Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 103

Course Material No.

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

Panimulang Pagtataya
3
Pagpapaunlad na
4 Gawain

Bunga ng Pagkatuto
6
Diskusyon at Nilalaman

9 Pagsasanay

10 Huling Pagtataya

Susi Ng Pagwawasto
11 Buod
Terminong Ginamit

Impormasyong Online
12
Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 1 Oryentasyon at Kahulugan ng
Pagsasalin

Mainam munang sagutan ang pagtataya sa ibaba upang maglapit sa ating


kamalayan kung anong aralin ang tatahakin sa modyul na ito.

Paunang Pagtataya

I.Isulat sa patlang ang titik WK kung ang sitwasyon ay nagpapakilala ng kaalaman


sa wika , at titik PS kung nagpapakilala ng kaalaman sa pagsasalin.
_____1. Si Vangie ay isinilang sa Samar at ngayon ay sa Laguna na siya nag-aaral
kaya`t naninibago siya sa pagbigkas at punto ng mga taga Laguna.
_____2. Siya ay awtor ng aklat , nais niya makarating at maunawaan ito ng
maraming tao sa mundo.
_____3. Si Alvin ay magtatrabaho sa Japan kaya`t pinag-aralan muna niya ang
wikang Nihongo.
_____4. Ang simpleng pangungusap na “ I love red “sa ibang nasyon ito ay nagiging
“ I like red”.
_____5. Ang tawag ni Melchor sa kanyang nilutong malagkit ay sinukmani ,
samantalang ang tawag ng kanyang asawa rito ay biko.
_____6. Napansin ng aking lola na ang salitang patola ay hindi na lamang sa gulay
tumutukoy sa kasalukuyan maari na rin itong tumukoy sa taong pikon o bugnutin .
_____7. Ang bantog na si Freddie Aguilar at ang kanyang awitin” Anak “ ay
nakarating na rin sa ibat ibang panig ng mundo.
_____8. Sobrang natutuwa si Mila sa panonood ng Korean Drama lalo na kapag
may subtitle ito.
_____9. Laging nagmamano si Elcie sa kanyang mga magulang at hindi rin niya
nakakaligtaan ang pagsagot ng po at opo .
_____10. Tinatanong ni Merry ang kanyang ina kung ano ba ang ibig sabIhin ng
“ You are the apple of my eyes”.
FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag mabahala
sapagkat magsisimula pa lamang tayo sa pag-aaral

Pagpapaunlad na Gawain

Pagmasdan ang larawan na ito.

Malalim na ipinahihiwatig sa iyo ng larawan?


1.____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3.____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Magbigay ng kaugnayan ng larawan sa pagsasalin?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Kung hindi pa mabuo ang kasagutan narito pa ang mga larawan upang tulungan ka

Kapag sinabihan ka ng isang tao kilala mo ng “ te Sakam” hindi mo


ba aalamin ang kahulugan nito?
Ano ang dapat gawin o isagawa?
Ano ang daan sa mga kataga o pangngusap mula sa ibang wika upang ito
ay iyong mabatid?
Ang sagot sa lahat ng tanong ay ang tinatawag na Pagsasalin. Halinat isa-
isahin natin ang mga pangunahing depinisyon gayundin ang kahalagahan
nito

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?


Ano-ano ang mga tiyak na matutunan mo?

Matapos pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod na kasanayan:

1. Napapahalagahan ang deskripsyon ng kurso


2. Nababatid ang pangunahing kahulugan ng pagsasalin
3. Nabibigyang -puna ang mga kahalagahan ng pagsasalin.

Diskusyon at Nilalaman

Oryentasyon:

Maraming kaalaman ang dapat taglayin ng bawat mag-aaral, isa na rito ay ang
kaalaman sa pagsasalin. Ang kursong pagsasalin ay sumasaklaw sa pag-aaral ng
mga teorya , simulain at teknik sa pagsasalin ng mga akademiko at di-akademikong
teksto . Matapos ang kursong ito ang mga Mag-aaral ay inaasahang:

1. Napapahalagahan ang natamong kaalaman at kasanayan sa pagsasalin.


2. Naisasaalang-alang ang mga tamang simulain at pamamaraan sa pagsasalin
ng iba`t ibang teksto
3. Natutukoy ang mga teoryang maaring sandalan at paghanguan ng mga
batayan sa pagsasalin.
4. Nakakapagtangkang magsalin ng tekstong Pampanitikan at pang-akademiko

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
5. Natutukoy ang kahinaan at kalakasan ng isinigawang pagsasalin ng mga
teksto.
6. Nakapagsusulat ng akademik at masining na sulatin sa larangan ng pagsasalin
na nagsasalang-alang sa wastong gamit ng wika at sapaggamit ng kritikal at
malikhaing pag-iisip.

Ang kabuuang pangangailangan sa kurso ay ang mga sumusunod:

1. Pasulat na pagsusulit
2. Pagsusumite ng mga Gawain ( Performance Task)
3. Pagsulat ng iba`t ibang akda
4. Aktibong pakikilahok sa pag-aaral at diskusyon

ARALIN 1

Kahulugan ng Pagsasalin

1. Pagsasalin- Sa pagsasalin ay may dalawang wikang kasangkot

Simulaing wika -orihinal na wika hal. ingles


Tunguhing wika – pagsasalinang wika hal. Filipino

2. Pagsasalin- Ito ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na


katumbas mula sa wikang isasalin.

Hal. I love my Family


Mahal ko ang aking pamilya.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
3. Pagsasalin- Ang isinasalin ay diwa at hindi lagi ang mga salitang bumubuo nito.

Hal. I`m the apple of her eyes


Salin: Ako ang kanyang paborito
Ako ang mansanas ng kanyang mata.

4. Pagsasalin- Ito ay nasasaklaw ng metodo at proseso sa pagsasalin. Ibig sabihin sa


pagsasalin may mga wastong paraan at tuntunin dapat sundin sa
ikapagtatagumpay at ikalilinaw ng pagsasalin. Ang angkop na metodo ay nakabatay
sa anyo o konteksto ng isasalin.

Kahalagahan ng Pagsasalin

1. Nagpapalaganap ng kaalaman
2. Pagbibigay-liwanag sa kultura at kasaysayan ng isang panahon o bansa
3. Pagpapakilala sa mga mambabasa ng isang akdang makabuluhan
4. Pananaliksik

Ngayon batid na natin ang depinisyon at kahalagahan ating simulan ang pagsasanay
upang mapayabong pa natin ang ating natutunan.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Pagsasanay 1

Paglalapat ng kaalaman. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot ng tunay na


depinisyon naganap sa bawat pagsasalin nakatala.
_______1. Jose watered the plants
Diniligan ni Jose ang mga halaman
A. Pagtatangkang palitan ang ibig sabihin
B. Pagtutumbas ng pinakamalapit na salita

_______2. I love you


Mahal kita /I Love you
A. Ang pagsasalin ay obra
B. Ang pagsasalin ay may dalawang wikang kasangkot
________3. Man of Letters
Kartero
A.Pagtatangkang palitan ang ibig sabihin
B. Ang pagsasalin ay diwa at hindi salita lamang.
________4. Carry on the shoulder
Iba salin- dalahin sa balikat
Wastong salin-pasanin sa balikat
A. Ang pagsasalin ay may dalawang wikang kasangkot
B. Ang pagsasalin ay diwa at hindi salita
________5. Kanin-rice
Bigas-rice
A. Ang pagsasalin ay saklaw ng metodo at proseso
B. Pagtatangkang palitan ang ibig sabihin .

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Huling Pagtataya

Aplikasyon. Batay sa natalakay na kahalagahan ng pagsasalin. Magbigay ka ng


kahalagahan ng pagsasalin sa iyong napiling kurso sa kolehiyo.
HAL. Ako bilang mag-aaral ng sikolohiya _________________________________

1._________________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________
4._________________________________________________________________
5._________________________________________________________________

Aling bahagi ng modyul na ito ang hindi malinaw sa iyo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aling aralin ang naibigan mo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sa ibaba ay makikita ang sagot mula sa pre-test na inyong sinagutan maari ninyong
balikan ang inyong sagot at makikita ninyo kung wasto ang inyong sagot.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 10
Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )
1.Wk 5.WK 9.WK
2. PS 6.PK 10.PS
3.WK 7.PS
4.PS 8.PS

Pagbubuod

1. Sa pagsasalin ay may dalawang wikang kasangkot.


2. Ang pagsasalin ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas mula sa wikang isasalin.
3. Sa pagsasalin ang isinasalin ay diwa at hindi lagi ang mga salitang bumubuo
nito.
4. Sa pagsasalin ito ay nasasaklaw ng metodo at proseso sa pagsasalin. Ibig
sabihin sa pagsasalin may mga wastong paraan at tuntunin dapat sundin sa
ikapagtatagumpay at ikalilinaw ng pagsasalin. Ang angkop na metodo ay
nakabatay sa anyo o konteksto ng isasalin.

Terminong Ginamit

Pagsasalin Simulaing wika Tunguhing wika

Metodo ng pagsasalin Paraan ng pagsasalin Wika at kultura

Paraan ng pagsasalin Pagpapahalaga sa


pagsasalin

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 11
Impormasyong Online:

Maaaring magtaka ang mag-aaral na katulad bakit nga ba pinag-aaralan mo


pa ang pagsasalin sa kabila ng ating pagtalakay kaya hayaan natin magkaroon
pa tayo ng ibang maghahayag sa atin kung gaano ito kahalaga sa ating pag-
aaral.

Halina`t panoorin natin ang nilalaman ng link na ito.


→ https://youtube/4PhLLo9551Y

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina:


Introduksyon sa Pananaliksik
https://panitikanblog.wordpress.com
https://:kitzibatan.wordpress.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 12
Course Material No. 2

PAGSASALIN

MS. JASMIN M. OREJUDOS


Course Instructor
TABLE
OF
CONTENTS

Bunga Ng Pagkatuto
3 Panimulang Pagtataya

Pagpapaunlad na
4 Gawain

Diskusyon At Nillaman
5

7 Pagsasanay

Lagumang Pagsusulit
8 Susi Ng Pagwawasto

Buod
8 Terminong Ginamit
Impormasyon Online

Sanggunian
9

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 2 Simulain at Buod ng Kasaysayan
ng Pagsalin

Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang nilalaman ng modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga makatwirang simulain


sa pagsasalin. Ang simulain ay paunang aralin sa pagsasalin bago pa man sa ibang
paraan, Teknik at metodo ng pagsasalin. Gayundin ang modyul na ito ay
naglalaman ng buod ng kasaysayan ng pagsasalin.
Sa Pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nababatid ang punto ng bawat simulain sa pagsasalin.
2. Nailalapat ang ibat`ibang simulain ng pagsasalin.
3. Napapahalagahan ang buod ng kasaysayan ng pagsasalin

Handa ka na ba? Mainam na sagutin muna ang maikling pagsubok ( pre-test)

Paunang Pagtataya

I.Isulat sa patlang ang titik SM kung ito ay nagpapahiwatig ng saligan sa pagsasalin,


at titik HSM kung nagpapahiwatig ng hindi saligan sa pagsasalin.

______1. Sa pagsasalin mayroong literal na pagsasalin lamang ang tiyak na dapat


gamitin.
______2. Sa pagsasalin mahalaga na may kaalaman rin sa kultura ng wikang
kasangkot sa pagsasalin.
______3. Ang tagapagsalin ay bukas sa lahat ng taong nais magsalin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
______4. Laging may pagkakaiba ang tunguhing wika at simulaing wika na dapat
isaalang-alang bago magsalin.
_____5. Sariling diskarte ang tunay na batayan sa pagsasalin.

Pagpapaunlad na Gawain

Tapos ka na ba? Upang maging ganap ang iyong paghahanda tingnan ang
halimbawa ng salin sa bilog sa ibaba.

Sa pagsasalin maging maingat sa


paggamit ng panlapi

“Lilia bought a book.“ Alin ang wastong salin?


Salin: Nagbili ng aklat si Lilia Pareho bang wasto ang salin?
Salin: Bumili ng aklat si Lilia

Ang tamang sagot ay ang unang salin dahil kung mapapansin ang isinasaad ng simulain ay paggamit ng
panlapi ito ang binibigyang diin ng pagsasalin . May mga gumagamit ng salitang nagbili pangkonbersasyon
iyon maring gamitin pero sa pagsasalin hndi ito maaari.

