Kontemporyong Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

 

Nagpatuloy sa pagyabong ang panitikang Pilipino gamit ang iba' ibang wika lalo na nang matapos
ang Martial Law kung kailan marami-raming babasahin ang isinilang. Ang mga manunulat na
Pilipino ay patuloy na kumatha ng mga tula, maiikling kwento, nobela at sanaysay na pumapaksa
sa lipunan, sa kasarian o di kaya naman ay bunga ng mga personal na intensyon o pagnanais na
magbahagi ng karanasan sa mambabasa. Higit na naging malay ang mga Pilipino sa sining
kaalinsabay ng pag-usbong ng mga workshops dito sa bansa at pati na rin sa ibayong-dagat.
Malaki rin ang iniambag ng mass media at internet sa pagbuo ng kamalayang ito. Isinilang rin ang
iba't ibang parangal na iginagawad sa mga natatanging manunulat ng ating panahon. Nariyan ang
Don Carlos Palanca Awards for Literature, Philippine Free Press, Philippine Graphic, at Home life
and Literary Panorama Award. Hindi maitatanggi ang pagsisilbing inspirasyon ng mga parangal na
ito sa kapwa baguhan at beteranong manunulat upang sila ay lumikha ng mga akdang maaaring
ipagmalaki ng buong sambayanang Pilipino. Ang pagkakaroon ng kontemporaryong panitikan ay
nagbibigay rin ng pag-asa sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling puwesto ang ating panitikan
sa pandaigdigang literatura.

ahaba at malawak ang saklaw panitikang Tagalog. Sintanda ito ng wika at ng


mga taga-Pilipinas na nabibilang sa liping Tagalog. Nagmula ito sa
pasalindilang panitikan (memoryado, bahagi ng kamalayan) hanggang sa
panitikang itinala ng mga kagamitang elektroniko (pelikula, telebisyon,
kompyuter, atb). Mula sa pananaw ng kasaysayan lalapitan ang kursong ito
ngunit bibigyang-diin ang kontemporaryong panitikang Tagalog.

Tutukuyin ng "kontemporaryo"ang panahong pagkatapos ng ikalawang


digmaang pandaidig (sa Pilipinas, 1941-45). Ang literatura ay yaong mga
akdang prosa (maikling kuwento, sanaysay. nobela at drama) at tulain (tula,
epiko, atbp.) na nasulat sa wikang Tagalog (na tinatawag ngayong Filipino).
Aalamin nito ang mga suliranin, panaginip, pagpapahalaga at iba pang
makabuluhang bagay na nauugnay sa pagiging Pilipino batay sa nilalaman ng
mga akda. Sapagkat introduksyon lamang, babasahin lamang sa kurso ang
mga representatibong akda ng bawat panahon.

Through the literature, it is hoped that the readers would be able to reclaim
their heritage (if they are Filipino Americans) or understand where the
Filipinos are coming from (if they are Americans), to identify themselves in the
characters they read, and to be inspired in writing their thoughts, sharing their
feelings or simply, to appreciate what others have written, said or done.

Layunin ng Kurso

1. Makilala, mabasa at maranasan ang mga ilang katangi-tanging


kuwento, tula, dula at iba pang makabagong akdang Filipino.
2. Matukoy ang kultura at pagpapahalagang Filipino na masasalamin sa
mga akda.
3. Mapalawak ang kasanayan sa pagninilay-nilay (analitikal) at pagsusuri
(kritikal) sa wikang Filipino.
4. Maisulat at maipahayag ang damdamin, palagay, puna at pagsusuri sa
mga akdang binasa.
5. Makapagsaliksik tungkol sa isang akda/awtor at makapagsulat ng isang
akademikong papel sa larangang ito.

Pangangailangan

 4 na mahabang papel na may 4 pahina bawat isa, batay sa paksang


itinakda sa silabus (isa sa mga papel ay nararapat malathala sa
Katipunan Magazin).
 rebisyon ng mga papel hanggang sa maging anyong handa na sa
paglalathala o hanggang maging mahusay ang marka nito.
 pagdalo sa mga gawaing kultural ng Katipunan o mga kaugnay na
pagtatanghal
 pagbasa ng mga itinakdang babasahin
 pagdalo at partisipasyon sa klase (15 meetings)
 bumasa ng isang maikling nobela (BATA, BATA, PAANO KA GINAWA)

Text

Mga Babasahin sa Filipino 461 (inihanda ni Ruth Elynia Mabanglo), mabibili


sa Professional Image.

