Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Note: PLEASE FILL IN THE

INFORMATION BELOW.

STUDENT'S NAME:
GRADE & SECTION:
CONTA

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
1
PAUNANG PAGTATAYA (Pre-test)

Panuto: Isulat ang Tama kung dapat mong gawin at Mali kung hindi.

1. Suriin ang mga mabubuti at di-mabubuting naidudulot ng isang


proyekto bago magdesisyon.

2. Sumang-ayon agad sa napagpasyahan upang hindi na magtagal ang


usapan.

3. Mahusay magsalita isa sa inyong kasamahan kaya hayaan na lang siya


sa mga naisin niya.

4. Pag-aralang mabuti ang isang petisyon bago lagdaan.

5. Umiwas sa pagbibigay ng agarang desisyon upang maiwasan ang


anumang pagkakamali.

6. Magsaliksik muna tungkol sa isang usapin bago magbigay ng


pagpapasya.

7. Huwag ng alamin ang damdamin ng nasasakupan hinggilsa isang bagay


na kailangan ang pagpapasya mo dahil ikaw pa rin naman ang masusunod.

8. Tanggapin ang mga opinyon ng mga taong maapektuhan ng gagawing


pagpapasya.

9. Magbigay ng pasya na mas papabor para sa sarili.

10. Matamang pag-aralan ang bawat sitwasyong kakaharapin upang hindi


magkamali sa pagpapasyang gagawin.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
2
Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na


makabubuti sa pamilya sa pamamagitan ng pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari, pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti
ito.( EsP6PKP-Ia-i-37)
b. Mangalap ng mga impormasyong makatutulong sa iyong pagpapasya.
c. Napahahalagahan ang pagmamahal sa katotohanan sa mga nababasa sa social media
d. Nakapaglalahad ng sariling karanasan na nagpapakita ng mapanuring pag-iisip sa
paggamit ng impormasyong nakalap.
e. uunawaan ang kabutihang dulot ng katatagan ng loob o fortitude sa sitwasyon ng buhay.

Aralin 1: SURIIN MUNA BAGO MAGPASYA

❖ Anumang suliranin sa buhay ay may katapat na solusyon.Kaya anumang hirap na


kinakaharap na sitwasyon, suriing mabuti at manalangin sa Ama upang
makapagbigay ng tamang desisyon.
❖ Suriin nang mabuti ang sumusunod na sitwasyon.
❖ Punan ang bahagi ng Tugon at Kung Paano ko sasagawa sa iyong sagutang papel
bilang pagsasabuhay ng iyong mabuting pagpapasya o desisyon.
HALIMBAWA:
Sitwasyon Tugon Paano ko Isasagawa

Walang kayong ulam Pagbabahagi sa Kusa kong babawasan


madalas, Bago pamilya ng naipon sa ang laman ng aking
magkatapusan ng alkansya para sa pang alkansya bilang
buwan, tanging nilagang ulam sa hapunan pagtulong ko sa aking
talbos ng kamote ang pamilya.
inihahain ng iyong nanay.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
3
MGA SITWASYON

1. Ang matalik mong kaibigan ay nalulungkot sa kalagayan ng tatay na may malubhang


sakit.

2.Ang bunso mong kapatid ay nahihirapan sa pagsagot sa aktibiti ng aralin sa matematika


, at siya ay umiiyak na lumapit sa iyo upang humingi ng tulong.

3. Napanood mo sa telebisyon ang balita sa naganap na sunog kalapit lang ng inyong


lugar at marami sa kabahayan ang naging abo na.

4. Nasalubong mo ang pinuno ng samahang pangkabataan sa inyong barangay. Pinapirma


ka niya sa isang petisyon upang mapaalis ang isanilang kasamahan na hindi nakikiisa sa
kanilang mga programa. Ano ang gagawin mo?

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
4
B. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung mabuti ang inilalahad ng sumusunod na
sitwasyon at ang salitang MALI kung hindi ito mabuti.

1. Pagsagot ng mga gawain sa Self-Learning Modyul na ibinigay sa iyo ayon sa


takdang oras at araw.

2. Paglabas sa inyong tahanan sa panahon na may COVID 19 Pandemic upang


makipaglaro sa kapitbahay.

3. Paggawa ng Facebook account dahil lahat ng miyembro ng pamilya ay


mayroon nito.

4. Pag-eehersisyo araw-araw kahit sa loob ng 15 minuto.

5. Pagsasagawa ng physical distancing kahit sa loob ng tahanan.

C. Gumawa ng graphic organizer tulad ng iyong nakikita sa gawing kanan at isulat ang
mga dapat isaalang- alang sa paggawa ng desisyon.

