Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Setyembre 06, 2022

Martes

Grade 7- Gratefulness 12: 00- 1: 00 pm

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7


Unang Markahan
Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Aralin 1.2 Panitikan: Ang Aso at ang Leon (The Dog and the Lion)
Pabula ng Maranao
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.

Kompetensi Blg. 2: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
I. Layunin:
1. Nauunawaan ang nilalaman ng akdang binasa.
2. Nabibigyang halaga ang mga aral na napulot sa akdang nabasa
3. Nakabubuo ng sariling wakas batay sa akdang nabasa.
II. Nilalaman:
A. Paksa: Panitikan: Ang Aso at ang Leon (The Dog and the Lion)
Pabula ng Maranao
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.
B. Sanggunian: Panitikang Rehiyonal (pahina 23- 28)
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Activity Sheet

A. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Salita ng Araw (Word of the Day)
2. Balik- Aral
3. Paunang Pagtataya (Oral)
Paglinang ng Talasalitaan
May mga salitang naglalarawan na kapag nilalagyan ng panlapi ay nagbabago ang
kahulugan. Ang salitang ito ay nasa kayariang maylapi. Maylapi ang salita kung binubuo
ng salitang ugat at panlapi. Maaaring ang panlapi ay ginamit sa unahan na tinatawag na
unlapi, sa gitna na tinatawag naman na gitlapi, sa hulihan na tinatawag na hulapi, at sa
unahan at hulihan na tinatawag na kabilaan. Kapag may panlapi naman sa unahan, gitna,
at hulihan, tinatawag itong laguhan.
Panuto: Bigyang- kahulugan ang sumusunod na salita batay sa panlaping ginamit.
1. a. Matanda
____________________________________________________________
b. Matandain __________________________________________________________

2. a. Malayo ____________________________________________________________
b. Malayuan __________________________________________________________

3. a. Malapit ____________________________________________________________
b. Lumapit ___________________________________________________________

4. a. Bata _______________________________________________________________
b. Kabataan ___________________________________________________________

5. a. Gutom _____________________________________________________________
b. Ginutom ___________________________________________________________
4. Pagganyak
Paghahambing
May ipapakitang mga larawan ng hayop ang guro at tutukuyin ng mga mag- aaral kung
anong pag- uugali ng tao ang maihahambing sa mga ito.

a. b. c. d.
B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
 Mga impormasyon tungkol sa panitikang pabula.
 Pagbabasa at pagsuri sa pabula ng maranao, “Ang Aso at Ang Leon (The Dog
and the lion) isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.

2. Pagsusuri (Analysis)
 Talakayin
1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula.
Ardilya
Leon
Matandang Aso
2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa
ardilya na, “matanda na ako at maraming karanasan”?
3. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw o pananalita
ng mga tauhan sa akda?
4. Sa iyong palagay, karapat- dapat ba ang paggamit ng hayop bilang tauhan ng
pabula? Pangatuwiranan.

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)


1. Anong aral ang iyong napulot sa nabasang akda?
2. Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Bakit?

4. Paglalapat (Application)
Batay sa iyong nabasang akda na “Ang Aso at ang Leon”, kung ikaw ang magwawakas
ng akda, sa anong sitwasyon mo nais magwakas ang kuwento? Isulat ang iyong kasagutan
sa loob ng limang pangungusap sa isang buong papel.

B. Pagtataya
I. Panuto: Basahin at unawain at isulat sa sagutang papel ang hinihingi sa bawat pahayag.
1. Tawag sa mga akdang panitikan, na ang gumaganap sa kuwento ay mga hayop.
2. Siya ang nagsalin sa Filipino ng akdang The Dog and the Lion.
3. Sino- sino ang mga karakter sa akdang Ang Aso at ang Leon? (3 puntos)

II. Panuto: Tukuyin ang salitang- ugat sa mga sumusunod na salita.


1. Kagubatan
2. Kabahayan
3. Kababayan
4. Kasamaan
5. Sulatin

C. Kasundaan
Takdang- aralin
Bumuo ng salawikaing angkop sa binasang pabula. Isulat ang salawikain sa isang buong
bondpaper.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan sa pagbuo ng Salawikain 5 4 3 2 1
1. Nagpapahayag ng aral o kagnadahang- asal.
2. Mabisa ang paggamit ng mga salita sa pagpapahiwatig.
3. Sumasalamin sa buhay at magagamit na gabay sa araw-
araw.
4. Maayos at malinis ang kabuoan ng salawikain.

Prepared by: Checked by:

Michaella L. Amante Luisa D. Vispo


Guro sa Filipino Head Teacher I

Noted by:

Marites O. Miranda
Principal III

You might also like