Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Introduksiyon sa Pananaliksik

– Wika at Panitikan
Fil 118

JOSE SANDY C. ZARAGOSA


Course Facilitator

1
Modyul sa Fil 118
Pamagat ng Kurso: Introduksiyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan
Bilang ng Kurso: Fil 118
Diskripsiyon ng Kurso: Sumasakslaw sa mga batayang kaalaman, sa
mga lawak, uri at metodo ng pananaliksik sa wika at pantikan, na
maglulundo sa paghahanda at paghaharap sa isang sulating pananaliksik
(research report)
Kabuuang Bilang ng Oras ng Pagkatuto: 2 Linggo
Paunang Kurso(kung mayroon): Wala

Pangkalahatang Nilalaman: Ang bahaging ito tumatalakay sa


kahulugan at kahalagahan ng pananaliksik. Ganoon din, tatalakayin dito
ang mga katangian ng isang mahusay na mananaliksik. Sisikapin ng
bahaging ito na mabuksan ang isipan at ang kawilihan ng mga mag-aaral
sa mga gawaing pananaliksik na lubhang mahalaga sa pagpapaunlad ng
larangan ng wika at panitikan,
Inaasahang Bungan g Pagkatuto:
1. Matukoy ang kahulugan at kahalagan ng pananalik.
2. Maisa-isa ang mga katangian ng isang mahusay na mananaliksik.
3. Makabuo ng sariling pamagat pananaliksik na nauugnay sa iba’t
ibang batayan ng paglilimita ng paksa.
Paksang Nilalaman:
1. Ang kahulugan ng pananaliksik.
2. Ang kahalagahan ng pananaliksik
3. Ang mga katangian ng isang mahusay na mananaliksik

2
Talakayan:
PANANALIKSIK: KAHULUGAN, LAYUNIN, KATANGIAN
KAHULUGAN:
Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t – ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at /o resolusyon
nito. - Ayon kay Good (1963)
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng
informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos
suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap
niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang
paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik. Aquino (1974)
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan . -Manuel at Medel, 1976
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng
isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang
mananaliksik. -Parel 1966
Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon
sa mga suliranin, dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. -
E. Trece at J.W. Trece (1973)
8. LAYUNIN NG PANANALIKSIK Bakit tayo nananaliksik?
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon
sa layuning ito. Wika nga nina Good at Scates (1972), “The purpose of
research is to serve man and the goal is the good life.”
3
Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak ng pananaliksik ay
ilan sa mga sumusunod:
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid
nang penomena.
2. Halimbawa: Ang alkohol ay isa nang batid ng penomenon at sa
pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng isang fuel
mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasoline.
3. Mga makabagong tuklas
4. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon. Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng
ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensiv at patuloy
na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa
hinaharap.
5. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga
bagong instrumento o produkto. Halimbawa: Dati ay mga
teleponong analogue ngayon ay cellular phone na. Dati ay casette
recorder, naging walkman, discman, ngayon ay may i-pod, ipad,
iphone, MP4, at iba pa.
6. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
Halimbawa: Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t-
dalawang (92) chemical elements,ngunit bunga ng pagsasaliksik,
mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).
7. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang
substances at elements. Halimbawa: Bunga ng pananaliksik, napag-
alaman ang mga negativong efekto ng metamphetamine
hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang
ideklara itong isang ipinagbawal na gamot. SHABU
8. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Halimbawa: Bunga ng
mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hayskul
ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga
4
iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng
Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang
edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic
Education Curriculum o BEC at sa hinaharap ang K12.
9. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik. Halimbawa: Naging
misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok.
Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at
kalauna’y nakainvento ng tinatawag na incubator.
10. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.
Halimbawa: Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda,
maaaring maverifay ng mga mananaliksik ang mga kaalamang una
nang natuklasan ng mga pananaliksik o di kaya nama’y maari silang
makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga katangian at
kalikasan ng mga isda na maaring pakinabangan ng mga
mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili.

MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK


1. Sistematik. May sinusunod itong proseso o magkakasunud - sunod na
mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o
ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
2. Kontrolado - lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kailangang
mapanatiling konstant.
3. Empirikal - kailangang maging katanggap - tanggap ang mga
pamamaraang ginagamit sa pananaliksik maging ang mga datos na
nakalap.
4. Mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang
suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat
ng interpretsayon sa mga datos na kanyang nakalap. Kailangan ding
gumamit ng mga navalideyt nang pamamamaraang pang-estaditika sa
pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
5
5. Objektiv, lohikal at walang pagkiling. Lahat ng tuklas o findings at mga
kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na
datos at walang pagtatatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng
pananaliksik. Walang puwang rito ang mga pansariling pagkiling.
6. Gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatikal na metodo. Ang mga datos
ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan
ng istatikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
7.Orihinal na akda. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos
na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa
panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga
datos ay kailangang nagmula sa mga primaryang sources o mga hanguang
first-hand.
8. Isang akyureyt na investigasyon, observasyon at deskripsyon. Bawat
aktividad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o
akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga
syentifikong paglalahat. Samakatwid, lahat ng kongklusyon ay
syentifikong nakabatay sa mga aktwal na evidensya.
9. Matiyaga at hindi minamadali. Upang matiyak ang katumpakan o
accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang
nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay
kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at
paglalahat.
10. Pinagsisikapan. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag
upang maging matagumpay.
11. Nangangailangan ng tapang sapagkat maaaring makaranas siya ng
mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik, di- pagsang - ayon
ng publiko at lipunan o di- pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang
mananaliksik. </li></ul></ul>

6
12. Maingat na pagtatala at pag-uulat. Lahat ng datos na nakalap ay
kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring
makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat
sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik para sa
angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang
tinatawag na oral presentation o defense.
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK:
1. Masipag sa pangangalap ng datos, pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at
panig ng paksa, hindi dinodoktor ang resulta ng pananaliksik, kumpleto
ang mga datos at katibayan
2. Matiyaga – pasensyoso, mapaghanap ng iba pang sanggunian
3. Maingat sa pagpili at paghimay – himay ng mga makabuluhang datos,
sa dokumentasyon, pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng
anumang ideya, tiyaking may sapat na validasyon o katibayan ang
anumang posisyon o interpretasyong ginagawa sa pananaliksik.
4. Sistematik – Sinusunod ang mga hakbang ng pananaliksik
5. Kritikal o mapanuri sa pag-ieksamen ng mga informasyon, datos, ideya
o opinyon upang mapatunayan kung ito ay valid, mapagkakatiwalaan,
lohikal at may batayan, tinitimbang – timbang ang mga katwiran pang
mapagpasyahan kung alin doon ang may pakinabang sa kanyang
pananaliksik
MGA PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK
1. Kinikilala ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
2. Ginagawan ng tala ang bawat termino at ideya na kanyang hiniram.
3. Hindi nagnanakaw ng ideya ng iba kundi sinisipi at binibigyan ng
sapat na pagkilala.
4. Hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang
kanyang argumento o walang pagkiling sa isang partikular na
pananaw

7
5. Mapaninindigan ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay
sa masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na
nakalap
ANO ANG PLAGYARISMO?
Pangongopya ng mga datos, ideya, pangungusap, buo at balangkas ng
isang akda, programa, himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan
o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil
inangkin mo ang hindi iyo.
Kaparusahan : Dahil sa paglabag ng Intellectual Property Rights Law,
maaaring ihabla ang tao sa korte, matanggal sa tungkulin, pagtanggal ng
digri kahit nagtapos na, mawalan ng kredibilidad, magbayad ng
karampatang halaga. Kung estudyante ay maaaring bumagsak sa kurso,
mapatalsik sa kanyang unibersidad, sentensyahan ng multa o
pagkabilanggo.
MGA HALIMBAWA NG PLAGYARISMO
1. Kung hindi itinala ang pinagkunan o ipanaloob sa panipi ang
ginamit na orihinal na termino
2. Ni – re – phrase lamang ang orihinal na pangungusap nang di
kinilala ang pinagkunan
3. Kung namulot ng mga ideya at pinagtagni – tagni ang mga ito ngunit
hindi kinilala ang pinagkunan
4. Nang isalin sa sariling wika ang mga termino, salita o pahayag ay
inangkin na ito
5. Kung kinuha ang isang bahagi ng disenyo, balangkas, himig at hindi
kinilala ang pinagkunan ng “inspirasyon”

8
UNANG MAIKLING PAGSUBOK:
Isa – isahin:
1 – 4 Kapakinabangan ng Pananaliksik sa pamumuhay ng tao
5 - 7 Katangian ng isang mabuting pananaliksik
8 – 10 Katangian ng mananaliksik
11 – 13 Mga dapat iwasan sa pananaliksik
14 – 16 Mga halimbawa ng plagyarismo
17 – 20 Mga kaparusahang maaring igawad sa isang mananaliksik na
napatunayang nagkasala ng Plagyarismo

