Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADO 10

IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.2
Panitikan : BASILIO: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal (7) Si Simoun
(31) Ang Mataas na Kawani (23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Wika : Paggamit ng tamang mekaniks sa pagbubuod
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

TUKLASIN

I.LAYUNIN
PANONOOD (PD) (F10PD-IVb-c-82)
 Naiiugnay ang mga kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda
II. PAKSA
Panitikan : Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal (7) Si Simoun
(31) Ang Mataas na Kawani (23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sa kurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutirinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
1. Motibasyon Pagpapanood ng dokumentaryong pantelebisyon.
https://www.youtube.com/watch?v=4XopQBUtU5k

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: THINK-PAIR-SHARE
Ang mga mag-aaral ay magtatala ng talino at kakayahan na tinaglay ng karakter sa pinanood na
dokumentaryo upang makamit ang kanyang pangarap.
2. Pokus na Tanong
a. Bakit nilikha ni Rizal si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El filibusterismo?
b. Paano makabubuo ng isang mabisang pagbubuod?
3. Presentasyon
Pagpapanood ng videoclip ng kabanata 6. Si Basilio https://www.youtube.com/watch?
v=zutKIOgX4Dg&t=202s
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: VENN DIAGRAM
Pag-uugnay ng dokumentaryo ng isang binatilyong nakatira sa garahe na nakatapos ng pag-aaral
sa kabila ng hirap sa buhay ni Basillo.

ANALISIS
1. Anong ang kaibhan ni Basilio at ni Charles Catipunan. Paano sila nagkatulad ng pakikipagsapalaran?
2. Sa kasalukuyan ano ang ginagawa ng ating pamahalaan upang matulungan ang mga mag aaral na
walang kakayahang makapag-aral?
3. Ibigay ang nararapat na taglayin ng isang tao upang maging abot kamay ang kanyang pangarap.
4. Paano mapapanatili at mapapangalagaan ang tagumpay na nakamit?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
Maraming humahanga sa mga taong matalino. Ngunit hindi lamang talino ang dapat
taglayin ng isang tao,ang taong matalino,masipag at matiyaga ay mas kahanga hanga.Ang taong
nagtataglay nito sa kabila ng pagiging mahirap at hindi magiging hadlang upung siya’y
magtagumpay sa kanyang buhay.

ABSTRAKSYON
Mungkahing Istratehiya : KWL
Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat pipili ng isang tagapagsalita. Gamit ang
estratehiyang KWL (Know-Want-Learn), punan ng angkop na impormasyon hinggil sa buhay ni Basilio.

APLIKASYON
Mungkahing Istratehiya : AMBUSH INTERVIEW
Gabay na Tanong
1. Gaano kahalaga ang mga mga impormasyong tinalakay? Patunayan.
2. Anong mensahe ang nais mong maging gabay o panuntunan na dapat tandaan ng mga
mag-aaral/kabataan sa paraan ng kanilang pag– aaral?
IV. KASUNDUAN
1. Magsagawa ng balangkas hinggil sa naging buhay ni Basilio: Kabanata 6.
a. Sa Gubat ng mga Ibarra.
b. Sa Maynila ang kanyang Pag-aaral
c. Ang kanyang pag – aaral
- San Juan de Letran
- Ateneo Municipal

You might also like