Pagtuturo Sa Makrong Kasanayan 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Fil 115 - Pagtuturo at Pagtataya ng

Makrong Kasanayang Pangwika

JOSE SANDY C. ZARAGOSA


Course Facilitator

1
Modyul sa Fil 115
Pamagat ng Kurso: Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayang
Pangwika
Bilang ng Kurso: Fill 115
Diskripsiyon ng Kurso: Tumatalakay sa mga teorya, simulain, mga metodo,
ng pagtuturo at mga uri/pamaraan sa pagtataya ng mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood na gumagamit ng iba’t
ibang uri ng diskors at gawain.
Kabuuang Bilang ng Oras ng Pagkatuto: 2 Linggo
Paunang Kurso(kung mayroon): Wala
Pangkalahatang Nilalaman: Ang modyul na ito ay tumatalakay sa isa sa
limang makrong kasanayan, ang pakikinig. Saklaw nito ang mga
mahahalagang konseptong kaugnay ng pakikinig at ganoon rin ang iba’t
ibang mungkahing pamamaraan sa pagtuturo nito.
Inaasahang Bungan g Pagkatuto:
1. Natutukoy ang iba’t ibang teorya at pamamaraan sa pagtuturo ng
makrong kasanayan.
2. Napapaliwanag ang kahalagahan sa pagpapaiunlad ng mga makrong
kasanayang
pangwika.
3. Nakabubuo ng pagtataya sa iba’t ibang makrong kasanayang
pangwika.
4. Nakapaglalapat ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo batay sa
isang tiyak na diskors o
paksa.

Paksang Nilalaman:
1. Ang Pakikinig
2. Ang Pagsasalita

2
Talakayan:
ANG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay aktibong pagtanggap at pag-unawa ng mensahe. Ito rin ay
pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng
mensahe. Ayon kay Rivers (1981), sa karaniwang pakikipagtalastasan sa araw-
araw, doble ang pagggamit natin sa pakikinig kung ihahambing sa pagsasalita
at apat hanggang limang ulit na ginagamit sa pagbabasa at pagsulat.
Proseso ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang napakakomplikadong proseso na nag-uugnay sa
sistemang apektibo at kognitibo at sa pag-uugali at nakagawianng tagapakinig.
Sa proseso rin ng pakikinig nakapaloob ang kasanayan sa wika mula sa
istrukrura nito hanggang sa palatunugan (Lundsteen 1971), (Barker 1981),
(Ruddell 1976).
1. Pangtanggap ng Mensahe – naayon ang pagkatuto sa pamamagitan ng
kasanayan sa pakikinig. Ang pagtatagumpay sa pagtatamo ng
karunungan ay nakabatay sa paraan ng pagtanggap ng mensahe ng
nakikinig. Ang pagtanggap ng mensahe ay mahalaga dahil nakasalalay
rito ang pagbibigay ng reaksiyon o tugon.
2. Pagpokus ng atensiyon sa tinanggap na mensahe – may mga
pagkakataong naririnig natin ang mensaheng ipinapadala n gating
kausap o ng isang nagsasalita subalit hindi nating napag-uukulan ng
pansin amg mahahalagang detalye na kanyang sinasabi. Mahalagang
unawain ang sinasabi ng isang tao para magkaroon ng
pagkakaintindihan.
3. Pagpapakahulugan – tumtutukoy ito sa pagbibigay ng interpretasyon o
kahulugan sa mga tunog na naririnig na maaaring positibo o negatibo.
Ang pagbibigay ng kahulugan ay deoende sa paraan ng pagkakasabi o
paghahatid ng mensahe sa mga tagapakinig.
4. Pagtanda sa narinig – kailangang pakinggang mabuti ang lahat ng
sinsabi ng tagapagsalita para maunawaan at matandaan ang nilalaman ng
mensahe.
5. Pagtugon – sa bahaging ito ay nagkakaroon nan g pagtugon o reaksiyon
ang tagapakinig sa tagapagsalita na maaaring paglilinaw sa nilalaman ng
mensahe na hindi gaanong naunawaan ng tagapakinig. Dito masusubok
kung naging matagumpay ang paghahatid ng mensahe.

