Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 74

S

Tagapag-ulat:
Jizelle M. Auditor
Rheena Malasugui
Tungkol sa Akda

Ang Huling Timawa ay


.
nobelang isinulat ng
manunulat na si
Servando de los
Angeles. Una itong
nilimbag noong 1936 at
muli itong inilimbag ng
Tungkol sa Akda
Sinasalamin ng nobelang ito ang matagal
nang usapin na bumabagabag sa hanay ng
mga dukhang magbubukid:
• ang pagkakamit ng kahit munting pitak na
lupain;
•ang pagsasaayos ng balikong sistemang
agraryo sa kanayunan;
•ang paglaya sa bulok na politika na
itinataguyod ng mga maylupa laban sa
mahihirap;
•ang panunumbalik ng kapangyarihan
mapagbuklod sa madla;
Tungkol sa Akda
•at ang paghahanap ng liwanag na
makapagbubukas ng isip at kalooban
sa mamamayan.

Sa panulat ni Servando de los


Angeles, ang mikrokosmo ng Pilipinas
ay ipinamalas sa isang lalawigan at
itinanghal ang mga pananalig at
pilosopiya sa buhay na dapat
angkinin ng sinumang Filipino.
Tungkol sa May-akda
Ipinanganak noong 1886 si Servando de los
Angeles at naging kapanabayan niya sina Rosauro
Almario, Faustino Aguilar, Lazaro Francisco,
Patricio Mariano, Valeriano Hernandez Pena, Inigo
Ed. Regalado, Roman Reyes at marami pang iba.
Hinubog ang kanyang isipan ng Ateneo Municipal
de Manila na pinangasiwaan ng ordeng Heswita;
at ng Liceo de Manila na ipinundar nina Leon Ma.
Guerero at Ignacio Villamor at pulos Filipino ang
fakultad. Bagamat nakapagtapos ng parmasya,
higit na siyang nakilalang manunulat sa
babasahing gaya ng La Patria.
Tungkol sa May-akda
Hindi naglaon ay naging
tagapangasiwang patnugot siya ng Watawat
at ng Lingguhang Kalayaan. Bilang
mandudula, sumulat si De los Angeles ng
mga sarsuwelang pumukaw sa damdamin ng
madla at umakit ng pansin. Ilan dito ang
maituturing nang klasiko gaya ng popular na
Ang Kiri at Bituing Marikit na kapwa
pinagganapan ni Atang de la Rama; bukod
pa ang sikat ding Alamat ng Nayon at
Ararong Ginto.
Mga
Tauhan
Tauhan:
Felipe Dimalanta (lapad) – Pangulong Bayan ng
Kawayanan
-kababata at manliligaw ni Gelay

Tenyente Antonio Ventura (lapad)– ang tenyente ng mga


kostableng ipinadala sa Kawayanan.
-Kakilala ni Gelay. Dating kamag-aral noong pang sila’y
mga batang nagsisipag-aral sa Maynila.

Miguela Pilares (bilog) – ang anak ni Kabesang Pedro


Pilares na lalong kilala sa pamagat na Gelay.
-Ang kanyang mga katangian ay mas maputi sa
kayumanggi, buhay na buhay ang mga mata, malantik na
nag- iitimang pilikmata, bahagyang bilog ang noo, at kulot
na buhok.
-Magaling sa pananahi at pagbuburda.
Tauhan:
Cesar- anak ni Aleng Matilde na anim na taong gulang.

Pedro Pilares (lapad) – kilala bilang kabesang Pedro na naging


Pangulong Bayan noong 1917.
-Ang nasirang ama ni Miguela at Ricardo.
-katoto ni Matandang Mateo.

Matandang Mateo de la Cruz (lapad)– kaibigang matalik ni


Kabesang Pedro, siya ay nasa mahigit 60 taong gulang.
-Kasama ni Kabesang Pedro sa pagtatag ng samahang Timawa.
- sanggunian ng Kapisanan ng mga Timawa.
-Felipe Mulawin ang totoo niyang pangalan.

Ricardo Pilares (Patnugot) – ang nawawalang anak ni


Kabesang Pedro.

Macario Romero – gobernador ng lalawigan.


-Ama ni Joe Romero.
-kalaban sa halalan ni Braulio De los Santos.
Jose “Joe” Romero - anak ng gobernador; nagtapos ng
pagkainhenyero
-Tumutuntong sa 21 taong gulang ; matalino at masipag
mag-aral; hindi magandang lalaki
-Umiibig kay Dely
-Sumapi sa kapisanang Timawa

Adela “Dely” de los Santos (bilog)– anak ni Braulio de los


Santos at Paquita Nuñez
- Nagtapos ng Edukasyon.
-Nililigawan ni Joe Romero.

Paquita Nuñez (bilog)- ang babaing tagapagmana ng Asyenda


ng Baritan.
-ang maybahay ng naging kinatawan na si Braulio De los
Santos.
-ina Dely.

Braulio De los Santos (bilog)- ang asawa ni Paquita Nuñez. Ang


matinding kalaban ni Macario Romero sa halalan.
Donato Reyes (bilog)- ang katiwala sa asyenda ng mga Nuñez.
-ang nagpaplano ng ikasisira ni Macario Romero at ng kapisanan
ng mga magsasaka.
-babaero at mahilig magsugal.
-ang nagnakaw ng pera sa asyenda ng mga Nunez.

Fidela Reyes (lapad)- ang asawa ni Donato.


-laging kinagagalitan ng asawa.

Don Procopio (lapad)- ang abogado ng mga Nuñez. Hukom na


humatol sa usapin ng asyenda ng Baritan at sa kasalukuyan ay
kinikilalang matalinong kagawad ng Pamahalaan.

Berta at Joaquin (lapad)- ang mag-asawang kapitbahay ni Mang


Mateo. Itinuturing ni Mang Mateo na kaniyang mga pamangkin.