PAKSANG PAMPANANALIKSIK
Sa akademya, ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain na hindi
maiwasan ng mga mag-aaral. Karaniwan na ang pagpagawa ng mga
pamanahong papel sa iba’t ibang subject bilang isa sa pangangailangang
akademik. Halimbawa: Tisis paper (para sa kumuha ng masteral);
Disertasyon (para sa kumuha ng doctoral)
Mga Hanguan Ng Paksa
1. Sarili – maaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan,mga
nabasa napakinggan napag aralan at natutunan.
2. Dyaryo at magazine – maaaring panghanguan ng paksa ang mga
napanahong isyu sa mga pamukang pahina ng mga dyaryo at
magazine o sa mga kolum,liham sa editor at ibang seksyon ng mga
dyaryo at magazine tulad ng local na balita,bisnes,entertainment at
isports.
3. Radyo, tv at cable tv- maraming uri ng programa sa radio at tv ang
mapagkukunan ng paksa mas maraming programa sa cable dahil sa
24 na oras na balita, isports at mga programang edukasyonal.

9
4. Mga awtoridad kaibigan at guro - sa pamamagitan pagtatanong-
tanong sa ibang tao,maaaring makalikha nga mga ideya upang
mapaghanguan ng paksang pampananaliksik. Makatulong ito upang
makakuha ng paksang hindi lamang napapanahon kundi kawiwilhan
din ng ibang tao.
5. Internet – ito ang pinakamadali ng hanguan ng paksa , malawak at
sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa. Maraming websites
sa internet na tumutugon sa iba’t ibang interes at pangangailangan
ng iba’t ibang uri ng tao.
6. Aklatan - Bagama’t traditional ng pagkukuha ng hanguan o paksa.
Sa aklatan , maaring magtagpuan ng iba’t ibang paksang nauugnay
sa ano mag larangang pang-akademya.
7.
MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA
1. Kasapatan ng Datos – kailangan may sapat nang literature hinggil
sa paksang pipiliin.
2. Limitasyon ng Panahon – Tandaan ang kursong ito ay para sa isa o
dalwang markahan lamang. May mga paksa na mangangailangan ng
mahabang panahon, higit pa sa dalawang markahan, upang
maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal – May mga paksang mangangailangan ng
maraming gastusin. Kailangang pumili ng paksang maaayon sa
kakayahang pinansyal ng mananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa – Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang
paksang walang kabuluhan. Kailangan pumili ng paksang hindi
lamang napapanahon, kundi maari ring pakinabangan ng
mananaliksik at ng iba pang tao.
5. Interes ng Mananaliksik – Magiging madali ito para sa isang
mananaliksik sa pagkukuha ng datos kung ang paksa niya ay naayon
sa kanyang kawilihan.

10
Paglimita Sa Paksa
Matapos makamili ng paksa, kailangan iyong ilimita upang maiwasan ang
masaklaw na pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa ,
mabibigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik at maiiwasan ang
padampot- dampot o sabog na pagtalakay sa paksa. Maaaring gamiting
batayan sa paglilimita ng paksa ang mga sumusunod.
1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perspektibo
5. Lugar
6. Propesyon o Grupong Kiabibilangan
7. Anyo o uri
8. Partikular na Halimbawa o Kaso
9. Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan

BATAYAN NG PAGLILIMITA PANGKALAHATANG PAKSA


Nilimitang Paksa
Panahon: Kasuotan ng mga Kababaihang Pilipino Kasuotan ng mga
Kababaihang Pilipino sa Panahon ng Komonwelt
Edad: Mga Mang-await na Pilipino at ang Hinaharap ng Musikang
Popular sa Pilipinas Mga Batang Mang-await na Pilipino (Edad 13-17) at
ang Hinaharap ng Musikang Popular sa Pilipinas
Kasarian: Mga Suliranin ng mga Katutubong Minorya Mga Suliranin ng
mga Kababaihan ng mga Katutubong Minorya
Perspektibo: Epekto ng Globalisasyon sa Lipunang Pilipino Epekto ng
Globalisasyon sa Espirituwal na Pamumuhay ng mga Pilipino Lugar Mga
Naiibang Tradisyong Pangkapistahan sa Katagalugan Mga Naiibang
Tradisyong Pangkapistahan sa Malolos, Bulacan
11
Propesyon o Grupong Kinabibilangan: Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla
Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang Parlorista
Anyo o Uri: Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panitikang
Ilokano Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng Pnulaang Ilokano
Partikular na Halimbawa o Kaso Epektong Kultural ng Turismo sa
Pilipinas Epektong Kultural ng Turismo sa Pilipinas: Kaso ng mga Ifugao
Kumbinasyon a. Perspekitibo b. Uri c. Lugar d. Anyo Atityud ng mga
Estudyante sa mga Programang Kultura a. Preperensya ng mga
Estudyante b. Preperensya ng mga Estudyanteng nasa Unang Taon c.
Preperensya ng mga Estudyanteng nasa Unang Taon sa The Nationa
Teacher’s College d. Preperensya ng mga Estudyanteng nasa Unang Taon
sa The Nationa Teacher’s College sa mga Dulang Panteatro sa Kampus
Pamagat-Pampananaliksik
Ang pamagat-pampananaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akda na
pampanitikan. Kaiba ito ng mga kuwento , nobela , sanaysay at dula. Sa
pananaliksik, ang pamagat ay kailangang maging malinaw , tuwiran at
tiyak.
Halimbawa Ng Mga Pamagat Na Hindi Maaring Gamitin Sa Pananaliksik
Sa Kabataang Filipino (Tula)
Sa Kadwadan ng Pilik-mata (Kuwento)
Sino Si Bill Gates (Sanaysay)
Si Malakas At Si Maganda (Dula)
Halimbawa Ng Pamagat Pampananaliksik:
Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasaiin sa Filipino
ng mga Katwagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas.
Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Attityud sa Pangekonomikong
Pamumuhay ng mga Magulang na iskwater sa Bliss Guadalupe.

12
HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS
May dalawang uri ng hanguan: primarya at sekondarya Ayon kina Mosura
, et al , (1999)
Ang mga hanguan primarya ay: Indibidwal o awtoridad Grupo o
orginasyon (pamilya , assosasyon , union , fraternity , katutubo o mga
minorya , bisnes , samahan , simbahan o gobyerno) Pambublikong
dokumento o kasulatan (konstitusyon , kontrata , orihinal na tala ,
katikkan sa korte , journal o dayari)
Ang hanguan sekondarya ay mga aklat tulad ng diksyonaryo ,
ensayklopedia , almanac , atlas o year book, mga nalathalang artikulo sa
journal , magasin , pahayagan at news letter. Mga tisis at disertasyon ■
Monograp , manwal polyeto , manuskrito at iba pa. Maliban sa hanguang
primarya at sekondarya , may isa pang hamapagkukuhanan ng mga
impormasyon o datos: hanguang elektroniko o mas kilalang sa tawag na
internet
Pagkuha Ng Impormasyon Sa Internet
Ang internet ay ang pinakamalawak at pinakamabilis ng hanguan ng
impormasyon. Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon
sa pananaliksik dapat tandaan ang mga katanungang ito upang makakuha
ka ng tiyak na impormasyon sa internet
a.) ang webpage Uniform Resource Locator (URL) na nagtatapos sa .edu
ay nagmula sa isang unibersidad , institusyon ng edukasyon o akademya.
Hal. www.spud.edu.com.ph www.su.edu.ph b.) ang mga webpage na
nagtapos sa .org ay mula sa mga organisasyon. Hal. www.wikipedia.org
www.wordpress.org c.) ang mga webpage na may .com ay para sa mga
commercial websites. Hal. www.facebook.com www.lazada.com.ph
1.) Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
2.) Sino ang may-akda? Mahalagang malaman kung sino ang may akda
ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang

13
impormasyon ay wasto at kumpleto. Maaring i-verify ang mga
impormasyon sa hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito , mahirap
paniwalaan ang kanilang akda.
3.) Ano ang layunin? Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit
naglunsad o naglabas ng website. Nais bang magbahagi ng impormasyon
o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok
ng impormasyon sa internet. Maaari itong magamit sa pagpakalat ng
maling propaganda at mga pansariling interes.
4.) Paano inilahad ang impormasyon? Ang teksto ba ay pang- advertising
o opinion lamang? Alamin kung ito kung may prejudice at bias ang isang
teksto.
5.) Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung opisyal o dokumentado
ang teksto. Subukan kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay
sa ibang web site na sa gayo’y makompara ito sa iba ng matimbang kung
ang teksto ay wasto o hindi.
6.) Ang impormasyon ba ay napapanahon? Mainam kung ang
impormasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng
pinakahuling rebisyon ng akda sa gayong ay malaman kung ang akda ay
bago o hindi.
Panganglap Ng Mga Impormasyon O Datos
Matapos matukoy ang iba’t ibang pagkukunan o paghahanguan ng
impormasyon o datos, sa pagkakataong ito, atin naming pansinin ang
pangangalap ng impormasyong datos. Tukuyin kung anong uri ng
impormasyon o datos ng kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan
maaring matagpuan ito sa silid-aklatan. Ang lahat ng posibleng
sanggunian ay kailangan itala upang mapadali ang paghahanap nito.
Tatlong Yugto Ng Pananaliksik Sa Silid Aklatan
Yugto 1 – Pamimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat,
bibliograpi, indeksto at hanguang elektroniko o internet.

14
Yugto 2 – Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning
ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citations mula sa mga babasahin.
Yugto 3 – Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer,
print outs, abstract at iba pang sanggunian.
Dapat sundin ang mga yugtong ito kung gusto ng mananaliksik na maging
sistematiko ang kanyang pananaliksik.
Tatalakayin natin ang unang yugto. Ang paghahanap ng kard katalog. Kaugnay
sa paghahanap ng kard katalog, kailangang batid ng isang mananaliksik kung
anong uri ng kard katalog ang hahanapin. Tinutukoy ni Bernales, et al, (2001)
ang mga sumusunod na uri at gamit ng kard katalog sa aklat niyang Pagbasa at
Pagsulat Sa Iba’t Ibang Disiplina.
Kard Na Paksa (Subject Card) – dapat hanapin kung malinaw lamang sa
mananaliksik ang kanyang paksang tatalakayin. Nangunguna rito ang
mismong paksa bago pa ang ibang impormasyon tulad ng awtor at ang pamagat
ng libro.
Kard Ng Awtor (Author’s Card) – tinitingnan ito kung ang mananaliksik ay
may naisip na agad ng awtor na awtoridad sa kanyang paksa.
Kard Ng Pamagat – ang pinakamalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa
tukoy sa ang paksa o awtor na gustong saliksikin , maaari ring magdala ang
mananaliksik ng lista ng sanggunian mula sa biograpi ng mga aklat kaugnay
sa kanyang paksa.
Sa bahaging ito , ang napiling impormasyon o datos ay kailangang salain upang
malamang kung may gamit ba ito. Gayon din ang dapat gawin sa mga
sangguniang hindi makakatulong sa pananaliksik.
Mga Gabayang Katanungan Sa Pagsusuri Ng Mga Nakalap Na Sanggunian
1. Ano ang kaugnayan ito sa paksa? ginanagawa nito ng mananaliksik upang
tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan. Tiyakin ang impormasyon
sa sanggunian ay tumataklay sa paksa ng pananaliksik.
2. Mapakatiwalaan ba ang may akda at tagapaglathala? tingnan kung may
sapat bang kaalaman o karanasan ang may akda sa kanyang paksang sinusulat.

15
3. Makakatotohanan ba ito? Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang
nasusukat sa may-akda. Ang totoo noon ay maaaring kasinungalingang na
ngayon.
Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na
tekso. Maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o
talata.
Pabuod - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mag
tekstong mahahaba. Sa pagbubuod, kailangang maisagawa ito sa pamamagitan
ng pagamit ng sariling salita.
Playgarismo - Pangongopya ng mga datos, ideya , pangungusap , buo at
balangkas ng isang akda , programa , himig atbp. Na hindi kinikilala ang
pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling
dahil inangkin mo ang hindi iyo.
Dahil sa paglabag ng Intellectual Property Rights Law, maaaring ihabla ang
tao sa korte , matanggal sa tungkulin , pagtanggal ng digri kahit natapos na ,
mawalan ng kredibilidad , magbayad ng karampatang halaga.
Kung estudyante ang nahulian ng playgarismo, maaaring bumagsak sa kurso ,
mapatalsik sa kanyang unibersidad , sentensyahan ng multa o posibleng
mabilanggo.

Mga Pagtataya:
1. Magbigay ng limang tiyak na sitwasyon sa iyong buhay na nagkaroon
ng magandang impluwesinsya ang gawaing pananaliksik.
2. Sa loob ng limampung salita, sa iyong sariling pagka-unawa, bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik?

16

You might also like