Desisyon

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
5
Aralin 2: BUKAS NA ISIPAN, MAAYOS NA SAMAHAN

Basahin ang maikling kwento at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.
Ano nga ba ang Mabuti?

“Aba’y marami, nariyan ang paglilinis ng bahay at bakuran.” Ang wika ni Nanay.
“Nanay naman, manood po tayo ng movie marathon sa TV. Sabadong-sabado po, trabaho
na naman po”, ang reklamo ni Lito.
“Ano ka ba Lito? Mainam ngang magtrabaho sa bahay dahil Sabado ngayon.
Pagkakataon na nating maglinis ng bahay at bakuran. Kailan pa natin ito magagawa?
Araw-araw kami napasok sa trabaho”, ang paliwanag ni Ate Palma.
“Oo nga Lito. May katwiran si Ate Palma mo”, sang-ayon ni Tatay.
“Siya Nga naman Lito. Tama ang ate mo. Kailangan nating panatilihing malinis
ang ating bahay. Masukal na ang ating bakuran. Pagkakataon na natin ito ngayon. Narito
tayong lahat at magkakatulong-tulong tayo”, dagdag pa ni Nanay.
“At matatapos natin ang gawain nang mabilis kasi lahat tayo ay magtutulong- tulong. O,
ano, Lito? Sang-ayon ka na ba sa pasya namin? Sa ibang araw na lang tayo mag movie
marathon”, ang wika ni Ate.
“Sige na nga. Maglinis na lang tayo ngayon. Sang-ayon na po ako. Para sa
kabutihan naman po nating lahat ang ating gagawin. Isa pa marami po kayong nagpasya. iisa
lang po ako. Syempre payag na po ako,” ang masayang wika ni Lito.
“Ayan ang mabuting kasapi ng pamilya. Bukas ang isipan sa pasya ng nakararami
lalo na kung para sa kabutihan ng lahat”, ang masayang wika ni Tatay”.

Mga Tanong:

1. Ano ang kailangang pagdesisyunan ng mag-anak na Ramos isang araw ng Sabado?

2. Makatwiran ba ang naging desisyon ng mag-anak para sa lahat? Bakit?

3. Anong katangian ang ipinakita niya? Kung ikaw si Lito, paano mo ipakikita ang
pagiging bukas ng isipan sa loob ng inyong tahanan?

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
6
GAWAIN

A. Panuto: Paano mo dedesisyunan ang bawat sitwasyon? Isulat ang letra ng


tamang sagot sa patlang.

1. Malapit na ang kaarawan ng iyong ina. Nagpasya kayong magkakapatid na


bilhan siya ng bagong damit bilang regalo sa kanya. Kinailangang ilabas muna ang mga
ipon ninyong pera. Bigla mong naisip na kaya ka nag-iipon ay upang makabili ka ng
bagong cellphone.
A. Ibibigay ko ang ipon ko kaysa magalit sa akin ang ate ko.
B. Ibibigay ko ang ipon ko. Mag-iipon na lang ulit ako para sa cellphone.
C. Ibibigay ko ang ipon ko. Hihingi na lang ako ng pambili ng cellphone sa tatay ko.
D. Ibibigay ko ang ipon. Mas mahalagang mapasaya si Nanay sa kanyang kaarawan.
2. Araw ng Linggo. Napagkasunduan ng iyong pamilya na mag food trip. Gusto ng
ate at bunso mong kapatid na magluto lamang ngunit ayaw mo dahil ang gusto mo ay
online order. Pinapili kayo ng inyong mga magulang bilang huling desisyon.
A. Mananahimik na lang ako at hindi na magsasalita.
B. Sasabihin ko sa mga magulang ko na sila na lang ang magdesisyon.
C. Susunod ako sa pasya ng nakararami. Sa susunod na lang ako mag order sa
online.
D. Susunod ako sa pasya ng nakararami dahil magagalit sila sa akin.
3. May pagsusulit kayo bukas. Kailangan mong mag-aral dahil mababa ang nakuha
mong marka noong huli ninyong pagsusulit. Pinakiusapan ka ng nanay mo na bantayan
muna ang iyong bunsong kapatid habang siya ay naglalaba.
A. Mag-aaral ako habang umiiyak ang kapatid ko.
B. Aalagaan ko ang bunso kong kapatid habang ako ay nag-aaral.
C. Sasabihin ko sa nanay ko na huminto munang maglaba kasi mag-aaral ako.
D. Aalagaan ko muna ang bunso kong kapatid habang hindi pa tapos maglaba si
Nanay.
4. Nawalan ng trabaho ang tatay mo dahil sa pandemya ng COVID 19. Sinabihan
ka ng tatay mo na huminto muna sa pag-aaral at paunahin na muna ang ate mo na malapit
ng magtapos sa kolehiyo. Ito ay dahil isa lang ang cellphone na maaaring magamit ninyo
sa online learning.
A. Sasabihin ko sa kanila na gusto ko rin makatapos ng pag-aaral.
B. Tutulong na lang muna ako sa bahay habang nag-aaral ang ate ko.
C. Susundin ko ang aking magulang upang hindi na rin sila mahirapan.
D. Ipaliliwanag ko sa kanila na modyul ang gagamitin sa pag-aaral at minsan lang
mag-online kaya minsan lang ako manghihiram ng cellphone kay ate.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
7
5. Inutusan ka ng nanay mo na linisin ang iyong kwarto dahil pinamamahayan na
ng mga lamok ang ilalim ng iyong higaan. Naalala mong nakapangako ka sa iyong matalik
na kaibigan na mag-video call kayong dalawa upang pag-usapan ang inyong proyekto.
Ano ang gagawin mo?
A. Ipalilinis ko na lang ang silid ko sa nakababata kong kapatid.
B. Maglilinis ako ng aking silid habang nakikipag-video call sa aking kaibigan.
C. Sasabihin ko sa nanay ko na mamaya na ako maglilinis ng aking silid.
D. Maglilinis muna ako ng aking silid bago ako makipag-video call sa kaibigan ko