Ambong Banal (bilog)- ang nagbigay ng impormasyon kina


Macario at Dimalanta tungkol sa Kapisanan ng mga Timawa.
-miyembro ng Kapisanan ng mga Timawa.
Doro (lapad)- isa sa mga kasapi ng Kapisanan na inutusang
pumunta sa bahay ni Mang Mateo.

Florencio Manapat (lapad)- ang may hawak nang


katibayan na si Donato Reyes ay may dalawang asawa at isa
sa mga ito ang kanyang kapatid na maysakit.

Felix (lapad)- ang kasama ni Doro nung pumunta sa bahay


ni Mang Mateo.
-miyembro ng Kapisanan ng mga Timawa.

Kagawarang Abogado (lapad)- ang napag-utusan ng


Lapian na imbitahan niya si Macario sa piging.

Lauro Mangtanggol (lapad)- ang naging abogado ni


Ricardo Pilares at naging kalaban ni Braulio sa halalan noon
ngunit natalo.
Casimirong Dakot (lapad) - isa sa mga tauhan ni
Donato.

Mariano Dalita (bilog)-ang natagpuang bangkay sa


Baritan.
- Pinaniniwalaan na pinatay ng mga Timawa.
-binayaran ni Donato upang ipagkanulo si Florencio.

Pinsan ni Joe (lapad)- kasama nitong umanib sa


Kapisanan ng mga Timawa. Ang inuutusang makinig sa
mga kampanya ni Braulio.

Terio (lapad)-kaibigan nina Joe at Adela na nagsilbing


mensahero nila noong nasa lunsaran sila ng bapor.

Apat na Kawani (lapad)- ang nagbigay ng piyansa


para mapalaya si Ricardo Pilares.
Tagpuan:
Baritan- munisipalidad na kung saan nakapaloob ang
Asyenda nang mga Nuñez. Ang dating tirahan nila
Miguela.

Kawayanan- ang kalapit bayan ng Baritan. Lugar na


pinamamahalaan ng Pangulong bayan na si Felipe
Dimalanta.

Bundok na sakop ng lalawigan ng Z- namamahay


ang patnugot ng Timawa at ang iba nitong kasapi.

Unibersidad ng Pilipinas- kung saan nag-aaral sina Joe


Romero at Adela de los Santos.

Asyenda ng mga Nuñez- 1,600 na ektaryang lupa at


nakasasakop sa buong munisipyo ng Baritan. Ito ay
pinamamahalaan ni Donato Reyes. Dito rin idinaos ang
Maynila- kung saan kasalukuyang naninirahan ang pamilyang
De los Santos.

Bahay-paupahan sa Maynila- ari ni Mang Mateo. Kung saan


sa lugar na ito muling nagkita ang magkapatid na Ricardo at
Miguela.

Hongkong- kung saan pinagbakasyon si Paquita upang


gumaling sa kanyang sakit, kasama niya ang kanyang mga
anak.

Tahanan ni Mang Mateo- dito dumdayo ang mga kasapi ng


Timawa upang makipagbalitaan kay Mang Mateo.

Tahanan ng Gobernador- dito nagdaos ng pagpupulong


tungkol sa gagawing pagbibitiw ng gobernador sa kanyang
katungkulan.

Hospital San Juan de Diyos-kung saan dinala si Mang Mateo


Banghay:
A.Panimula
Nagsimula ang kuwento sa paglalahad ng tagpuan sa
kuwento. Ang kapanahunan at ang pagpapakilala sa
kaugalian ng mga mamamayan sa Kawayanan.

Patunay:

Ang pagsapit ng Pasko ng Kapanganakan ay


ibinababala ng taglamig at ng ihip ng amihang
pampahinog sa palay. Ang dating kaugalian ng mga
taumbayan sa munisipyo ng Kawayanan, na makisabay ng
pagkilos sa pagbubukang-liwayway, ay muling nagaganap.
(pahina 1, talata 1)
Mga Suliranin:
-ang balitang magbibitiw sa pwesto si Gobernador
Macario Romero.

-Paghihimagsik ng mga magsasaka laban sa asyendero.

-ang pagkawala ni Ricardo.

- ang pagdating ng mga kotable sa Kawayanan.

-ang nakawan at iba pang krimen sa Asyenda ng mga


Nuñez.

-ang alitan ni Gobernador Romero at Braulio

-ang lumulubhang pagkaaba ng mga magbubukid sa


Baritan at Kawayanan dahil sa kawalan ng
kapangyarihan nilang makapag-ari ng kahit munting
-ang tumataas na pataw ng buwis na binabayaran ng
mga magbubukid sa mga asendero.

-ang matagal na promosyon ni Tenyente Ventura.

-ang pagkaunti ng kita ng mga tao at ang pagtaas ng


presyo ng bilihin.

-paninira ng ng kampo ni Braulio sa kampo ni


Gobernador Romero sa halalan.

-panunuhol at pandaraya sa halalan.

-ang pagkakasakit ni Paquita.

-ang di pagsang-ayon ni Braulio sa pag-iibigan nina Joe


at Adela.

-ang pagkakadakip kay Ricardo Pilares.


