Mod 9 q1 Fil

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 7
Paggawa ng Proyektong
Panturismo
Unang Markahan
Ikasiyam na Linggo
Modyul 9
Kasanayang Pampagkatuto:
• Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo
(halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon) (F7PT-lj-6)

• Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa


Ng isang makatotohanan at panghikayat sa proyektong panturismo
(F7WG-lj-6)
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong


mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang


malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang araling pinag-aaralan. Lahat ng iyong natutuhan ay
gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhaya at pakikipagtalastasan.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating


kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang


ideya ng aralin

5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may


kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo


ang bagong aralin

8. Huling Pagsubok– dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa


bagong aralin.

9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang


pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul

Aralin Paggawa ng Proyektong

1 Panturismo (Paggamit ng acronym sa


promosyon)

INAASAHAN
• Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong
panturismo ( F7PT-lj-6)

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.
1. Kasalukuyang kalihim ng kagawaran ng turismo ng Pilipinas
A.Richard Gordon C. Bernadette Romulo-Puyat
B.Alberto Lim D. Eduardo Pilapil
2. Taon kung kailan inilunsad ang Wow Philippines.
A.2002 C. 1997
B. 2020 D. 1995
3. Ito ay ang dinaglat na inisyal na mga titik ng mga salita o pangalan.
A. tagline C. brochure
B. slogan D. acronym
4. Ang tagline na ito ang nagbigay ng malaking tagumpay sa Pilipinas ,dahil dito
maraming mga turista mula sa ibang bansa ang ating bansa.
A. Pilipinas kay Ganda C. Wow Phillipines
B. It’s More Fun in the Philippines D. Tara na Pinas
5. Isa sa mga atraksiyon sa Pilipinas ay ang mayaman at makulay na _________
ang pagkakaroon maraming magagandang tanawain sa iba’t ibang lalawigan ng
bansa.
A. kayamanan C. kultura
B. katangian D. kalusugan

BALIK-TANAW

Panuto: Mula sa akronim na TURISMO bumuo ng mga salita o


pangungusap na maglalarawan o magbibigay ng pang-akit sa paggawa ng
mga promosyon sa proyektong panturismo.

T –
U -
R -
I -
S -
M -
O -

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Nais mo na bang magbiyahe matapos mong mabasa ang mga pahayag


sa itaas? Pero, teka , hinay-hinay muna hindi pa tapos ang pandemyang
ating nararanasan mas makabubuti kung mananatitli muna tayo sa ating
mga tahanan.

Ang mga pahayag na iyong nabasa ay ilan lamang sa panghihikayat o


proyektong isinagawa ng kagawaran ng turismo upang patuloy na
tangkilikin ng mga Pilipino at mga dayuhan ang turismo sa ating bansa .Isa
pang paraan na makahihikayat sa mga turista ay ang paggamit ng acronym
na nakatutulong dahil sa madaling tumatak sa tao ang inihahayag sa isang
promosyon. Patuloy din ang pag-usbong ng turismo sa Pilipinas dahil sa
tagline na “ It’s more fun in the Philippines” na nagbigay ng malaking
tagumpay sa ating bansa .Ito ang isa sa naging dahilan kaya dinagsa ng
mga turista ang Pilipinas na naitala noong 2015 .

MGA GAWAIN
Gawain 1. Pagbuo ng tagline
Panuto: Bumuo ng mga salitang panghikayat o “tagline” at isulat ito sa loob ng
callouts na makikita sa larawan. Suriin ang ginawang panghihikayat sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at pagbibigay ng paliwanag.

Mga Katangian Oo o Halimbawa/Paliwanag


Hindi

1.Maikli pero
malaman ba ito?

2.Pili at payak ba ang


mga salita?

3.May ginamit bang


acronym para
makatipid sa oras?

4.Gumamit ba ng mga
pangungusap na
walang paksa?

5.Nagsagawa ka ba ng
pananaliksik sa iyong
ginawang
panghihikayat?

Gawain 2: Pagbuong Akronim


Panuto: Gumamit ng acronym sa pagkampanya ng turismo ng Pilipinas at
maglahad ng paliwanag ukol dito.
TANDAAN
• Isa sa mga atraksiyon sa Pilipinas ay ang mayaman at makulay na kultura
nito at ang pagkakaroon maraming magagandang tanawain sa iba’t ibang
lalawigan ng bansa.
• Ang Mabuhay Travel ang makakatulong para mapasyalan mo ang mga
magagandang lugar ng Pilipinas.
• Isa sa mga susi upang makahikayat ng mga dayuhan na pumunta sa ating
bansa ay ang pagbuo ng mga kaakit- akit na promosyong panturismo
katulad ng brochure, tagline at ang paggamit ng acronym na madaling
matatandaan ng mga turista.

