Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGNILAYANATUNAWAIN

I.LAYUNIN
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVb- c-79)
 Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay,bantas at iba pa) gayundin
ang wastong pag–uugnay ng mga pangungusap /talata.
II. PAKSANG ARALIN
Panitikan : Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal (7) Si Simoun
(31) Ang Mataas na Kawani (23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo Disenyo batay sa kurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutirinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: GAME SHOW
Panuto: Ang pangungusap ay isusulat ng magkakahiwalay. Hayaang ang mga mag-aaral ang makabuo ng
hinihinging ideya sa bawat paksa. Huhulaan din nila kung sino ang taong tinutukoy.

A. Ayon sa ating nabasa at narinig siya ay nagmula sa mahirap na pamilya. Noong kabataan niya
siya ay pinagtatawanan dahil kailangan niyang tumulong sa kanyang magulang sa pag-aalaga ng
baboy. Bunga ng kanyang pagsisikap siya ay naging kilalang politiko at naging bise presidente ng
Pilipinas.
B. Siya ay isinilang at nakilala sa pangalang Juanito Furugganan. Ang kanyang ina ay isang
labandera at anak ng isang mangingisda. Nang siya ay nasa hayskul na kinuha siya ng kanyang
ama na isa palang tanyag na abogado. Siya ay pinag-aral at dito nagsimulang mabago ang takbo
ng kanyang buhay. Bunga ng pagsisikap siya ay naging Defense Minister at Senador ng ating
bansa.
C. Siya ay isinilang sa bansang Tsina. Iniwan siya ng kanyang ama upang humanap ng magandang
kapalaran. Dahil hindi na bumalik ang ama napilitan siyang sundan ito sa Pilipinas. Napaiyak siya
ng makita na ang kanyang ama ay naghihirap at nagtitinda sa maliiit na sari-sari store. Magmula
noon ay ipinangako niya sa kanyang sarili na magsisikap upang maiahon sa kahirapan ang
kanyang ama. Sa pagtutulungan nilang mag ama, nagawa nilang mapaunlad ang kanilang
negosyo hanggang maitatag ang SM Chain of Stores sa buong Pilipinas. Ginamit niya ang
kanyang sipag, tiyaga at katapatan sa pagpapaunlad ng negosyo. Ngayon siya ang
pinakamayamang tao na naninirahan sa Pilipinas.
Susing Sagot:
1.
2. Juan Ponce Enrile
3. Henry Sy
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: LUCKY BOX
a. Ano ano ang naging puhunan ng mga taong ito upang magtagumpay?
b. Patunayan na ang kahirapan ay hindi hadlang upang magtagumpay?
2. Presentasyon
Pagpapanood ng isang balita.
https://www.youtube.com/watch?v=c1ducAPuzV8

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK A QUESTION
a. Talakayin ang napanood na video.
b. Anong katangian ang ipinamalas ng pangunahing tauhan sa balita? Patunayan.
c. Bumuo ng isang talatang buod ng napanood na video.

ANALISIS
1. Ano anong paraan ang isinasaalang-alang upang mabuo ang ideya ng isang pahayag?
2. Bakit mahalaga ang kaisahan sa pagbuo ng talata?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
 Wastong gamit ng bantas
 https://teksbok.blogspot.com/2010/08/wastong-gamit-ng-mga-bantas.html
 Mga tuntunin sa pagbabaybay
 http://www.slideshare.net/imchristenjoy/mga-tuntunin-sa-pagbabaybay
 Mga pamantayan sa pagsulat ng buod
https://prezi.com/d57u6cm51om1/mga-dapat-tandaan-sa-pagsulat-ng-
lagombuod/
ABSTRAKSYON
Mungkahing Istratehiya : BANKING THE INFO
Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbubuod?

APLIKASYON
Mungkahing Istratehiya : HOUSE GRAPHIC ORGANIZER
Gamit ang sumusunod na grapikong presentasyon, punan ng mga datos na kinakailangan sa
bawat linya.
3.Ebalwasyon
Panuto: Mula sa ginawang House Graphic Organizer. Isulat ang buod kung paano makakamit ang
pangarap sa buhay. Gamitin ang balangkas na nasa Graphic Organizer.Isaalang alang amg mga
wastong pamantayan sa pagsulat ng buod.
Rubric / Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ------------------------------------- 4 puntos
Pagkakabuo ---------------------------------- 2 puntos
Paggamit ng Wika --------------------------- 2 puntos
Mekaniks(baybay, bantas at iba pa) -----1 puntos
Kalinisan ----------------------------------------1 puntos
Kabuuan 10 puntos
IV. KASUNDUAN
1. Basahing muli ang mga kabanatang binigyang pansin sa pagtalakay. Humanda sa pagbubuod nito.
2. Anong pangyayari sa buhay ni Basilio ang tumatalakay sa isyung panlipunan sa kasalukuyan? Bigyang
patunay.

You might also like