b.Gitna
Saglit na Kasiglahan
 Ang pagpupulong na isinagawa ni Gob. Romero tungkol sa
kanyang pagbibitiw.
 Ang pagtitipon ng mga kaanib ni Braulio sa isinagawang
piging.
 Ang pagkikita ni Gelay at Antonio sa Simbahan.
 Ang pagpupulong na isinagawa ng kapisanan ng Timawa.
 Ang pagdaraos ng piging sa Asyenda ng mga Nuñez.
 Ang pagtatagpo ni Joe at Dely sa Baritan kung saan doon
nalaman ni Braulio na anak si Joe ng Gobernador.
 Ang pag-uusap ni Matandang Mateo, ng Gobernador, ng
Pangulong Bayan ng Kawayanan at ng Tenyente ng Kapitan
ng Kostable sa tahanan mismo ng Gobernador.
Tunggalian:
Tao laban sa Tao:
Braulio laban kay Gobernador Romero- kung
saan malaki ang galit ni Braulio kay Romero dahilan
sa kanilang pagiging tunggali sa halalan. Nais niyang
masira si Romero upang siya ang manalo sa halalan.
Gobernador Romero laban kay Donato-kung
saan labis nna ginagawa ni Donato ang lahat ng nais
niya masira lamang si Romero sa mga mamamayan.
Si Joe laban kay Braulio-kung saan galit si
Braulio kay Joe dahil sa panliligaw nito sa anak niya
at sa dahilang sya’y anak ng kinaiinisan niyang
gobernador.
Donato laban kay Felipe Dimalanta- galit si
Donato kay Felipe dahil sa natalo siya nito nang
nakaraang halalan.
Tunggalian:
Adela laban kay Donato- kung saan ayaw ni
Adela kay Donato dahil sa sinusulsulan nito ang
kanyang ama na pumasok sa politika. Sa dahilan rin
na ito mismo ang nagnakaw ng kanilang pera.

Ricardo laban Donato-kung saan si Donato ang


may pakana ng pagkakakulong ni Ricardo, siya ang
pumlano na maibintang rito ang pagkamatay ni
Mariano . Ito’y upang masira si Ricardo at ang
samahan ng mga Timawa.
Donato laban kay Fidela-kung saan sinasaktan ni
Donato ang kanyang asawa.
Tunggalian:
Tao laban sa lipunan
Si Braulio laban sa Kapsanan ng mga Timawa-
kung saan nais marami ang galit kay Braulio na mga
magsasaka dahil sa mataas na singil sa buwis at
dahil ang ibang lupang sakop ng kanilang asyenda
ay ari ng mga magsasaka na sinamsam lamang nila.
Si Macario laban sa Pamahalaan-kung saan si
Macario ay hindi pinapanigan ng pamahalaan. Mas
pinapanigan nila si Braulio dahil sa ito’y masalapi.
Ang mga Timawa laban sa pamahalaan- kung
saan kalaban ng mga Timawa ang pamahalaan dahil
sa maling pamamalakad.
Kasukdulan
 ang muling pagikkikita ni Miguela at ang
nawawalang kapatid na si Ricardo sa
Maynila. Kung saan doon nailantad na si
Ricardo pala ang siyang kinikilalang
patnugot ng Kapisanan ng mga Timawa.

 Ang pagkamatay ni Mariano Dalita, na


kung saan natagpuan sa kanyang katawan
ang isang papel na may lagdang T na
nagtuturo kay Ricardo Pilares bilang
salarin. Dahilan nito si Ricardo ay nakulong
at ang mga Kapisanan ng mga Timawa ay
nagkaroon ng malaking suliranin.
Kakalasan
 Si Ricardo Pilares ay napalaya dahil
nagpiyansa ang apat na kawaning taga-ibang
lalawigan na naging kaibigan niya.
 Lumubha ang sakit ni Mang Mateo.
 Naging Kapitan ng kostable si Antonio Ventura.
 Nalaman na mayroong sulat na natanggap dati
si Don Procopio sa taong may lagdang Ang
Huling Timawa.
Wakas
• Nanalo sa halalan si Macario Romero.
• Nakulong sina Casimirong Dakot at Donato Reyes.
• Sinagot na ni Gelay si Antonio.
• Nalantad ang tunay na pagkatao ni Mang Mateo na
siya ay si Felipe Mulawin at siya Ang Huling
Timawa.
• Namatay si Matandang Mateo.
• Ang pagkilala ng pamahalaan na di labag sa batas
ang Samahan ng mga Timawa.
• Ang pag-uwi ni Gelay upang magpakasal kay Joe.
• Ang pagbibigay ng mana na iniwan ni Matandang
Tema:
“ Kaya may nang-aalipin ay
pagkat may nagpapaalipin”

“ Ang boto ay di dapat


ipagpalit sa kinang ng pilak at
ipagwalang bahala, sapagkat
kinabukasan ng bayan ang
nakataya.”
Damdamin
• Pagkagalit
• Pagkaawa
• Pagkasabik
• Pagkagulat
• Pighati
• Pagkatuwa
• Pagkapoot
Pananaw
Ikatlong Panauhan

Ang ikatlong pananaw ay ang


pagkukwento ng istorya gamit ang
pananaw ng isang tagapagsalaysay.
Uri ng Nobela
 Nobela ng tauhan
 Nobela ng Pangyayari
 Nobela ng Romansa
 Nobela ng Kasaysayan
 Nobela ng Pagbabago
 Nobela ng Layunin
 Nobelang Masining
Mga
Tradisyon
Romantisismo
1.Pagmamahal ni Kabesang Pedro sa
dalawang anak.

Patunay:

“Mateo, hindi na ako makaliligtas. Maraming


salamat sa iyong tulong na nagawa sa akin.
Ikaw na bahala sa anak kong si Miguela...”

“At saka, ikaw na ang bahalang humanap


kay Ricardo. Sabihin mong pinatatawad ko na
siya sa kaniyang paglisan sa amin...”
Romantisismo
2.Pagmamahal ni Gelay sa kapatid na si
Ricardo

Patunay:

“Kahit na hindi mayaman. Magkita na


lamang kami uli at nang ako’y may
makasama sa buhay na ito.”

(pahina 65, talata 8)


Romantisismo
3. Pagmamahal sa Bayan

Patunay:
“Ano ba ang layon ng kapisanang iyan?” ang
tanong ng gobernador. “Ang layon po ay upang bigkisin
ang mga mamamayang nagkakaisa ng mga damdamin
at kalooban hinggil sa mga suliraning kinasusuungan ng
kani-kanilang bayan, pook o lalawigan” ang tugon ni
Mateo.
(pahina 197, talata 6)
“Ipinagkaloob ng langit na ako’y makaligtas! Kaya
buhat noon ay isinumpa kong ipagtatanggol ang
kapakanan ng mga hamak na mamamayang gaya ko,”
ani Ricardo.
(pahina 306, talata 1)
Mang Mateo:“Isaloob natin tuwing mapuhunan ang
Romantisismo
4.Pagmamahal ni Joe kay Adela.