• Gumagamit ng acronym o dinaglat na inisyal na mga titik ng mga salita o


pangalan. Nakatutulong ito upang paikliin at madaling matandaan ng tao
ang inihahayag sa isang promosyon.

• Ang WOW Philippines ay inilunsad noong 2002 sa pangunguna ng dating


kalihim ng DOT ( Department of Tourism) na ngayon ay senador , Richard
Gordon. Ang sumusunod ay ilan sa kahulugan ng WOW:

a.“Wealth of Wonders” c. “Walk Our Walls”


b.“Warm Over Winter” d. “ Wild Over Water”

c.Wacko Over Wildlife g. Watch our whales


d. Wear our wares
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa turismo ng Pilipinas.Pagkatapos, ihambing ito
sa tagline at acronym na ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo.

Magbigay ng paliwanag ukol dito.

Islogan Tagline Akronim

WoW

_________________________ Its more fun in the Philippine Wealth of Wonders

_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________ .

HULING PAGSUBOK
Panuto:Basahin at unawain . Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay nakatutulongv na panghikayat sa paggawa ng proyektong panturismo


dahil madaling natatandaan ng tao ang inihahayag sa isang promosyon.
A. Pagbuo ng slogan C. paglagay ng acronym
B. Pagsulat ng tagline D. paggawa ng patalastas
2. Ang sumusunod ay dinaglat na salita mula sa acronym na WOW,maliban sa
isa.
A. Watch of Words C “Wild Over Water”
B. Walk Our Walls” D. “Warm Over Winter”
3. Ito makakatulong para mapasyalan mo ang mga magagandang lugar ng
Pilipinas.
A. Wow Philippine travel C. Explore travel
B. Mabuhay travel D. Masagana travel
4. Siya ang dating kalihim ng kagawaran ng turismo na naglunsad ng Wow
Philippines noong 2002
A.Richard Gordon C. Bernadette Romulo-Puyat
B.Alberto Lim D. Eduardo Pilapil
5. Ginagamit bilang panghikayat sa paggawa ng proyektong panturismo ang
sumusuod maliban sa isa.
A. paglagay ng acronym C.pagsulat ng tagline
B. pagbuo ng slogan D. pagbasa ng mga alintuntunin

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Ilahad ang iyong natutuhan tungkol sa tinalakay na paksa.Punan ang
hinihingi sa bawat kolum,.

Ang aking sariling Natutuhan ko Ibabahagi ko


karanasan sa paksang
tinalakay

(Maaaring magsalaysay Ilahad ang mga Paano mo ibabahagi ang


ng mga pangyayari may natutuhan sa modyul na iyong mga natutuhan?
kaugnayan sa paggawa ito.
ng proyektong
panturismo)
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
Aralin
Pagsasagawa ng Makatotohanang
2 Proyektong Panturismo

INAASAHAN
• Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa
ng isang makatotohanan at panghikayat sa proyektong panturismo
(F7WG-lj-6)

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Sagutin ang lahat ng aytem. Piliin ang letra nang tamang sagot at isulat
ito sa patlang bago ang bilang.At isulat sa iyong kwaderno.

1. Isang karaniwang pagtatanghal na nagpaparinig ng audio sa pamamagitan


ng tahasang pagsasalita kasama ang mga kaugnay na larawan na makikita
sa screen, gamit ang projector o computer.

A. Poster C. Travel brochure

B. audio visual presentation D. flyer

2. Tawag sa taong naglalakbay sa ibang lugar o bansa.

A.turista C. tulisan

B.turismo D. tubero

3. Dinesenyo ito upang maging gabay sa paglalakbay at magkaroon ng ideya sa

pook na pupuntahan.

A. Blog C. travel brochure


B. Travel itinerary D. Flyer
4. Ang sumusunod ay karaniwang gamit ng flyer, maliban sa isa.

A.Pagpapabatid ng isang pagtatanghal tulad ng konsiyerto sa musika o

pelikula.

B. Pagpapakilala sa isang pook, sa magagandang tanawin nito.

C.Pang-anyaya o panghikayat sa tao na lumahok o dumalo sa isang


samahan o organisasyon
D.Pagpapatala ng mga nais sumali sa patimpalak

5. Sa paggawa ng proyektong panturismo,ito ang pinakaunang dapat

isaalang-alang.

A.Maging tiyak sa layunin sa pagbuo ng proyektong panturismo


B.Mangalap na sapat na impormasyon
C.Lapatan ng angkop na larawan
D.Maglagay ng makatawag-pansin na pahayag

BALIK-TANAW
Panuto: Umisip ng angkop at magandang tagline o islogan bilang bahagi ng
panghikayat sa Proyektong Panturismo ng Pilipinas gawing gabay
ang larawan sa ibaba .
_________________________________________________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Halina’t saksihan
Tara na! Pasyal natin ang ganda ng
na sa Pinas! Pinas!