Aralin 3: MAGING MAHINAHON, SA LAHAT NG PAGKAKATAON

❖ Madalas ka bang may nakakasamaan ng loob dahil pabigla-bigla ka? O may kilala ka
bang taong ganito? Mabuti ba ang pabigla-bigla sa pagpapasya o pabigla bigla sa
pagkilos? Bakit kaya sila pabigla-bigla? Ang mga taong ganitong pabigla-bigla sa
kanilang pagpapasya o pagkilos ay pabigla-bigla ring mag-isip. Hindi nila
nagagawang pigilan muna ang kanilang sarili upang sila ay makapag-isip ng kanilang
gagawin. Kaya madalas ay pinagsisihan ang kanilang ikinilos. Huli na kung maisip na
hindi pala tama o mabuti ang kanilang pasya at ginawa.
❖ Gaanuman katindi ang galit ng isang tao, simbagsik man ng tigre o sing-init ng
kumukulong putik ng bulkan, lahat ito'y napahuhupa kung ang kaduwelo ay
mahinahon at kalmado.
❖ Ang pagiging mahinahon sa pagbibigay ng pasya ay dapat taglayin hindi lamang ng
isang lider ng pangkat o ng mas nakatatanda .Ito'y dapat taglayin ng lahat mula
pagkabata pa lamang upang lumawak ang pag-iisip at mahubog ang ugaling
pagkamahinahon.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
8
GAWAIN 1

A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita


ng pagkamahinahon at malungkot na mukha naman kung hindi.

1. Kahit na sinasalungat ang aking pasiya, inuunawa ko ang mga nagbibigay nito.

2. Iniisip ko muna ang mga maaaring kalabasan ng aking pasiya bago ako gumawa nito.

3. Pabigla-bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto ko agad na matapos ang suliranin.

4. Sakit sa ulo ang mag-isip kaya umiiling na lang ako kapag tinatanong.

5. Natataranta ako kapag sinasalungat ang aking pasiya.

GAWAIN #2

B. Panuto: Sumangguni sa iyong mga magulang o kasama sa bahay upang


mabuo ang graphic organizer. Mula sa inyong karanasan paano ninyo
ipinakita ang pagiging mahinahon? Ibahagi ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbuo ng
graphic organizer. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
9
GAWAIN 3

Panuto: Pag-aralan ang bawatsitwasyon at isulat ang pasya ukol sa iyong gagawin.

1. Hindi sinasadya natapakan mo ang tsinelas ng kaklase mo habang naglalakad kayo na


dahilan ng pagkadapa niya.Tumayo siya at itinulak ka kahit humingi ka na ng pasensiya.

2. Napapansin mong ikaw lang ang laging inuutusan ng inyong lider sa mga gawaing dapat
ay pangkatan niyong gagawin. Minsan naisip mong gumanti pero pinagsisihan mo rin
dahil alam mong masama. Nang matapos ang unang markahan, ikaw ang ginawang lider
ng guro mo para sa pangkat ninyo.