Patunay:

“Dely, kailan mo pa ako sasagutin?”


“Joe, napapansin tayo ng mga tao!”
“Ako ma’y patayin nila ngayon ay hindi
magbabago ang pag-ibig ko sa iyo.

(pahina 291, talata 1)


Romantisismo
5. Pag-iibigan ni Gelay at Antonio

Patunay:
Antonio: “ay pababayaan mong
mapanganyaya itong damdaming dulot ng
Langit? Tunay, ito’y hulog ng Langit sa akin, sa
dahilang kung kailan unti-unti nang pinapanawan
ako ng pag-asa sa buhay, saka kita nakita diyan
sa iyong bayan upang gisingin ang natutulog
kong diwa.”
(pahina 381, talata 1)
“kung pababayaan lamang ni Miguela na
magpasiya sa sarili ang kaniyang kalooban at
tibok ng puso ay kay dali sanang masasagot ang
Simbolismo
1.Fidela at Paquita -sumisimbolo sa mga
Pilipinang hindi makapangahas makialam sa mga
sariling lakad ng asawa at hindi mapagtutol sa
mga pasiyang ginagawa ng asawa, kung kaya’t
nagkasya na lamang sa paghihintay.

Patunay:
Ang asawang iyon ay katulad din ng marami
na hindi makapangahas na makialam sa sariling
lakad ng lalaki kung kaya’t nagkasya na lamang
sa paghihintay.
(pahina 28,talata 2)
Si Paquita ay gaya rin ng maraming Filipina,
na hindi mapagtutol sa mga pasiyang ginagawa
Simbolismo
2. Bonifacio -tumutukoy sa taong muling
magpapabangon sa sambayanan, na muling
maghihimagsik at ipaglalaban ang karapatan ng
mga naapi. Gaya nang nangyaring paglaban sa
pamahalaan ng Kastila.

3.tapayang tulog na langis- sumisimbolo sa


katahimikan sa lalawigan na kung saan sakop ang
Kawayanan at Baritan.

Patunay:
Nagdaan siya sa isang pasulatang may
kakilalang manunulat at doon nagpalathala ng
isang matinding pabulaan, idinugtong pang sa
lahat ng sulok ng kanyang lalawigan ay naghahari
Simbolismo
4.Dalawang batong buhay- sumisimbolo sa ama ni
Dely at Joe na may alitan. Katulad ng batong buhay,
dahil sa kanilang alitan sila ay nagsasagupaan at
nagkikiskisan.
Patunay:
Nang mga sandaling iyon, si Adela at si Joe ay
walang kamalay-malay na ang kanilang ama-ama ay
may lihim o pailalim na sigalutan, na walang pinag-
iwan sa dalawang batong buhay na maaaring
magsagupa’t magpingkian at magsabog ng titis.
(pahina 48, talata 1)
 
5.Banga at tapayan - ang banga ay sumisimbolo sa
mahihirap at ang tapayan ay sumisimbolo sa
mayayaman.
Patunay:
“Mananalo ba ang banga sa tapayan? Ang inyong
Simbolismo
6. Rizal -sumisimbolo sa perang isinusuhol sa halalan.

Patunay:
...Ako po naman, kung si Rizal lamang ang isasama
sa akin ay hindi ako papayag.”
“Sinong Rizal ang sinasabi ninyo?” ang tanong na
namamangha ni Joe.
“Aba, si Rizal po’y dalawang piso lamang a....” ang
natatawang sagot ng kutsero.
(pahina 341, talata 3)

7. Bakal at kalawang- ang bakal ay sumsimbolo sa


namumuwisan at ang kalawang ay sumisimbolo sa
kapwa namumuwisang tumatraydor o di tapat sa
kanyang kapwa.

Patunay:
Simbolismo
8.Dilang ginto- sumisimbolo sa politikong
magaling magsaulo ng talumapati.

Patunay:
Naroon din ang senador na may “dilang
ginto,” na ayon sa nakakatalos ay magaling daw
magsaulo ng talumpati.
(pahina 433, talata 1)
9. Pula-paghihimagsik

Patunay:
..siyang sagisag ng mga pula sa lalawigan
itong dalawang kasama natin,”
(pahina 436, talata 9)
Kultural
1. Pagiging mapaniwalain ng mga mamamayan sa
lalawigan

Paliwanag:
Sa nobela, mahihinuha na ang mga mamamayan ay kay
daling maniwala. Agad silang padala sa mga balita at mga
pangyayari sa kanilang paligid kahit ito’y walang
kasiguraduhan at katotohanan,

Patunay:
“Hindi ninyo kilala, Don Procopio,” ang giit ni Braulio,
“ang ugali ng aking mga kalalawigan. Sa kaunting bagay
ay kay-daling padala.”
(pahina 42, talata 2)
Kultural
2. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo
Paliwanag:
Ang mga mamamayan sa Kawayanan ay mas nagsisimba tuwing Linggo.

Patunay:
Bagama’t may misa araw-araw sa Simbahang Romano sa nasabing
munisipyo ay hindi kaugalian ng mga tao ang magsipagsimba, kundi kung araw
lamang ng Linggo o kaya’y kung pista ng pangilin.
(pahina 56, talata 2)

3.Pagsusuot ng bagong kasuotan kapag nagsisimba


Paliwanag:
Kapag nagsisimba lumalabas ang mga bagong kasuotan ng mga tao, na ang iba
ay kinatago-tago pa at inilalaan lamang sa pagsismba.

