Komunikasyon 1Q 2022

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na Konseptong Pangwika.

WIKA

Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988)

Ang wika ay isang sining.Hindi ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago
matutuhan. (Charles Darwin)

Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang agnumang minimithi o pangangailangan natin.
(Paz,Hernandez,at Peneyra 2003)

Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Kung kaya’t lumutang ang konseptong “ponosentrismo”
(phonocentrism) na nangangahulugang “ una ang bigkas bago ang sulat” ayon kay
Ferdinand Saussare (1911)

Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling
(morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.

Ponolohiya- maagham na pag-aaral ng tunog/pinag-aaralan ang wastong bigkas ng tunog na tinatawag na


ponema.
Morpolohiya-pag-aaral ng mga pinagsama-samang mga tunog upang makabuo ng isang salita.

SINTAKSIS- pag-aaral ng mga istruktura ng pangungusap.


SEMANTIKA-pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito
sa pangungusap o pahayag.

- Ang wika ay masistemang balangkas


- Ang wika ay sinasalitang tunog.
- Ang wika ay arbitraryo sapagkat may iba’t ibang gamit ang wika ng iba’t ibang komunidad.

Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon.


Ang wika ay nakabatay sa kultura
Ang wika ay nagbabago.
Ang wika ay pantao.
Ang wika ay pinipili at isinasaayos.

WIKANG PAMBANSA

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika
at diyalekto.Humugit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang naging
pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang nauunawaan at masasalita ng karamihan
sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubulkod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang
pambansa.
Sa Pilipinas , Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa. De jure sapagkat legal at naaayon sa
batas na Filipino ang pambansang wika. Tinitiyak ng ating konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng isang
pambansang wika. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang mga tiyak na probisyong
kaugnay ng wika.
Ayon dito:

Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
1
- Humigit- kumulang 150 wika at dayalekto ang umiiral sa ating bansa.

- Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangan magkaroon tayo ng isang wikang
mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino.
Base sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa
dahil ang naturang wika ay tumutugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng:
ang wikang pipiliin ay dapat…
- wika ng sentro ng kalakalan
- wika ng sentro ng edukasyon
- wika ng sentro ng kalakalan
- wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan
Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi naging madali ang pagpili sa wikang pagbabatayan ng
wikang pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaan nito simula noong bago pa dumating ang mga kastila
hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa mga susunod na aralin ay tatalakayin ng mas malalim ang kasayasayan ng ating
wikang pambansa subalit sa ngayon magkakaroon ka ng paunang impormasyon sa kasaysayan ng ating wika nagagamitan
mo ng timeline.

Performance Task 1:

Panuto :Magsaliksik tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa.Bumuo ng timeline ng mga pangyayaring


nagbigay-daan sa pagkakahirang sa Filipino bilang wikang pambansa.gamitin ang sariling salita at
pangungusap sa pagbuo ng timeline at itala sa ibaba ang mga sanggunian na iyong ginamit.

Mula 1934, 1935, 1937, 1940, 1946,1959,1972,hanggang 1987

WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO

Ayon kay Virgilio Almario , ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan
ng pamahalaan.Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong
nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang opisyal na
wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Ayon sa itinadhana ng ng ating Saligang Batas ng 987, Artikulo XIV, Seksyon 7 mababasa ang sumusunod:
“ Ukol sa layunin ng kominikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon.dapat na itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic”
Sa pangkalahatan, Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.Sa pagpasok ng K
to 12 Curriculum, ang Mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula sa
Kindergarden hanggang grade 3 sa mga pampublikong at pribado man.Tinatawag itong Mother Tongue-Based Muti-
Lingual Education (MTB-MLE).

2
Pinatunayan ng mga isinagwang pag-aaral na lokal at internasyunal na nag paggamit ng wikang kinagisnan sa mga
unamg taon ng pag-aaral ay nalilinang sa mga mag-aaral na mas mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral sa pangalawang
wika( Filipino) at maging ikatlong wika (Ingles)
Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa paaralan. Ang magiging pokus sa kindergarden at
unang baitang at katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay bibigyang-diin ang
iba’t ibang pang komponent ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.sa mas mataas na baitang ay
Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of instruction.
Isang paraang unibersal ng pagpapaunlad ng Filipino ang iminungkahi ng mga lingguwista ng UP ( C. Lopez, E
Contantino, G.G. Paz at E. Cruz.

Ang “Universal Approach” ay naglalayong magpaunlad ng wikang pambansa para sa Pilipinas na hindi lamang batay
sa Tagalog kundi batay sa maraming wikain ng Pilipinas kasama ang mga salitang banyaga na naging bahagi na ng ating
Wikang Pambansa. Ang paraang ito’y nagpapakita ng pagiging dyanamiko ng isang wika.Di lamang iisa ang dapat maging
istilo tulad ng tagalog: di dapat maging “rigid”, artipisyal at panlibro lamang ang wika.