Diskusyon at Nilalaman

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
ARALIN 2

Simulain sa Pagsasalin

Ang simulain ay tumutukoy sa saligan ng isang tao sa pagsasalin.


Ang simulain ay paniniwala ng tao kung paano magsalin

Simulain sa pagsasalin ni Marites Bonto (2017)

1.Wikang nakaugat sa kultura


Hal.( Ingles) I want to touch the snow.
( Filipino)Masarap ang tinapay lalo na`t isinawsaw sa kape.

2. Paggamit ng alternatibong salita sa pagsasalin


Hal. Pagkalipas-pagkatapos
iniirog-kasintahan
kabalintunaan -kasinungalingan

3. Gumamit ng eupemistikong pananalita upang hindi imaging pangit sa pandinig.


Hal. Vagina-
Penis-

4. Ang mga daglat o akronim ay hindi rin kasali sa pagsasalin.

5. Magandang pamagat sa Ingles ay hindi nangangahulugang maganda sa Filipino.


Hal. Face off-tanggal mukha

6.kailangan tanggapin at hindi baguhin ang mga wikang lalawiganin/ dayalek bago
ito isalin.
Hal. Nagbayag-ilocos

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
ARALIN 3

Simulain sa Pagsasalin

Unang Yugto – Panahon ng kastila


- Isinalin sa tagalog ang mga dasal at akdang panrelihiyon
- Nagturo ng wikang kastila
- Paggamit ng kastila gamit ang katutubong wika
- Sa paglisan ng kastila, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang
nasa kastila.

Ikalawang Yugto – Panahon ng Mga Amerikano


- Naging masigla ang pagsasalin gamit ang wikang ingles
- Ipinasalin ang mga popular na nobela upang magamit sa paaralan

Ikatlong Yugto – Patakarang Bilinggwal


- Pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan
- Isinalin sa panahong ito ang Reference Grammar na aklat, Program of the
Girl Scout of the Philippines

Pagsasanay 1

Isulat sa patlang ang sarili mong simulain malilikha batay sa istilo ng salin sa bawat
bilang.

A. Sabihin sa mga bata na sila`y tumahimik.


Patahimikin ang mga bata.
Tell the children to keep quiet.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
Iyong simulain: ______________________________________________

B. Christmas tree
Krismas tri ( hindi wasto )
Paskong kahoy ( hindi wasto )

Iyong simulain:______________________________________________________

C. Liquid
Likwid
Likido
Iyong simulain:____________________________________________________

Dahil nakalikha ka ng iyong sariling simulain na alam natin hindi madaling mag-isip
ng simulain magiging madali na para sa iyo ang huling pagsususlit sa ibaba.

Lagumang Pagsusulit

Paghahasa: Sa ating makabagong panahon, Anu-ano kaya ang maitatala mong mga
pangangailangan sa pagsasalin. Itala ang sagot sa patlang
A._________________________________________________________________
B._________________________________________________________________
C._________________________________________________________________
D._________________________________________________________________
E._________________________________________________________________

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Apat ang yugto ng pagsasalin, ano ang nais mong idagdag na yugto?

Aling bahagi ng modyul na ito ang hindi malinaw sa iyo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Aling aralin ang naibigan mo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Sa ibaba ay makikita ang sagot mula sa pre-test na inyong sinagutan maari
ninyong balikan ang inyong sagot at makikita ninyo kung wasto ang inyong sagot.

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )


1. SM 3.HSM 5.SM
2. SM 4..SM

Pagbubuod

Malaki ang naging ambag ng pagsasalin sa kasaysayan hanggang sa


kasalukuyan. Ang simulain sa pagsasalin ay maaring makatulong sa ating
proseo ng pagsasalin, subalit laging tandaan hindi lahat ng simulain ay
epektibo at tinatanggap.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Terminong Ginamit

Simulain Panahon ng Amerikano Daglat

Panahon ng Kastila Patakarang bilinggwal Akronim

Kultura

Impormasyong Online:

Tunay na Hindi ganoon kadali ang magsalin marami nagtuturing na ang pagssasalin
ay mahirap na gawain at nakakabagot. Halina’t panoorin ninyo ang video na Ito
upang tayo ay mabigyan ng inspirasyon sa pagssasalin.

→ https://youtu.be /ukHeQzk2we

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon


sa Pananaliksik
https://:kitzibatan.wordpress.com
https://panitikanblog.wordpress.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Course Material No. 3

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

3 Panimulang Pagtataya

Bunga Ng Pagkatuto
4 Pagpapaunlad na
Gawain

5 Diskusyon At Nillaman

Impormasyong Online
8
Pagsasanay

11 Huling Pagsusulit

12 Susi Ng Pagwawasto

13 Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 3 Katangian ng Awtor at ng
Tagapagsalin

Sa patuloy ng ating lakbayin sa pagsasalin ang modyul na ito ay magiging


madali para sa inyo sapagkat hindi nabago sa atin ang usapin ng pagiging awtor at
tagapagsalin. Sagutan muna natin ang Paunang Pagtataya .

Paunang Pagtataya

Basahin at unawain ang mga salita at parirala sa sa loob ng kahon at sikapin


mapagbukod ang katangian ng awtor at tagapagsalin . Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan sa ibaba.

Karanasan sa kakayahang Kaalaman sa wikang


pagsusulat pampanitikan kasangkot sa pagsasalin

sumusunod sa etikal na Mayaman ang Analitikal


pamantayan bokabularyo

Kaalaman sa paksa Matatas sa wika Kaalaman sa pagsasalin

Mayabong na Obhektibo Hindi subhektibo


imahinasyon

May malawak na Responsible Kaalaman sa kultura ng


pananaw wikang isasalin

Karanasan sa pagsasalin

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Awtor Tagapagsalin
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Mula sa pagsagot sa pre-test nahuhulaan mo na ba ang nilalaman ng


modyul na ito? Halika`t tingnan natin kung tama ang iyong sagot .

Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay magtuturo sa


mga mag-aaral kung sino ang awtor at tagapagsalin.

Sa pamamagitan ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :


1. Nababatid ang kaugnayan ng awtor sa tagapagsalin
2. Nauunawaang lubos ang katangian ng tagapagsalin .
3. Nailalapat ang gampanin ng awtor at tagapagsalin sa pagsasalin .

Pagpapaunlad na Gawain

Basahin ang maikling paunawa sa ibaba ,

Sa lahat ng aking tagabaryo , meron na hahakot ng mga


dam-ang ninyong basura nakakasulasok na sa baho ngayong
darating na Biyernes . Siguraduhin ninyong naka-ayos ang inyong
mga basura sa daan at hindi ningangayngay ng aso at pusa.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
1. Ano ang napansin sa paunawang iyong binasa?

2. Kung isasalin mo ito sa wikang Ingles anu-ano kaya ang magiging


pagbabago?

3. Batay sa maikling seleksyon kanino ang mas mabigat na gawain sa


awtor o sa tagapagsalin?

4. Magbigay ng kahinaan ng seleksyon

5. Magbigay ng ilang pagwawasto sa paunawang binasa

Ibig ipahiwatig lamang ng ating pambungad na gawain na


malaki ang gampanin ng awtor sa paghahatid ng mensahe tungo
sa iba. Gayun pa man mahalaga rin sa tagapagsalin ang resulta
ng sinulat ng awtor sapagkat dito niya ibabatay ang nilalaman ng
kanyang pagsasalin

Diskusyon at Nilalaman

Awtor- Manunulat ng isang kwento o pangyayari, gumagamit ng mga salita upang


maipahayag ang isang bagay/kaganapan .
Katangian ng awtor
1. May malawak na pag-iisip
2. May kaalaman sa balarila at retorika
3. Obhektibo

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
Tagapagsalin - Ang taong nagsisikap na makagawa ng mga publikasyon na tumpak,
nauunawaan , at kasiya-siyang basahin.

ARALIN 4

Katangian ng Tagapagsasalin

Katangian ng tagapagsalin ayon kay Antonio Delgado

 Sapat na kaalaman sa dalawang wika kasangkot – Nakukuha niya ang kahulugan


ng kanyang isinasalin. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

 Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot- Ang kaalaman


sa gramatika ng dalawang wika ay kailangang ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
dalawang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa paggamit ng mga salita, wastong
pagkakabuo, at pagkakasunod-sunod.

 Pampanitikang paraan ng pagpapahayag- Malaking tulong upang masapol ang


konseptong nakapaloob. Nagkakaroon ng iba`t ibang paraan ng pagsasalin ang
salita, parirala, pangungusap, talataan, idyoma at iba pa.

 Kaalaman sa paksa- Ang pagkakaroon ng Kaalman sa paksa ay makakatulong upang


masapol ang nilalman ng teksto at agad itong maisasalin nang buong linaw o
tumpak.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
 Kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot - Mahalagang malaman ng
tagapagsalin ang pangunahing kultura ng dalawang wikang kasangkot upang hindi
magkaroon ng pagkalito sa temang isasalin.

Higit sa lahat ayon kay Antonio Delgado nararapat mailapat ang katangian ng
tagapagsalin sa pagsasalin upang makamit ang pagkakaroon ng mahusay na salin.

Katangian ng Mahusay na Salin


1. Kailangan katulad ng orihinal na diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat

ay katulad ng sa orihinal at taglay ang luwag at dulas ng pananalitang

tulad ng sa orihinal (Santiago, 1976 ).

2. Kailangang matagumpay na matamo ang layuning maipahatid ito sa

kinauukulang target ( Nida, 1976).

3. Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nalalapastangan

ang wikang kinasalinan ( Medina ,1988 ) .

4. Kailangang sensibilidad , naipahahayag ang nilalaman at paraan ng

orihinal may natural at madulas na ekspresyon at tumutugon sa

pagtanggap na tulad ng sa orihinal.

Ngayon nabatid mo na ang katangian ng tagapagsalin at awtor kailangang


mailapat natin ang ating kaalaman sa pamamagitan ng pagsasanay .

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Impormasyong Online:

Sa pagpapatibay ng ating pag-aaral tunay na ang pagiging awtor at


tagapagsalin ay malaki ang gampanin sa pagsasalin. Minsan nakabatay sa awtor
ang gagawing pagsasalin ni tagapagsalin sapagkat ilipat lamang ni tagapagsalin
ang mensahe mula kay awtor . Pakinggan Natin at panoorin ang nilalaman ng link
na ito.

→ https://youtu.be/wpTFvnwbw6A

Pagsasanay 1

Basahin at unawain ang ibat ibang kalagayan sa ibaba at isulat sa patlang


ang letra ng tamang sagot kung anong katangian ng tagapagsalin ang
ipinapakita ng bawat sitwasyon.

_____1. Si Melvin ay doktor ng tao pero kinailangan pa rin niya ang tulong
ng iba pang doktor para sa kanyang pagsasalin na may pamagat na Benign
Prostatic Hyperplasia.
A. kaalaman sa paksa
B. etika sa pagsasalin
C. kaalaman sa gramatika ng dalawang wika

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
____2. Si Elcie ay propesyonal na tagapagsalin pero nagdadalawang- isip
siya kung maisasalin niya ang teksto tungkol sa thrombosis.
A. kaalaman sa paksa
B. kaalaman sa pampanitikang pagpapahayag
C. kaalaman sa kultura ng dalawang wika

____3. Gusto kong isalin ang nobelang ‘ Luha ng Buwaya” .


A. kaalaman sa kultura ng wikang kasangkot
B. kaalaman sa pampanitikang pagpapahayag
C. kaalaman sa paksa

____4. Maisalin ang mga ito sa Ingles: Si Edna ay bumili ng gamot sa botika/
Bumili ng gamot si Edna sa botika / Sa botika bumili ng gamot si Edna.
A. kaalaman sa gramatika ng dalawang wika
B. etika sa pagsasalin
C. kaalaman sa paksa

____5. Maisalin ang Florante at Laura sa wikang Ingles.


A. kaalaman sa wikang kasangkot
B. kaalaman sa pampanitikang pagpapahayag
C. karanasan sa pagsasalin

Pagsasanay 2

Basahin ang mga nakatalang paksa sa ibaba at lagyan mo ng tsek ( / ) kung


kaya mong maging awtor ng bawat paksa at isulat sa patlang na nakalaan ang
dahilan kung bakit hindi mo kayang maging awtor ng paksa.