Paano nga ba natin mahihikayat ang kapwa Pilipino na libutin at pasyalan


ang magagandang turismo ng ating bansa?Paano ba natin maipapakita ang mala-
paraisong tanawin at makulay na kultura ng bansa?.
Ngayon ay handang-handa ka na upang bumuo ng sariling panghihikayat
para sa Proyektong Panturismo.Ngunit tandaan lamang sa paggawa
kinakailangang gumagamit nang wasto at angkop na mga pahayag o pangugusap
sa wikang Filipino.Mas mainam kung simple, maiksi ngunit may mga pang-akit na
salita sa panghihikayat .Gumamit ng mga pahayag katulad ng tara na ,
siguradong , sama na ,ngayon na ,ito na ,talaga at marami pang iba. May mga
paraan din na maaaring gawin sa panghihikayat upang higit pang makilala at
makapaghikayat sa gagawing proyektong panturismo .Ilan sa mga ito ay ang
natutuhan mo na sa Modyul 7 katulad ng paggawa ng brochure/travel brochure
, paggamit ng acronym o tagline .Maaari ring gawing panghikayat ang paggawa
ng flyer at poster. Ngunit ang malaking hamon sa iyo ay kung paano ba
makahihikayat gayong may dinaranas tayong pandemya, ang Covid 19. Ito na ang
paraan na magagamit ang teknolohiya , maaari ka pa ring makapanghikayat sa
pamamagitan ng audio visual presentation (avp) at paggawa ng blog na pwedeng
makita hindi lamang sa ating bansa kundi pati na sa buong mundo sa tulong ng
teknolohiya at internet.
MGA GAWAIN
Gawain 1. Paggawa ng usapan o diyalogo
Panuto: Gumawa ng usapan o diyalogo na humihikayat sa pagtangkilik sa
proyektong panturismo ng bansa. Gumamit nang wasto at angkop na salita sa
wikang Filipino.

Panghihikayat sa pagtangkilik ng Proyektong Panturismo sa Pilipinas

Gawain 2: Paggawa ng isang makatotohanang at panghikayat na


proyektong panturismo
Panuto: Mula sa pagpipilian sa ibaba. Pumili ngisa at bumuo ng proyektong
panturismo. Basahin at unawaing mabuti ang mga gabay na tanong upang
matiyak ang kahandaan sa paggawa Maaaring hingin ang tulong magulang o mga
kapatid sa paggawa(.Mapanuring Pag-iisip at Pagtutulungan

a.Flyer d. Iteneraryo ng pagbiyahe


b.Blog e. poster
c.Travel brochure f. audio visual presentation

Mga gabay na tanong upang matiyak ang kahandaan sa paggawa ng


proyektong panturismo.

1.Bakit ako gagawa ng proyektong panturismo?


2. Ano ang mabisang paraang gagamitin ko?
3. Paano ko sisimulan ang proyekto?
4. Ano ang maiuugnay kong paksa sa proyekto?
5.Paano ko maipapakita ang aking pagkamalikhain?
6.Anong disenyo ang gagamitin ko?
7.Makatawag-pansin ba ang mga pahayag na ilalapat ko?

TANDAAN

Mga Paraan ng Panghihikayat sa Proyektong Panturismo


1.Poster – Ito ay karaniwang tekstwal at graphic ang elemento na dinesenyo
upang kapansin-pansin at makapagbigay -kaalaman. Ipinakikita ito sa
pampublikong lugar o sa mga lugar na matao o madalas daanan ng tao. Mabisa
itong magagamit sa proyektong panturismo.

