Summative Test All Subjects 2nd Quarter 1-2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

SUMMATIVE TEST

MODULE 1-2
Prepared by:

STEPHANIE JOY S. REYES


Grade 2 Adviser

Noted:

FERDINAND G. MARCOS
Principal II
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 2
MODULE 1-2 SECOND QUARTER
NAME: ___________________________________________________

Lagyan ng / kung ang gawain ay nagpapakita ng pagiging magiliw at


pagkapalakaibigan at x kung hindi.
__________1. Malugod kong binati ang bisita ng aking ina at agad pinatuloy
sa aming tahanan.
__________2. Magalang kong itinuro sa mamang nagtatanong kung saan
matatagpuan ang simbahan.
__________3. Lagi kong binábáti ang aking mga kapitbahay tuwing umaga.
__________4. Madalas kong bisitahin ang aking mga kamag-anak tuwing
may pagkakataon upang sila ay kumustahin.
__________5. Hindi ko pinapansin ang bágong lipat naming kapitbahay.

Tukuyin ang mga katangian na nagpapakita ng pagkamagiliwin at


pagkapalakaibigan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
6. Dumating ang iyong kamag-anak galing probinsiya. Mamamalagi sila ng
iláng araw sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Batiin sila nang maayos at patuluyin.
C. Magkunwaring masaya ako sa pagdating nila.
D. Ipapakita ko na hindi ako masaya sa pagdating nila.
7. May bago kayong kamag-aral. Gáling siya sa malayong bayan. Madalas
siya ay malungkot sapagkat wala pa siyang kakilala. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Hayaan na lámang siya.
B. Batiin at kaibiganin siya.
C. Huwag siyang pansinin.
D. Sabihan na huwag na lámang siyang pumasok.
8. Pauwi na si Erwin nang may nakasalubong siyang taga-ibang bayan na
nagtatanong. Paano niya ito pakikitunguhan?
A. Huwag itong kausapin.
B. Kausapin nang may pagyayabang.
C. Umiling lámang kapag kinakausap.
D. Magiliw na kausapin nang may paggalang.
9. Kapitbahay ninyo ang mag-anak na Cruz. Madalas siláng kapusin sa
budget. Ano ang maaari mong gawin?
A. Kausapin ang mga magulang mo na tulungan sila.
B. Ikuwento at pag-usapan ninyong magkakaibigan.
C. Pagtawanan sila.
D. Kutyain sila.
10. Napansin mo ang isang matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada.
Ano ang gagawin mo?
A. Panoorin lámang kung paano makakatawid ang matanda.
B. Magiliw na tulungang tumawid ang matanda.
C. Sigawan ang matanda at takutin ito.
D. Pagtawanan ang matanda.

Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pagkamagiliwin


at pagiging palakaibigan at MALI naman kung hindi.
_________11. Luis, lumayas ka nga diyan!
_________12. Magandang umaga, mga kaibigan.
_________13. Magandang araw din po, tuloy po kayo!
_________14. Natutuwa ako sa inyong pagdating, Tiya Elaine.
_________15. Narito ang sobra kong pagkain Philip, kunin mo.
_________16. Ayaw ko sa iyo, mabaho ka!
_________17. Pasensiya na, hindi ko sinasadya.

Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa ibaba.


Ang pagiging _____________________ sa kapwa, mapagbigay kanino man,
pagkakaraon ng ___________________ pag-uugali, at pagkakaroon ng
maayos na pakikitungo sa lahat ng oras ay inaasahan sa isang
___________________ katulad mo.

Pagkamagiliwin mabait
mabuting batang
FILIPINO- 2 MODULE 1-2 SECOND QUARTER
Tukuyin ang uri ng mga pantig na may salungguhit. Isulat sa patlang kung ito
ay patinig, katinig, kambal-katinig, o diptonggo.