3
Mga Antas ng Pakikinig
1. Appreciative na Pakikinig – ito ay uri ng pakikinig upang maaliw.
Halimbawa ay pakikinig sa drama sa radio, musika, tula, konsyerto at
iba pa.
2. Pakikinig na Dirskriminatori – kritikal na pakikinig ito. Pakikinig ito up
ang makilala ang kaibhan o katangian ng tunog, inuunawa at inaalala ng
tagapakinig ang imporamsyong kanyang napakinggan.
3. Pakikinig na Terapyutik – pakikinig upang mabigyan ang isang tao ng
kapanatagan ng kalooban/sarili.
4. Komprehensibong Pakikinig – pakikinig upang maunawaan ang
mensahe.
5. Implayd na Pakikinig – nakikinig upang matuklasan ang nakatagaong
mensahe sa likod ng mga salitang naririnig.
6. Internal na Pakikinig – pakikinig sa sarili. Inuunawa ng isang
tagapakinig ang mga pribadong kaisipan at katanungan.
Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
1. Edad o Gulang – ayon kay Wenger (1968) malaki ang kaugnayan ng
pakikinig sa edad lalo na sa anumang pagsusulit na ibinibigay sa bawat
bata o matanda na may kaugnayan sa komprehensibong pakikinig.
2. Kasarian – sinasabi ng iilan na mas mahaba ang pasensiya sa pakikinig
ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Nagkakaiba rin sila sa paksa na nais
pakinggan.
3. Oras – malaki ang ipluwensiya ng oras sa pakikinig. Halimbawa, ang
mga mag-aaral na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig
kaysa sa mga mag-aaral na panghapon.
4. Tsanel – tumutukoy sa midyum o instrument sa paghahatid ng mensahe
gaya ng paggamit ng telepono, cellphone, mikropono at iba pa. Ang mga
bagay na ito ay nakaiimpluwensiya rin sa pakikinig.
5. Kultura – nagkakaiba-iba ang kultura ng mga tao kaya nagkakaiba rin
sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga tunog na naririnig. Halimbawa,
sa panayam ay malayang magtanong at sumalungat ang isang
kanluraning tagapakinig at nagbibigay ng kanyang pananaw habang
nagsasalita ang tagapanayam. Sa kabilang dako, tahimik at mataimtim
na nakikinig ang mga Asyano habang nagsasalita ang tagapanayam at
saka pa lamang sila magtatanong kapag tapos na ito sa pagsasalita.
6. Konsepto sa Sarili – nakaiimplluwensiya rin sa pakikinig ang
paniniwala o konsepto sa sarili ng tao sa kanyang sarili. Halimbawa, ang

4
tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari niyang magamit
pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.

Mga Uri ng Tagapakinig


Ang mga tagapakinig ay nauuri ayon sa kanilang mga reaksyon habang
nakikinig. Aplikabol ang karamihan sa mga uring ito sa mga formal na
kaligirang pangklasrum.
1. Two-eared Listener – ang pinakamagaling at epektibong tagapakinig.
Ginagamit niya ang kanyang tainga at isip.
2. Eager Beaver – ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari. Ngiti nang
ngiti o kaya’y tango nang tango habang ,may nagsasalita sa harapan.
Makikita s kanyang mga mata ang kawalan ng pokus kaya isang
malaking tanong kung naiintindihan ba niya ang kanyang naririnig.
3. Bewildered – wala siyang alam o malay sa paksang naririnig.
Masasapantaha ito sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at
anyong pagtataka sa kanyang mukha.
4. Busy Bee – isang kaptiv na tagapakinig. Hindi nakikinig ngunit hindi
makaalis lalo na kung nasa loob ng klasrum. Abala sa ibang gawaing
gaya ng pagsulat, pagdodrowing, pagme-make-up at iba pang
gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
5. Sleeper – tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
Ipinipikit ang mga mata at unti-unting inihihilig ang ulo hanggang sa
makatulog.
6. Frowner – siya ang tagapakinig na wari ba’y laging nagdududa at
may katanungan sa bawat naririnig. Gusting magpaimpres lamang.
7. Tiger – laging naghihintay ng kamalian o maling sasabihin ng
tagapagsalita. Para siyang tigre kung sumugod at managapang kung
nagkakamali ang ispiker.