PETSA ARALIN/DISKUSYON GAWAIN/TAKDA


Introduksyon sa Panitikan ng  Lektyur
Linggo 1 Pilipinas (Depinisyon, saklaw, atb)
(Bidyo: Panitikan) Talakayan
Panitikang Bago Magkadigma
Kapaligiran Isulat ang Buod ng mga akda
"Aloha" (kuwento, Deogracias 
Linggo 2 Rosario) "Sa Pula, Sa Puti" Pagbibigay ng Takda
"Bulaklak ng Lahing Kalinis- Talakayan
linisan" (Balagtasan ni Jose Corazon  BUOD, TANONG PUNA
de Jesus at Florentino Collantes)
Tanungan/Talakayan
Panitikan sa Panahon ng Hapon
Lektyur
Elemento ng Kuwento
Kapaligiran
Linggo 3 Gawain sa Pag-unawa ng akda
""Uhaw ang Tigang na Lupa" 
Maikling Pagsusulit
(kuwento, Liwayway Arceo)
BUOD, TANONG PUNA
"Ako ang Daigdig" (tula, Abadilla)
Pag-uusap tungkol sa unang papel
Maikling Pagsusulit
"Lupang Tinubuan" (kuwento,  Pag-uulat
Linggo 4 Reyes) "Talambuhay ng aming Nayon" Talakayan
(Sanaysay, Pineda) BUOD, TANONG, PUNA
SABMISYON NG PAPEL 1
"Suyuan sa Tubigan" (kuwento,  Talakayan: Elemento ng Sanaysay/ Tula 
Linggo 5 Pineda)
"Dugo at Utak" (kuwento, Reyes) Maikling Pagsusulit
Panahon ng mga Akdang 
Talakayan/Pagbasa ng Tula 
Makalipunan
Linggo 6 Gawain sa Pagbasa
"Tinig ng Darating" (Tula: Baylen)
Bidyo
"Kung Tuyo ng ang Luha mo, Aking 
BUOD, TANONG, PUNA
Bayan" (Tula, Hernandez)

PESTA ARALIN/DISKUSYON GAWAIN/TAKDA


Panahon ng Makalipunang Akda BUOD,TANONG, PUNA 
"Impeng Negro" (kuwento, Sicat)
Linggo 7 "Ang Burgis sa Kanyang Almusal" Tanungan, Talakayan 
"Kagila-gilalas na Paikipagsapalaran 
ni Juan de la Cruz" IKALAWANG PAPEL
Panonood ng Bidyo/Pananaliksik
Linggo 8
Partikular na Kuwento/Dula ng Bawat Estudyante (iuulat)
Panahon ng Makalipunang Akda

Pag-uulat ng: Sabmisyon ng ika-2 Papel 


Linggo 9 "Usok ng Mapupusok ng Araw"
"Dalaw" GAWAIN SA PAKIKINIG NG ULAT
"Silid 21 Paraiso Motel"
"Isang Lunes"
Pag-uulat ng: GAWAIN SA PAKIKINIG NG 
"May Isang Sundalo" ULAT 
Limang Tulang Aktibista
Linggo 10
"Abong Pangarap" n.b.: Ika-3 papel ng mga 
Limang akda tungkol sa estudyante ang kanilang iniulat na 
pangingibang-bayan literatura
Introduksyon sa Nobela Takda: Panoorin ang sineng
Linggo 11 (Ilang sipi; panonood ng bidyo) "Dekada Sitenta"
Excerpt ng "Kuko ng Liwanag" BUOD, TANONG, PUNA
"Bata, Bata, Paano ka Ginawa" ni
Linggo 12
Lualhati Bautista
Linggo 13 "Bata, Bata, Paano ka Ginawa" BUOD, TANONG, PUNA
Patuloy na Talakayan
"Bata, Bata, Paano ka Ginawa"
Linggo 14 BUOD, TANONG, PUNA
Talakayan
Huling Araw ng Pagtuturo
Linggo 15 SABMISYON NG IKA-4 PAPEL tungkol sa 'BATA.."
Panonood ng "Bata, Bata, Paano ka Ginawa"

