Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ANG LIMANG MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
Ang pagsasalita ay isang likas na gawain ng tao na wika ang midyum sa
pagpapahayag ng kanyang diwa, iniisip, paniniwala, at damdamin. Ang
angking kapangyarihan ng tao sa pagsasalita bilang kasangkapan ng tao.Ito
ay ang mga sumusunod:

 Upang bigyang-ekspresyon ang kanyang damdamin o saloobin;


 Upang maibahagi niya ang kanyang isip sa iba;
 Upang makipamuhay sa kanyang kapwa sapagkat bahagi ng kanyang
pag-iral o eksistens ang pakikipg-ugnayan,pakikiramay, pakikipag-
unawaan, at hindi siya mabubuhay nang walang kausap;
 Upang makapagkalat ng impormasyon at kaalaman na magiging
kapakipakinabang sa kanyang kapwa;
 Upang ang mga pagbabago at kaunlaran sa lipunan ay matamo ;at
 Upang hindi siya maihiwalay o mahuli sa agos o kalakarang umiiral sa
mundo na isang global na komunidad sa kasalukuyan na patuloy na
pakikipagtalastasan.

Layunin ng Pagsasalita

Binanggit nina White at Henderlider sa kanilang aklat na “Practical Public


Speaking ” ang layunin ng pagsasalita bilang kasangkapan ng tao. Ito ay ang
mga sumusunod:

1. Magpabatid- magpabatid o magbibigay ng impormasyon ang


pangunahing adhikain ng pagsasalita. Sa pamamagitan nito, ang mga
ideya saloobin,damdamin, karanasan, at iniisip ng tao ay naipararating
niya sa kausap.
2. Magganyak o manghikayat -ginaganyak o hinihikayat ng tagapagsalita
ang tagapakinig upang umayon sa kanyang sinasabi at kung may di
pagsang-ayon ay nagbubukas siya ng daan para sa isang masiglang
palitang kuro.
3. Manlibang- di nman tuwirang manlibang, may mga pagkakataon ang
mga tagapakinig naliligayahan sa mga sinasabi ng tagapagsalita lalo’t
higit kung ang “sense of humor” nito ay napakalakas

Mga Mahalagang Salik sa Pagsasalita

1. Boses/ Tinig- isang kamangha-mangha makinarya na taglay ng tao


gamit niya sa pagproprodyus ng napakinggang tunog na maari niyang
kontrolin habang pinapagalaw ng makinaryang ito ang iba pang parte ng
katawan na kailangan sa pagpoprodyus ng salita.

This study source was downloaded by 100000837261702 from CourseHero.com on 09-01-2022 06:03:50 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/123568109/ANG-LIMANG-MAKRONG-KASANAYANdocx/
2. Kilos o galaw sa tanghalan- may mga gawaing ipinapagawa upang di
mabagot ang tagapakinig. May pagkilos ang katawan (ng ispiker) habang
nasa ibabaw ng tanghalan.Hindi siya dapat na maging tuod o
nagmumukhang bangkay (statue); kailangan maglakad sa
magkabilangpanig ng entablado at bumalik sa gitna ( pacer); at iwasan
ang pagkilos nang madalas sa dalawang dulo (side to side) o kaya sa
unahan (forward) o sa likurang bahagi (backward). Ito ay tinatawag na
“swayer”.
3. Kumpas ng kamay- mahalagang kasangkapan sa pagtatalumpati ang
kumpas o gesture. Kailangang magamit ang mga kumpas ng kamay na
natural;hindi nanginginig, matigas o mekanikal. May enerhiya (kung
kailangan), mabilis o mabagal ay may control. Ang gesture ang
nagbibigay-buhay sa talumpati.
4. Postura- nagpapakita ito ng “tayo" o tikas ng tagapagsalita. Papaano
siyang tumayo kapag nagsasalita . Komportable ka ba? Relaks?
Kontrolado? Mukhang pagod? Lagimg nakapatong ang kamay sa rusrumo
kaya’y humahawak sa ibang bagay para suportahan ang katawan? O
mukhang kadete o kawal na handang sumaludo – stomach in, chest out.”
5. Ekspresyon ng mukha- may “eye to eye contact’ ba sa tagapakinig?

Nakatingin bas a dingding o kisame sa halip na sa awdyens? Kailangang


maramdaman ang tagapakinig na sila’y kinakausap ng tagapagsalita. Ang
pagngiti, pagsimangot, pagtaas ng kilay,at iba pang ekpresyon ng mukha ay
kailangang magamit ng tama. Hindi makatulong ang mga negative na
ekspresyon sa pagsasalita.

Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita

This study source was downloaded by 100000837261702 from CourseHero.com on 09-01-2022 06:03:50 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/123568109/ANG-LIMANG-MAKRONG-KASANAYANdocx/
Ang mga larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa
pagsasalita, mula sa hanging nagmumula sa baga hanggang sa ito’y
makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili kaya’y sa ilong.

Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y


nangangailangan ng tatlong salik.Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang pinanggagalingan ng enerhiya


2. Artikulador o ang pumapalag na bagay
3. Resonador o ang patunugan

Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit,nakalilikha ang tao ng


alon ng mga tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng
tunog na dumarating sa ating mga tainga .

Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang


nagbubuhat sa baga na siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at
gumaganap bilang artikulador.Lumikha ito ng tunog na minomodipika naman
ng bibig na siyang nagiging resonador.

Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin
na ito ay may apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito
ay ang sumusunod:

1. Dila at panga (sa ibaba)


2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala ( sa likod)

Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa
nating pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig.
Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba
,mapaikli,mapalapad,maipalag,maitukod sa ngipin o sa
ngalangala,mailiyad,mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain.Nalilikha
ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbabao pagtaas ng
anumang bahagi ng dila (harap,sentral, likod at gayundin dahil sa pagbabago
ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang
pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa pagbabagong
nabanggit sa itaas.

Sa pagkakataong ito,laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang


palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikamh kanluranin tulad ng
Ingles at Kastila dahil kakaunti lang ang tunog na bumubuo ng wikang

This study source was downloaded by 100000837261702 from CourseHero.com on 09-01-2022 06:03:50 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/123568109/ANG-LIMANG-MAKRONG-KASANAYANdocx/
Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming
ponema.

Limang kasanayan sa Pagsasalita


1. Pakikipag-usap- ito paraan upang magkaroon ng malinaw na
pagtanggap ng mga impormasyon na nais ipahayag.
2. Pakikipanayam o Interbyu- paraan ng panganaglap ng mga datos o
detalye sa isang indibidwal lalo na sa paghahanap ng mapapasukan o
trabaho.
3. Pangkatang Talakayan- kadalasan nagaganap sa pormal at kaswal na
pag-uusap ng higit sa isa ang indibidwal na kasangkot rito.
4. Pagtatalumpati – kadalasang paraan na ginagamit sa pagbibigay ng
impormasyon sa madla na may layuning manghikayat sa madla at
mayroom itong uri na sumusunod:

 Impromptu
 Extemporaneous
 Pinaghandaang talumpati
 Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya

5. Pakikipagdebate- ang paraan ay na ito kadalasang kasangkot ang


dalawang panig na may kanya-kanyang punto de vista na pinaninindigan.

This study source was downloaded by 100000837261702 from CourseHero.com on 09-01-2022 06:03:50 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/123568109/ANG-LIMANG-MAKRONG-KASANAYANdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like