Mga Sagabal sa Pakikinig


1. Mga Suliraning Eksternal – ang mga problema sa pasilidad tulad
ng suruting upuan, mainit o malamig na tyemperatura sa silid ay
maikatetegorya sa ilalim ng uring ito. Ganoon din ang mga
distraksiyong awral tulad ng malakas na usapan, kalabog ng mga
upuan, tunog ng bell at iba pa.
2. Mga Suliraning Mental – pre-okupasyon o pag-iisip ng mga
suliranin, pangangarap ng gising, pananakit ng ulo at higit sa lahat
kakulangan ng pag-iisip ay iilan sa mga halimbawa ng uring ito.

5
Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
Ilan sa mga pamamaraan upang ang kasanayan sa pakikinig ay lubusang
malinang sa mga estudyante.
1. Pagbibigay-pansin sa diin ng pagsasalita ng tagapakinig – binibigyang-
diin at linaw ng tagapagsalita ang mga salitang importante nang sa gayon,
madaling maunawaan ng mga tagapakinig.
2. Pagbibigay ng pansin sa marker – ang mga marker ay maaring salita,
parirala o tanong na naghuhudyat ng kasunod na detalyeng tatalakayin ng
tagapagsalita.
Mga halimbawa:
Okay, ngayon – pagpapahayag ng bagong ideya.
Una, tulad, at huli – pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng ideya.
Ibig sabihin, sa madaling salita - para sa pagpapaliwanag
3. Ang pinakamahalagang ideya ay gustong bigyan ng pansin
Mga Halimbawa:
Tandaan ninyo – para sa importanteng detalye
Samakatwid, ang kinalabasan, bilang kongklusyon – pagpapahayag ng
resulta
Tulad ng, halimbawa, gaya ng – pagbibigay ng halimbawa
Ngunit, datapwat, gaya ng – pagbibigay ng halimbawa
Sa wakas, bilang kongklusyon, sa kabuuan – paglalagom
4. Pagbibigay-pansin sa mga clue – pansinin ang mga clue na ibinibigay ng
tagapagsalita tulad ng: Sino ang nagsabi, pagbabago ng tono ng
tagapagsalita at lugar na narinig mo ang salitang ito.
5. Pagtatala – kailangang isulat ang mga mahahalagang impormasyong
napakinggan.

ANG PAGTUTURO NG PAKIKINIG

Masalimuot at interaktibong proseso ang pakikinig. Ayon kina Wolvin at


Coakley (Tompkins, 1989), tatlo ang hakbang sa proseo ng pakikinig: 1.
Pagtanggap 2. Pagbibigay atensyon 3. Pagbibigay-kahulugan.
Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Pakikinig
Tatlong uri ng pakikinig ang mahalaga sa akademik na kapaligiran:
komprehensiv o maunawang pakikinig, kritikal na pakikinig sa mga tekstong
persweysiv at Mapagpahalagang pakikinig sa panitikan.