Sanggunian:

 Aguila, Reuel Molina, et al (Mga Editor). Kamao: Panitikan ng Protesta


1970-1986 (Tula), Cultural Center of the Philippines. 1987.
 Arrogante, Jose A. Panitikang Filipino: Antolohiya. Maynila: National
Bookstore. 1983
 Cruz, Isagani at Soledad Reyes. Ang Ating Panitikan. Maynila. Goodwill
Trading Company, Inc. 1984.
 Dela Rosa, JJ Alvarez at Roland Tolentino. Engkwentro: Kalipunan ng
mga Akda ng mga Kabataang Manunulat. Maynila: Kalikasan Press.
1990.
 Medina Jr., B.S. Tatlong Panahon ng Panitikan. Manila: National
Bookstore, 1972.
 Pineda, P., Gerturdes Pinada at Tomas Ongoco, Ang Panitikang
Pilipino sa Kaunlarang Bansa, Maynila: National Bookstore, 1979.
 Torres-Yu, Rosario. (Ed) Panitikan at Kritisismo, Bahagi I-III. Maynila:
National Bookstore, 1981.

TAGUBILIN PARA SA MGA PAPEL:

 Ipasa ang mga papel sa itinakdang petsa


 Isabmit nang nakamakinilya, dalawat patlang ang espasyo (double-
spaced), may titulo o pamagat, inayos nang mainam upang hindi
gaanong mali ang baybay o ispeling at nilagyan ng angkop na
sanggunian kung kailangan.
 Kung isinauli na ng guro ang papel para sa rebisyon, mangyaring gawin
agad ang koreksyon at ipasa agad.
 Kung inihahanda ang papel para sa publikasyon, mangyaring sumunod
sa mga deadline. Alamin ang mga deadline ng kahit anong dapat
ipasang papel.
 Hanggat posible iwasan ang paggamit ng Ingles. Kung hindi alam ang
ekwibalent sa Filipino ng nais ipahayag o sabihin, magtanong sa guro,
kaklase, kaibigan o kaya'y sumangguni sa diksyonaryo.
 Ipunin ang papel . Isama ang mga burador o draft at ipasa sa isang
portfolio sa huling araw ng klase.
MARKAHAN
(Kabuuan: 100%)

 Atendans at partisipasyon sa mga talakayan gayundin sa iba pang


gawing kultural 
ng Katipunan at ng Programang
Filipino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .40%
 Mga Papel (4 at iba pang buod) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. .40%
 Pag-uulat at Pagsusulit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . 20%
abloid, komiks, magasin, at kontemporaryong dagli bilang bahagi ng panitikang popular upang
maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin ang mga ito. Narito ang mga aralin na makatutulong
upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman na lilinangin sa araling ito. ARALIN 3.1:
Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang
Popular na Babasahin (Tekstuwal Analisis)  Pahayagan(tabloid)/broad sheet  Komiks  Magasin 
Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika  Pormal  Di-pormal  Balbal

III. Mga Inaasahang Kasanayan Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa
pagtalakay mo sa araling ito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto Kon temporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

Pakikinig Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong napakinggan (transkoding)   

dayagram grap grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto Pagsasalita


Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nailalahad nang maayos
ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Pag-unawa sa Binasa Nakikilala ang tono ng teksto sa
tulong ng mga tiyak na bahagi nito Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa:      


paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap
pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:  

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang


nakapaloob sa teksto Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng  paksa  tono  layon  estilo
at  gamit ng mga salita. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga

nangyayari sa:  sarili  pamilya  pamayanan  lipunan  daigdig Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at
mungkahi tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod:    

HIV and Drug Prevention Peace Education Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad Kaligtasan
ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino
Pagsulat Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam,
brainstorming, pananaliksik at panonood  Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan 
Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,
organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o impormasyong nagbibigay kredibilidad sa mga
kaisipan at opinyong ipinahahayag sa kaniyang lathalain Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba
ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nagagamit ang gramatika/retorika at
bokabularyong Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat

Pakikitungo sa Wika at Panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa


pag-aaral ng wika at panitikan Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may
kasiyahan at kasiglahan Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at
panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at
panitikan Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga

natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Estratehiya sa Pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang


maisaayos ang mga impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/pananaliksik
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik  Nalilikom ang mga
impormasyon sa tulong ng mga sanggunian sa aklatan/internet Panonood Nagpapamalas ng kakayahang
suriin ang teksto o diskursong napanood  Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood

IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong upang
maiplano mo ang iyong mga gawain: Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at
Panitikang Popular Panitikan: Mga Popular na Babasahin  Pahayagan (tabloid/ broad sheet)  Komiks 
Magasin  Kontemporaryong Dagli

Wika: Antas ng Wika   

Pormal Di-pormal Balbal

Produkto/Pagganap: Literary Folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng barangay. Maaaring


sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa mga babasahing popular
gaya ng tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli.

V. Panimulang Pagtataya Crossword Puzzle Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng
mga gabay sa pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Gabay sa Pagsagot 1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa) 2. Pahayagan ng masa.


(pahalang) 3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang) 4. Makulay na babasahin na
hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)

VI . Yugto ng Pagkatuto Alamin Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng


modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong
mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng
komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na
uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang
panitikang popular. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano naiiba ang
tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa
tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga
babasahing popular? Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga babasahing
popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa pamamagitan nito, nakatitiyak
akong maihahambing mo ang mga babasahing popular na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na
pinag-aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi ng araling ito.

GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo.
Pagkatapos, iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat
kahon. Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel.
Gayahin ang format

Pahayagan Broadsheet ___ Inquirer ___ Manila Bulletin ___ Philippine Star ___ Business Mirror ___
Manila Times Tabloid ___ Abante ___ Taliba ___ Pilipino Mirror ___ Pilipino Star Ngayon ___ Tempo

Komiks ___ Aliwan ___ Pantastik ___ Halakhak ___ Pugad Baboy ___ Super ___ Manhwa Korean
Comics ___ Archie ___ Marvel ___ Japanese Manga ___ Captain America

Magasin ___ Liwayway ___ Yes! ___ FHM ___ Candy ___ T3 ___ Men’s Health ___ Metro ___
Entrepreneur ___ Cosmopolitan ___ Good Housekeeping

Mga Aklat ___ Mga Aklat ni Bob Ong ___ Florante at Laura ___ Noli Me Tangere ___ Mga Aklat ni Eros
Atalia ___ AklatKalipunan ng mga Tula ___ Teksbuk ___ HorrorBooks ___ Antolohiya ng Maikling
Kuwento ___ Kalipunan ng Dagling Katha ___ Bibliya

RANGGONG AYOS Pahayagan (tabloid/ broad sheet) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli

LEYENDA 1 ------------------------------------- Pinakapopular sa akin 2 ------------------------------------- Popular sa


akin 3 ------------------------------------- Di-masyadong popular sa akin 4 ------------------------------------- Hindi
popular sa akin

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist,
nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng
pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito
saka mo dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon. Sa aling palagay, ang
kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay
____________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________ Sa aking palagay, ang
pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang
basahin ang panitikang popular dahil
_____________________________________________________________

Ngayo’y naunawaan ko na, ________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________ Nabago ang aking paniniwala sa
___________________ _____________________________________________________

Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng
isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang
ang pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong pag-unawa.

Paunlarin Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto
sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa.
Tutulungan kitang alamin kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular?
Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang
popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa!
Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga
tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid.
PAHAYAGAN (tabloid) Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa
pangaraw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay
nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng
print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring
isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid. Tabloid: Isang
Pagsusuri William Rodriguez II “Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.” Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa
dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa
radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,
hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito. Iba't iba ang
dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng
tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa
diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang
midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay
masyadong binibigyangdiin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized
journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa
itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita? Sa
kasalukuyan ay mayroong nagsi-circulate sa bansa.

humigit sa dalawampung national daily tabloid ang

GAWAIN 3.1.c: Listing Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet?
Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa artikulo. Isulat sa
papel ang sagot. Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag 1. 2. 3. 4. 5.

Mga Gabay na Tanong: 1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa
broadsheet? 2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit marami
pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?

Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing tabloid, dumako
naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang tulad mo – ang komiks. KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng
isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang
higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Kuwadro- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

Pamagat ng kuwento
Kahon ng SalaysayPinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo

Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento

Isinulat ni Carlo J. Caparas. Mula sa Komiklopedia.wordpress. com.

Lobo ng usapanPinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan
ng dibuhista.

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa
mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks
ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon. Ang pagiging malikhain ng
mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi
nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga
elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod
sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang
lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon
ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Mga larawan mula sa Philippine Online Chronicles

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks.
Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at
Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya. Makulay ang pinagdaanan ng
komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment
section nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks
noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal
ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at
itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho
sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex
Niño at iba pa. Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito
sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng
interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang
mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling
buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong
2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng
mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa Pilipinas nakilala
ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin
Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at
husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na
komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan,
Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba. Tunay na hanggang sa ngayon ay
popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA
KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto.
Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may
mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”
Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong daigdig
sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang
kasanayan sa larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.
GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na
salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang
kuwento.

Isang araw, ipinakita at ikinuwento ng lola ni Cyrus ang mga sumikat na komiks noon na siya ang isa sa
mga dibuhista nito.

Mga Gabay na Tanong:

…Wakas.

Mga Gabay na Tanong 1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? 2.

Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang kasalukuyang
kalagayan ng isang lipunan?

Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular na babasahin sa kasalukuyan –


ang magasin. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain
upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito.

MAGASIN Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito
ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago
ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago
pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang
inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa
lamang lalo na ang mga nobela. Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang
magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik
sa bansa. 1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at
puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. 2. Cosmopolitan – Magasing
pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan
tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan. 3. Good
Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay
tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga
nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa. 5.
Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang
nilalaman ng Metro. 6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. 7. Men’s Health
– Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-
ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito,
kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan. 8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga
gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may
mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget. 9. Entrepreneur – Magasin
para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. Magmula sa Liwayway hanggang sa


mga popular ngayong magasin.

GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa
mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitin mong gabay sa
pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gawin sa papel.
Pamagat:_______________________________________ Mga Natuklasan sa Naunang Binasang
Pananaliksik

Mga Natuklasan sa Isinagawang Pananaliksik

KONGKLUSYON ____________________________________________________________
____________________________________________________________ _
____________________________________________________________ ____ Mga Gabay na Tanong
____________________________________________________________ ____ 1. Ano ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa’t
____________________________________________________________ ____ isa?
____________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay, paano
nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ____ ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong
ginagalawan?

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga gawain. Ngayon naman, dumako na tayo
sa pinakatampok na popular na babasahin na ituturo sa iyo ng modyul na ito – ang kontemporaryong
dagli. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga tanong at gawain.

KONTEMPORARYONG DAGLI Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling


maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito
sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para
masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa
haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado
na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio
Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni
Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling
Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay E.
Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga
ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango
nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon
kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig. Nagkaroon lamang ng
linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong
sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat Ayon kay Aristotle Atienza,
malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog:
1903-1936” ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang
ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding
ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa
mananakop na Amerikano. Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa
harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok
na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon.
Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong
pangalan at katawagan—anekdota, sliceof-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng
ganitong uri ng kwento sa media).” ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't
ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa
man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong
pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong
lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga
Kwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala
ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia
kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa
lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong
Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang
Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng
malaking daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa
panitikan ng bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan,
pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles. Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni
Salvador R. Barros "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay
may malaking ipinagkakaiba.” "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.” "Ang
pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.” "At ang pumapasok sa dalawang
tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932) Sa pagdaan ng
panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni
Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay
pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga
Kuwentong Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at
karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi
ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa

Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng
Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging
bunga ng pag-uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr.
Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi,
ngunit hindi hihigit sa 150 salita. Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa
116 na salita. HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. (Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni
Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang
kabuuan ng dagling katha) Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan
naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na kinatatampukan ng kaniyang
100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang
isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala. Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia
mula sa pahayagang Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual
Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011.

SKYFAKES Eros Atalia (Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala ng Visual
Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)

Mga Gabay na Tanong/Gawain 1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon
kaugnay ng binasang teksto.