____1. Kahulugan ng Edukasyon at kahalagahan nito sa Buhay ng Tao .

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
___________________________________________________________________

____2. Baktirya maaaring matagpuan sa tirang pagkain.

___________________________________________________________________

____ 3. Pag-edit ng video sa computer

___________________________________________________________________

_____4. Ang 1987 Konstitusyon

___________________________________________________________________

_____5. Origin ng Corona Virus Pandemic

Matapos ang mga pagsasanay alin bahagi pa ng aralin ang hindi malinaw?
Kung ikaw ay magiging tagapagsalin ano ang napagtanto mo pagkatapos ng
aralin?

Batay sa bilang ng pagsasanay na iyong napagtagumpayan nagangahulugan na


sapat na iyong kabatiran at dapat nang magkaroon ng pagsusulit .

Huling Pagtataya:

Basahin ang talata sa ibaba at subukan itong maisalin gamit ang wikang
Ingles at sa sarili munang estilo o paraan. Lagi lamang tandaan na dapat at

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 10
malapit na malapit ito sa orihinal gaya ng napag-aralan sa katangian ng
mahusay na salin , ito ay kaparehong-kapareho ng orihinal.

Alam naming na marami kayong pera . At kung ano ang gusto


ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.
Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog
humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya.
Pwede ba , konting sensitivity man lang?

Linya mula sa Trendzph.com. Agot Isidro (@agot_isidro)

Iyong salin:

Batayan sa pagsasalin
Pamantayan 10 8-7 6-4 3-1
Nilalaman Lubhang Malinaw ang Hindi gaanong Malabo ang
malinaw at diwa ng malinaw ang diwa ng
wasto ang pagsasalin diwa ng pagsasalin
( 100% ) diwa ng mula pagsasalin mula sa
pagsasalin simulaing mula simulaing
mula sa wika patungo simulaing wika patungo
simulaing sa tunguhing wika patungo sa simulaing
wika patungo wika sa tunguhing wika
sa tunguhing wika
wika

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 11
Ngayon nabatid mo na ang pagsasalin at ang pagiging tagapagsalin ay
masalimuot na Gawain pero magging possible ito bastat may gabay sa at pagtuturo.
Halina`t balikan natin ang itong naging sagot sa paunang pagtataya o pre-test .

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )


Katangian ng awtor Katangian ng Tagapagsalin
1. Kaalaman sa paksa 1. Hindi subhektibo
2. May malawak na pananaw 2. Karanasan sa pagsasalin
3. Mayaman ang bokabularyo 3. Matatas sa wika
4. Obhektibo 4. May kaalaman sa kultura ng
5. Karanasan sa pagsusulat wikang kasangkot
6. Mayabong na imahinasyon 5. Kaalaman sa paksa
7. Responsable 6. Kaalaman sa pagsasalin
7. Kakayahang pampanitikan
8. Sumusunod sa etikal na
Sanggunian: pagsasalin

Acopra, J. A, et al . (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina:


Introduksyon sa Pananaliksik
Trendz.com
https://Glosbe.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 12
Course Material No. 4

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

Bunga Ng Pagkatuto
3 Panimulang Pagtataya

Pagpapaunlad na
4 Gawain

5 Diskusyon At Nillaman

8 Pagsasanay

9 Lagumang Pagsusulit

10 Susi Ng Pagwawasto

Impormasyong Online
11
Sanggunian

2
Iba’t ibang Dulog sa Pagsasalin

Nabatid natin sa nakaraang pag-aaral ang paksa tungkol sa katangian ng awtor at


tagapagsalin , pero ngayon ay tiyak na marami sa inyo ang makaka-relate sapagkat naging bahagi
na ito ng dati pang ninyong pag-aaral sa komunikasyon.Tunghayan natin ang paunang pagtataya
at sagutan.

Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?

Sa modyul na ito tatalakayin ang iba`t ibang dulog sa pagsasalin kabilang din ang Semiotic approach o
dulog sa pagsasalin. . Sa ibang salita ito ay mga iba`t ibang pamantayan sa pagsasalin. Ang mga
pamantayan ito ay mahalaga upang maging malinaw ang bawat pagsasalin.
Matapos ang modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nababatid ang mga dulog sa pagsasalin


2. Nailalapat ang mga dulog sa pagsasalin.
3. Nagagamit ang angkop na dulog sa ibat ibang konteksto ng isasalin

Paunang Pagtataya

Basahin ang mga salita at parirala sa iba na naksulat sa ingles na isinalin sa wikang Filipino ,
samantalang may mga salita o parirala na walang salin at ito ang iyong isasalin .
Gabay sa mag-aaral.

1. Make faces- mapagpanggap na tao


2. Preposition-pang-ukol
3. Balarila-grammar

3
Ngayon ikaw naman ang magsalin .
1. Curved line-
2. Density of population-
3. Sipnayan-
4. Digit-
5. Pamumulaklak-
6. Patinig-
7. Cultivation-

Naging mahirap ba sa iyo ang paunang pagtataya?


Napansin mo ba na hindi lahat ng salin ay literal?
Ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito.

Pagpapaunlad na Gawain
Pagtataya

Halina`t pagmasdan ang mga simbolo sa iba


Gabay na tanong sa pagsusuri ng larawan

1. Popular ba sa iyo ang mga simbolo?


2. Tila ba nakikipag-usap sa iyo ang mga simbolo at naghahatid ng mensahe?
3. Ngayon nasagot mo na ang dalawang tanong ano kaya kaugnayan ng mga simbolo sa
pagsasalin?
4. Sa komunikasyon matatandaan na ang mga ito ay di -berbal na komunikasyon sa
pagsasalin kaya ano ang kahalagahan nito ?

4
Kung ang mga simbolong ito ay ating nakikita sa paligid Hindi ba`t tuwiran natin
naiintindihan ang ibig sabihin at sa prosesong ito hindi naman nasasaklaw na kailangan pa ng
pagsasalin maliban na lamang kung ipapaliwanag mo ito sa ibang taong hindi saklaw ng iyong
wika alam.

Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 2

Dulog Semiotiko

Ano ang Semeotikong dulog? Ito ay hindi lang pagkilala kundi pag-aaral ng mga ng

mga tanda o sign o bagay na may gamit sa tao upang maging maayos ang mga tuntunin,

layunin o gawain. Dapat alam natin na ang simbolo at semiotic ay magkaiba.

Ang mga simbolo ay madalas nakikita sa mga pampublikong lugar at kadalasan ay biswal

ito samantalang ang semiotic ay tanda o sign ng nangyayaring kaganapan sa isang proyekto,

teknolohiya , akademya , at iba pa. ang kaugnayan nito sa pagsasalin kung ano ang persepsyon

ng tao o interpretasyon sa sign o tanda iyon ang magiging batayan niya sa pagsulat at pagsalin.

5
ARALIN 3

Dulog sa Pagsasaling -Wika ni Teresita Buensuceso

TerserReresesiBuensuceso
 Higit na pahalagahan ang wikang kasalukuyang ginagamit kaysa wikang bahagi ng nakaraan na
halos hindi na ginagamit sa kasalukuyan .

Halimbawa:
Tapayan – water jug
Salipawpaw o eroplano
Ibig sabihin kapag magsasalin mula Ingles patungo sa wikang Filipino isalin ito hindi na sa
salitang lubhang makaluma kundi sa kasalukuyang ginagamit ng nakararami

 Isaalang-alang ang kaisahan sa anyo ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.

Halimbawa , kung isasalin ang mga salitang agriculture and civilization sa Filipino, ang
anyo ay dapat na:

Pagsasaka at kabihasnan
Hindi dapat
Agrikultura at kabihasnan

 May mga salitang magkakasingkahulugan . Alin man sa mga ito ay maaring gamitin subalit
kailangang iangkop ang mga salita sa sinasaling teksto.

Hal. Kulay asul ang baro niya


Kulay bughaw ang baro niya

6
Ingles- He belongs to the royal blood
Salin- Siya`y nabibilang sa dugong bughaw.
Mali- Siya`y nabibilang sa dugong asul

 Maging matipid sa paggamit ng mga salita.

Ingles- You make plans for the school year


Salin- Magplano ka para sa taong panuruan
Hindi matipid- Gumawa ka ng plano para sa taong panuruan na ito.

 Sa pagsasalin , hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan . kung sakaling magkaroon ng ibang


pakahulugan sa itutumbas na salita . maging maingat sa salitang ipapalit dito.

Hal. They moved to another place.


Mali- Sila ay gumalaw sa ibang lugar
Wastong pakahulugan at salin- Sila ay lumipat sa ibang lugar.

 Ang mga daglat o akronim na tinatanggap na o kinikilalang unibersal ay hindi na kailangang


iayon sa baybay ng katumbas sa Filipino .

Hal. UP, UST, NBI

 Alamin ang mga suliranin sa pagtutumbas


a. Isa-isang katumbas- Dito ang tagpagsalin ay dapat na gumamit ng diksyonaryong
bilinggwal
Hal. Instrument-kagamitan , kasangkapan
b. Maaaring manghiram , subalit lalagyan ng panipi
Hal. Ang pag-aaral ng “trouble shooting “ ay mahalaga upang makasabay sa pagbabago.

7
Pagsasanay 1

Paglalapat ng kaalaman . Unawain Ang mga salita at parirala sa ibaba at piliin sa panaklong ang
wastong aplikasyon ng iba`t ibang dulog sa pagsasalin.

1. Social relationship – ( relasyong sosyal, sosyal na ugnayan )


2. Self confidence – ( Pagtitiwala sa sarili, sariling kumpiyansa )
3. University of Makati- ( UM, UMak )
4. Flouresecent bulb- ( bombilyang mahaba, fluorescent bulb)
5. ( Maaga akong gigising upang maabutan ko ang unang biyahe papuntang Cavite,Dapat
kong maabutan ang unang biyahe papuntang Cavite kaya maaga akong gigising upang
maabutan ko ito. )
6. ( Pluma, bolpen,panulat )
7. Arts and Sciences – ( Sining at Siyensya , Sining at Agham )
8. We need space – Kailangan natin ng espasyo , kailangan natin ng oras , kailangan natin
ng oras para mag-isip )
9. ( Maligo ka na pagkatapos mong kumain upang hindi ka mahuli,Maligo at kumain upang
hindi mahuli ).
10. Servant of God- ( alipin ng Diyos , lingkod ng Diyos )

Tila hindi naman naging mahirap ilapat ang ibat ibang dulog sa pagsasalin tama ba?
Natitiyak kong ang lahat ay handa sa pagsusulit upang lalo pang mapagyabong at masukat ang
natutunan ng bawat isa?

Alin bahagi ang nakalilito? Alin bahagi ang hindi malinaw?

Lagumang Pagsusulit

8
Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa larawang iyong pipiliin sa ibaba. Ang sanaysay ay
hindi hihigit sa sampung pangungusap na maglalaman ng iba`t ibang pagdulog sa pagsasalin . Itala ang
mga sagot sa dulog pagkatapos ng sanaysay.

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fsites.google.com%

Unang Larawan

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fimages.mapsofworld.com%2Fallwonders%2F2013%2F08%2FBanaue-Rice-Terraces-

Ikalawang Larawan

9
Source: https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fwww.russellalexander.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2017%2F02%2FFamily.jpg&imgrefurl=

Ikatlong larawan

1. Akronim_____________________________________________________________

2. Salitang magkasingkahulugan_____________________________________________________

3. Pagpapakahulugan ______________________________________________________________

4. Matipid na paggamit ng salita________________________________________

5. Kaisahan sa anyo_________________________________________________

6. Panghihiram ng salita____________________________________________________

7. Wikang Kasalukyan___________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )

1. Curved line- guhit na pabalantok


2. Density of population- dami ng populasyon
3. Sipnayan-mathematics
4. Digit- tambilang
5. Pamumulaklak- flowering
6. Patinig- vowel
7. Cultivation- pagbubungkal

Nakatutuwa kung minsan ang pagsasalin akala natin tama na ang ating pagsasalin hindi
pala.
Mataas ba ang naging iskor mo sa pre test?
Ano-ano na ngyon ang napagtanto sa pagsasalin?
Mayroon bang dulog sa pagsasalin nais mong idagdag?
Tungkol saan ang dulog na naiisip mo?

Impormasyong Online:
10
Normal na pakiramdam kapg nalilito ka basta`t unawain ang isinasaan sabay suri sa
halimbawa at uni-unti makakasunod ka ri. Tunghayan ang video , pakingggan at
panoorin tiyak na mkakatulong ito para kahit bahagya ay mabawasan ang iyong
pagkabahala. Buksan ito at panoorin.