6
Istratejik na Pagdulog para sa Komprehensiv na Pakikinig
Nasa ibaba ang tsart ng anim na istratehiyang magagamit sa komprehensiv na
pakikinig. (Morrow,1993)
Istratehiya Gawaing Pang- Gawaing
elementarya Pangsekundarya
Paglikha ng Imahe Guguhit ang mag-aaral Gagawa ng simbolong
ng paglalarawan ng representasyon o
kapares niya sa dyad larawan ng
pangkalahatang
senaryo na ugnay sa
narinig na balita o
drama
Pagkakategorya Bubuo ng pangkat ang Itatala ng bawat mag-
mga mag-aaral at aaral ang impormasyon
ikakategorya ang mga at kakategorya sa
maririnig na grapikong pantulong
impormasyon
Pagtatanong Pagtatanong hinggil sa Pagtatanong sa sarili
di malinaw na upang imonitor ang
impormasyon sariling pag-unawa
Pag-oorganisa Pakikinig sa mensaheng Pakikinig sa aktwal na
nakateyp at pag-aayos demonstrasyon sa
ng tekstong paraan ng paggawa at
napakinggan ayon sa pag-oorganisa ng
ibinigay na mahahalagang kaisipan.
palatandaan; mga
salitang naghuhudyat
ng pagkakasunod-suno,
sanhi at bunga at
paghahambing
Pagkuha ng Tala Pagtatala ng Pagtatala ng
mahahalagang detalye mahahalagang detalye
sa balitang binasa ng sa aktwal na panayam
guro o kamag-aral
Pagbibigay-pansin Pagtatala ng biswal at Pagpapakahulugan sa
berbal na hudyat mula itinalang biswal at
sa tagapagsalita berbal na hudyat mula
sa tagapagsalita.

Narito ang mga Hakbang na Maaaring Gawin sa Istratejik na Pakikinig:


1. Ipaliwanag kung paano ginagamit ang istratehiya
2. Ipakita kung paano ito isagawa
3. Ipamodelo ang istratehiysa sa isang mag-aaral
7
4. Hayaang ipaliwanag ng mag-aaral kung paano isinasagawa ang
istratehiya
5. Gumamit ng iba’t ibang istratejik na gawain sa pakikinig
6. Ipalapat ang istratehiya sa iba’t ibang uri ng tekstong pakikinggan

Pinatnubayang Pakikinig para sa Elementarya at Sekundarya


Tatlo ang hakbang para sa estratehiya na ito: bago making, Habang
nakikinig, at Pagkatapos making. Bibigyan mo muna ng batayang
impormasyon sa gawain ang mga mag-aaral, hahawanin ang mga balakid
at ipaliliwanag ang layunin sa pakikinig. Sa pangalawang hakbang,
magsasagawa ng aktwal na pakikinig ang mga mag-aaral kung saan
magsasagawa ng pagsagot sa mga patnubay na tanong, pagtukoy sa
maling impormasyon, pagsusuri ng berbal na pahiwatig, atbp. Sa
pangatlong hakbang, magsasagawa ng mga gawaing panlapat ang guro
upang mataya kung naisagawa ng mga mag-aaral ang kasanayang
nililinang sa kanila bilang tagapakinig.

Kritikal o Mapanuring Pakikinig


Sa elementarya, masisimulan na ang mapanuring pagtanggap sa
napakinggang komersyal. Sa sekundarya naman ay masusuri na ang
gamit ng lenggwaheng persweysiv lalo na sa mga tekstong
pampropaganda o panghikayat.
Elementarya Sekundarya
Pakikinig sa komersyal upang Pakikinig sa mga tekstong
suriin ang: propaganda ng mga simulain
✓ Uri ng material na ginamit upang:
✓ Epekto ng napakinggan ✓ Masuri ang mga salitang
✓ Pagkiling ng impormasyon may laman (pinabuti,
✓ Layunin ng patalastas nakahihigit ng 100%, atbp.)
✓ Pamamayani ng opinyon ✓ Makilala ang mga
mapanlinlang na mga salita
(eupemismo, iperbole at
may dalawang kahulugan)
Mapagpahalagang Pakikinig sa Panitikan
Isinasagawa upang mapagpahalagahan ang tekstong binasa, ayon sa
kung anong uri ng pantitkan ito.
Elementarya Sekundarya
• Pagsasadula • Pagsasadula
• Pagsasatao • Pagsulat ng ibang
• Pakikilahok sa katapusan/wakas ng
pagkukuwento kuwento
• Pagsulat ng buod • Pagsulat ng reaksiyong
• Pagguhit papel
8
• Sabayang bigkas
• Debate
• Paglalapat ng musika at
interpretasyon sa sayaw

