Celestino, Jenny C - Ikatlong Gawain Sa FPK

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Jenny Rose C.

Celestino

BSMA 1-2

1. Gawan ng lagom ang napanood na pelikula.

Ang pelikula o libro ay pinamagatang 1984 na inilathala ni George Orwell. Tinatalakay

sa pelikula at librong ito na tumatalakay patungkol sa gobyernong may pamamahalang

totalitaryanismo. Ang lugar ng Oceana ay sumusunod sa pamumuno ng tinatawag nilang

“Big Brother” at “Thought Police.” Ang isip ng mga tao dito’y kinokontrol sa

pamamagitan ng pagpapatupad ng mga propaganda na naglilimita sa kilos ng buong

populasyon at nanghihingkayat na ipalaganap ang mga doktrina ng mga nakatataas. Ang

thought police ang mga taong tagapagbantay sa mga kilos na maaaring isagawa ng mga

tao.

Ang pangunahing tauhan na nag ngangalang Winston Smith ay may tungkuling magsulat

ng historya, ang kanyang pagtuklas sa katotohanan at paglago ng kanyang kaalaman ang

naghingkayat sa kanyang mag rebelde laban sa mga namumuno. Isang pagkakataon sa

isang selebrasyon ay naghanda ng patibong ang lihim na miyembro ng “Brotherhood” na

nag ngangalang si O’Brien. Siya ay isang itinakdang mag matiyag sa nasabing salo-salo.

Si Winston ay nahuli kasama ang kasintahang si Julia at ikinulong upang pahirapan at

saktan. Ang isa sa mga pagpapahirap ay ang paglalabas ng isa sa iyong matinding takot.

Sa kuwarto kung nasaan si Winston, nilagyan ang kulungan ng napakaraming daga. Sa

sobrang pagkatakot nito, sinabi nya na gawin na lamang ito sa kanyang kasintahan na si
Julia, na wala umano siyang pakialam sa kung anong mang mangyari dito. Sa

pangyayaring ito, si Winston ay pinalaya at napalapit ng husto ang kanyang loob sa Big

Brother. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita na ang layunin ng pagpapahirap ay

makalimutan ni Winston ang pagmamahal nito kay Julia. Sa pagkakataong muli silang

nagkita, wala nang nararamadaman pa ito sa kanya.

2. Paano inilahad sa napanood na pelikula ang aplikasyon ng

kapangyarihan/kaalaman batay sa konsepto ni Michel Foucault?

Maipapakita sa pelikula ang pag-aari ng pangunahing tauhan na si Winston sa kanyang

kaalaman at tiwala bilang isang komoditi. Pagsasaliksik at pagtuklas sa katotohanan ang

kanyang naging hangarin kung kaya’t ang tiwala niya ay hindi niya basta bastang

isinusugal kahit kanino, maging kay Big Brother.

3. Paano ipinakita ang konsepto ng Panoptisismo sa napanood na pelikula?

Ang konsepto ng Panoptisismo ay mailalahad sa pelikula sa pamamaraan ng pamumuno

ng gobyerno. Ang kilos, salita at pati na ang paraan ng pag-iisip ng mga tao ay mahigpit

na binabantayan upang sila ay pasunurin sa iisang doktrina. May isang senaryo sa palabas

na lantad ang salitang “Big Brother is watching you” na nagpapahayag na ang pinuno

ay palaging nakamatyag sa kanilang mga kilos at isang pagkakamali lamang, maaari

silang hulihin at parusahan ng katulad sa pagpaparusa sa mga nagrerebelde o sumusuway


sa pinalaganap na doktrina. Hindi man nila nakikita ng harapan ang mga nakatataas, alam

naman nila na sa paligid nila ay may mga matang nagmamatyag.

4. Magbigay ng halimbawa ng panoptismo batay sa inyong karanasan sa buhay.

Paano rito ipinakita ang konsepto ng kapangyarihan/kaalaman batay sa inyong

karanasan.

Ang isang halimbawa ng panoptismo na mailalalahad ko batay sa aking karanasan ay ang

paglilingkod sa simbahan. Ang aking relihiyon ay Born-Again Christian at isa akong

lider ng grupo ng mga mananayaw. Kaakibat ng pagkakaroon ng mataas na posisyon ay

mataas din na responsibilidad. Ang kilos at salita na aking ipinapakita ay kailangan ng

higit na pag-iingat at pag-iisip, hindi dahil sa kailangan kong magpanggap kung hindi

dahil marami ang nakatingin sa akin bilang kanilang modelo. Isa pa sa mga nagbabantay

ng aking mga posibleng kilos ay ang mga taong may mas mataas na posisyon sa akin. Isa

na dito ang mga pastor, mga nakatatanda sa simbahan at iba pang mga pinuno ng grupo.

Sa tuwing ako ay may desisyon sa isang grupo, kailangan ko itong ikonsulta sa mga

nakatataas. Gayon din sa tuwing ako ay makikisalamuha sa ibang tao, kailangan kong

piliin ang aking mga kaibigan kung sila ba ay makakatulong ko sa pag unlad sa aking

sarili dahil kung hindi ay kailangan ko silang iwanan nang sa gayo’y hindi ako

mapagsabihan ng aking mga lider.

You might also like