Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

COLLEGE OF NURSING
VALENZUELA CAMPUS
120 McArthur Highway, Marulas, Valenzuela City

FILIPINO 213

PAGSUSURI SA
MAIKLING
KWENTO

IPINASA NI:

EMILY P. YONG
BSN 3-YB-5

IPINASA KAY:

G. RONNIE HERNANDEZ
  I. PAGSUSURI SA MAIKLING KWENTO:
        Paghuli sa mga Itinuturing na Pasaway -Greg Bituin Jr.
https://asinsasugat.blogspot.com/2020/06/maikling-kwento-paghuli-sa-mga.html?fbclid=IwAR3MGBOk1TrebFW
4pZzzqw17rKrvWkoiKIKHqSUlzsvSlFH47M_MDHJXbdc
 II. Gawain Sundin ang ibinigay ng Outline o Balangkas
III. Sagutin ng Maayos at Malinaw ang ibinigay na Pagkakasunod-sunod

I. Pamagat
● PAGHULI SA MGA TINUTURING NA PASAWAY
Maikling kwento ni Greg Bituin Jr.

II. Banghay
A. Simula
Sa isang presinto nagkwentuhan ang mga bilanggo ukol sa mga dahilan kung bakit
sila nakulong. Unang nagkwento si Ka Kiko, ang sabi nito ay galing lang daw sya sa
botika upang bumili ng facemask pero ubos na raw ito at wala ng stock. Kaya umuwi
na lang sya ng walang suot na mask ngunit sa kanyang paglalakad ay bigla na lang
syang hinuli, pinalo ng yantok ng pulis dahil pasaway daw at hindi sumusunod sa
protocol ng pagsusuot ng face mask. Tumugon naman si Elfren na kakilala ni Ka
Kiko, sabi pa nito ay pareho lang ang nangyari sa kanila ni Ka Kiko, wala rin siyang
mabilhan na facemask. Aniya sumunod din naman sya sa social distancing, dagdag pa
dito ang mga alagad ng batas mismo ang hindi sumunod sa batas dahil hinayaan lang
sila nito na parang sardinas sa kulungan. Tahimik lamang nakikinig si Ka Dodong sa
isang sulok ngunit sya'y natanong, ayaw nya sanang sumali sa usapan ngunit nais na
rin nyang ikwento ang nangyari sa kanya, aniya nagfacemask naman daw sya ngunit
hinuli parin sya dahil wala syang quarantine pass. Nais lang naman daw niyang bumili
ng isda. Tumindi ang kanilang usapan. Para sa kanila ay hindi makatarungan ang
pagkulong sa kanila. Ikinulong sila sa walang suot na facemask, walang quarantine
pass, at sinabihan pa na pasaway.

B. Kasukdulan

Sa kanilang pag-uusap sumabat si Ka Lito na isang manggagawa, kwento nito, bilang


lider-manggagawa hindi niya makakalimutan ang Pandaigdigang araw ng Paggawa
kada unang araw ng Mayo. Tiniyak nila ang pagsunod sa covid-19 protocol gaya ng
social distancing at nagpahayag pa sila sa social media ng Free Mass Testing na
nakasulat sa plakard. Aniya wala naman masama sa kanilang pagdiriwang dahil
taon-taon talaga nila ito ginagawa, sumusunod naman sila sa protocol gaya ng pagsuot
ng facemask, pagdala ng alkohol, at social distancing ngunit hinuli parin sila. Kaya
napasabi si Ka Kiko na walang maasahan sa kanilang gobyerno, dahil wala itong
pakundangan sa karapatang pantao. Kahit nga ang sundalong Winston Ragos na hindi
nagsuot ng facemask sinita lamang ng limang pulis ay umabot sa pagpaslang nito. At
may hinuli rin dahil tuwalya ang ginawang facemask. Dahil sa kwentuhan ay
nakwestyon nila ang karapatang pantao. At narinig naman iyon ng pulis na
nagbabantay sa kanila, pinagsabihan sila nito na pasaway daw kasi sila. At sinagot
naman ito ni Ka Kiko na, paano sila naging pasaway, eh naubusan lang naman sila ng
facemask sa botika. Pasaring pa ni Efren, pasaway ang mga pulis dahil sa hindi
pagsunod sa protocol mismo sa presinto, aniya hinayaan lamang sila na walang social
distancing sa kulungan, ang hepe pa na pulis ay nagmanyanita pa na walang social
distancing at hindi man lang ito nakasuhan.