Pagsasanay:
Gumawa ng tsart/manghad/dayagram hinggil sa mga konseptong kaugnay ng
pakikinig. (Isulat ang sagot sa isang short coupon bond)
Pagatataya:
Hanapin sa Hanay B ang mga kaugnay na ideya mula sa Hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot. (Isulat ang sagot sa isang short coupon bond)

_____1. wala siyang alam o malay sa paksang naririnig a. Two-eared


Listener
_____2. ang pinakamagaling at epektibong tagapakinig b. Eager Beaver
_____3. abala sa ibang gawaing gaya ng pagsulat c. Bewildered
_____4. laging naghihintay ng kamalian d. Busy Bee
_____5. ginagamit niya ang kanyang tainga at isip e. Sleeper
_____6. gustong magpaimpres lamang f. Frowner
_____7. ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari g. Tiger
_____8. siya ang tagapakinig na wari ba’y laging nagdududa
_____9. hindi nakikinig ngunit hindi makaalis lalo na kung nasa loob ng
klasrum
_____10. isang kaptiv na tagapakinig

9
ANG PAGSASALITA
Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang
kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Ito rin ay kakayahang maiparating sa
harap ng mga tagapakinig ang mensaheng gusting maiparating sa pormal man
o hindi pormal na paraan
Sinasabing nagsimula ang kakayahan sa pagsasalita sa pagluwal ng sanggol sa
sinapupunan ng ina. Ang iunang wika ng sanggol ay tunog ng pag-iyak.
Umuunlad ang kakayahang ito sa pakikinig at panggagayasa mga salita ng
kausap ng musmos na bata.
Mahalga ang pagsasalita dahil:
1. Naipaaabot ng kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng
nagsasalita.
2. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
3. Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig, at
4. Naibulalas sa publiko ang opinion at katwirang may kabuluhan sa
kapakanang panlipunan.
Mga Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita
1. Kagalang-galang ang personalidad, responsable, may angkop/wastong
pananamit, may angkop na pananalita.
2. Dalubhasa o may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay.
3. May tiwala sa sarili
4. Maingat siya sa pagbibigay ng kongklusyon, paratang at pananaw.
5. Hindi mayabang
6. Walang nakakagulong mannerisms
7. May paluwag-tawa (sense of humor)
8. May kasanayan sa wikang gagamiting midyum sa pagpapahayag.
Kailangan sa Mabisang Pagsasalita
Ang pagsasalita ay kinalakihan na ng isang tao. Natural na natural na ito sa
kanya. Ngunit hindi lahat ng tao ay mabisa sa kanyang pagpapahayag, kaya
dapat niyang linangin ang kasanyang ito.
A. Kaalaman – upang maging isang mabisang tagapagsalita, kailangang
alam ng tagapagsalita ang paksang tatalakayin.
B. Kasanayan – dapat maangkin ng tagapagsalita ang mga sumusunod na
kasanayan:
a. Nakapag-iisip ng mensahe/ideya sa pinakamaikling panahon.
b. Malinaw ang pagbigkas ng mga salita
10
c. May sapat na kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang anyo ng verbal at
di-verbal na komunikasyon.
d. May sapat na kasanayan sa pagpapahayag ayon sa apat na genre ng
komunikasyon: paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay at
pangangatwiran.
C. Tiwala sa Sarili – mahihirapang kumbinsihin ng tagapagsalita ang
kanyang mga tagapakinig kung wala siyang tiwala sa sarili. Hindi niya
maaakit ang tagapakinig at mapaniwala ang balana kung magpapakita
siya ng kahinaan tulad ng mahina at garalgal na boses, panginginig ng
boses, labis na pagpapawis o kaya’y walang panunuunan habang
nagsasalita. Upang maging epektibong tagapagsalita, kailangang siya
mismo ang unang naniniwala at tagabunsod ng kanyang mensahe.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita


1. Tindig – ang isang tagapagsalita na amy kaiga-igayang personalidad,
kalugod-lugod sa paningin ng madla ay may bentahe kaysa sa mga
tagapagsalitang mukhang sakitin. Dapat na siya ay kagalang-galang
tingnan. May tikas mula ulo hanggang paa.
2. Kumpas – ang angkop na kumpas ng kamay k kaya’y buong katawan
ay mahalaga sa pagsasalita. Ibig sabihin nito, dapat na tumutugma sa
kahulugan ng mga salitang binibigkas ang mensahe, kasabay ng
kumpas maging bahagi ng katawan lang o buong katawan.
3. Ekspresyon ng Mukha – ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad
sa ekspresyon ng kanyang mukha. Upang maiwasan ang pagkalito.
Tawanan o distraksiyon sa mga tagapakinig siguraduhing angkop sa
ekspresyon ng mukha ang salitang binibigkas.
4. Bigkas – ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga
ng ibang pakahulugan lalo na’t ang mha wika sa kapuluan ay
napakaraming salitang magkakatulad ang baybay ngunit magkaoba
ang bigkas at kahulugan. Upang maging malinaw ang mensahe ng
pahayag ng isang tagapagsalita, kailangang pansinin niya ang bigkas
ng mga salita kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensdidad, bilis ng
pagbigkas, intonasyon, diin, bagal at hinto sa pagsasalita.
Iba’t ibang Gawain sa Pagsasalita
May iba’t ibang anyo ang pagsasalita. Maaaring ikaw ay nakikipag-usap;
nagkukuwento; nakikipanayam nakikipagtalo o nakikipagdebate o
nagtatalumpati kaya. Ang uri ng talumpati ay maaaring nagbibigay-kabatiran,
pampasigla, panghikayat, papuri, panghikayat o pampalibang.

11
1. Pakikipag-usap – ito ay isa sa masining na paraan ng komunikasyon.
Ito ang madalas na gawin ng mga tao – ang pagpapalitan ng kaisipan at
saloobin sa pamamagitan ng mga salita.

Mga Katangian ng Isang Mabisang Pakikipag-usap


1. Ang pag-uusap ay sikular at hindi linyar. Hindi dapat maging
monopoly ng isang panig. Ito ay ang pagbibigayn ng dalawang panig.
2. Dapat may magandang layunin ang pakikipag-usap.
3. Dapat may eye-contact sa pakikipag-usap.
4. Dapat maging magalang sa kausap.
5. Kailangang maging likas at bukal sa kalooban ang pag-uusap.
Mga Dapat Iwasan sa Pakikipag-usap
1. Ang pagyayabang
2. Ang panghihiya sa kausap
3. Ang hindi pakikinig sa kausap
4. Ang pamimintas sa sinabi ng kausap
5. Ang pangmamaliit sa kausap

2. Pagkukuwento – ito ay pagsasalaysay ng mga akdang may mga


pangyayaring kathang-isip o kaya’y hango sa tunay na buhay.

Pamantayan sa Pagkukuwento
1. Balangkasin ang kuwento.
2. Nauunawaan at alam na alam ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
3. Ang emosyon ay naipapakita sa ekspresyon ng mukha.
4. Iwasang maging mabilis sa pagkukuwento
5. Gawing katamtaman ang lakas ng boses
6. Dapat may eye contact sa mga tagapakinig
7. Gumamit ng iba pang di-verbal na pagpapahayag

3. Pakikipanayam – ito ang pakikipag-usap na karaniwang


kinasasangkutan ng dalawang tao. Maaari ring isang katao sa pangkat o
pangkat sa isang katao. Ito ay may layuning makauha ng impormasyon
hinggil sa kinakpaanayam gaya ng mga personal na baagay, opinion,
tungkol sa napapanahong isyu higit sa lahat ang kanyang mga ideya o
saloobin tungkol sa paksa o larangang kung saan siya ay dalubhasa.
Alituntuning Dapat Tandaan sa Pakikipanayam