→ htps://youtu.be./angaXo59v4

Sanggunian:

Acopra, J. A, et al. (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa


Pananaliksik

https://www.coursehero.com
https:// unitasust.net

11
Course Material No. 5

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

3 Panimulang Pagtataya

Pagpapaunlad na
4 Gawain

Bunga Ng Pagkatuto
5 Diskusyon At Nillaman

9 Pagsasanay

10 Lagumang Pagsusulit

Susi ng Pagwawasto
11
Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul Teorya ng Pagsalin

Sa nakaraang aralin natalakay natin ang mga simulain sa pagsasalin, pero ngayon teorya ng
pagsasalin ang tatalakayin. Hindi ba`t kapag simulain sarili mong paraan pero kapag teorya na ibig
sabihin kahit paano ay nagbunga ang kanilang mga paraan at pananaw sa pagsasalin. Naging bantog
pa nga ang mga bumuo ng teorya sa pagsasalin ibig sabihin napatunayan nila na epektibo ang
kanilang paraan sa pagsasalin.

Halina`t sagutan natin ang paunang pagtataya .

Paunang Pagtataya

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon o kalagayan , analisahin kung ito ay simulain o teorya ng pagsasalin . Isulat sa
patlang SM – simulain at TE- Teorya ng pagsasalin.

_____1. Pinapahalagahan din ni Melvin at iba pang propesyonal na tagapagsalin ang gamit ng kuwit at gitling sa
pagsasalin.
_____2. May mga iba`t ibang batas at tuntunin sa pagsasalin kung kaya`t ito ay sinusunod ng mga propesyonal na
tagapagsalin.
_____3. Ang mga balbal na salita para kay Kris ay hindi raw dapat binibigyan ng salin.
_____4. Si Melissa ay nahihirapan sa pagsasalin kung kaya`t gumawa na lamang siya ng sarili niyang paraan.
_____5. Laging tinatandaan ni Ronaldo ang mga teknikal na paraan ng pagsasalin mula sa mga eksperto.

Naging mahirap ba ang paunang pagsasanay? Hindi ba`t sa nakaraang pag-aaral natalakay na ang simulain?
Nahuhulaan mo na ngayon tungkol saan ang bagong aralin? Tama ang bagong aralin natin ay tungkol sa mga teorya
ng pagsasalin . Dapat maging malinaw sa ating lahat na magkaiba ng simulain at ang teorya ng pagsasalin.
Ngayon upang lalo kayong maging handa sa pag-aaral patuloy natin subaybayan ang bahaging ito ng ating pag-
aaral.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Pagpapaunlad na Gawain

Tunghayan at basahin ang nilalaman ng kahon , paganahin ang ating pag-iisip ano bang ibig
ipahiwatig nito sa mambabasang katulad mo?

Walang teorya sa pagsasalin


ang makakasakop sa kabuuan
ng konsepto ng pagsasalin

I. Ano ang pakahulugan mo sa nakasulat sa itaas? Isulat ang sagot sa anyong pangungusap
lamang.
1.________________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________________

Batay sa iyong pagsagot tiyak na inaabangan na ninyo ang pag-aaral tungkol sa Teorya ng
pagsasalin. Sa iyong palagay alin ang higit na mahalaga simulain ng pagsasalin o ang mga teorya ng
pagsasalin?

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?

Tungkol saan ang modyul na ito? Sa modyul na ito nakapaloob ang mga bantog at nakilala na sa
larangan ng pagsasalin. Ang mga teorya nila ay tunay na naging epektibo at napatunayan na ang bisa
sa pagsasalin.
Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :
1. Nauunawaan ang mga teorya ng pagsasalin
2. Nailalapat ang mga teorya sa pamamagitan ng gawaing pagsasalin
3. Nabibigyang bisa ang teorya ang pagsasalin sa pamamagitan ng iba`t bang anyo ng tekstong
isasalin.

Halina`t tunghayan natin ang iba`t ibang teorya ng Pagsasalin mula sa mga eksperto sa pagsasalin

Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 2

Mga Teorya ng Pagsasalin

Ayon kay Bernales, ang teorya ng pagsasalin ay nauukol sa mga paraan ng pagsasalin na
nararapat sa isang teksto at nakasalalay sa mga teoryang pangwika.
Matatandaan natin sa mga unang leksyon na ating tinalakay na noon pa man ay nagkaroon na ng
pagsasalin. Kaya hindi nakapagtataka na marami ng dalubhasa o eksperto ang nakalikha ng mga teorya
ng pagsasalin. Ang mga teoryang ito ay naging epektibo at tunay na kinilala ang mga naging ambag nito
sa larangan ng pagsasalin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
Putulin na natin ang ating pananabik narito na ang mga dalubhasa kalakip ang teoryang kanilang nilikha
at ambag sa larangan ng pagsasalin.

Teorya ni Peter New Mark

- Ipinanganak siya noong April 12,1916 sa Czech Republic.

- English Professor of translation ,Surrey University

Ayon kay New Mark, ang pagsasalin ay pagbibigay kahulugan ng


isang teksto sa iba pang wika sa paraang ninanais ng may-akda.

Ayon sa kanya mahirap ang pagsasalin dahil maraming


kahadlangan sa pagsasalin,

• mahirap ang pagsasalin dahil nakatali ito sa orihinal . Hangga`t maaari ito ay dapat na maging
natural.

• Ang pagsasalin ay laging posible. Binigyan diin niya ang mga sumusunod:

• Pagbibigay diin sa mga mambabasa ng kaayusan ng setting.


Hal. Poblete 1907- Nagsalin ng Noli

- Iba ang panlipunang umiiral noon kaysa sa ngayon.

- Pagpapalawak ng paksa higit sa aspetong panrelihiyon, pampanitikan, pang-agham at teknikal.

- Paggamit ng bantas

Hindi, puti ( no, it`s not white )


Source; https://www.google.com/search?q=peter+newmark+translation&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH834PH834&hl=en&sxsrf=ALeKk00Ci75nD1jR_Fiuu-tx1-
f4VLXZJA:1596091410392&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=eqcyZXiQ99TGhM%252C-n7Cn_r60kcRXM%252C%252Fm%252F0h1g428&vet=1&usg=

Teorya ni Mildred Larson

Ayon kay Mildred Larson- Ang pagsasalin ay isang mabisang paglalahad sa


tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensaheng katulad ng
simulaing wika, ngunit gumagamit ng tuntuning gramatika, at mga salita sa
tumatanggap na wika

Pinagmulang wika mensahe tunguhing wika

Source: https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fimages.findagrave.com%2Fphotos250%2Fphotos%2F2018%2F82%2F188170266_a8fbc29a-a092-4d28-91b1-
a152256a9090.jpeg

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
Teorya ni George Steiner

• Siya ay ipinanganak noong Abril 23, 1929. Isa siyang


manunulat , at mahusay na tagapagsalin.

• Ayon din sa kanya ang aklat at pagsasalin ang lunas sa


pagkainip at kalungkutan.

• Sa kanyang mga akda lagi niyang binibigyang diin ang


kaugnayan ng wika , panitikan at ang lipunan. Naging popular
siya sa larangan ng pagsasalin na kung saan mahusay niyang
nabibigyang ng kahulugan at naisasalin ng malinaw ang
kanyang naisasalin.

• Naging kapansin kapansin sa mga ginawa niyang pagsasalin ay ang mga akdang naglalaman ng
karanasan ng ibang tao . Ang mga karanasan ito ay hindi simpleng karanasan kundi karanasan sa
gitna ng sakuna o delubyo

• Kahirapan sa pagsasalin ng karanasan

1. Kultural na kahadlangan

2. Emosyon nakapaloob sa pangyayari

3. Katumpakan ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari

4. Mga piling detalye ng karanasan mula sa simulaing wika.

Teorya ni Eugene Nida

Kahirapan sa pagsasalin ng karanasan

1.Kultural na kahadlangan

2. Emosyon nakapaloob sa pangyayari

3. Katumpakan ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari

 Si Eugene Nida ang nagdebelop at nagpaunlad ng mga ilang


konsiderasyon sa pagsasalin ng Bibliya . Siya ang nagpasimula ng
makabagong pagsasalin sa iba`t ibang disiplina.

 Ayon sa kanya mahirap ang pagsasalin ng Bibliya lubhang


masalimuot ang pagsasagawa nito.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Kahirapan sa pagsasalin ng Bibliya

1. Kultura ng simulaing wika at tunguhing wika .

2. Panahon o kailan naganap ang nilalaman ng isasalin.

3. Pagiging matalinghaga ng mga talata ng Bibliya.

4. Interpretasyon ng magsasalin.

5. Pananampalataya ng magasasalin upang higit na maunawan at paniwallan ang mga bagay at


pangyayaring kanyang isasalin.

Halimbawa ng mga salita sa wikang Filipino na dapat isaalang-alang kapag magsasalin

• Hinirang
• Hilahil
• Lupang pangako/bayang banal
• Buhay na walang hanggan
• Lingkod ng Diyos
• Bagabag
• Wakas ng lupa/kawakasan
• Malawak ang sakop ng sosyolinggwistikong paglalapat:
• Sinasalita sa lugar
• Konsepto ng yaman at walang yaman
• Pagkakaiba at pagkakapareho ng tao
• Wasto at maling Gawain
• Mabuti at masama sa kabuuan

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Pagsasanay 1

Mag-analisa ng mga problema sa pagsasalin sa ibaba at pag-isipang mabuti ang angkop na solusyon.
Pagkatapos na itala ang solusyon ilagay sa patlang kung kanino teorya nahahawig ang solusyon o
hakbang na ginawa mo.

1. Nabuklat ni Mercy ang isang lumang diary ng lola niya. Natukso siyang basahin subalit nakasulat
ito sa wikang Kastila at Ingles kaya`t nahihirapang siyang unawain at lalong hindi niya ito
maisalin.
Solusyon:

Nahahawig sa teorya ni:

2. Ang Kwentong binabasa ni Mel ay karanasan ng kanyang kapatid mula sa pagkakaligtas sa


lunod. Gusto niya ibahagi ito sa kanyang asawang Amerikano kay`t nagsalin siya gamit ang
wikang Ingles . Pero napansin niyang may pagkukulang siya sa isinagawang pagsasalin.
Solusyon:

Nahahawig sa Teorya ni:

3. Madalas magbasa ng bibliya si Nerissa ingles at Filipino pero hindi pa rin niya ito nauunawaan
kahit magsagawa pa siya ng pagsasalin.
Solusyon:

Nahahawig sa Teorya ni:

4. Mahilig magbasa ng mga aklat kasaysayan si Lito subalit nalulungkot siya kapag nalaman
niyang hindi na niya nasisilayan ang kapaligiran o lugar na binabanggit sa aklat .

Solusyon:

Nahahawig sa Teorya ni:

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Nabitin ba kayo sa ating pagsasanay ? Maaari pa naman itong madagdagan sa iba pang
pagkakataon dahil natitiyak kong mauulit ang mga teoryang ito. Mahalaga ngayon ay hindi lamang
natin nabatid ang mga teorya kundi nailapat natin ito sa usapin ng pagsasalin.
Hangad lagi ng guro na makatiyak sa natamong pagkatuto kaya nararapat natin magkaroon ng
pagtataya o post test .

Lagumang Pagsusulit

Gumawa ng sariling dayagram na maglalaman ng sarili mong teorya sa pagsasalin.


Gabay sa paggawa ng dayagram :
1. Ano ang pangalan ng dayagram
2. Nilalaman/konsepto ng iyong dayagram
3. Ilistrasyon o biswal ng iyong dayagram
4. Basahin ang rubric sa ibaba para sa blg. 3

Dayagram

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 10
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Lubhang malinaw Wasto at malinaw Hindi gaanong Malabo at magulo May ilustrasyon
at wasto ang ang ilustrasyon ng malinaw ang ang ilustrasyon pero walang
ilustrasyon ng dayagaram na ilustrasyon at gayundin ang naipakitang
dayagram na nagpapakita ng konseptong konseptong konseptong
( 50% ) nagpapakita angkop na gagamitin sa gagamitin sa gagamitin sa
konseptong may konseptong pagsasalin pagsasalin pagsasalin
kaangkupan sa gagamitin sa
pagsasaling pagsasalin
isasagawa.
Pagkaorihinal ng Lubhang Malikhain ang Hindi gaanong Nakagawa ng Malabo ang
dayagram malikhain ang ilustrasyon na malinaw ang ilustrasyon pero ilustrasyon at
ilustrasyon na halos walang ilustrasyon at may katulad na ito ng hindi rin bago ang
(50% ) halos walang pagkakatulad sa pagkakatulad na ibang dayagram ilustrasyon nito.
pagkakatulad sa iba sa iba
iba

Alin bahagi pa ng modyul na ito ang Malabo?