3. Nakita mong akmang susuntukin ng kaklase mo ang kapatid mo. Agad mong pinigilan
iyon at ikawang sinuntok. Hinamon ka nitong gumanti.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
10
Aralin 4: PAGGALANG SA IDEYA O SUHESTIYON NG IBA

Ang paggalang ay nararapat lamang na ibigay sa lahat ng tao. Ito ay


naipakikita sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapahalaga sa kapuwa.
Hayaang matapos muna ng pagsasalita ang iyong kapuwa at makinig na mabuti. Suriin
ang sitwasyon bago magbigay ng sariling pananaw.

Gawing bukas ang isipan sa pakikinig , pagtanggap at paggalang sa ideya na


ipinapahayag ng iba, bata o matanda, lalaki o babae o anuman ang katayuan sa lipunan.

Panatilihin ang magandang komunikasyon ng bawat isa. Maaaring ipahayag ang


pagsalungat sa magandang kaparaanan. Lahat ay nadadaan sa magandang usapan bastat
maging mahinahon lamang. Iwasan ang pagbibigay ng mungkahi na makakasakit sa
damdamin ng kapuwa.

Igalang ang kagustuhan ng nakakarami kahit ito ay labag sa kalooban ng iilan.

GAWAIN

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti


ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang SA
kung sang-ayon at nagpapakita ng paggalang ng sa ideya o suhestiyon ng kapuwa at HS
kung hindi.

1. Hindi tinitingnan ang nagsasalita sapagkat ayaw niyang marinig pa ang


sinasabi.

2.Nakikinig at sinusuri ang suhestiyong isinasaad ng kamag-aral.

3.Si Pangulong Duterte ay nagtatanong sa mga suhestiyon ng mga miyembro ng


gabinete sa tuwing may kinakaharap na suliranin ang bansa.

4. Ang lider ng iyong pangkat ang palaging nasusunod kapag may mga proyekto
kayong dapat gawin.

5. Ang Baitang Anim Pangkat Darwin ay nagkakaroonmuna ng


brainstorming upang makabuo ng mga hakbang sa pagbuo ng proyekto.

6. Dahil si Tatay ang tinaguriang Ama ng Tahanan, siya rin ang madalas
ARANDIA COLLEGE INC.
ELEMENTARY DEPARTMENT
11
magdesisyon para sa pamilya namin.

7. Isaisip palagi na hindi lahat ng tao ay magkakatulad ng opinyon.

8. Tanda ng paggalang ang hindi pakikinig at pagtingin sa nagbibigay ng opinyon


habang nagsasalita.

9. Anuman ang katayuan sa buhay kapag nagbibigay ng ideya pinapakinggan kong


mabuti.

10. Maaaring magtanong sa nagbibigay ng suhestiyon upang mas lalong


maliwanagan ang nagugulumihan ang isipan.

B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Magbigay ng mungkahi


kung ano ang maaaring gawin. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Mga Sitwasyon at Maaaring Mungkahi

Sitwasyon 1:

Nakita mong nagtatalo ang iyong mga kaklase tungkol sa hindi nila nagawang proyekto,
pero nagampanan mo naman ang nakalaang trabaho para sa iyo na ibinigay ng iyong
kapangkat.

Mungkahi:

Sitwasyon 2:
Napansin mong hindi sinusunod ng maraming mga mag-aaral sa inyong paaralan ang
patakaran sa “waste segregation” kahit pa ilang beses na itong pinaalala ng inyong guro.

Mungkahi:

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
12
D. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap.Isulat sa patlang ang MP kung
nagsasaaad ito ng paggalang sa suhestiyon o ideya ng kapuwa at WP kung hindi nagpapakita
ng paggalang.

1. Nakikinig nang mabuti sa sinasabi ng iba bago ipahayag ang sariling kaisipan.

2. Iginigiit ang opinyon dahil sa tingin mo ay mali ang sinsabi ng iba.

3. Ang pagpapahayag ng saloobin ay paraan upang linawin ang mga bagay na


nagpapagulo sa isipan, kaya mahalagang bigyan ng pagkakataon ang bawat isa.

4. Labag man sa sariling paniniwala, kailangan pa ring pakinggan ang sinasabi ng iba.

5. Alam mong kulang sa impormasyon ang binabanggit ng iyongkaklase kaya


sinalungat mo na ang kanyang pagpapahayag.

6. Hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang paratang sa iyo, subalit hinayaan mo


muna siyang matapos bago mo ihayag ang saloobin mo.

7. Marami ka ng napapansin na hindi maganda na ginagawa ng iyong kaibigan kaya


kinausap mo siya at tinanong kung bakit.