12
a. Oras - kailangang may takdang oras ng pagsisimula at pagatatpos ng
panayam. Abisuhan ng sapat na panahon ang taong kapapanayamin.
Maging magalang at responsable sa pakikipanayam.
b. Mga Tanong – ang mga tanong ay dapat nakahanda na at
makabuluhan. Kailangang malinaw ang mga tanong nang sa gayon ay
makakuha ng tiyak na kasagutan at dagdag na kaalaman na hindi pa
batid ng karamihan hinggil sa paksang tinatalakay sa panayam.
c. Pagtatala – higit na naaalaala ang isang mensahe kung ito ay naririnig,
nasusulat at nababasa. Huwag umasa sa inyong memorya. Maingat na
isulat ang mahahalagang kaisipang sinasabi ng kinakapanayam.

4. Debate – ito ay pagtatalo ng dalawang pangkat tungkol sa isang


kontroversyal o napapanahong isyu na ginagamitan ng kritikal na
pananaw. May dalawang panig sa pagdedebate; ang sumasang-ayon at
ang tutol. May mga tuntuning sinusunod ang pagdedebate. Ang
pinagsamang Oregon-Oxford ang karaniwang sinusunod sa
pagdedebate.

Ang Pagtuturo ng Pagsasalita


• Bakit mahalaga ang pagsasalita sa proseso ng pagkakatuto?
• Paano matututo ng pagsasalita sa klasrum ang mga mag-aaral?
• Anu-anong gawain sa pagsasalita ang angkop isagawa sa mga mag-
aaral?
• Anu-ano ang pangunahing layunin sa pagsasalita na dapat linangin sa
mga mag-aaral?
Ayon kina Brown at Yule (Finocchiaro, 1986) dalawa nag pangunahing
tungkulin ng wika; transaksyunal at interaksyunal. Nasa maensahe ang pokus
ng tungkuling transaksyunal. Maaaring may layon ang nagsasalita na maghatid
ng impormasyon o magbigay ng ebalwasyon. Layunin naman ng interaksyunal
na wika ang pagpapanitili sa magandang ugnayang sosyal.
Anu-ano ang layunin ng pagtuturo ng pagsasalita sa elementarya at
sekundarya?
Higit na marami ang kasanayang nakatala sa kurikulum pang-elemnetarya at
sekondarya ang nakapokus sa interaksyunal kaysa sa tyransaksyunal na
tungkulin ng wika. Nakatala sa tungkuling interaksyunal ang pagtanggap at
paggawa ng tawag sa telepono, pakikipag-usap sa mga konstekstong sosyal at
pagpapahayag ng saloobin at opinion. Nakatala sa tungkuling transaksyunal
ang paghahatid ng mensahe, pagbibigay at pagsunod sa direksiyon,

13
pagtatanong at pagbibigay impormasyon bilangbsagot sa tanong. Nasa
tungkuling estetiko ang pagkukuwento at pagbigkas ng tula.
Mga Istratethiya sa Pagtuturo ng Pagsasalita
➢ Kung sa unag araw ng iyong pagtuturo ay nakita mong hindi gaanong
nakikilahok ang mga mag-aaral, ano ang iyong gagawin?
➢ Anu-ano ang maaaring dahilan sa ganitong gawi ng mga mag-aaral?
Makatutulong sa iyong pagpapasya sa sitwasyong nabanggit ang kabatiran sa
Paradaym ng Pagtuturo ng Pagsasalita sa Elementarya at Sekundarya ayon kay
Tompkins (1998).
1. Pagpapakilala – mga gawain sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat na maglalantad sa klase sa wikang pinag-aaralan.
2. Paggamit – mga gawaing nagbibigay ng pagkakataon sa klase na gamitin
ang wika.
3. Demonstrasyon – mga pagkakataon sa pagmomodelo ng guro ng
paggamit ng wika.
4. Responsibilidad – pakikilahok ng mga mag-aaral sa proseso ng
pagkatuto
5. Ekspektasyon – pagkabatid ng inaasahang matutunan