Alin bahagi ang nais natin ulitin?
Kung gayon balikan natin ang inyong mga sagot sa Pre -test.

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )


1.Te 3. Sm

2.Te 4. Sm

5.Te

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa Pananaliksik
www.Scribd.com
www. Cebookshopm.co

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 11
Course Material No. 6

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

Panimulang Pagtataya
3
Bunga ng Pagkatuto
4 Pagpapaunlad na
Gawain

Diskusyon at Nilalaman
6

8 Pagsasanay

9 Huling Pagtataya

Susi Ng Pagwawasto
10
Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 6 Tungkulin ng Tagapagsalin at
Pamamaraan sa Pagsasalin

Nais ko munang ipagpauna sa inyo na baka isipin ninyo umulit tayo ng paksa hindi po, iba ang
katangian ng tagapagsalin sa tungkulin. Parang ikaw mayroon kang mga katangian bilang anak, mag-aaral
at mamamayan halimbawa ikaw ay masunurin, mabait , masayahin ang tawag doon ay katangian. Kapag
tungkulin may kalakip na gawa at sakop na gawain. Halimbawa tungkulin mo sa iyong sarili na pangalagaan
ito , tungkulin mong tumulong makapasa sa mga asignatura mo. Ang tungkulin ang pag-uusapan natin sa
modyul na ito. Tungkulin ng tagapagsalin.

Halina`t sagutan natin ang paunang pagatataya na unang tanda ng paghahanda sa aralin.

Paunang Pagtataya

Mag-analisa sa mga sumusunod na sitwasyon . Isulat sa patlang ang mga TA- tungkulin ng awtor , HU-
Hindi ugnay at TP- tungkulin ng tagapagsalin ang ipinapahayag ng bawat bilang.

_____1. Magsulat ng mga paksang makabuluhan at may pinagbatayang katotohanan.


_____2. Kapag ikaw ay nahihirapan sa pagsasalin sikaping mairaos ang pagsasalin.
_____3. Hindi mo maintindihan ang iyong isasalin sapagkat lubha itong simboliko kaya
Paganahin mo na lamang ang iyong senses o pakiramdam.
_____4. Mag-sulat ng napapanahong paksa kahit may kulang pang impormasyon sapagkat
Tiyak na maraming magbabasa nito.
______5. Magsalin tayo ayon sa wastong pamamaraan at sikapn maging malapit ito sa orihinal.

Naging mahirap ba sa iyo ang paunang pagtataya? Hindi ka ba nalito o naguluhan? Ang iyong sinagutan
ay may kaugnayan sa ating gagawing pagtalakay sa modyul . Alamin natin ang paksa sa modyul na ito.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay tatalakay at magtuturo sa atin
pamamaraan sa pagsasalin, maging ang tungkulin ng awtor at tagapagsalin. Dapat maitatak sa isip natin
na magkaiba ang katangian sa tungkulin.

Pagkatapos ng pag-aaral ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :


1. Nauunawaan ang mga pamamaraan sa pagsasalin.
2. Nababatid ang tungkulin ng awtor at tagapagsalin sa mga uri ng teksto
3. Nailalapat ang mga pamamaraan ng pagsasalin .
4. Nabibigyang bisa ang ang tungkulin ng awtor at tagapagsalin

Pagpapaunlad na Gawain

Simulan na natin ang pag-aaral , para hindi kayo kaagad mabigla o mahirapan ang gawain sa ibaba ay
para sa inyong paghahanda . Tingnan ang larawan sa ibaba na at unawain kung ano ang ipinahihiwatig
nito .
Gabay sa pagsuri ng larawan
1. Unawain kung tungkol saan ang larawan
2. Tuklasin ang mensaheng nakapaloob sa larawan .
3. Ano ang itinuro sayo ng larawan?

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Ako si Mariano Salvador O. Gregory.
Nakapagtapos ng pag -aaral.
5 Taon na akong manunulat
at tagapagsalin. Mabilis akong mag -
trabaho, minsan nakaka tsamba.
???

Source: https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi2.wp.com%2Fwww.aliem.com

Nahuhulaan na ninyo siguro na ang tatalakayin natin ngayon


ay tungkulin ng awtor at tungkulin ng tagapagsalin. Magkaiba Ang
katangian sa tungkulin lalo natin mauunawaan yan sa modyul na ito.
Tatalakayin rin sa modyul na ito ang mga pamamaraan sa pagsasalin
na isasagawa ng isang tagapagsalin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 6

Pamamaraan sa Pagsasalin

Walong Metodo ng pagsasalin ni New Mark


1. Salita-sa- salita – Sa pagsasaling ito , ang ayos ng mga salita ay nanatili. Ang mga salita ay
isinasalin ayon sa pinakapalasak na kahulugan.
Hal. A beautiful garden.
Isang magandang hardin.

2. Literal – Ang kayariang gramatika ng simulaing wika ay isasalin sa pinakamalapit na katumbas sa


tunguhing wika.
Hal. flower - bulaklak
red.- pula

3. Matapat- pinahihintulot nito ang pagdaragdag o pagbabawas ng mga salita na mas


magpapalutang sa kahulugan ng kahulugan
Hal. For the last twenty years since he is burrowed into one-room apartment near
Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone
breakwater which stretched from sandy bar into the murkyand oil-tinted bay
( The Drowning ni F.Sionil Jose )

Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa


simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na
mabuhangin at malangis.

4. Semantiko- Binibigyan-diin ang estetiko ng tunog, pagiging natural.Pinahihintulutan ditto ang


pagpasok ng sariling pananaw ng tagapagsalin.
Hal. O Divine Master, grant that I may not so much seek to be understood as to
understand: to be loved as to love

O Bathalang Panginoon, itulot mong naisin ko pa ang umaliw kaysa aliwin,


umunawa kaysa unawain; magmahal kaysa mahalin

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
5. Adaptasyon – Pinakamalayang anyong salin dahil may pagkakataong malayo na ito sa orihinal.
Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula o dula, na halos tono na lamang o
pangkalahatang mensahe ang naililipat sa salin.
Hal. Quesera sera!
Whatever will be, will be
The future’s not ours to see
Quesera sera!

Ay sirang-sira !
Ano ang mangyayari
Di makikita ang bukas ay sirang-sira !

6. Malaya- Sinisikap ibigay ang eksaktong kahulugan ng orihinal habang sinusundan naman ang
estrukturang gramatikal ng simulaing wika.
Hal. Tone down your voice.
Hinaan mo ang iyong boses.

7. Idyomatiko- Kung ang pahayag ay idyomatiko,marapat na tumbasan din ito ng pahayag na


idyomatiko
Hal. Head of the family
Haligi ng tahanan

8. Komunikatibo – ito ay pagtatangkang magbigay pakahulugan sa nilalaman sa paraang


katanggap-tanggap at nauunawaan ng mambabasa.
Hal. All things bright and beautiful
All creatures great and small
All things wise and wonderful
The Lord God made them all

Ang lahat ng bagay,maganda’t makinang


Lahat ng nilikhang dakila’t hamak man
May angking talino at dapat hangaan
Lahat ay nilikha ng Poong Maykapal

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
ARALIN 7

Tungkulin ng Awtor at Tagapagsalin


Tungkulin ng Awtor

1. Sumulat at tumalakay ng mga paksang makatutulong sa pagbuo ng isang lipunang malaya at


progresibo
2. “ Mambabatas ng Daigdig “ hindi lamang tapat sa paglalarawan ng buhay kundi dapat din siyang
maging mahigpit na kritiko nito.
3. Siya ay manlilikha nagsusumikap na gumawa ng panitikan sa pinakamasining na pamamaraan.
4. Guro na bukal ng mga dapat malaman at tagapagpayabong

Tungkulin ng Tagapagsalin
1. Matiyak ang kahulugan ng orihinal na salita ( ang papel ng salita sa kabuuan)
2. Dapat na unawain ang papel na ginagampanan ng mga salita sa kabuuan ng pangungusap.
3. May layuning maipahatid ito sa kinauukulang mambabasa at laging may sensibilidad .
4. Maraming sinusunod na pamamaraan sa pagsasaling wika.

Nakita na ba natin ang sinasabi ko kanina pa tungkol sa tungkulin? Napansin na ba natin ang
pagkakaiba ng tungkulin? Ibig sabhin kahit may kakayahan kang magsalin dapat gagawin mo ang mga
tungkulin mo sa pagsasalin. Sa kabilang banda naman kahit malaman mo ang tungkulin ng tagapagsalin
pero wala ka naman katangian para gawin ang tungkulin balewala rin kaya ang dalawang ito ay
magkaugnay sa pagsasalin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Pagsasanay 1

Suriin kung alin ang angkop na aplikasyon ng pamamaraan sa pagsasalin sa bawat bilang . Isulat
ang titik ng wastong sagot sa patlang.

_____1. Pariralang Tumbasan

A. Malakas na katawan-strong body


B. Malakas na katawan – strong bones

_____2. Pagtutumbas ng Pangngalan

A. doctor- manggamot
B. doctor- doctor

______3. Idyomatikong Salin

A. balat -sibuyas – sensitibo o pagiging maramdamin


B. balat-sibuyas- makapal ang balat

______ 4.Literal

A. Maglalaba ako ng iyong damit-


B. Maglalaba ako ng iyong damit

_______5. Mula Ingles, hindi salin kundi baybay

A. Transaction – Transakyon
B. Transaction- transactional
_______ 6 . Naturalisasyon

A. Hamburger
B. Pancit Kanton

________7. Salita -sa -salita

A. makintab-shiny
B. makintab- luminous

Siguro isipin ng iba ay madali lang pala ang pagsasanay . Salamat kung ganoon pero madali ko
lang talaga ginawa ang mga aytem para matulungan kayo sa madaling proseso . Sa huling pagtataya
titngnan ko kung masasagutan lahat ito nang may kawastuhan.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Huling Pagtataya

Suriin kung alin ang angkop na aplikasyon ng tungkulin ng awtor at tagapagsalin. Isulat sa patlang ang
titik ng wastong sagot.

________1. Tungkulin ng awtor

A. Magsulat ng mga impormasyon mayroong batayan.


B. Magsulat ng mga impormasyong nababatid ng marami.

________2. Tungkulin ng Tagapagsalin

A. Nagsasalin mula simulaing wika malapit sa tunguhing wika


B. Kaalaman sa dalawang wikang kasangkot

_______ 3. Tungkulin ng Tagapagsalin

A. Gamitin ang mga pamamaraan sa pagsasalin


B. Gamitin ang paraan madali para sa pagsasalin

_______ 4. Tungkulin ng Awtor

A. Magsulat ng paksang makatutulong sa marami.


B. Magsulat ng paksang nakakagulat

Bahagyang napahaba ang ating pagsasanay upang makatiyak akong nailapat ninyo ang
nilalaman ng modyul na ito. Lagi nating tandaan magkaiba ang tungkulin sa katangian bagama`t ang
dalawang ito ay mahalaga sa pagsasalin.

Alin pa ang nakalilito sa bahagi ng modyul na ito?

Kung wala na balikan natin ang pre- test o paunang pagtataya

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 10
Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )

1.Ta- 3.Hu-

2.Hu- 4. Hu-

5.Tp-

Sanggunian:
Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa Pananaliksik
https://www.kwf.gov.com
https://www.Scribd.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 11
Course Material No. 7

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

3 Panimulang Pagtataya

Bunga ng Pagkatuto
4

Diskusyon at Nilalaman
6

7 Pagsasanay

8 Huling Pagtataya

Susi Ng Pagwawasto
10
Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 7 Pagsasaling Pampanitikan

Alam ng marami na hindi madali ang magsalin pero kung may nais tayong isalin isa rito ay ang
akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, nobela atbp. Subalit paano kung hindi naman tayo ang
sumulat o awtor?paano kung matalinhaga ang nilalaman nito ?Paano natin malalaman kung ano ang
pagsasaling pampanitikan? Ito ang ituturo sa atin ng modyul na ito.