2.Audio Visual Presentation (AVP) – Isang karaniwang pagtatanghal na


nagpaparinig ng audio sa pamamagitan ng tahasang pagsasalita kasama ang
mga kaugnay na larawan na makikita sa screen , gamit ang projector o
computer.Nakatutulong ito sa pagpapakilala sa kagandahan ng isang pook.
3.Blog – tulad ng napag-aralan na ang blog ay website na maaaring magamit
sapagkat ito ay tekstwal at may mga larawan na maaaring iangkop sa
paksa.Maaaring ilagay dito ang mga karanasan , mga impormasyong
natuklasan ,saloobin sa lugar , mga taong nakilala ,maaaring ipakita ang
kabuhayan,lugar ,mga pagkain , produkto at anumang natuklasang kasiyahan
ng tao.
4.Flyer – Patalastas na nasa kapirasong papel na dinesenyo upang
makapagbigay kaalaman at maihatid ang mensahe na magagamit sa proyektong
panturismo.Ito ay magagamit sa sumusunod :
a. pagpapabatid ng isang pagtatanghal tulad ng konsiyerto sa musika
, pelikula o anumang uri ng pagtitipon.
b. pagtangkilik sa isang produkto
Mga
c. Hakbang na
pag-anyaya dapat
o panghikayat 3. Mangalap ng
sa tao na lumahok,dumalo sapat na
o umanib sa
isaalang -alang sa
isang samahan o organisasyon. impormasyon hinggil
paggawang
d. proyektong
pagpapakilala sa paksa.
sa isang pook , sa magagandang tanawin nito ,sa
panturismo. 4. Tiyakin ang paraan
katangian , paniniwala , saloobin ng mga tao na kasasalaminan ng
kung paano isasagawa
kanilang
1. Maging kultura.
tiyak ang ang proyekto
iyong layunin. 5. Lapatan ng angkop na
2. Piliin ang magiging larawan.
paksa ng proyekto ng 6. Maglagay ng
proyekto maaaring sa makatawag -pansin na
Pilipinas o sa labas pahayag.
ng ating bansa.
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Sa pamamagitan ng ladder organizer.Isulat ang mga dapat isaalang-alang

sa paggawa ng proyektong panturismo. Gawin ito sa isang malinis na

papel.

Mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng Proyektong Panturismo

1.

3.

4.

5.

6.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1.Gusto mong i-promote ang isang mala-paraisong lugar sa Palawan at nais mong

makita agad ito ng maraming tao sa bawat lugar na kanilang dadaanan Anong

paraan ng proyektong panturimo ang dapat mong gawin?

A. blog C. poster

B. AVP D. iteneraryong pagbiyahe


2. Patalastas na nasa kapirasong papel na dinesenyo upang makapagbigay
kaalaman at maihatid ang mensahe na magagamit sa proyektong panturismo

A. blog C. poster

B. audio visual presentation D. flyer

3. Niyaya ka ng iyong kapatid na mamasyal sa Bicol. Upang magkaroon ka ng


ideya o impormasyon tungkol sa magagandang lugar na makikita dito, Anong
paraan ng proyektong panturimo ang dapat mong tingnan?

A. iteneraryong pagbiyahe C. poster

B. komiks D. blog

4. Ang sumusunod ay mabisang pahayag na ginagamit sa panghihikayat , maliban


sa isa.
A.hoy tena… C. Siguradong…
B. Sama na… D. Tara..
5. Ito ay karaniwang tekstwal at graphic ang elemento na dinesenyo upang
kapansin-pansin at makapagbigay -kaalaman.
A. blog C. flyer
B. poster D. brochure

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Panuto: Gamit ang 3-2-1 tsart,isulat ang hinihingi sa bawat kahon. Isulat ito sa
iyong kwaderno.
Tatlong katotohanang natutuhan ko sa aralin

Dalawang tanong na nabuo sa isipan ko matapos ang


aralin

Isang opinyon para sa araling tinalakay

SANGGUNIAN
https://lh5.googleusercontent.com/-
Pinagyamang Pluma (Ang Bagong baiting 7) pahina 89-91 , 130-132
google.com/search?q=its+more+fun+in+the+philippines&hl=en&source=lnms&tbm

awesomeplanet.com/awesome/2010/11/wow-only-in-the-philippines.html

vjAEhtzUCVw/TYm906LILKI/AAAAAAAAGe8/YPiMU1acBbA/s1600/PILIPINAS%25
2C+TARA+NA%2521+LOGO+FINAL+MARCH+7%252C+2011.jpg

https://live.staticflickr.com/7530/16168640572_88aea36de5_z.jpg

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/kab4-kabesang-tales?next_slideshow=1

http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2018/11/APJMR-2019-7.1.01.pdf

gle.com/search?q=tour+guide+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjsmfvqo47qAhXJ
AqYKHQ0ZCFEQ2-cCegQIABAA&oq=tour+guide
google.com/search?q=dialogue+clip+art&tbm=isch&ved=

https://teachables.scholastic.com/content/dam/scholastic/teachables/products/26/9780545449526
_008/9780545449526_008_xlg.jpg
https://i.ytimg.com/vi/xwUyoZAaXYY/maxresdefault.jpg
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Juna B. Brazas
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Museta Delos Reyes, PSDS
Tagaguhit: Juna B. Brazas
Tagalapat: Liezl M. Evangelista
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamahalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na naktalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

SUSI NG PAGWAWASTO
ARALIN 1

UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

1. C 1. C
2. A
2.A
3. B
3.D
4. A
4.B
5. D
5.C

1.B 1.A
ARALIN 2 2.A 2.C
3.D 3.A
4.C 4.B

5.B 5.D

You might also like