Patunay:
Ang pagsisimba ay talagang pinaglalaanan ng mga tao ng bagong
kasuotan lalong-lalo na ang mga binibini.
(pahina 56-57, talata 3)
Kultural
4.Mas nauuna na magpadala ang lalaki ng sulat kaysa babae.
Paliwanag:
Ugali na sa pagpapadala ng sulat na mas nauunang sumulat ang lalaki sa
babaeng nililigawan. Hindi maganda o hindi tama na mas nauunang sumulat ang babae
kaysa lalaki.
Patunay:
.. Iniisip niyang baka mabuti’y siya na ang magpaunang sumulat, ngunit hindi
mapanibulos at napapangitan din naman siyang babae pa ang mauna kaysa lalaki sa
gayong bagay.
(pahina 192, talata 1)

5.Pagdaraos ng piging.
Paliwanag:
Ang piging ay idinaraos kapag may isang mahalagang pangyayaring
kinapapasalamatan at ipagdiriwang.
Patunay:
Ang pagtanggap ni Adela ng katibayan sa pagkatapos ng pag-aaral sa
unibersidad ay naging mabuting dahilan ng ama, upang magawa ang unang
pagpapakilala nang hayagan ng kaniyang iginagayak na kandidatura sa
pagkagobernador. Isang malaking piging ang idaraos sa bahay-asyenda ng Baritan.
(pahina 264, talata 1)
Kultural
6.Paghawak ng binata sa kamay ng dalaga.
Paliwanag:
Ipinakikita sa nobela, na mahigpit na ipinagbabawal ng magulang ang paghawak sa
kamay o paghipo sa dalaga ng mga binatang manliligaw.
Patunay:
Buhat sa hapag na kinauupuan ni Braulio ay natatanaw ang kilos nina Joe at Adela.
Nang makitang hinahawakan sa kamay ang kaniyang na wala namang pagtutol ay nagtindig
at talagang mumurahin at palalayasin sa bulwagan ang pangahas na binata.
(pahina 289, talata 7)

“Ano naman, mama, kung mahipo ako sa kamay?” ang sagot ni Adela. “Panahon pa
ba ngayon ng mga fraile, na kasalanan ang ipahipo ang mga daliri sa lumiligaw?..”
(pahina 322, talata 1)

7.Ang pagbabawal na sumali ang mga bata sa usapin ng matatanda.


Paliwanag:
Sa mga usaping matanda hindi maaaring makisali ang mga nakababata. Mahigpit na
ipinagbabawal ito ng mga magulang sa mga kabataan.
Patunay:
Lahat ay umunawa sa mga sinasabi ng nagsasalita. Sa gayon ay parang kinikiliti ang
binatang Romero at ibig nang makilahok sa salitaan, kundi lamang inaalala niya ang
pagbabawal ng kaniyang ama
(pahina 50, talata 4)
Kultural
8. Misa ng pasasalamat
Paliwanag:
Parte na nang kultura magpasahanggang ngayon ang
pagpapamisa kung may naganap na isang mahalagang
pangyayari na maipagpapasalamat.

Patunay:
Bukod sa kasiyahang-loob na idinulot kay Miguela ng
pagbabalik ng kaniyang kapatid na si Ricardo ay nasanib pa
ngayon ang tinamong tagumpay ni Antonio Ventura, na lihim
niyang minamahal rin. Sa katuwaan niya’y nagpamisa tuloy
sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan...
(pahina 384, talata 2)
Realismo
1.Kapit ng mga mayayaman sa mga matataas na
opisyal sa pamahalaan.

Paliwanag:
Sa nobela, si Braulio ay isang makapangyarihang
tao dahil kaya niyang kontrolin ang hukuman, media,
pasugalan, pamahalaang lokal at magbubukid dahil sa
kanyang angking yaman at matinding impluwen sya.
Ang pangyayaring ito ay totoong nangyayari sa lipunan
dahil mas binibigyang pansin at dinidinig ang
pamahalaan hinaing ng mga taong mayayaman at
maimpluwensya.
 
Patunay:
“Nakita mo na giliw, ang lakas ng asawa mo sa
Pamahalaan?’ ang pagmamalaking sabi ni Braulio.
Realismo
 2.Pagbibigay ng mga regalo ng mga
mayayaman sa malalaki sa bayan.

Paliwanag:
Sa nobela ipinapakita ang paghahandog ng
mga De los Santos ng regalo sa kanilang mga
kapalagayang-loob sa pamahalaan. Ito’y upang
mas maptibay ang kanilang kapit o
pakikipagkaibigan dito.

Patunay:
“At sulatan mo tuloy,” ang tagubilin ni Paquita
kay Braulio, “na magluwas siya ng bigas na inuod
o initlog balang, yaong mabango upang
maihandog natin kina Don Procopio”
Realismo
 
3. Sa halalan mas kinikilingan ang may salapi.

Paliwanag:
Sa halalan mas kinikilingan ng mga mamamayan ang
may mga salapi dahil sa mga panunuhol nito. Mas binoboto
nila ang masalapi dahil sa nais nilang magkapare rito.

Patunay:
..ngunit palibhasa’y mahirap ang kalaban ng asendero
ay ito rin ang kinilingan ng mga manghahalal . Yaong mga
napinsala sa pagkatalo sa usapin nang mabigyan ng
kaunting pabuya sa may-ari rin ng asyenda ng nagsiboto.”
(pahina 63, talata 1)

“Sa akin pong palagay, ang hinahanap ngayon ng mga


manghahalal ay yaong kandidatong may malaking
magugugol, at hindi ang may kakayahan. Isa-isahin ninyo
Realismo
 
4.Pagsasamsam ng mga mayayaman sa lupa ng
mga magsasaka .

Paliwanag:
Noong unang panahon napakasakim ng mga
mayayaman sa lupa. Kapag nakita nilang ang isang
lupang nahawan na at natamnan ay kanilang aangkinin.
Dinadaya sila sa pamamagitan ng pagpapagawa ng
dokumento na di man lamang mailaban ng mga
magsasaka sa husgado dahil sa kawalan ng
maigugugol. At kalaunan ay kanilang nagiging ay
napipilitang mamuwisan sa lupa.