Mga Katangian ng Naunang Dagling Katha

Layunin ng Naunang mga Dagling Katha Mga Unang Katawaga n

KONTEMPORARYON G DAGLI Internasiyonal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli

Lokal na Pagaaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli

2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang nilalaman ng dalawang


Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel. HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr.

SKYFAKES EROS ATALIA


Paano Nagkakatulad? ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________ Paano Nagkaiba?
___________________________ ___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________ ___________________________

___________________________ ___________________________ ___________________________


___________________________ ___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________ ___________________________

3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa mga
nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr.

SKYFAKES EROS ATALIA

Kaisipan:

Kaisipan:

1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig:

1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig:

4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman, at tanong nasa
iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin. 3-2-1
CHART 3. Mga Natuklasan 2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman 1. Mga Katanungang Nasa Isipan
Hanggang sa Kasalukuyan

5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa sarili at
bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami. 1. Kongklusyon

2. Paniniwala

3. Pagbabago sa sarili

6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapunapuna sa paggamit nila
ng wika sa kanilang akda?

7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang gumamit
ng pormal, di- pormal at balbal na wika?
Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Upang lubos mong
maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang kaugnay na teksto (pabula) basahin at
suriin ang wikang ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa! GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala
(Pagbasa o Pakikinig) Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat. Ang
Talangkang Nakaharap Lumakad (pabula) Jayson Alvar Cruz

Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at ikinikilios ni Mokong Talangka. Hindi siya
palakibo at madalas na hindi nakikihalubilo sa iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang
siyang natatanawan sa kaniyang bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, isang
batang talangka ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa
maliit na butas sa dingding ng bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking
pagtataka ng batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si Mokong Talangka. Batid ng lahat
sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong Talangka. Ang pagtatakang ito ng batang
talangka ay napalitan ng pagkatulala at pagkagulat sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo nitong
sarili habang nakaharap sa salamin. At ang lalong ikinagimbal ng batang talangka ay nang makita nito
ang kakaibang paglakad ni Mokong Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi patagilid
kagaya ng ibang talangka sa kanilang baryo. Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay
matapos na ipagkalat ito ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na talangka sa
baryo.

Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa kakaibang paraan ng paglakad ni Mokong
Talangka. “Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga usapusapan dito sa ating
baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga aklat,” wika ng isa sa mga purok lider na nasa umpukan.
“Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng isa pang talangka. Laking gulat
ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng pinto si Mokong Talangka. Tila patungo ito sa
kanilang kinaroroonan. Nagulat ang karamihan nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong at
hindi patagilid. “Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga naroong lider talangka sa
kanilang baryo. “ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan namin?” Pagtataray ng
isang babaeng talangka. “Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa akin. Ako’y
walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na makapag-isa. Tama kayo.
Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang
mga letra sa aking mga naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito
maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking
mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng
paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong
maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na
mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni
Mokong Talangka.

Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa kanyang bahay. Nabuhayan na
lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong ang pinto ng bahay nito. “Hu, ang akala mo’y
kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. Siya lang ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok
lider na talangka. “At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang ginagawa. Walang
may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang,” inis na tinig ng isa pang purok lider
na talangka. Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng masasakit na
salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip bigla ni Mokong na paano naging lider ang
mga ito gayong walang kakayahang magisip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga
nasasakupan? Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng bahay ni
Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino ang kumalabit dito. Si
Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at
kahihiyan ng batang talangka. Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay. Namangha si Tikang
talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka. Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding
ng bahay. Patong-patong sa maliit na mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang
nakasubong papel sa makinilya ni Mokong talangka. “Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita
mong mga aklat. Ang maiibigan mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni
Mokong talangka. “Talaga po!” Ang bait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala kayong
kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko, huwag daw po kaming lalapit sa bahay
ninyo dahil nababaliw na po raw kayo.” Sunodsunod na nawika ni Tikang.

“Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama subalit paano ako
makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na makipag-
usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay ng
mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga pagbabago? Kabaliwan
daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa
anumang pagtitipon at pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga
aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang naiisip kong magiging solusyon sa
krisis at matagal na problema nating mga talangka sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong
talangka. “ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad?” paguusisa ni Tikang.
“Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko sa asal nating mga
talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may dumarating na
panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang talangka sa karaniwang
talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon
ay pinagaralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka. Gabi na
nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa ng kaniyang mga magulang. Nang
malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni
Tikang si Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang sinasabing nababaliw
na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at agad na pinulong ang ibang
kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong.

“Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. Tinuturuang magrebelde sa amin.
Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang. “Lumabas ka
Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang. Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga
talangkang nasa harap ng bahay ni Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan.
“Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw ng isang purok lider.
Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na talangka ay naiwan sapagkat
hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab
sapagkat napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa baryo
Talangkukay maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay naiba
ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama.
Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang umiiyak.
Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong nang makita
niya si Tikang gayundin naman ang batang talangka. “Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit
paharap ang paraan ng paglalakad ninyo”, nawika ni Tikang. “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng
bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na
walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka.

GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik

Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod


na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Ang Katibayan ng Pagpapahalaga Inihahandog para sa akdang Ang Talangkang Nakaharap Lumakad

(pabula) Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________


______________________________________________________. Nagkaroon ng pitak sa aming puso
ang maiiwan nitong kaisipan na ______________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Mga Gabay na Tanong 1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. 2. Naging mabisa ba ang paggamit
ng wika ng manunulat upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. 3.
Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Alam mo ba… Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4. Teknikal
at 5. Masining Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antas ng
wika. ANTAS NG WIKA

Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang
antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal
naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal. Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di
pormal at ang Balbal 1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat,
mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo,
eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-
araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang
gramatikal. 2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo
nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at
ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin,
dawraw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang
sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang dipormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa
pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha
o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y
hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.

Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin.

Pagnilayan at Unawain Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagang konseptong nais kong
maunawaan mo sa tulong ng mga tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang
ipinamamalas na sipag at tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito. Nakatitiyak ako na alam mo
na kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon

ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit


kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga. GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat
Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t ibang uri ng babasahin mula sa
diyalogo gamit ang malikhain at mapanagutang gamit ng wika (pormal). ISANG GABI SA PILING NG
MAYNILA Jayson Alvar Cruz Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan
ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang
nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa
Maynila si Boyet. Sinundo siya sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang
tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus. BOYET: “Ganito ba
karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat.” TIYO: “Masanay ka na Boyet.
Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo
umuwi ng bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga
kabataan. BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!” BINATILYO 2: “Nagsolo ka
naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, nakajam
ako kahit konti.” BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh.”
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang naglalakad na
estudyante. Maya-maya’y

biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng dalagitang estudyante.
Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin. TIYO: “Huwag kang
makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila.” BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng
saklolo ang babae. Kailangan niya tayo. TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.” Nagpatuloy sila
sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga
mukha nito. BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.” TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal
ko lamang ang pamangkin ko.” BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng
kanilang pananamit?” TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa
ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga
nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na
nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang
binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang
lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis.
Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng
kaniyang tiyuhin.

Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag
ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet. BOYET:
Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik sa probinsiya? Wala ba
kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko? TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit
naririto ang trabaho ko, wala akong magawa Boyet, wala.

Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang nauunawaan mo na ang mahahalagang


konsepto sa araling ito. Gaya ng ating napag-usapan sa unahang bahagi subukin mong humalaw ng iba’t
ibang akda gamit ang malikhain at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo
batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba: Maaari kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito. BALITA

Artikulo (Sanaysay)

KOMIKS

DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita)

BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa bahaging Pagnilayan at Unawain ng
araling ito. Mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga babasahing popular sa kasalukuyan.
Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa
pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na
naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong
balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak
mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo. GAWAIN 3.1.b: Kahon ng
Hinuha

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong
hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi
tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas
ng kahon. Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay
________________________________________________
__________________________________________________________ Sa aking palagay, ang
pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng
__________________________________________________________
__________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang
basahin ang panitikang popular dahil
__________________________________________________________

Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________ Nabago ang aking paniniwala sa
_________________________ _____________________________________________________

Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan
at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makabuo
ka ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Bago iyan,
nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang
Produkto – ang paggawa ng literary folio. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG
LITERARY FOLIO Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo ng
isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat
isaalang- alang sa paggawa nito. 1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng
inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng pabalat ng aklat at
kinakailangang mga larawan.

