Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Larawang- Sanaysay

Ipinasa ni:
Andrea Nicole L. Flores
STEM 12
Ipinasa kay:
Bb. Hedhedia Cajepe
BAHAGHARI
Kailangan mong dumaan sa bagyo upang makakuha ng isang bahaghari sa dulo…….....

Ang aking buhay ay mahahalintulad ko sa isang bahaghari, isang simbolo na


puno ng iba’t ibang kulay at hindi alam kung hanggang saan ang hangganan at saan
ang patutunguhan. Mula sa aking pagkabata ay may mga pangarap na akong nais
marating sa aking buhay. Simple at mumunting pangarap na para sa aking mga
magulang at kapatid na nagdudulot ng malaking tuwa at galak.
Nakagisnan ko sa aking kamusmusang isip ang ordinaryong uri ng
pamumuhay. Hindi kami mayaman ngunit may sapat na kakayahan para
matugunan ang mga bagay na importante sa aming buhay. Madalang man tayo
makakita ng isang bahaghari na sa tuwing matatapos ang isang matinding ulan
ngunit ang mas mapapansin mo ang tinding iniwan nito. Ang bahaghari ay kaugnay
ng aking buhay. Ang mga kulay nito ay may saysay at kabuluhan
Lumaki ako sa busog sa pangaral at pagmamahal na mula sa aking
magulang. May pagkakataon na istrikto sina mama at papa. Pangunahing minulat
sa aking kaisipan ang pagbibigay galang at respeto sa mga tao nakakasalamuha ko
araw-araw. Palagi nilang pinaalala sa akin na bawat mali na gagawin mo sa buhay
ay may katumbas na kabayaran.
Binigay nila lahat para sa aming dalawa magkapatid kahit nahihirapan
gagawin nila lahat mabigay lang ang aming hiling. Naalala ko nung pitong taon
gulang ako nalaman naming na may sakit ang aking papa kaya’t hindi na siya
makakapagtrabaho sa barko. Nalungkot kami para sa aming papa dahil sa
pangarap niya na maihahon kami sa kahirapan ay unti-unting naglalaho.
Pinagmamasdan ko ang hirap at sakripisyo ng aking magulang mapag aral
lang kami sa magandang eskwelahan. Simula kinder hanggang makapagtapos ng
elementarya pinagaral ako sa pribadong paaralan.
Ginawa ko lahat nang aking makakaya mapasama lamang sa mga estudyante
may karangalan. Ayaw ko mawalan ng tiwala ang aking magulang dahil alam nila
na kaya ko at gagawin lahat mapasama lang sa mga estudyante may karangalan.
May mga panahon na hirap na kami sa buhay sapagkat sabay-sabay ang mga
gastusin sa bahay at ang pang martikula naming sa eskwelahan.
Hindi lahat ng yugto ng buhay masaya may pagkakataon na mahihirapan ka.
Ramdam ko ang hirap ng aking magulang mapaaral lang ako sa pribadong paaralan
kaya’t napagisip-isip ko pumasok na lang sa mampublikong paaralan. Pumasok ako
sa mataas na paaralan ng Valeriano E. Fugoso Memorial High School. Sabi nga nila
sa una mahihirapan ka pero sa katagalan masasanay ka rin.
May mga panahon na ramdam ko na mag-isa na lang ako . Nahihirapan na
walang matatawag para alalayan ako. Minsan iniisip ko bakit nawawalan ng sigla
ang aming pamilya?. Ito ba ay dahil sa hirap ng buhay, lagi kong iniisip na kahit
anumang pagsubok na dumating basta’t nakasentro ang pagmamahalan ng isang
pamilya lahat ng problema malulutas.
Ginawa
ko lahat
masuklian lang ang
hirap ng aking
magulang. Naging
estudyante ako na
may parangal dahil
ayun sa ngayon
ang maaring kong
isukli sa kanila.
May
pagkakataon na
nahihirapan na ako
pero sa tuwing
naalala ko ang
hirap ng aking
magulang
nawawala ang
pagod na aking

nararamdaman
Nais kong maging proud sila sa akin dahil alam ko sa sarili ko nandyan sila sa
tabi ko inaalalayan ako sa aking buhay. Gagawin ko lahat masuklian lang ang hirap
at pagod nila. Kahit na istrikto sila sa akin na pagkatapos ng eskwelahan diretso sa
bahay kahit gusto ko na makapaglibang na kaunti hindi ko magawa dahil alam ko
na magagalit sila sa akin. Kaya minsan nagtatampo na ako sa kanila dahil sa sobra
nilang pagkaistrikto pero ang iniisip lang nila naman ay ang kapakanan ko .
Ang aking pagkatao ay maihahalintulad sa isang bahaghari. Hindi ako
makokompleto kung wala ang pitong kulay ng aking buhay. Ang pitong kulay na
ito ay sumisimbolo sa aking masayahin na pamilya. Kulay pula na sumisimbolo ng
katatagan at katapangan ng aking ama. Ang kulay kahel na ang kahulugan ay ang
pagiging matibay at matiisin ng aking ina.
Ang dilaw ay nagkakahulugan ng karunungan at intelektwal ng aking
kapatid. Kulay berde na sumisimbolo ng pagkamayabong at makatao ko. Ang kulay
asul na ang kahulugan ay katahimikan at kapayapaan ng aking pamilya. Ang anyil
ay nagpapahiwating ng kalutusan at malalim na pagninilay-nilay ng aking mga
kaibigan. At ang huli ay lila na sumisimbolo ng kabunyian at pagiging patas ko sa
aking pamilya. Sa kabuuan, ang bahaghari ay sumasalamin sa makulay ng pagkatao
ko. Kulay na hindi lamang sa akin nagmula, kundi kulay na nangagaling din sa
ibang tao na ibinahagi nila sa akin.

You might also like