Patunay:
..yaman din lamang na ang ilang ng bukid, na
siyang naming ipinagtatawid buhay, ay sinasamsam ng
walang kaluluwang may-ari ng asyenda.”
Realismo
5.Matagal na promosyon sa puwesto kapag walang kapit.

Paliwanag:
Ito ang isa sa masakit na katotohanang mas umiiral ngayon sa
kasalukuyan. Kapag ikaw ay nais makapagtrabaho kailangan mo
nang kapit sa isang ahensya. Kung wala kang kapit ay wala kang
trabaho. Minsan rin may pagkakataon na sa katagal-tagal mo na sa
trabaho ay hindi pa rin umaangat ang iyong posisyon, dahil mas
pinapaboran ng nasa mataas na posisyon ang kanilang kamag-anak,
kaibigan o kakilala.
 
Patunay:
“Tingnan mo, ako’y mahigit na limang taon na sa paglilingkod.
Kung saan naroon ang panganib ay doon ako ipinadadala. Nagala ko
na halos lahat ng lalawigan ngunit tenyente pa rin ako hanggang
ngayon, samantalang ang iba, huling pumasok sa hukbo, ay
naunahan pa ako sa pagtaas.”
(pahina 67, talata 5)

“Marahil ay malapit na kayong maging kapitan?”


“Maglilimang taon na po!”
Realismo
6.Upang kilalanin sa politika ay kailangang
marunong mag-ingay.
Paliwanag:
Sa politika, kailangang maging sikat ka sa
mga mamamayan upang ikaw ay kanilang
maalala sa darating na eleksyon. Kailan na ikaw
ay may mga bagay na magawa na ikatutuwa ng
mga tao upang ika’y kanilang iboto.

Patunay:
Aywan lamang natin kung ang pag-iingay na
ginawang iyon ni Gobernador Romero ay
sinasadya o nagkataon lamang. Sa paano’t paano
man, ang pangalang Macario Romero, dahil sa
Realismo
7.Ang Kawalan ng Hustisya

Paliwanag:
Sa nobela, ipinapakita ang kawalan ng hustisya. Sa
pamamagitan ng impluwensya ng mga mayayaman
at malalaki natatakpan ang kasalanan ng kanilang
mga alagad. Gaya na lamang nang malaman na si
Donato pala ang salarin sa naganap na nakawan,
kung saan imbes na isuko sa kamay ng batas ay
kanya pang pinagtakpan.

Patunay:
Macario Romero: “Tingnan niyo, ginoong piskal.
Paanong makakaasa tayo sa katarungan sa mga
taong gaya nitong si Braulio? Siya rin ang nagtatakip
Realismo
 
8. Panunuhol sa halalan.
Paliwanag:
Ang panunuhol ay karaniwan na sa ating
lipunan dahil ito ay lantarang ginagawa tuwing
eleksiyon. Marami sa mamamayan ang
nagpapadala o pinagbibili ang kanilang boto dahil
sa kahirapan at pagkasilaw sa pera. Hindi nila
binibigyang halaga kung saang kamay
mapupunta ang kinabukasan ng bayan.
 
Patunay:
“Ano naman ang ginagawa ni Braulio?” “A!
Dalawang araw nang namimigay ng salapi sa
mga kandidato sa pagkapagulong bayang
nangangakong dadalhin siya sa tiket”.
Realismo
9. Mataas na paniningil ng buwis.

Paliwanag:
Sa nobelang ito, ipinapakita ang kawalang
hustisya sa pagpapataw ng buwis. Kung saan labis na
panggigipit ang ginagawa nila sa mga magsasaka. Makikita
rin ang kasakiman sa pera dahil sa tuwing magrereklamo
ang mga magsasaka mas tinataasan pa nila ang pinapataw
na buwis. Dulot rin nito nababaon sa malaking utang ang
karamihang magsasaka

Patunay:
Ambo:“Paanong makababayad kami ng utang sa mga
nangyayari, sa halip na babaan ang buwis ay lalong
tinataasan at di umano’y tinataasan naman ang singil sa
amilyaramyento. Makalawang lumubog sa baha an gaming
anis a gulay at hindi naming pinakinabangan, patuloy din
Realismo
 10. Pangangako ng mga politiko na nauuwi sa
pagkapako.

Paliwanag:
Tuwing halalan uso ang lokohan at pagandahan ng
mga talumpati. Tuwing halalan lumalabas ang
kagalingan ng mga politiko sa pangungumbinsi sa mga
tao, upang sila’y maiboto. Isa ito sa mga rason kung
kayat maraming di karapat-dapat na politiko ang
nauupo sa katungkulan. Maraming mamamayan ang
nagpoprotesta dahil ang mga pangako nila matapos na
maihalal ay kanilang nakakalimutan.
 
Patunay:
...alam din niyang kaya napahalal si Braulio de los
Santos ay dahilang nangako sa mga taong isasauli ang
Realismo
11.Paninira sa halalan
Paliwanag:
Sa halalan laging uso ang siraan, lalo na ngayon sa
kasalukuyan. Bawat panig na naglalaban sa halalan ay
nagsisihukayan o nagsisilabasan ng baho ng bawat isa.
minsan sinisiraan pa ito sa pamamagitan ng pagpaparatang
sa isang kasalanan na gawa mismo ng kalabang kampo
upang masira ang imahe nito sa mga manghahalal.

Patunay:
“Naku! Lalo pong walang mangyayari. Ang sinasabi po
ng katiwala ay ang may kasalanan daw ng lahat nang
nangyayari sa amin ay ang gobernador. Kaya sa darating na
halalan ay si Braulio de los Santos ang aming iboboto.”
(pahina 340, talata 3)
Hindi niya akalain, marahil, na si Braulio at ang
katiwalang si Donato ay gumagamit na ng ilang
kaparaanang masalarin, maigupo lamang ang kasiglahang
Moralistiko
 1.Pagpatay

Paliwanag:
Ang pagpatay ay isang napakalaking
krimen hind lang sa batas ng tao pati na rin sa
batas ng Diyos. Pagkakakulong o habang buhay
na pagkakakulong ang magiging parusa sa mga
taong mapapatunayang gumawa nito.
 
