Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Division of Baybay City

Baybay 9 District
Villa Elementary School

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4


Pamantayan sa Pagkatuto
Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na
sitwasyon:
8.1. oras ng pamamahinga
8.2. kapag may nag-aaral
8.3. kapag mayroong maysakit
8.4. pakikinig kapag may nagsasalita/ nagpapaLiwanag
I. Layunin:
a. Natutukoy ang paggalang sa iba sa mga sumusunod na

sitwasyon tulad ng oras ng pamamahinga, kapag may nag-aaral

kapag mayroong maysakit at pakikinig kapag may nagsasalita/

nagpapaliwanag.

CSE: A2a2. Show respect for different people’s values on sexuality


and reproduction

II. Paksa:
Pagpapakita ng paggalang sa iba sa ibat-ibang sitwasyon
III. Kagamitan:
A. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide pp. 75
Code: EsP4P-IIf-i– 21
B. Iba pang Kagamitan: mga larawan, tsart, powerpoint, manila paper, pentel pen

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Division of Baybay City
Baybay 9 District
Villa Elementary School

Magpakita ng mga larawan ng kasama sa bahay na nagpapahinga,


kapatid na nag-aaral, taong may sakit at taong nagsasalita sa harapan.

2. Balik-aral
Paano mo maisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa mga
nangangailangan at panahon ng kalamidad?

3. Pagganyak

Basahing mabuti ang kuwento.


Division of Baybay City
Baybay 9 District
Villa Elementary School

B. Pagmomodelo/Pagtatalakay

Tatalakayin ng guro ang kwento sa pamamagitan ng pagtatanong na


nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na
sitwasyon:
8.1. oras ng pamamahinga
8.2. kapag may nag-aaral
8.3. kapag mayroong maysakit
8.4. pakikinig kapag may nagsasalita/ nagpapaLiwanag
Panuto: Sagutin ang sumusunod batay sa kuwento. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Paano ipinakita nina Antonio at Dennis ang kanilang
pagmamalasakit kay lola Mameng?

2. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng magkaibigang Antonio at


Dennis? Pangatwiran.

3. Bakit kailangang igalang ang mga taong:


a. nagpapahinga
b. may sakit
c. nag-aaral
d. pakikinig kapag may nagsasalita o nagpapaliwana

C. Ginabayang Pagsasanay
Papangkatin ang klase sa tatlong grupo:
Pangkat 1: Natutukoy ang paggalang sa iba sa mga sumusunod na
sitwasyon tulad ng oras ng pamamahinga o kung maysakit sa pamilya
sa pamamagitan ng isang maikling drama.
Division of Baybay City
Baybay 9 District
Villa Elementary School

Pangkat 2: Pagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon kapag


may nag-aaral sa pamamagitan ng isang mailking talk show.

Pangkat 3: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon


tulad ng pakikinig kapag may nagsasalita/ nagpapaliwanag sa pamamagitan ng isang dula-
dulaan.
Division of Baybay City
Baybay 9 District
Villa Elementary School

 Malayang Pagsasanay

Ipasa-pasa ang papel na bola na may mga katanungan. Ang batang huling
makahawak nito pagkatapos ng tugtog ang siyang sasagot.

D. Paglalapat

Panuto: Isulat ang TAMA sa nakalaang ispayo kung ito ay nagpapkita ng


paggalang sa pamamahinga at MALI naman kung ito ay hindi nagpapakita ng
paggalang.

______ 1. Nererespito ang taong may sakit.

______ 2. Malakas na pinapatugtog ang paboritong musika.

______ 3. Tahimik na naglalaro kapag may nagpapahinga.

______ 4. Kapag may tumatawag sa telepono ng magulang, hindi ito


dinidisturbo upang sagutin ang telepono.

______ 5. Kinukwentuhan ng masasayang kaganapan ang maysakit para


hindi ito mabagot.

E. Paglalahat
1. Paano mo maipapakita ang paggalang sa iyong kapwa?
2. Bakit kailangan nating igalang ang ating kasama sa bahay lalo
na ang mga taong may sakit at namamahinga?
3. Mahalaga bang tayo ay makikinig sa mga taong nagsasalita?
Babasahin ng mga bata ang talata:
Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito
ay isang hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag
iginagalang ng lahat ang kaniyang kapuwa tiyak walang magkakagalit dahil
nirerespeto ang karapatang pantao. Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga
(Right to Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO- Article 24)
Division of Baybay City
Baybay 9 District
Villa Elementary School

Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay


napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring
gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang naipakikita sa salita kundi
pati sa kilos at gawa.
Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng
tahimik na paligid. Kaya ang iyong mga kilos ay kinakailangang maayos at
marahan.
Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating kapuwa.
Igalang natin ang kanilang pamamahinga?

F. Pagtataya
Panuto: Ipakita ang paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon
tulad ng oras ng pamamahinga, kapag may nag-aaral kapag mayroong maysakit
at pakikinig kapag may nagsasalita/ nagpapaLiwanag, isulat sa patlang ang
salitang Wasto kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa iba’t-ibang
sitwasyon at Di-Wasto kung hindi.
_____1. Ipinapanalangin ng taimtim ang taong maysakit.
_____2. Dahan-dahan at maingat na isinasara ang pinto ng silid-
tulugan kapag may natutulog.
_____3. Ipinapapaliban muna ang paglalaro kapag may
nagpapahinga.
_____4. Hinihinaan ang volume ng telebisyon dahil natutulog pa
ang nakababatang kapatid.
_____5. Hindi ginagambala ang kapuwa batang nag-aaral.
_____6. Nakikipaghabulan sa kamag-aral habang nagbibigay ng
mensahe ang panauhing pandangal.
_____7. Tahimik na nakikinig sa guro sa oras ng talakayan.
_____8. Pasigaw na tinatawag ang kapatid kahit may
nagpapahinga sa silid-tulugan.
_____9. Kinukuha nang walang paalam at pinaglalaruan ang
kwaderno ng kamag-aral.
____10. Ginigising ang magulang na nagpapahinga upang
sagutin ang tawag sa telepono.
G. Gawaing Bahay/Kasunduan: Piliin at punan ang patlang ng tamang sagot mula
sa kahon kung paano naipapakita ang paggalang sa iba sa iba’t- ibang sitwasyon.
Division of Baybay City
Baybay 9 District
Villa Elementary School

V. Pagninilay:
________no. of learners who earned 80% above
________no. of learners who require additional activities for remediation.

Prepared by:

MARY JOAN L. LOREJAS


T-II
Observed and Checked by:
ROGELIO B. CAGOL
School Head

ROSA MARIA D. CAGABHION


MT-I

You might also like