Halimbawa:

Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales Lungsod ng Mandaluyong KALSADA-PASADA (Mga Akdang


Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyong literary folio. 3.


Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang pampanitikan
na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng
mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan. 4. At ang pinakatampok
sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa
inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng literary folio Nakatitiyak ako na
magiging matagumpay ang iyong gagawing produkto.

Ilipat Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa
tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa mahahalagang
konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na
pamantayan. Mga Pamantayan A. Malikhain B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga

1
pangungusap) C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan) D. Pormal at responsable ang
gamit ng wika E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas)

LEYENDA 20 – 25………………………………………………... 15 – 20
………………………………………………. 10 – 15 ………………………………………………. 5 – 10
………………………………………………. 0 – 5 ………………………………………………..

Napakahusay Mahusay Katamtamang Husay Hindi mahusay Nangangailangan ng rebisyon

Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa Aralin 1 ng modyul na ito! Sa
pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon ka na ng mas malalim na pag-unawa
sa ilang kontemporaryong uri ng panitikan. Natuklasan mo na ba kung ano ang pinagkaiba ng tradisyunal
na uri ng panitikan sa kontemporaryong anyo nito? Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga
natutuhan?

VI. Pangwakas na Pagtataya Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong
sagutang papel. ___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. ___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000
hanggang 2,000 libong salita. ___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-
sunod

na mga nobela. ___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-arawaraw na
usapan. ___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago
ang anyo upang maiakma sa paggamit.

Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast media. Aalamin natin kung ano
ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong
ang ating napakikinggan at napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa
mahahalagang kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang
Pagtataya para sa Aralin 3.2. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.

Ang tradisyunal na panitikan ay madaling makikita sa lipunan ng Pilipinas. Abg gusto ng masa ay
mga programa na nakaaaliw o kaya naman ay nakapabibigay-pag-asa. Isang halimbawa nito ay ang
mga “soap opera” o mas kilala ngayon sa katawagang “telenovela”. Kadalasan itong pinapanood ng
mga tao sapagkat gusto nilang maaliw at makasubaybay sa mga programang ito. Katulad nito ay ang
“telenovela” na “Walang Hanggan” ng ABS-CBN ngayon.
Ang “telenovelang” ito ay ipinapakita ang nakasanayan na nating mabuti laban sa masama kaya
naman ito nagging tradisyunal (“Good vs. Evil”). Ang bida sa palabas (Coco Martin, Dawn Zulueta)
ay mayroong mga hinaharap na mga kontrabida (Madam Margaret, Miguel) at alam naman natin na
sa huli ay palaging ang mabuti ang nagwawagi. Kahit di pa nagtatapos ang programa ay alam na
natin na ganito ang mangyayari dahil nga sa gawi ng mga ganitong uri ng programa na magtapos ng
masaya at positibo.

Ngunit ang kulturang popular ng Pilipinas ay kakikitaan din ng Modernismo. Kadalasan ay nakikita
ito sa mga “indie films” na nagpapakita ng totoong kalagayan ng ating lipunan. Realidad ang
ginagawang pundasyon, kuwento, at istruktura ng mga ganitong palabas. Hindi naman ibig sabihin
nito na ang mga “indie films” ay mga totoong kuwento bagkus ay ipinapahayag lamang ng mga ito
ang isang aspeto ng realidad ng ating lipunan. Halimbawa nito ay ang “indie film” na “Kinatay” na
pinagbidahan ni Coco Martin. Ito ay nagpapakita ng korapsyon n gating pulisya na totoo nga naming
nangyayari sa ating lipunan. Ipinasisilip nito sa atin at ipinababatid ang mga nangyayari sa ating
ginagalawang komunidad.

Ang tradisyunal at modernong panitikan ay naglipana sa ating kulturang popular. Madami ang
tumatangkilik sa tradisyunal kaysa sa moderno sa ating lipunan. Ngunit, tayo pa din ang
magpapasya kung ano ang mas makabuluhan para sa atin. Kahit na parehong importante sa atin ang
dalawang uring ito, hindi pa rin nating maiiwasan na medyo humilig sa isa. Kahit ano pa man ang
ating mapili, hindi natin maikakaila na patuloy pa ring hinuhubog ng mga ito ang ating pagka-
Pilipino.

You might also like