ng may limang libong

katao sa parang, sinabi niyang pakainin ang mga ito. Nabanggit ni San Felipe na hindi

sapat ang pagkaing dala nila. Lumapit si Andres bitbit ang isang batang lalaki na may

limang tinapay at dalawang isda. Naniniwala si Andres na may magagawa pa. Pinaupo ni

Hesus ang mga tao sa tig lilimang grupo. Kinuha niya ang limang tinapay, tumingala sa

langit at nagpasalamat sa Diyos, at ipinasa ang tinapay sa mga alagad at ipinamigay sa

mga tao. Gayundin ang ginawa niya sa dalawang isda. Nakakain ang bawa’t isa. Si San

Andres ang tinuturing ni San Beda na tagapagkilala kay Hesus at ito rin ang makikita sa

mga ebanghelyo na siya ang nagpapakilala ng mga kaluluwa kay Kristo. Nang minsang

nagtungo si Kristo sa Bethania bago ang kanyang pagpapakasakit, nagtungo ang ilang tao

sa bahay na kanyang tinutuluyan. Kinausap ng mga tao si San Felipe upang ipakilala kay

Kristo at humingi ng tulong ang unang alagad kay San Andres.


Sinasabing si San Andres ay naging martir sa Patras sa hilagang bahagi ng Gresya sa

pamamagitan ng pagpapako sa kanya sa krus na hugis “X”. Ang uring ito ng krus ay

matagal na kinilala bilang ang “krus ni San Andres”. Pagkatapos nito ipinako si Andres

sa krus sa loob ng dalawang araw nakapako siya roon ng buhay, walang humpay na

nagpapahayg ng aral ni Kristo hanggang siya’y mamatay. Namatay siya sa edad na 70.

Kinilala siya bilang patron ng Rusya at Scotland. Inilipat ang kanyang katawan sa

Constantinopole mula sa Patras noong 357, kasama angmga labi nina San Lukas at San

Timoteo, at inilagak sa simbahan ng mga Apostoles na ipinatayo ni Emperador

Constantino.

Ang hawak na libro ni San Andres sa kaniyang larawan ay isang bibliya na sumisimbolo

sa mga mabuting balita na kanyang ipinangaral. Ang mahabang buhok at balbas naman

ay sumisimbolo sa pagiging disipulo niya ni San Juan Bautista bago maging alagad ni

Panginoong Hesus. At ang huis “X” o ekis na krus. Ang simbolo ng kahoy na krus na

pinagpakuan sa kanya.

 PAGKAKATAGPO SA IMAHEN NI SAN ANDRES APOSTOL AT

KASAYSAYAN

Lumalim ang pananampalataya ng kristiyano ng mga taga Sogbongcogon mula taong

1879 (maaaring sa taong ito natagpuan ang imahen ni Apostol San Andres). Noong

Hulyo 22, 1879 nakasulat ang kahilingan ng pagtatatag na palitan ang pangalan ng

VISITA DEL BARRIO DE SUGBONG COGON upang gawing VISITA DEL

BARRIO DE SAN ANDRES na sakop ng bayan ng San Narciso. Batay sa nakasulat na

kasaysayan ng bayan, ang pangalan na ibinigay sa pangatlong lipat na lugar ng mga

naunang ninuno ay ang kasalukuyang pangalan ng San Andres. Ito ay isinusog batay sa

milagro na naganap: Di umano isang hating gabi, bigla ang pagdating ng malakas na

subasko. Pagbukang-liwayway sa dalampasigan ng barrio na ngayo’y Poblacion

natagpuan ng isang mangingisda sa naibsang wasak na lunday (Bangka) ang imahen ni

San Andres Apostol.

Ang lagayan ng kapilya noon ng San Andres ay nasasakop pa ng Parokya ng San Jose

San narciso. Inilarawan ng mga paring Capuchino noong naglingkod sila sa bayan ng San
Andres mula 1961 hanggang 1963. Hango sakanilang karanasan, mula sa bayan ng San

Narciso bumabyahe sila ng tatlong oras sakay ng isang Bangka patungo sa bayan ng San

Andres. Ang kapilya raw noon sa San Andres ayon sa kanilang paglalarawan ay

“ramshackle” o sira-sira at wala raw tahanan para sa pari. Si Fray Padre Bautista de

Arrona, OFM Capuchin o kilala din bilang Fr. Felix Eruchun ang nagsilbing pari noon sa

San Narciso at San Andres noong June 22 1961 hanggang March 1962.

Ayon sa karamihan sa mga taga San Andres ang pananampalatayang Katoliko ay

ginabayan ng isang Layko na si G. Timoteo .Sabi ni Gng. Lualhati Pumarada-Aurellana

(apo ni Amamang Teo) ikinuwento sa kanila noon ni Amamang Teo na nakuha ang

kahoy na may imaheng kamukha raw ni hesukristo sa tabing dagat na natukoy bilang si

Apostol San Andres. Si amamang teo rin ang sumulat at naglapat ng musika sa Dalit kay

San Andres Apostol na inaawit tuwing Misa Nobenaryo at sa mismong araw ng

kapistahan ng Patron.

 MGA NAGING KALIHIM NG PAROKYA NG SAN ANDRES, QUEZON

-Gng Gilda Aurin De Leon

Taon ng paglilingkod 1979-1984

-Gng Nory Patriarca Panganiban

Taon ng paglilingkod 1984-1985

-Bb. Dulce De Leon Lopinac

Taon ng paglilingkod 1986-1988

Gng. Juvy Pepito Emprese

-Taon ng paglilingkod 1989

Gng. Marlina Puntay Presilda

-Taon ng paglilignkod 1990

Gng. Doris Nadres Dy

-Taon ng Paglilingkod 1991

Gng. Dina Lopinac Dela Torre

-Taon ng Paglilingkod 1992-1993


G. Edsel Uson Nadres

-Taon ng Paglilingkod 1993 hanggang kasalukuyan

Ang atin ding Parokya ay biniyayaan ng Tatlong Pari at isang madre at kasalukuyan

ngayon mayroong walong seminarista

 Tatlong Pari ng ating Bayan

FR. ZANDRO “BONG” DE LEON

FR. NIŇO DE LEON

FR. NIETO “ BUBOY” LOPINAC, JR.

(si fr. Zandro at fr. Nino ay magkapatid na pari ng ating bayan)

 Kaisa-isang Madre ng ating Bayan

SR. SHAILINE CARABOT, DLMC

 Walong Seminarista ng Bayan ng San Andres

SEM. DALE IVAN MENIADO

SEM MARLON REYES

SEM RAMON ISIDRO REYES III

BR. JHONRICK RADANA,MSP

BR. GERYSAN ANDRINO, SCHP

BR. CARLO COMPRA, MSP

BR. ADRIAN COMPRA, MSP

BRO. BIEN JUSTINE D. PATRIARCA, OFM

You might also like