C. Kakalasan
Ilang araw ang lumipas, dumating ang abogadong sumaklolo kay Ka Lito si Atty.
Juan. Subalit paano nga ba ang ibang walang abogado?

Nagbigay ng pahayag si Atty. Juan sa mga bilanggo, aniya hindi sila mga pasaway
dahil ang plano mismo ng kwarantin ang palpak. Ipinagdiinan nito na dapat maging
makatao. Kung walang facemask ang mga bilanggo bakit sila kinukulong kung pwede
namang bigyan sila ng facemask. Ani pa nito ang problema, imbes na doktor o kaya'y
mga espesyalista sa karamdaman ang nangunguna sa pakikibaka sa coronavirus, bakit
mga pulis at militar na wala namang malay sa problema sa kalusugan. Sinabi nito na
dapat serbisyong , medikal, hindi militar. Check up at hindi checkpoint. Tulong, hindi
kulong. Dagdag pa nito, paano nalang kung naipasa ang anti-terror bill baka mas
tumindi pa ang mga paglabag sa karapatang pantao.

D. Wakas

Dahil sa sinabi ni Atty. Juan bukod sa mga bilanggo, medyo naliwanagan din ang
ilang pulis. At humingi ng pasensya. Tugon ng pulis ay sumod lamang sila ng utos
mula sa itaas. At ibinahagi nito ang sinabi ng Presidente na patayin ang mga pasaway.
At maswerte pa ang nabilanggo dahil mabait pa sila at hindi nila ito pinatay.
Napailing na lang ang mga bilanggo at ang abugado sa palsong paliwanag ng pulis. 

Bago umalis kasama ng abugado, isinigaw ni Ka Lito, "Karapatang pantao, ipaglaban!


Free mass testing now!" na ikinagulat man ng mga naroon ay hinayaan na lang silang
makaalis.

III. Tauhan
A. Ka Kiko
B. Efren
C. Ka Dodong
D. Ka Lito
E. Mga pulis
F. Atty. Juan

IV. Tagpuan
Ang pangyayari ay naganap sa presinto.
V. Uri ng Dulog Pampanitikan

Ang akda ni Greg Bituin Jr. ay isang uri ng sikolohikal. Ipinapakita dito ang timabang
ng antas ng buhay, karapatang pantao, paninindigan, paniniwala, mga bagay na
binibigyang halaga at kung ano ang tumatakbo sa isipan at kamalayan ng mga tao.

VI. Kakintalan
A. Bisa sa isip
Ang kwento ay tinitiyak na tumatak sa isipan ng mga mababasa. Makikita sa kwento
ang hindi patas na pagbibigay ng hustisya at pagbabalewala sa karapatang pantao.
Ang kwento ay hango sa tunay na pangyayari sa panahon ngayon. Ang paglabag sa
batas, ang hindi makatarungang trato ng mga nakakataas at ang kapalpakang plano ng
gobyerno. Ang kwento ay nagbibigay interes sa mga tao at kapupulutan talaga ng aral
na sigurado nga namang tumatak sa isip ng mga mambabasa.
B.Bisa sa damdamin

Ang kwento ito ay talagang nakaka pagpukaw ng damdamin ng mambabasa sapagkat


maiintindihan mo ang kanilang mga kwento, lalo na’t bilang isang ordinaryong
mamamayan sa bansa. Ang pakulong sa kanila dahil lamang sa paglabag sa covid-19
protocol ay sadyang hindi makatarungan. Kung marunong lang makinig ang mga
pulis at inuuna ang tama at rasyunal na pag-iisip hindi na sana kailangan umabot pa sa
kulungan ang mga ordinaryong tao na nabilanggo dahil lang sa hindi pagsuot ng
facemask at walang quarantine pass. Nakakalungkot sapagkat sa panahon ngayon
hindi maiiwasan ang ganoong pangyayari. Tama nga naman ang sinabi ng isang
tauhan sa kwento na si Atty. Juan, kung walang facemask ang isang tao bakit
kailangan silang ikulong kung pwede namang bigyan sila ng facemask. Ang
simpleng paghahanap ng solusyon sa isang problema ay mas maganda kesa sa parusa.

You might also like