Paunang Pagtataya

Itala sa ibaba ang mga salitang dapat magkakasama upang maging bahagi ng mga akdang kabilang sa
pagsasaling pampanitikan . Pumili ng mga salita mula sa kahon.

liham anunsyo bugtong


tula abstrak balita
prosa obituaryo musika
kwento food blog flip-top
fashion blog nobela diary

Lahat ba ng salita sa loob ng kahon ay pamilyar sayo ?

Madali mo bang napili?

Naranasan mo bang makasulat ng ilan sa mga napili mo?

Upang lalo pang magliwanag sa iyo ang paksang tatalakayin natin sa bahagi ng modyul na ito,
tunghayan mo ang paunang Gawain sa ibaba at subukan ang hamon na hinihingi nito.

Pagpapaunlad na Gawain

Basahin at suriin ang maikling akda sa kahon . Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba nito.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
“ Ang pagtitig sa dako pa roon,
Ang natatanaw ngunit di na maaninag sa ngayon.

Sa patuloy na pagkalagas ng mga dahon


Sumasabay sa takbo ng panahon

Ano mang hiling kung di man naayon


Magmimistulang napatid na pisi ng guryon.

Kung araw may sumikat sa umagang magayon


Ang paglubog nito sa hapo`y mapupuno ng emusyon

-rytmnst-

Gabay ng Paunang Gawain

1. Literal ba ang kahulugan nito sa iyo?


__________________________________________________________
2. Madali mo bang maisasalin ito sa wikang Ingles?
______________________________________________________________________
3. Naglakbay ba ang iyong imahinasyon habang binabasa ito?
_________________________________________________________________________
4. Magkakaroon kaya ng balakid kung isasalin mo ito nang mabilisan?
______________________________________________________________________________

Matapos mong masagot kahit sa isip mo lamang ang tatlong tanong tungkol saan kaya ang modyul
natin ? Sa palagay mo may kinalaman ang mga akdang pampanitikan sa ating aralin ngayon?

Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsasaling pampanitikan na
kung saan nakapaloob din ang ibat ibang akdang kabilang sa pagsasaling pampanitikan.

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Nababatid ang mga akdang pampanitikan


2. Nailalapat ang mga paraan sa pagsasaling pampanitikan

Nakapagsasalin ng mga akdang pampanitian nang may kawastuhan

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 10

Pagsasaling Pampanitikan

Pagsasaling pampanitikan -Ito ay isang uri ng pagsasaling naiiba sa karaniwan at pangkalahatang


konsepto ng pagsasalin. Sinasalamin ng pagsasaling pampanitikan ang imahinasyon,matayog na
kaisipan,at ang intuitibong panulat ng isang may akda.

Ang pagsasaling pampanitikan ay bukas sa iba`t ibang pagpapakahulugan o interpretasyon ng


tagapagsalin.

Mga uri ng Akdang pampanitikan

1. Tula -naglalaman ng makahulugang paksa. Maaring ito ay may tugma ,sukat at taludtod.
2. Dula- may paksang pag-iibigan , panlipunan at pampanitikan na itinatanghal sa entablo sa
harapan ng maraming tao.
3. Talambuhay -inilalarawan ang buhay ng pangunahing tauhan at ang mga nagawa,nangyari at
mga katangian ng tauhan sa akda.
4. Alamat-pagsasalaysay tungkol sa pinag-mulan ng isang bagay o anu man sa paligid
5. Maikling Kwento- sapat na bilang ng tauhan at pangyayari, may paksang pampamilya at
panlipunan.
6. Epiko -naglalaman ng mga kwento tungkol sa paglalakbay , pakikidigma at kabayanihan.
7. Nobela- may mahahabang serye at kabanata sa isang akda.
8. Kwentong bayan- kwento tungkol sa kaugalian , kultura , paniniwala sa isang partikular na pook.
Maraming pang akdang pampanitikan katulad ng mito, salawikan, sawikain, anekdota ,
pabula , at parabula

Katangian ng Pagsasaling Pampanitikan

1. Ekspresibo- paraan upang mailabas talaga ang iniisip at nararamdaman ng isang tao.

2. Kononatibo- ito ay maaaring pahiwatig at di-tuwirang pahiwatig


Hal. Isa kang ahas ( traydor )

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
3. Simboliko- Nakabatay sa mga ideyang literal na nirerepresenta ng bawat kahulugan.
Hal. Ubasan
Sagingan

4. Nakapokus sa Nilalaman- Tuwiran ang kahulugan o ideyang ipinahahatid.


Hal. Kay sarap mabuhay sa mundong ibabaw kahit na may ligalig.

5. Subhetibo - pagbibigay ng paghahambing o paglalarawan sa mga tao, pangyayari o bagay na


naaayon sa relatibong nakikita ng nagsasalita. Kaiba ito sa direktang nakikita o obhektibo.

Paraan ng Pagsasaling Pampanitikan

1. Natural na daloy ng idyoma- May sariling idyoma ang bawat wika.. Dapat ay laging bukas ang isip ng
isang tagasalin gayundin ang kanyang panloob na tainga.

Hal. Under the sun-sa ilalim ng araw- sa Balat ng lupa- kahit alin pa
Love back- mahalin pabalik- gantihan ng pagmamahal – tumbasan ng pagmamahal

2 Istruktura ng Wika- sa Wikang Filipinong may karaniwan ayos at di -karaniwang ayos ng pangungusap .

Hal. Iam but a small voice


-Munting tinig ako
- Ako`y Munting tinig

3. Pagsasaling pangkultural- Laging isaisip ng tagasalin ang kultura ng bawat wikang kasangkot. Upang
hind imaging magulo ang pagsasalin

Hal. Paghingi ng kamay. Pagsawsaw ng tinapay sa kape

My GOD, OH MY GOD .

1. Malawak Na kaalaman ng tagasalin at interpretasyon - Paiiralin ng tagsalin ang talas ng kanyang


komprehensyon at interpretasyon upang maunawaan ang tekstong kanyang isasalin. Sa
bahaging ito hindi dapat nagmamadali ang tagasalin.
Hal. Sa bayang payapa ,

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
Pagsasanay 1

A. Basahin at unawain ang simpleng tula sa ibaba at sikaping ibigay ang hinihingi ng paraan ng
pagsasalin . Isulat ang sagot sa patlang.

Kabiguan sa Ulan
Ni:mysticmal

Nariyan na naman ang ulan


Nasasabayan ang aking kalungkutan
Alam siguro na ako`y sawi
Nagmumukmok sa isang tabi

Pinagmamasdan ko ang mga patak


Parang luhang lumalagapak
Mabuti pa ang ulan
Napasasaya ang halaman

Samantalang ako hindi …

Sinasaktan lang palagi


Ilan beses nang nabigo
Sige pa rin ang puso

Pagmasdan na lang ang ulan


Baka sakaling sakit maibsan
Sige lang umulan ka lang
Paki, tangay ang puso kong luhaan.

Pakisagot ng mga tanong ayon sa hinihingi nito

1. Anong paraan ng pagsasalin ang akma sa


tula________________________________________________________________
2. Anong katangian ng tula ayon sa pagsasaling
pampanitikan?__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. May bahaging bang subhektibo ang tula?
Bakit?_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
4. Magbigay ng suliranin sa iyong pagsasalin kung isasalin mo ang tulang ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ang tula ay simple o payak sumasang -ayon ka ba o hindi sumasang -ayon?
___________________________________________________________________
6. Magbigay ng bahagi ng tula
a. Natural na daloy_______________________
b. Pangkultural _________________________
c. Pokus sa nilalaman ___________________
d. Istruktura ng wika ____________________

Batay sa isinagawang pagsasanay nabatid natin na may dapat sundi paraan ng pagsasalin
kapag ito ay akdang pampanitikan. Subalit nakabatay pa rin ito sa gaan o nilalaman ng akda . Kapag
masyadong matalinhaga ang akdang pampanitikan ang mga suliranin sa pagsasalin ay bumabangon
subalit ang paraan pa rin ang magiging sagot o solusyon. Halina`t subukin pa natin ang iyong pagkatuto.

Huling Pagtataya
Basahin mainam ang tula sa ibaba at isalin ang buong tula sa wikang Filipino gamit ang alinman sa
paraan ng pagsasaling pampanitikan. Unawain rin ang rubric bilang gabay .

Thunderstorm
Chitra Sundar

The wind begun to rock the grass


With threatening tunes and low
He flung the menace of the earth
A menace at the sky

The Leaves unhooked themselves from trees


And started all abroad
The dust did scoop itself like hands
And throw away the road

The wagons quickened on the streets


The thunder hurried slow
The lightning showed a yellow beak
And then a livid claw

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
The birds put up the bars to nest
The Cattle fled to barns:
There came one drop of giant rain
And then, as if the hands

That held the dams had perfect hold


The waters wrecked the sky
But Overlooked my Father`s house
Just quartering a tree

Iyong salin

Nahirapan ka ba sa huling Pagtataya?


Alin bahagi ng modyul na ito ang hindi malinaw o nakalilito?
Alin bahagi ng modyul na ito ang madali para sa iyo?
Ako bilang guro ninyo ay umaasa sapagkat mahaba ang ating lakbayin sa pagsasalin.
Balikan natin ang ating pre-test

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )

1. Tula
2. Prosa
3. Kwento
4. Nobela
5. Bugtong

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa Pananaliksik
https:// lithub.com
https:// kwf.gov.ph
www.secsity.com
wordpress.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 10
l

Course Material No. 8

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

Panimulang Pagtataya
3
Bunga ng Pagkatuto

4 Pagpapaunlad na
Gawain

Diskusyon at Nilalaman
5
Pagsasanay
7 Huling Pagtataya

8 Susi Ng Pagwawasto

9 Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 8 Pagsasaling Teknikal

Sa pagsasalin napatunayan natin sa mga nagdaang aralin na hindi basta nagsasalin o nagbibigay ng
katumbas . minsan inuunawa itong mabuti upang maisalin nang malinaw at wasto. Minsan naman ay
binibigyang kaangkupan ito batay sa larangan, jargon at iba pa.

Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang modyul na ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa usaping Pagsasaling Teknikal.


Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Nababatid ang pagsasaling teknikal


2. Nailalapat ang paraan ng pagsasaling teknikal sa isang teksto.
3. Nakapagsasalin ng tekstong teknikal

Halina`t umpisahan natin talakayin ang paksa ng modyul na ito . Mas mainam na hindi tayo dapat
magmadali sa halip ay sagutan at unawain ang mga paunang pagtataya at pagpapaunlad na Gawain
upang maging ganap na handa sa aralin nakapaloob sa modyul na ito.

Paunang Pagtataya

Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat sa patlang ang titik PP- Pagsasaling Pampanitikan at PT-
Pagsasaling Teknikal ang nilalaman ng sitwasyon.

_______1.Hindi maintindihan ni Lino ang tulang ginawa ng kanyang lolo kaya paano niya ito maisasalin saad pa niya.

_______2. Ang dokumentong ito ay tumutukoy sa kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng lupa kaya dapat maging
maingat sa pagsasalin.

_______3. Nakatanggap ako ng simpleng paalala mula sa aking ina subalit salawikain ito paano ko ba ito malalaman?

_______4. Ang resipeng ito ay tungkol sa paggawa ng cake dapat maisalin ito sa wikang Ingles upang marami ang
makabatid nito.

_______5. Paano ba mag-edit ng video Ingles ang nakasulat maaari bang maisalin mo ito sa wikang Filipino upang
maunawaan ko.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Kumusta ang paunang pagsasanay natin?
Alam mo na siguro kung anong nilalaman ng modyul na ito?
Tapos na ang naging pag-aaral natin sa pagsasaling pampanitikan kaya natitiyak kong nasagutan
ninyo ang paunang pagtataya madali kaya ninyong natukoy ang pagsasaling teknikal?

Lalo kayong matutulungang ganap ng Gawain sa ibaba upang maging handa sa bagong aralin .

Pagpapaunlad na Gawain

Paglakabayin ang isip at imahinasyon sa mga tanong sa loob ng kahon .

I. Ano ang tiyak na termino ng mga sumusunod sa wikang Filipino?

1. Asawang lalaki

2. Itlog ng isda

3. Pagka-miss

4. Low tide o high tide

5. Isang mata lang nakakakita

Matagal ka bang nag-isip? O hindi ba`t tunay na hindi natin agad masagutan sapagkat maaring hindi
natin alam kung mayroon talagang katawagan at kung mayroon man ay wala tayong kamalayan dito.
Posble rin na may mga termino sa Ingles na walang angkop sa wikang Filipino.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 11

Kahulugan at Paraan ng Pagsasaling Teknikal


teknikal
Ang pagsasaling teknikal ay mas eksakto kaysa sa Pagsasaling Pampanitikan . Ayon kina Antonio
at Iniego, Hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling teknikal sa pagpapalaganap ng
impormasyon sa iba`t ibang sangay at institusyon ng bansa.