Patunay:
Sa pamamagitan ng mga pagdadawit-
dawit ay ipinalabas ni Donato at ni Dakot na ang
pumaslang kay Mariano Dalita ay si Ricardo
Pilares o kundi man ay sa utos nito.
Moralistiko
2. Pananakit sa asawa.

Paliwanag:
Sa batas ng tao at lalong-lalo na sa batas ng Diyos
masama ang pananakit o pang-aabuso sa asawa. Sapagkat
ang ang asawa ay dapat na nirerespeto at minamahal at di
sinasaktan.
Patunay:
“Talagang masamang tao iyang si Donato. Sukat bang
ang tunay pang-asawa ang sinaktan,” ang sabi ng isang
matanda.
(pahina 253, talata 2)

 3. Pagsusugal
Paliwanag:
Ang pagsusugal ay itinuturing na isang masamang
gawain.
Patunay:
Moralistiko
4. Pandadaya
 
Patunay:
“Ang ipinamamanhik ko lamang sa inyong
lahat ay pakailagan ang daya. Kung sa isang
paglalaro ng mga baraha at mga piso-piso ay
kinapopootan natin ang mga magdaraya, lalo
higit sa isang halalan na ang pinagpapasiyahan
ay ang puri at pangalan ng ating bansa.”
(pahina 446, talata 3)
Ideyalismo
1. Ang batayan sa pagdakila sa isang politiko
Paliwanag:
Sa nobela, isinasaad na ang pagiging dakila ng isang
politiko ay hindi nababase sa kanyang pagkamabuti. Ito’y di
ibinabatay sa kanyang pagkatao kundi sa kanyang gawa o
kilos at sa kanyang ikabubuga na tatak sa mga
mamamayan.
Patunay:
Maaaring ang isang tao’y may maningning na
pinagdaanan, subalit kund di daragdagan ng bikas ng bikas
at pagmamapuri ang pagganap ng katungkulan, ay walang
mapapala kundi ang siya’y mapintasan. Ang pagkamabait,
pagkamatapat at pagkamarunong ay di siyang batayan sa
pagdakila sa isang politiko. Kailangang humakbang at
kumilos noong sukat ikagulat ng mga taumbayan at
ikapagsabi ng papuring “Iyan ang lalaki” na gaya ng
naririnig sa Kawanihan sa Maynila. Pag natamo na ng isang
Ideyalismo
2. Katauhan ni Miguela
-ang katangian ni Miguela ay ideyal na
katangian ng isang gandang tagalog.

Patunay:
Ang ibang hindi nakakakilala kay Miguel Pilares,
pati ng mga tagasingil at tsuper ng sasakyang
kinalululanan, palibhasa’y noon lamang nila nakita
ang dalagang yaon ay nangapamangha nang
mamalas ang hindi niya karaniwang tindig, lalong-lalo
na ang kayumanggi at napakaamong mukha...
(pahina 252, talata 2)
 
Maliban sa karaniwang pulbos sa mukha ay
walang kabahid-bahid na ano man, ni ang labi, ni ang
kanyang pisngi. Ang pusod ay karaniwan din at taglay
Feminismo
1. Madiskarte sa buhay
Paliwanag:
Sa nobela, iniaangat nito ang antas sa
buhay ng mga kababaihan dahil sa mga
katangiang taglay ni Miguela na bukod sa
maganda, masipag at matalino, ang mga
kababaihan ay maparaan din sa paghahanap-
buhay gamit ang kanilang kakayahan at kaya
nilang mamuhay sa sariling sikap.
Patunay:
Balana’y nagsasabing siya’y hindi lamang
maganda,mabait at matalino kundi masipag pa sa
kabuhayan, sa dahilang alam ng lahat na sila’y
naiwang pulubi ng nasirang ama,, na sinamsam
ang pag-aari ng sheriff sa utos ng may-ari ng
Feminismo
2. Pagiging matatag

Paliwanag:
ipinapakita sa nobela ang katatagan ni
Miguela, sa kabila ng pagkaulila sa magulang at
pagkawala ng nag-iisang kapatid ay di pa rin ito
sumusuko at patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa
buhay.

Patunay:
“Kung sa bagay po, ngunit hindi ko kailangan
ang mga ari-arian kung sa akin lamang. Nasanay
na kami ni Tiya Matilde sa kahirapan at
pagtitiis....”
Klasismo
1. Antas ng Buhay nina Joe at Dely
Paliwanag:
Kung saan sa nobela, si Joe na anak mahirap ay umibig
kay Dely na nagmula sa mayamang pamilya. Ipinakapakita
ang tipikal na pag-iibigan ng mayaman at mahirap.
Patunay:
“Naku!.. Anak ko. Hindi papayag si Braulio na isang
gaya mo lamang ang maging kapalaran ng kaniyang anak.
Mahirap tayong alam na alam ni Braulio. Ang ibig niyang
liligaw sa kanyang anak ay mga milyonaryo o anak ng
matataas na tao. Yaong tinatawag na sibul sa tinitingalang
lipunan. Tayo’y hamak lamang..
(pahina 270, talata 5)
 
“Ngunit talagang hindi niya makain na maging
kasintahan ng kaniyang anak ang binatang Romero. Kung
wawariin niya’y tatawanan siya ng mga taong kakilala
Klasismo
2. Antas ng buhay ni Braulio at Paquita

Paliwanag:

Si Braulio noong araw ay isang mahirap


lamang na mangingibig ni Paquita na isang
tagapagmana ng asyenda.

