Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at

Paglikha

Aking mahal na Perlas ng Silangan


Na may iba’t ibang dialekto kada kapuluan,
Kanilang katutubong wika ang kanilang sandigan
Ngunit Wikang Filipino ang yaman sa kabuuan.

Wikang Filipino ang wika ng bawat Pilipino


Ako, ikaw, tayo ay iisa ang nasa puso,
Sa mundong ito na pilit tayong binabago
Maninidigan tayo sa Wikang Filipino.

Nagkakaintindihan ang bawat pangkat


Sa pagkakaroon ng iisang wika para sa lahat,
Nagbigay daan para sa ideya at opinyon
Pati na rin sa transportasyon at komunikasyon

Wikang Filipino patungo sa pambansang kaunlaran


Wikang kasangkapan para sa pagkakaunawaan,
Mamamayang Pilipino ay nagkakaisa
Saan man panig ng mahal kong bansa.

Walang ibang magmamahal sa Wikang Filipino


Kundi tayo rin mga Pilipino,
Ingatan natin itong tanging yaman ng ating bansa
Wikang Filipino, wika ko, wika mo, at
wika nating lahat!

You might also like