Ito rin ang pinakamahalgang sangkap sa paglilipat , pag-iimbak , at muling panunumbalik ng


karunungan sa lahat.

Halimbawa ng teknikal na sulatin:

1. laboratoryo- ginagamit sa mga hospital, imbestigasyon ng pulis , pagsuri ng kanser, atbp.

2. kompyuter- May kinalaman sa program ,procedure o command atbp.

3. robotics- makabagong pamamaraan na may kinalaman pa rin ang kompyuter.

4. finance- Sangkot ang pananalapi, negosyo ,kita atbp.

Paran ng Pagsasaling Teknikal:

1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang maunawaan ang pangkalahatang diwang napapaloob ditto
bago bago magsimula sa pagsasalin.

2. Isagawa ang unang burador ( draft ) ng salin

3. I-edit o pakinisin ang salin

a. Kung may mga kayarian o balangkas na pangungusap ay mali

b. Kung may mga pangungusap na hindi naman kailangan

c. Kung may mga pangungusap na malabo ang ipinahahatid na diwa o kaya ay pangungusap na

walang diwa.

d. Kung may mga salitang hindi angkop ito ba ay lipas o sinauna?o kaya ay hindi angkop sa antas

ng painag-uukulan ng salin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
e. Tingnan ang pagkakasunod-sunod ng daloy ng talata .

f. Basahin muli ang salin

g. Rebisahin at ipaedit sa iba.

Kahalagahan ng Pagsasaling Teknikal

1. Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.


2. Makatutulong upang maging pamilyar ang marami at magamit ito sa estado ng buhay
3. Magagamit ito sa iba`t ibang kurso lalo na kapag naging propesyonal na.
4. Makatutulong ito sa wasto at mabisang pagsasalin.

Hamon sa Pagsasaling Teknikal

1. Paksa

2. Kasanayan sa saliksik

3. Kasanayan sa pagsasalin

4. Bokubularyo - Halimbawa ng salita sa Ingles na dapat masalin ng angkop sa wikang Filipino:

 Amortize
 General Appropriations Act
 Deficit
 Fiscal
 Borrowing

Ano ngayon ang napatunayan mo sa pagsasalin ng mga terminong maaaring teknikal ? Sa palagay
mo magiging mabilis kaya ang pagsasalin kapg teknikal ito? Halina`t subukin natin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
Pagsasanay 1

Subukan natin magbigay ng teknikal na salin ang mga sumusunod na salita at parirala sa ibaba.

1. Department of Finance-
2. Editor in Chief-
3. Mental illness-
4. Researcher-
5. Lesson plan-
6. Statement of the problem-
7. Physics-
8. Trade and Industry-
9. Speech defect-
10. Officer in Charge-
11. Department of Finance-
12. Editor in Chief-
13. Lesson plan-

Nahirapan ka ba sa pagsasanay ?
Alin bahagi ng aralin ang hindi malinaw sa iyo?
Halina`t subukin natin ang iyong pagkatuto

Huling Pagtataya

A. Basahin at unawaing mainam ang seleksyon sa ibaba at sikapin maisalin ito sa pagsasaling
teknikal . Gawin gabay ang rubric sa ibaba.

Standard Operating Procedure

Most Organizations have well- define processes for accomplishing routine tasks. An SOP Can
document how to process payroll, hire a new employee, or calculate vacation time . SOPs
ensure that multiple people in the organization can perform the same tasks in identical
manner, so quality is consistent SOPs help eliminate favoritism and irregularities. SOPs can
ensure that co-workers can assume the responsibilities of an absent , vacationing or terminated
employee with no variation in performance and minimal time lag.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Iyong salin

Tapos na ng modyul na ito , alin bahagi ng modyul ang madali para sa iyo? Alin ang mahirap?
Dapat Nakita natin na maselan o dapat maging maingat sa pagsasaling teknikal sapagkat hindi
gumagamit ng interpretasyon ang tagasalin.

Halina`t balikan natin ang sinagutan mo kaninang post test o paunang pagtataya.

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )

1.PP
2. PT
3.PP
4.PT
5.PT

Tama ba lahat ng iyong naging sagot?


Hayaan ninyo at marami pa tayong aabangang aralin tungkol sa pagsasalin

Sanggunian:
FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa Pananaliksik
https://researchgate.com
https:// ejournals.ph
https://clubmanila .files.wordpress.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Course Material No. 9

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

Panimulang Pagtataya
3
Bunga ng Pagkatuto

4 Pagpapaunlad na
Gawain

Diskusyon at Nilalaman
5
Pagsasanay
7 Huling Pagtataya

8 Susi Ng Pagwawasto

Impormasyon Online
9 Buod
Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 9 Pagsasaling Panteknolohiya at
Pang-agham

Sa nakaraang pag-aaral ay ating natunghayan ang pagsasalin ng akdang pampanitikan at mga katangian
nito. Tunay na nakawiwili basahin at unawain ang mga mensahe sa mga akdang pampanitikan subalit
kaakibat nito na hindi basta- basta ang pagsasalin . Gayun pa man tinuruan naman tayo ng mahahalagang
tuntunin kung paano ang pagsasaling pampanitikan at napagtagumpayan natin.

Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng impormasyon sa pagsasaling panteknolohiya at paraan ng


pagsasalin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Nababatid nang mabisa ang pagsasaling panteknolohiya


2. Nailalapat ang paraan ng pagsasaling panteknolohiya sa isang teksto

Bilang Guro at upang ikaw ay tulungang muli sa bagong aralin tunghayan mo ang panimulang Gawain sa
ibaba bilang unang paghahanda sa modyul na ito.

Paunang Pagtataya

Balikan ang imbak na kaalaman upang matukoy ang mga termino sa ibaba. Isulat ang titik PT-Panteknolohiya at PA-Pang-
agham sa patlang na nakalaan.

1. android -_____ 6. Default -_____

2. snapchat -______ 7. Ergonomics -_____

3. herpetology -_____ 8. Amorphous -_____

4. heliocentric -_____ 9. Astronomy -_____

5. diffusion -______ 10. Typecasting -_____

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Sang-ayon ba kayo na madali ang ating pre-test?
Marahil madali dahil tayo ay may kamalayan na san mga terminong ating sinagutan.
Alam na ninyo tiyak kung ano ang nilalaman ng ating modyul.
Tunghayan natin ang ating aralin

Pagpapaunlad na Gawain

Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong sa ibaba nito.

1. Ilarawan ang dalawang larawan, ano ipinahihiwatig ng dalawang larawan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________

2. Gaano ito kahalaga ang agham at teknolohiya sa buhay mo bilang mag-aaral?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________

3. Nakasasabay ba ang wikang Filipino sa pag-usad ng teknolohiya? Wala kayang magigimg


hadlang sa pagsasalin ng akdang panteknolohiya at agham?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________

Kumusta ang pagpaunlad na Gawain? Napansin mo bang mahirap ang ikatlong tanong? Tunay na laging
hamon ang pagsasalin sa usapin ng agham at teknolohiya sapagkat ang paksang ito ay kinapapalooban
ng mga teknikal. Sa tulong ng ating pag-aaral muli natin mapagtatagumpayan ang pagsasali na ukol rito.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 12

Pagsasaling Panteknolohiya at Pang-Agham

Ang pagsasaling panteknolohiya ay pamamahagi ng kaalaman ukol sa teknolohiya gamit ang wikang
Filipino na binigyang diin ni Teo T. Antonio . Ayon pa sa kanya mahalaga na malaman natin ang dapat
maging kaparaanan ng pagsasalin ng mga terminong panteknolohiya sa wikang Filipino upang mabisa
ang pagsasalin at pagkatuto .

Ilang Mahalagang Paalala sa Tagasalin:

1. Mahalaga na ang tagasalin ay bihasa sa paggamit ng wika mula sa wikang isinasalin at wikang

pinagsasalinan.

2. Kailangang din komunsulta ang tagasalin sa diksyonaryo.

3. Mahalagang simple , maliwanag at angkop ang mga inilapat na salita sa pagsasalin

4. Sapat na kaalamang panteknolohiya

“ Bakit mabigat ang pagsasaling panteknolohiya? “

- Kapag nagkamali ang tagasalin at sumablay ang kanyang salin ay maaring magkaroon ng
malaking pagkakamali sa proseso na mag-uudyok sa maling resulta.

- Matapos maisalin ang kaalamang panteknolohiya ay ibinabalik muli sa eksperto upang mabasa
niya ang salin at para matiyak na tama ang pagkaintindi ng tagasalin na nakasulat sa wikang
Ingles.

Mga Uri ng Tekstong Teknikal:

1. Wikang Siyentipiko

Siyensya- Ito ay siyentipikong pag-aaral sa estruktura , kilos ng daigdig, pag-eeksperimento at


pagbuo ng mga teorya .

1.1 Tekstong Siyentipiko ( Tekstong Primarya )


a. Saliksik
b. Nagdaan sa saliksik ng kapwa siyentista
c. Kailangang sumunod sa pormat na itinakda
d. Espesyalisado

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
2. Wikang Teknikal

Teknolohiya – Ito ang aplikasyon sa buhay ng mga tuklas at teorya

2.1. Tekstong Teknikal ( Tekstong Sekondarya )

a. Sinulat maipaliwanag ukol sa tekstong siyentipiko


b. Angkop na pormat

Patnubay sa Pagsulat ng Tekstong Teknikal

1. Magsalin para sa iyong mamababasa


2. Alisin ang hindi kailangan nang ulitin
3. Gumamit ng payak na salita
4. Gumamit ng tinig na aktibo
5. Sumipi ng mga sanggunian
Mga payo:

1. Akitin ang madla


2. Umisip ng maganda at akmang pamagat
3. Sikaping maunawaan ng mambabasa

Mga hamon sa Pagsasaling Teknikal

1. Halos lahat ng salita ay maaring magkaroon ng dalawa o higit pang kahulugan


Ha. Save- nagligtas , nagtipid , nagdedeposito
2. Konsistensi – Tungkulin sa pagsusulat na laging wasto at eksakto.

Mga Katangian ng Tagasaling Teknikal

1. Kaalaman sa Paksa
2. Kasanayan sa saliksik
3. Kasanayan sa wika dalawa
4. Kasanayan sa pagsulat

Ano napansin mo sa ating aralin? Alin ang mas ibig mo pagsasaling teknikal o kaya ay pagsasaling
Pampanitikan?

Tunay na hindi biro talaga ang gawaing pagsasalin lalo na kung ito ay pagsasaling teknikal . Isa pa ang
lagi natin layunin ay makapgsalin tayo ng malinaw at malapit sa orihinal ang nilalaman.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
Pagsasanay 1

A. Subukan bigyan natin ito ng sarili nating depinisyon at salin batay sa pagsasaling teknikal.

Salita Depinisyon Salin sa Filipino


1. Panoramic

2. Handheld
3. Establishing shot
4. Cache
5. Constant
6. Midi
7. Html
8. Wireless
9. Wumpus (discord )
10. Unix

Naging masaya ka ba sa ating pagsasanay? Nais mo pa bang magsalin ng pagsasaling teknikal ? Hindi ba`t
mas mainam pa rin ang pagsasaling Pampanitikan o kaya ay iba pang akdang maaaring isalin.

Huling Pagtataya

A. Subukan natin magsalin ng seleksyon sa ibaba na may kaugnayan sa pagsasaling teknikal .


Basahin nang mabuti at pagkatapos ay saka isalin.

Scientists at Nagoya University and colleagues in Japan have identified two antagonistic genes
involved in rice plant stem growth. Their findings, published in the journal Nature, could lead to new
ways for genetically modifying rice crops.

Longer, deepwater rice crops are planted in South Asia and West Africa to survive floods. Shorter
paddy rice varieties are widely cultivated worldwide because they are easier to harvest.

A key driver of plant growth is a hormone called gibberellic acid. It activates cell division in the stem
tissue, causing the stem to lengthen. Breeders know they can control plant height by stimulating or
inhibiting gibberellic acid activity. However, exactly how this works has been unclear.