8. Madalas mapansin ng iyong kaibigan ang mga pagkakaiba ng inyong paniniwala


subalit taimtim niya pa ring pinakikinggan ang iyong paliwanag.

9. Kadalasan hindi mo gusto ang sagot ng iyong kaklase sa recitation kaya madalas mo
siyang salungatin.

10. Magkaiba man ang relihiyon ninyong magkaibigan subalit pareho ninyo
iginagalang ang paniniwala at pahayag ng bawat isa.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
13
Aralin 5: SUHESTIYON NG AKING KAPWA,IGINAGALANG KO

❖ Ang karapatan sa pamamahayag ay isa sa mga karapatang tinatamasa ng


mga Pilipino bilang mamamayan sa demokratikong bansa. Ang lahat ay maaaring
magpahayag ng kanilang opinyon, ngunit kailangang suriin munang mabuti kung ang
pahayag ay makakabuti o makakasakit ng kalooban ng kapuwa.Isaalang-alang palagi ang
kalooban ng kapuwa. Kaakibat nito ay ang tungkuling maging responsableng mamamayan.

❖ Maging bukas ang isipan ng bawat isa para sa opinyon ng iba. Nagustuhan man o hindi ang
suhestiyon, opinyon o ideya ng iba ipakita at ipadama pa rin ang paggalang. Hayaan munang
makatapos ng pagpapahayag ang tao saka ipahayag din nang maayos ang sariling
suhestiyon.

❖ Magkakaiba man ng mga perspektibo sa buhay ang bawat tao, siguraduhing piliin ang
pagkakaroon ng pagtanggap sa kagustuhan ng iba.Huwag sisigaw o magtataas ng boses para
lamang maipakitang hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kapuwa.

❖ Hindi pare-pareho ang kaisipan ng bawat tao kung kaya ang bawat isa ay mayroong kanya-
kanyang opinyon o ideya na nararapat lamang itong igalang. Kung sakaling may
pagkakataon na salungat ang ideya ng isa sa tinuran ng kapuwa nararapat lamang itong
igalang.

GAWAIN

A. Buuin ang mga pinaghalo-halong letra, ayon sa tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Ibinibigay ng isang tao sa isang sitwasyon, pangyayari o suliranin na kinakaharap upang


ipabatid ang kanyang saloobin.

H T S O U Y N I E S

2. Dapat isa-alang-alang sa pagbibibigay ng mungkahi.

G L A A P A G N G

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
14
3. Katulad o kapareho mong tao.

W U K A A P

4. Kaakibat nito ay ang paggalang.

A H G P A A L P P A A A G

5. Dapat panatilihing bukas sa bawat tao.

A K S K N O N I M U Y O

B. Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa ibaba. Lagyan  kung ang ito ay
nagpapahayag ng paggalang sa ideya ng kapuwa at X kung hindi.

1. Kailangang tanggapin ang ideya ng kapuwa lalo na kung ito ay


makabubuti sa nakararami.

2. Dahil ako ang lider ng pangkat , ako lang ang maglalahad ng mga nais
kung mangyari para sa lahat.

3. Bigyang pagkakataon ang bawat isa upang makapaglahad ng kanilang


suhestiyon sa pangkat.

4. Hayaan munang ilahad ang gustong mungkahi na nais iparating ng


kapuwa.

5. Ang bawat miyembro ng aming pangkat ay matamang nakikinig sa bawat


isa na nagbibigay ng suhestiyon at pagkatapos ay sinusuring mabuti.

6. Si Rosario ay masiglang sumali sa talakayan sa klase at siya ay


pinalakpakan ng kanyang mga kamag-aral.

7. Ang pangkat ng mga kabataan sa Barangay Bayanan ay


masiglang nakilahok sa talakayang naganap tungkol sa “Oplan Linis Kapaligiran” sa
Barangay Hall.

8. Nagkimkim ng sama ng loob si Carla pagkatapos marinig ang pahayag ng


kanyang kaibigan tungkol sa kanya.

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
15
9. Nakatingin sa mga mata si Mario habang nagpapahayag ng kanyang
saloobin sa nangyaring hindi pagkakaunawaan ng mga miyembro kanilang pangkat.

10. Iniisip munang mabuti ng lider ng pangkat bago magsalita sa kanyang


miyembro upang hindi siya makasakit ng kalooban.

C. Punan ng salita o parirala na maaaring iugnay sa paggalang sa ideya o suhestiyon


ng kapuwa.

Paggalang
sa Ideya ng
Kapuwa

ARANDIA COLLEGE INC.


ELEMENTARY DEPARTMENT
16

You might also like