Sa klasrum, maaaring ipagawa sa mga mag-aaral ang mga nakatal sa tsart


upang maisakatuparan ang ilang gawain sa pagsasalita.
Uri ng Pagsasalita Gawain/Pamamaraan
Pakikipag-usap Pangkatang talakayan
Pagbabahagi ng karanasan
Pagtatanong
Paglilinaw
Pagpapalawak ng usapan
Estetikong Pakikipag-usap Pagtalakay ng literatura
Pagkukuwento
Pagpili ng iskrip
Akademik na Talakayan Pagbibigay ng presentasyon
Paglalahad ng rebyu
Pagsali sa debate
Pagsasagawa ng panayam
Mga Gawaing Dramatik Pagsasadula
Pagsali sa papet na palabas
Pagsulat ng iskrip
Pagbuo ng kuwento

14
Narito ang ilang hakbang sa mga pamamaraang makalilinang ng
kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita. Maaari ka pang
magbigay ng iba.

1. Pagsasalaysay
a. Piliin ang kuwento
b. Paghandaan ang paraan ng pagsasalaysay na gagawin
c. Gumamit ng props
d. Isalaysay ang kuwento
e. Gumawa ng ebalwasyon

2. Readers Theater
a. Pumili ng iskrip
b. Sanayin ang pagtatanghal
c. Itanghal ang teatro
d. Bigyan ng ebalwasyon ang itinanghal

3. Mga Istratehiya sa Pagtatanong


a. Magtanong ng mga inihandang katanungan upang mabigyan ng
direksiyon ang aralin.
b. Gawing malinaw ang tanong
c. Ayusin ang tanong mula sa humihingi ng aktwal na impormasyon
hanggang sa nangangailangan ng mapanuring pag-iisip.
d. Muling magtanong upnag bigyang elaborasyon ang sagot ng mag-
aaral.

4. KWL na Tsart
Inihanda sa pisar ang tsart na may nakasulat na K-W-L (known,want
to know, learned). Sa ilalim ng kolum K, isulat ang mga kaalamang
batin ng mga mag-aaral, mga nais mabatid sa ilalim ng W, at mga
natutuhan sa ilalim ng L.

5. Talakayan
Higit na angkop sa mas mataas na lebel tulad ng intermedya at
sekundarya ang kawili-wiling paksang tatalakayin sa isang panel na
diskusyon o maramihang panayam.

6. Web ng Talakayan
Bumuo ng web na may dalawang kolum. Pumili ng paksang
tatalakayin/tanong na sasagutin. Ilagay sa kaliwang kolum ang mga

15
dahilan sa pagsalungat sa paksa at sa kanan ang mga dahilan sa
pangsang-ayon ditto. Sa pagtatapos, hayaang ibigay ng mga mag-
aaral ang pansariling opinion batay sa napakinggang mga argumento.
Hindi Papaunlad na ba ang Oo
uri ng pamumuhay
ng mga Pilipino?

Iba pang Gawaing Maisasagawa


1. Interbyu
2. Debate
3. Pag-uulat
4. Pagsasadula

Pagsasanay:
Gumawa ng isang manghad hinggil sa Kailangan sa Mabisang Pagsasalita at
ilahad ang iyong pansariling kalagayan hinggil dito. Isulat ang sagot sa isang
short coupon bond.
Halimbawa:
Kailangan sa Mabisang Ang Aking Paano Ko pa
Pagsasalita Kasalukuyang Mapapabuti
Kalagayan

Pagatataya:
Pumili ng 2 katanungan at sagutin nang mahusay. Isulat ang sagot sa isang
short coupon bond.
1. Ano-ano ang mga dapat iwasan sa pakikipag-usap at bakit?
2. Paano nagiging mahalaga ang pagsasalita sa proseso ng pagkatuto?
3. Ano-ano ang iba’t ibang gawain sa pagsasalita at paano ito makatutulong
sa mga mag-aaral?

Salamat!!!

16

You might also like