Bioscientist Motoyuki Ashikari has been studying the growth and evolution of rice for years. He and
a team of researchers conducted genetic studies and identified two genes that are involved in
regulating rice plant growth.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Pamantayan sa pagmarka ng pagsasalin
Pamantayan 10 8 5 4 2
Nilalaman Lubhang Malinaw ang Hindi gaanong Malabo ang May pagsasalin
malinaw at diwa ng malinaw ang diwa ng teknikal pero
wasto ang diwa pagsasalin diwa ng pagsasalin malayo ang
ng pagsasalin teknikal mula pagsasalin teknikal mula diwa mula sa
teknikal mula simulaing wika teknikal mula sa simulaing simulaing wika
sa simulaing patungo sa simulaing wika wika patungo sa
wika patungo tunguhing wika patungo sa simulating wika
sa tunguhing tunguhing wika
wika

Iyong salin

Halina`t balikan natin ang sinagutan mo kaninang post test o paunang pagtataya.

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )

1.PT 6.PT
2. PT 7. PA
3.PA 8. PA
4.PA 9.PA
5.PA 10.PA

Tama ba lahat ng iyong naging sagot?


Hayaan ninyo at marami pa tayong aabangang aralin tungkol sa pagsasalin

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Impormasyon Online:

Sa Pagpapayabong, at upang madagadagan pa ang ating kaalaman. Hayaan ninyong ihandog ko sa inyo
ang bidyong ito na may kaugnayan sa ating aralin.
Buksan ang link na ito: you.tu.be/SqnlZ-vYQFc.

Buod:

Mahalaga ang konsistensi at pag-iingat sa mga salitang gagamitin sa pagsasaling teknikal.


“Ang magagawa natin sa ating pagsasalin ay simulan natin ‘yong mas eksakto ang ating gamitin. Walang
kapalit ang pagiging maingat… bukod sa pag-iingat ay konsistensi y huwag natin kalilimutan.

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa Pananaliksik

HTPPS:// Wikipedia .org.

HTTPS://dictionary.com

www.solutions .com

www. Gartner.com

www. Ourcommunity .com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9
Course Material No. 10

PAGSASALIN
TABLE
OF
CONTENTS

3 Panimulang Pagtataya

Bunga ng Pagkatuto
4 Pagpapaunlad na
Gawain

5 Diskusyon at Nilalaman

Pagsasanay
7

Huling Pagtataya
8
Susi Ng Pagwawasto
9 Impormasyon Online
Buod
Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 10 Ebalwasyon ng Salin at
Editing ng Salin
Ang pagsasalin ay hindi basta -basta o isang gawaing hindi ginagawa nang mabilisan . Ito ay
nangangailangan ng maraming tuntunin at kaalaman sa dalawang wikang kasangkot . Lalo`t Higit hindi
ka maaring magsagawa ng ebalwasyon ng salin kung wala kang kaalaman, at karanasan sa pagsasalin.
Matutunghayan natin sa pag-aaral ngayon kung paano ba mag-edit ng salin at mag-ebalweyt .

Upang hindi ka mahirapan ang paunang pagtataya ay sadyang ginawa upang ihanda sa aralin at
nilalaman ng modyul na ito. Walang mahirap basta`t patuloy tayong laging bukas sa pagkatuto.

Halina`t sagutan natin ang Paunang Pagtataya

Paunang Pagtataya

A. Unawain ang mga nakasulat sa bawat bilang at suriin ang salin o katumbas sa tapat nito. Isulat ang titik WS- Wasto
ang salin at HWS- Hindi wasto ang salin.

______1. I wanna know what love is- Gusto kong malaman kung ano ang pag-ibig

______2. You `re all I need beside me girl- ikaw lang ang babaeng kailangan ko

______3. Mental illness awareness month- Buwan ng kamalayan sa sakit sa pag-iisip

______4. Is it a sin to fall in love?-kasalanan bang magmahal?

______5. Where are you? – Nasaan ka ba talaga?

______6. I believe I can fly – Makalilipad ako noh!

______7. If I could turned back time – ibalik ko ang kahapon

______8. Basketball is a good sports – Mabuting libangan ang basketball

Nahirapan ka bang sagutan ang pre-test?


Nahuhulaan mo na ba ang nilalaman ng modyul na ito?
Halika`t alamin natin

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Bunga ng Pagkatuto

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang modyul na ito ang magbibigay ng impormasyon sa mag-aaral sa proseso ng ebalwasyon at paraan
ng pagwawasto o pag-eedit.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Nababatid nang mabisa ang ebalwasyon at pag-eedit ng salin

2. Nailalapat ang gawaing pag-eedit ng salin

3. Nakapag-ebalweyt ng tekstong isinalin

Kung iyong napapansin tila bahagyang mahirap ang nilalaman ng ating modyul , datapuwat hindi naman
ganoon kahirap sapagkat tutulungan tayo ng pre-activity o pagpapaunlad na Gawain sa ibaba. Marami
na rin tayong natalakay sa pagsasalin sa nakaraan kung kay`t hindi naman ito magiging mahirap sa iyo.

Pagpapaunlad na Gawain

A. Basahin ang teybol sa ibaba sa unang kolumn nito ay ang orihinal na teksto sa kabilang kolumn
naman nito ay salin.

Orihinal na teksto Salin ng teksto


Noong unang panahon may isang batang Once upon a time there was a child who wanted
gustong lumipad, ngunit di niya magawa dahil to fly but he could not do it because he was
mayabang siya at hindi tumatanggap ng tulong arrogant and did not accept help from others.
ng iba. Isang araw nagkasakit siya at humingi ng One day he got sick and ask for help from others
tulong sa iba , ngunit walang tumulong sa kanya but no one wanted to help him. He just cried and
. Naiyak na lang siya at nagdasal kay Bathala na prayed to deity to help him and he would
tulungan siya at magbabago na siya. Pinagbigyan change. The deity gave him and he was given
siya ni Bathala at binigyan na siya ng tulong. , help. He became a good person and finally he
naging mabuting tao at sa wakas nakalipad na flew away.
siya.

Gabay sa pagsuri ng teybol:

1. Basahin nang may pang-unawa ang ohihinal na teksto at ang salin.


2. Anong napansin sa salin?
______________________________________________________________________________
___________________________________

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
3. Nasiyahan ka ba sa naging salin ng teksto?
______________________________________________________________________________
___________________________________

4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon mayroon ka pa bang dapat i-edit sa isinagawang salin?


______________________________________________________________________________
____________________________________
5. Magbigay ng kalakasan at kahinaan ng salin.

______________________________________________________________________________
____________________________________

Naging mabigat ba sa iyo ang pagpapaunlad na Gawain?


Nakatulong ba sa iyo o lao kang nalilito?
Hindi naman dapat malito sa halip lagi natin tatanddan upang masuri ang salin uunawain natin Mabuti
ang kahulugan at nilalaman ng orihinal na akda .

Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 13

Ebalwasyon at Pag-eedit ng Salin

Ebalwasyon - Naglalayong makamit ang isang salin na tumpak malinaw at natural. Sa pag-eebalweyt ng
salin , marapat bigyan-pansin ang ilang aspekto:

 Bakit kailangan ang pagtataya?


 Sino ang gaganap nito?
 Paano ito isasagawa?
 Paano ito makatutulong sa pagpapakinis ng salin

Sa kabilang dako may dalawang inilatag na paraan ng ebalwasyon ayon kay Virgilio Almario

1. Pagsubok ng Salin- Sa kalagayang ito sinusuri ng mag-eedit ang kawastuhan ng salin at ang
naabot na tagumpay nito.
2. Kritisismo ng salin- Kakulangan ng salin sa orihinal, o hindi malinaw na kabuuan ng salin.

Mahalaga rin malaman ng mag-eebalweyt ng salin ang sangkap ng salin

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
Sangkap ng Salin:

1. Layunin- para mapadali o maintindihan ang isang teksto at maunawaan nang lubusan.
2. Mambabasa- upang maunawaan ng nag-eebalweyt ang lebel ng salin
3. Paksa- ang kaalaman sa paksa ang susi sa mabisang ebalwasyon
4. Pangangailangan - alamin kailan isinalin o isasalin upang makita ang halaga nito sa lipunan.

Katangian ng Mag-eebalweyt ng Salin

1. Pundasyon ng komprehensyon
2. Kaalaman
3. Karanasan o kabatiran sa mga paraan ng salin
4. Walang pansariling layunin
5. Mataas ng pagpapahalaga sa salin

Anim ( 6 ) na Paraan ng Pagwawasto o Ebalwasyon:

1.Paghahambing ng salin sa orihinal

2. Balik-salin ( back-translation)

3. Pagsubok sa pag-unawa

4. Pagsubok sa pagiging natural ng wikang ginamit sa salin

5. Pagsubok sa gaan ng pagbasa

6. Pagsubok sa konsistensi

“ Bakit mayroon ebalwasyon ng Salin? “

1. Layunin nitong tingnan kung pareho ang nilalaman ng dalawang impormasyon


2. Tandaan na ang layunin ay hindi ipareho sa orihinal kundi malapit sa orihinal

Subukin natin ang iyong pang-unawa, sagutin mo ang pagsasanay sa ibaba bilang katugunan ng iyong
pagkatuto .

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
Pagsasanay 1

A. Basahin at unawain ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat ito nang panibago na kung saan naibigay
mo na ang nararapat na salin.

1. Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa iyo, paano mo mararamdaman ang tibok ng puso
ko, kung lagi kang kinakabahan.

Salin:____________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2. When there`s no room for communication there`s really no hope.

Salin:__________________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Creating a healthy mindset is an investment in your overall well being .

Salin:__________________________________________________________________________
___________________________________________________

4. Habang mahal kita , bigyan mo naman ako ng halaga

Salin:__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Ang edukasyon pilitin mo itong makuha , gaano man ito kahirap.

Salin:__________________________________________________________________________
______________________________________________________________

6. Malungkot mabuhay sa mapanghusgang mundo .

Salin:__________________________________________________________________________
____________________________________________________

7. No one can better on this , you`re still the one

Salin:__________________________________________________________________________
_________________________________________

Madali lang ba ang naging pagsasanay?


Nag-enjoy ka ba?
Mas mainam na masaya tayo at natuto pa tayo.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Huling Pagtataya

A. Ito na ang pagkakataon na mailapat natin ang gawaing pag-eedit o ebalwasyon ng salin.

Pamamaraan:

1. Basahin muna ng ilan beses ang orihinal na akda, gayundin ang salin ay dapat na basahin
nang paulit-ulit.
2. Bago magbigay ng ebalwasyon ay siguraduhin naunawaan mabuti ang orihinal at ang salin.
3. Magsuri ng salin , kung napansin may mga pagakakamali ay saka pa lamang iwawasto ang
salin

“ We are Filipinos uprooted and dispersed from hearth and communal habitat. We will find our true
home if there is a radical systematic change in the metropole and , more crucially, a popular-democratic
, genuinely sovereign Philippines can give as creative , resourceful humans in a world of free , equal
associated producers.

Iyong salin:

Ano ang naging pagsusuri mo sa katumbas na salin?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________

Dito itala ang panibagong salin kung saan naiwasto o nai-edit na ang salin:

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8
Halina`t balikan natin ang sinagutan mo kaninang post test o paunang pagtataya.

Susi sa Pagwawasto ( Answer Key )

1. WS 6. HWS
2. WS 7. HWS
3. WS 8. HWS
4. WS 9. HWS
5. HWS 10. HWS

Impormasyon Online:

Hindi masamang dagdagan natin ang ating kaalaman sa pagsasagawa ng ebalwasyon ng salin sa tulong
ng teknolohiya sa halip lalo nitong payayabungin ang ating kaalaman na may kinalaman sa pagsasalin.

Halina`t buksan ang link na ito at nang matunghayan: https:// you.tu.beookGZv-0q7k

Buod:

Samakatuwid kung nagsasalin ka ay kailangan mong ikonsidera ang pagwawasto nito kung saan kailangan
itong i-review o basahin nang paulit-ulit upang masigurado na nailapat nang tama ang lahat ng ito.
Sapagkat pagsasalin ay isang masalimuot na Gawain at hindi maiiwasan ang kahinaan

Huwag tayong matatakot magsalin ,o akaya ay mag-edit ng salin isipin natin na dapat ay maging
responsabele tayo sa paghahatid ng impormasyon at salin sa ibang mamabababasang katulad mo .

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina: Introduksyon sa Pananaliksik

https:// clubmanila. Files.com

www. Coursehero.com

www. docsity.com

https://files. Wordpress.com

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 9

You might also like