Gawain 2
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang MTB-MLE? Sa paanong paraan ito maaaring makatulong sa mga mag-aaral sa unang taon ng pagpasok
nila sa paaralan?
2. Sa iyong palagay, makatutulong nga kaya sa mga batang mag-aaral kung wikang kinagisnan nila ang gagamiting
wikang panturo sa kanila? Magbigay ng patunay.
3. Ikaw, anong wika ang iminulat sa iyo ng iyong mga magulang , ang wika bang umiiral sa inyong lugar o wikang
Ingles? Ipaliwanag.

Gawain 3

Panuto: Panoorin ang isang bahagi ng talumpati ni dating Pangulong Benigno Aquino III para sa State of the Nation Address
(SONA) mula sa link na ito; State of the Nation Address 2015 (clean feed) RTV Malacanang
https://www.youtube.com/watch?v=ikdZuI2Eog4.

Ang simula ng SONA ay nasa 1:05 ng video. Mayroon kayong sampung minuto upang mapanood ito. Pagkatapos ,
sagutin ang mga sumusunod:
1. Masasabi bang higit mong naramdaman o naunawaan ang mensahe ng talumpati ng pangulo dahil wikang Filipino
ang ginamit niya sa pagbigkas nito? Ipaliwanag.
2. Ano ang nararamdaman mo para sa isang pangulong gumagamit ng wikang Filipino sa kanyang pagbibigay ng ulat
sa bayan? Maituturing bang kahanga-hanga o hindi ang ginawa niyang ito? Ipaliwanag.

GAWAIN 1

Panuto: Isulat sa iyong dyonal / word file sa Filipino


- 1.Bakit mahalaga ang wika?
- 2. Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, mabuting
3
pakikipag-kapwa-tao at kapayapaan?
- 3. Maglahad ng tig-isang paraan mula sa tatlong nabanggit.

Performance Task 2:
Panuto: Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa modernong teknolohiya. Bumuo ka ng makabuluhang
Facebook Post na hihikayat sa iba lalo na sa kapwa mo kabataan upang gamitin, ipagmalaki at mahalin
ang ating wikang pambansa.maaari mo itong lagyan ng naaangkop na larawan upang higit na
makakuha sa atensyon ng iyong Facebook Friends.

I-post ito sa FB ng inyong seksyon. Maaari itong ipost/ ipasa hanggang petsang itinakda ng guro.
( Maaaring pikturan ang iyong nai-post at isama sa Word file nito)

BARAYTI NG WIKA

Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao mula sa ibang
lugar na may naiibang kaugalian at wika.Mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba
sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.

1. DAYALEK – Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga to mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan,rehiyon o bayan.Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa
iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang
gamit na salita para sa isang bagay o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa
dayalek ng lugar sa iba pang lugar.Halimbawa , dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong,
tagalog sa Maynila at Tagalog sa Bisaya.Halimbawa “Kumain tayo sa mall” sa Tagalog , sa Bisaya ito ang
nababanggit “Magkain tayo sa mall” .Hindi man ito kaparehong-kapareho ng sa Tagalog subalit
magkakaintindihan pa rin ang dalawang nag-uusap gamit ang baryasyon ng wika sa kani-kanilang lalawigan o
rehiyon.

2. IDYOLEK – Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan
ng pagsasalita ang bawat isa. Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita.Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong-magkapareho. Madalas na napapabantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging
paraan ng pagsasalita o idyolek.Halimbawa si “kabayan’ Noli de Castro, “Magandang gabi Bayan” si Mike
Enriquez “ Hindi namin kayo tatantanan” Kris Aquino “ “Aha,ha, ha , nakakaloka!okey Darla.”

3. SOSYOLEK – Wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit
ng wika. Kapansin-pansinng ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng
kalagayang panlipunan, paniniwala, opurtunidad, kasarian,edad at iba pa.May pagkakaiba ang barayti ng
nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan;ng maykaya sa mahihirap;ng babae sa
lalaki;o sa bakla;gayundin ang wika ng preso;wika ng tindera sa palengke at ng iba pang pangkat. Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutuhan ang sosyolek niyo.Kabilang din
sa dito ang wika ng mga beki o “gay lingo”.Kung ang coйo ay sosyolek ng mga ‘sosyal” o “pasosyal” gayundin
ang jologs,jejemon at bekimon.Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ding tumukoy sa pangkat
ng isang propesyon, partikular na trabaho o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng
partikular na pangkat ay magpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa ang abogado ay makikilala
sa mga jargon na tulad ng exhibit,appeal,complainant at iba pa.

4. ETNOLEK – Ito ang barayti ng wika mula sa mga etnolongguwitang grupo.Ang salitang “etnolek” ay nagmula
sa pinagsamang etniko at diyalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko.Halimbawa: ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng Ivatan na pangtakip sa ulo sa init man o sa

4
ulan; bulanon na ibig sabihin ay full moon;kalipay na ibig sabihin ay tuwa o ligaya;ang paggamit ng mga Ibaloy
ng SH sa simula,gitna at dulo ng salita tulad ng shawa(dalawa), sadshak (kaligayahan) peshen (hawak)

5. REGISTER – barayti ng wika kung saan naiaaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap ay isang
taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala.Pormal na
wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba,seminar
o pagpupulong,sa mga talumpati,sa korte,sa paaralan at iba pa. Ang mga di pormal na paraan ng pagsasalita
ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan,malalapit na kapamilya, mga kaklase o mga kasing-
edad at ang matatagal nang kakilala. Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad ng kasayahang
pampamilya o magbabarkada gayundin sa pagsulat ng liham-pangkaibigan, komiks sariling talaarawan at iba
pa.