____________1. bahay ____________11. elesi


____________2. plano ____________12. bola
____________3. apoy ____________13. komiks
____________4. Klima ____________14. aso
____________5. Ilaw ____________15. bayaw
____________6. Elepante ____________16. ukoy
____________7. Traysikel ____________17.kahoy
____________8. Bantay ____________18. candy
____________9. Susi ____________19. eroplano
____________10. Ngiyaw ____________20. Dila

ARALING PANLIPUNAN- 2
MODULE 1-2 SECOND QUARTER
PANGALAN: ___________________________________________________

Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap


tungkol sa araling ito.

sariling kasaysayan komunidad


Ang bawat _________________________ ay may kani-kaniyang
___________________________ pinagmulan. Dapat alalahanin at pahalagahan
ang ________________________ ng pinagmulan ng komunidad.
Isulat ang T kung Tama ang inilalahad ng pangungusap at M naman kung
Mali.
________4. Nananatili pa ring walang kuryente ang lahat ng bahay sa
kasalukuyan.
________5. Baro at sáya ang pang-araw-araw na damit sa kasalukuyan.

________6. Marami ng lansangan sa kasalukuyan ang sementado.

________7. Gumagamit na ng bagong makinarya sa pagtatanim ang mga


magsasaka.

________8. Ibinoboto na ngayon ng mga tao ang kanilang nais na pinunò.

________9. Mahalagang malaman at maunawaan mo ang pinagmulan ng


iyong komunidad.

________10. Hindi dapat kilalanin at ipagmalaki ang mga lugar na


matatagpuan sa komunidad

________11. Marapat lamang na kilalanin ang mga katangian ng sariling


komunidad.

________12. Pahalagahan ang sariling komunidad

________13. May mga pagkakataon na nababago ang pangalan ng


komunidad, batay sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao at ng
kapaligiran.

________14. Alamin mo ang pinagmulan ng iyong komunidad.

________15. Hindi kailangang mahalin, pahalagahan at ipagmalaki mo ang


iyong komunidad.

16. Alin sa mga sumusunod ang nagbabago sa isang komunidad?


A. tulay B. gusali C. kagamitan D. lahat ng nabanggit

17. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa isang gusali tulad ng
aklatan na nananatili pa rin sa komunidad hanggang sa kasalukuyan?
A. ingatan ang mga kagamitan C. panatilihin ang kalinisan nito
B. gamitin nang maayos D. Lahat ay tama.
18. Sino ang higit na makapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa
naganap na mga pagbabago sa komunidad?
A. nakababatang kapatid C. dayo
B. kamag-aral D. nakatatanda

19.. Alin sa mga katangiang ito ang dapat ipakita ng mga tao kaugnay ng
pananatili o hindi pagbabago ng mga bagay sa ating komunidad?
A. pagmamahal C. pagmamalaki
B. pagpapahalaga D. lahat nang nabanggit

20. Ano ang dapat gawin sa mga bagay na nanatili sa ating komunidad?
A. Palitan ng mas maganda.
B. Ingatan, alagaan at ipagmalaki.
C. Bigyan ng pansin tuwing may okasyon.
D. Pabayaan hanggang masira.

MATHEMATICS- 2
MODULE 1-2 SECOND QUARTER
NAME: ___________________________________________________

Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.


1. 348 – 326 = _____ a. 24 b. 22 c. 18 d. 14

2. 785 – 553 = _____ a. 1338 b. 242 c. 232 d. 198

3. 976 – 99 = ______ a. 814 b. 677 c. 877 d. 1075

4. 876 – 387 = _____ a. 1263 b. 511 c. 489 d. 389

5. 728 – 462 = _____ a. 66 b. 126 c. 166 d. 266

6. 286 – 23 = _____ a. 286 b. 269 c. 263 d.243

7. 563 – 400 = _____ a. 163 b. 153 c. 100 d. 63

8. 784 – 700 = _____ a. 840 b.704 c. 184 d. 84


9. 850 – 57 = _____ a. 697 b. 793 c.797 d.893

10. 249 – 19 = _____ a. 268 b. 248 c. 230 d.130

Alamin ang sagot sa mga sumusunod gámit ang isip


lámang.
11. Ang 8 ay ibawas sa 49. _______________
12. Ilan ang matitira kung ang 200 ay ibabawas sa 359?
_________________
13. Kunin ang 10 sa 258. ________________
14. Ang 673 ay babawasan ng 300. Ano ang sagot?
_____________________
15. Kunin ang 500 sa 583. ______________________
Pagbabawas. Alamin ang sagot sa mga sumusunod:
16. 497 – 349 = __________
17. 662 – 479 = __________
18. 924 – 319 = __________
19. 719 – 664 = __________
20. 883 – 642 = __________

You might also like