Patunay:

Hindi niya nakakaligtaang si Braulio, noong


nangingibig sa kanya, ay siyang pinakamahirap
sa pumapanhik sa kanilang tahanan, na
karamihan ay liping mayayaman.
Naturalismo
 1. Ang kalunos-lunos na sinapit ni Mariano
Dalita

Patunay:

Ang bangkay ay may dalawang saksak sa


likod, na tapat ng baga at puso. May bukol sa
itaas ng batok, na bakas ng pagkapalo. Ang noo
at ilong ay gasgas sa lupang kinabulagtaan.
(pahina 401, talata 6)
 
Imahismo
1.) “Lilitaw din ang ilaw ng katotohanan upang silawin
iyang mga nagsisikindat sa dilim.”
(pahina 417, talata 1)
Paliwanag:
Ipinahihiwatig nito na lalabas din ang katotohanan at
malalantad ang mga salarin at lahat ng mga taong tiwali.

2.) ....ang hinahanap ngayon ay gawang akma sa panahon;


mga hakbang na katatamuhan ng bungang mapipitas at
hindi ng bulaklak na sagana sa kulay na pang-aliw lamang
sa mga mata.”

Paliwanag:
Ipinahihiwatig nito na ang dapat gawin ng mga may
katungkulan ay ang mga bagay na tutugon sa
pangangailangan ng mga tao o reresolba sa mga suliranin
sa lipunan. Hindi iyong mga bagay na walang kabuluhan.
(pahina 379, talata 1)
Arketaypal
1.) Ang di pagkakalibing ni Kabesang Pedro sa
Libingang Romano
-Arketaypal sa Noli Me Tangere

Paliwanag:
Ang di pagkakalibing ni Kabesang Pedro Pilares sa
Libingang Romano
Dahil sa pagkakaroon ng sigalot sa kura. Arketaypal ito sa
Noli Me Tangere kung saan ang ama ni Crisostomo Ibarra
ay di nailibing sa libingan ng mga Romano dahil rin sa
sigalot sa kura. Dahilan sa pagkakalayo sa relihiyon.

Patunay:
“Bakit po? Nang mailibing si amang ay natatandaan ko
na. Hindi po ba’t nagkaroon pa ng sigalot sa kura?”
“Aba siyanga pala, dahil sa mason daw ang iyong
ama, kaya ayaw ipahintulot na malibing sa Libingang
Pormalistiko
Ang nobela ay nagsimula sa paglalarawan ng tagpuan
sa kuwento. Ang kapanahunan at ang kilos ng mga tao.

Pampanitikan-Gumamit ang may akda ng malalalim at


matalinghagang mga salita sa dayalogo at
pagkukuwento. Kung saan hindi madaling maintindihan
ng mambabasa.
Gumagamit ng dayologo sa paglalahad ng usapan ng
mga tauhan.
Gumagamit ng pagbabalik-tanaw bilang
pagpapaliwanag sa kasalukuyang Pangyayari sa nobela.
Ang nobela ay kakikitaan din ng mga tayutay:
O, ang pagkakataon! (pahina 44, talata 1)
….tila malalim ang iniisip. ! (pahina 47, talata 1)
Ano pa’t pati buhangin , wika niya ay nilubid na ni
Donato upang mapawalang kabuluhan lamang ang mga
pagkakapuri ng marami kay Macario Romero.
Kabisaan

Bisa sa Isip
Ang isang bayan ay di maaalipin kung
mayroong pagkakaisa at kung ang mga
mamamayan ay di magbubulag-bulagan sa
nangyayari sa kanyang paligid. Dapat
maging mulat ang bawat isa sa katotohanan
ng di maghari ang masasamang palakad at
pang-aalipin.
Dapat matuto ang bawat isa na
pahalagahan di lamang ang kanyang sarili
kundi ang kanyang bayan. Dapat maging
makabayan! Huwag magpaalipin at
magpabulag sa kinang ng pilak.
Bisa sa Damdamin

Sa nobela, napupukaw nito ang diwa ng


pagiging makabayan nating mga Pilipino.
Ipinakita at ipinapadama nito kung paano
natin dapat mahalin at bigyang halaga ang
ating bayan at ang ating kapwa. Ipinupunla
nito sa ating puso ang kapangyarihan ng
pagkakaisa. Kung saan ang pagkakaisa ng
bawat damdamin ang magbubunsod sa
Bisa sa Kaasalan
sa nobela, tinuturuan tayo nitong makialam at
huwag magsawalang bahala, gawa ng ating
inuugali kapag halalan. Tinuturuan tayo nito na ang
pandadaya o panlilinlang sa kapwa ay walang
maidudulot na kabutihan. Mali ang siraan mo ang
isang taong walang kasalanan. Ang kasakiman ay
nagdudulot ng pasakit sa ating kapwa. Dapat
matuto tayong magbigay. Higit sa lahat sa buhay
dapat tayong matutong maglaro ng patas.
Bakit “Huling Timawa”?
“Huling Timawa” ay nangangahulugang huling tao na lumaya sa
pagkakaalipin. Kung saan sa nobela sinasalamin ito sa katauhan ni Mang
Mateo, na siyang natatanging Timawa na naiwan sa kanilang kapisanan na
nagpatuloy sa pagtupad ng isang adhikain na imulat at palayain ang mga
inaalipin.Siya ang taong sumisimbolo sa mga nagnanais ng pagbabangon at
kalayaan upang makamit ang katarungan. Ang magbibikis sa mga maliliit
upang magkaisa at labanan ang pang-aalipin.

Nangangahulugan rin “Ang Huling Timawa” na tiyak na hindi wakas sa


yugto ng buhay ng isang tao o isang kilusan. Marami pang timawa sa ating
bansa ang patuloy na nakikibaka sa iba’t-ibang larangan. At kaya, hindi
basta-basta lamang sila maipagwawalang bahala; o kaya’y kagyat na
mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas.
Salamat sa pakikinig!

You might also like