6. PIDGIN AT CREOLE – Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native
language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari iti kapagmay dalawang taong nagtangkang
mag-usap subalit pareho silang may magkaibang wika kung kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang
wika ng isa’t isa.Halimbawa , nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag-usap sila sa katutubo
roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon ng “makeshift language”.
Wala itong pormal na estruktura kaya’t ang dalawang nag-uusap ang lumilinang ng sariling nilang tuntuning
pangwika.Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong
Espanyol at wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.

Kalaunan,ang wikang ito na nagmula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin.Nagamit ito ng mahabang panahon,kaya’t nabuo ito hanggang sa
magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinawag nag creole, ang
wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.Halimbawa nito ay ang chavacano ( kung
saan ang wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwesya at bokubularyo ng wikang Espanyol o Kastila) at ito
ngayon ay naging creole na.

GAWAIN :

1. Paano mo mailalarawan ang iyong idyolek?


2. Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita ein ng wikang ginagamit
mo?
3. Sa anong sosyolek nabibilang ang pagsasalita mo? Ipaliwanag.
4. Ano ang jargon?Ipaliwanag
5. Paano mo malalaman ang propesyon o gawain ng mga taong nag-uusap batay lamang sa kanilang
jargon?

GAWAIN:

1. Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang mga kaalaman mo tungkol sa


mga barayti ng wika? Magtala ng limang paraan.

GAWAIN Gumawa ng sariling post sa Social Media ayon sa hinihinging katanungan at mga
sitwasyon.(Piksyuran ang ginawang post at isama sa file ng sagot ng mga gawain)

1. Bakit mahalaga na matutuhan at maunawaan sa mga barayti ng wika?

PERFORMANCE TASK 3

2. Lumikha ng isang tula na ginagamitan ng mga barayti ng wika.


- Dawalawang saknong na may 4 na talugtod
- May tugmaan at may sukat na lalabindalawahing pantig.

5
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa
ating buhay, isa na rito si Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K. Halliday) na naglahad ng PITONG
TUNGKULIN NG WIKA.

1. INSTRUMENTAL – Ang wika ay nagsisilbing instrumento upang maisakutuparan at matugunan ang


pangangailangan ng tao.
Halimbawa :pag-uutos, pakikiusap at pagtatanong
Nakikiusap ako sa iyo, pag-usapan natin ito.
May mga takda ba tayong kailangan sagutin ngayon?
Pakikuha naman ang mga gamit na nasa labas

2. REGULATORYO – Makapangyarihan ang wika sapagkat nakokontrol nito ang kilos at gawi ng tao.
Halimbawa : pagbibigay babala, pagpapaalaala,pagbibigay ng panuto
Bawal magtapon ng basura dito.
Magsuot ng facemask at face shield kapag lalabas ng inyong tahanan.
Maghugas mabuti ng kamay bago pumasok dito.

3. INTERAKSYUNAL – Ang wika ay nakatutulong sa pagpapanatili ng magandang relasyong sosyal sa pagitan ng

mga indibidwal/ paraan ng pakikipag-uganayan ng tao sa kapwa.

Halimbawa: pangungumusta ,pagbati,pagbibiro

Kumusta ang anak mo sa Amerika?

Uy, ang seksi mo ngayon ah!

Kayo na ba ? …ikaw naman,biro lang naman!

4. PERSONAL – Nakatutulong ang wika sa pagpapahayag ng saloobin/ opinyon/pananaw ng isang tao.


Halimbawa :pagsulat ng sanaysay at editoryal,pagtatalumpati, pagkakaroon ng pormal/di pormal na
talakayan, pagpo-post ng iyong pananaw tungkol sa isang isyu sa iyong account sa
FB/twitter/instagram/blog at iba pa, pakikipagkwentuhan at pakikisangkot sa isang interbyu.

5. HUERISTIKO – ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan. Naipapakita sa pamamagitan ng pagtatanong upang mangalap ng impormasyon
na nangangailangan ng masususing pag-aaral o di kaya’y matibay na basehan o batayan.
Halimbawa : pagsasagawa ng sarbey, pananaliksik at pakikipanayam

6. IMAHINATIBO: sa pamamagitan ng wika ay napapagana nito ang imahinasyon ng tao


Halimbawa :pagsulat ng mga akdang pampanitikan, pagguhit at pagpinta ng larawan, paglalarawan

7. IMPORMATIBO- kabaligtaran ng heuristiko,may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang


pasulat at pasalita.
Halimbawa : pagtuturo, pag-uulat, pagsulat ng pamanahong papel.

You might also like