Pandaigdigang Ekonomiya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

ANG PANDAIGDIGANG

EKONOMIYA

RUSSEL PHILIP B. NUESTRO


INSTRUCTOR
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
DEPARTMENT OF SOCIAL SCIENCES AND HUMANITIES
CAVITE STATE UNIVERSITY – MAIN CAMPUS
OUTLINE
• PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
PANIMULA

• ANG KABULUHAN NG ESTADO

• TAGAPAGSULONG NG
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA

• BRETTON WOODS SYSTEM

• MULTILATERALISM: GATT AT WTO


PANDAIGDIGANG EKONOMIYA
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
PANIMULA
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA
Isang proseso na dulot ng pagbabago ng mga tao
at ng prosesong teknolohikal na nagbubunga ng
mataas na bilang ng pagu-ugnayan o pagsasama-
sama ng ekonomiya sa buong mundo sa
pamamagitan ng pagkilos o paggalaw ng mga
produkto, serbisyo at puhunan papunta sa iba’t-
ibang hangganan ng mundo.

(International Monetary Fund, 2008)

Ang pangyayari ay maaring magkaroon ng


magkakaugnay na sakop, tulad ng globalisasyon
ng:

1. Kalakalan ng mga produkto at serbisyo,


2. Pamilihan ng pananalapi at puhunan,
3. Teknolohiya at talastasan; at
4. Produksyon o paggawa
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
ANG KABULUHAN NG ESTADO
● Ayon kay Szentes (2003, p. 69), kung ekonomiya
ang pag-uusapan, ang globalisasyon ay ang
proseso kung saan ang pandaigdigang kalakalan
ay nagiging bahagi ng isang “organikong
(pangkabuuang) Sistema” sa pamamagitan ng
paghahatid ng pandaigdigang prosesong pang-
ekonomiya at pang-ekonomiyang pakikipag-
ugnayan sa mas maraming bansa na nagpapalalim
ng kanilang pagtutulungan.

● Para kay Ohmae (1995), sa pagsisimula ng


pandaigdigang integrasyon ng ekonomiya, lumiit
na ang appel ng estado/bansa bilang
pangunahing organisadong instrument ng
kalakalan.

● Wala na ang dating pambansang kalakalan o


teknolohiya, pambansang korporasyon, at
industriya. Lahat ng mga ito ay nagiging
pandaigdigan at wala ng kinikilalang hangganan
(Reich, 1991, p. 3)
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
ANG KABULUHAN NG ESTADO

● Sang-ayon ang katulad nina Boyer at at Drache


(1996, p. 1) na nagging sanhi ang globalisasyon ng
pagbabago ng depinisyon sa papel na
ginagampanan ng estado bilang epektibong
tagapamahala ng pambansang ekonomiya,
naniniwala pa rin sila na ang mga indibidwal na
bansa ay nananatiling ligtas na kanlungan ng
bawat isa sa masamang epekto ng malayang
pandaigdigang kalakalan.
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
TAGAPGSULONG NG PANDAIGDIGANG
EKONOMIYA
● Nakakabit na sa pampolitika at pangkulturang
globalisasyon ang United Nations (UN) at mga
pribadong sector bilang pangunahing mga actor

● Matatawag na pangunahing tagaganap din ang


malalaking pandaigdigang korporasyon

Tinatawag itong mga transnational corporations


(TNCs), international corporations (IC’s), o
multinational corporations (MCs)

“Sila ang mga pangunahing tagapagsulong ng


globalisasyong pang-ekonomiya sa loob ng
nakalipas na isang siglo at bumubuo ng humigit-
kumulang sa dalawang-katlo ng lahat ng mga
palabas na produkto o kalakalan ng bansa (Gereffi,
2001)
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
INTERNATIONAL MONETARY SYSTEM

INTERNATIONAL MONETARY SYSTEM


Tinatawag ding Regime, ay tumutukoy sa mga
panuntunan, buwis na ibinabayad sa mga
inaangkat na produkto, mga instrument, pasiilidad
at mga organisasyong ginagamit sa mga bayaring
internasyonal (Salvatore, 2007, p. 764)

Ang pangunahing gawain nito na pagaanin ang


tawid-hanggang Negosyo, cross-border transaction,
lalo na sa pangangalakal at pamumuhunan.
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
BRETTON WOODS SYSTEM

BRETTON WOODS SYSTEM

- Ito ay ibinatay sa balangkas ng United Nations


Monetary and Financial Conference na ginanap
sa Bretton Woods, New Hampshire sa United
States noong 1944
- 44 na bansa ang nagkaisa na ipatupad ang
bagong Sistema sa pagtatakda na tinatawag na
gold-exchange standard
- Ang mga delegado ay nagkasundo rin na
magtatag ng dalawang pandaigdigang
institusyon;

- International Banks for Reconstruction and


Development (IBRD)
- International Monetary Fund (IMF)
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
GATT AT WTO
GENERAL AGREEMENTS ON TARIFFS AND TRADE
(GATT)

- Sa pagbagsak ng industriya ng pagawaan ng


Europe at Japan, tumaas ang pandaigdigang
papel ng United States
- 1950, 60% ng pandaigdigang kalahatan ay
nagmula sa United States kung saan ikatlo ng
dami ng pandaigdigang kalahatan ng inululuwas
na kalakal ay galling din sa kanila (Branson, et al.,
1980)
- Sa orihinal na plano, nakatakda na ang
pandaigdigang rehimen ng kalakalan ay
patatakbuhin ng International Trade Organization
(ITO)
- Ang IMF, ITO, at IBRD ay ang tatlong bahagi ng
Bretton Woods System
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
GATT AT WTO
GENERAL AGREEMENTS ON TARIFFS AND TRADE
(GATT)

- Nagkaisa ang mga bansang nagsusulong ng


mababang taripa sa mga produkto na pag-
ugnayin ang kanilang mga hakbang sa ilalim ng
General Agreements on Tariffs and Trade.
- Ginamit ng GATT ang kaniyang impluwensya na
maisulong ang kanyang adhikain sa pamamagitan
ng sunod-sunod na multilateral trade negotiations o
rounds na pangunahing nakapokus sa
pagpapababa ng buwis sa mga iniluluwas na
produkto sa mga kasaping bansa
PANDAIGDIGANG EKONOMIYA |
GATT AT WTO

WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO)


- Makalipas ang halos 50 taon, mula sa Uruguay
Rounds, nagkabuhay ang tinatawag ng marami
na “tunay na pandaigdigang institusyon ng
kalakalan.”
- Inilunsad noong Enero 1, 1995
- Nagsilbi itong opisyal na hantungan ng pagu-
usap pangnegosyo
- Ang GATT-WTO ay binubuo ng mauunlad na
bansa sa pangunguna ng United States at mga
kaalyado nito
Ano ang opinion ukol sa
Globalisasyon?
Thank you!
Arigatou Gozaimasu!
Khaawp Khun Krap!
Maraming Salamat!
Gamsahabnida!

You might also like