Monthly-Evaluation Filipino9 w12

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Good Samaritan Colleges

Burgos Avenue, Cabanatuan City


JUNIOR HIGH SCHOOL

Teacher: John D. Regala

Subject: Filipino 9 20
FIRST MONTHLY EVALUATION
A.Y. 2021 – 2022

Panuto: (para sa blg 1-3) Tukuyin ang konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa
sumusunod na pahayag.

1. Ang mga bata sa lansangan ay tila Basang-Sisiw.

a. Maliit na manok
b. kiti
c. Dukha
d. Masama

2. Kapit sa patalim ang pamumuhay ngayong pandemya.

a. Kutsilyo
b. Paggawa ng masama
c. matulungin
d. kamangha-manghaa

3. Laging nagta-taingang kawali si Domeng sa tuwing inuutusan ng kaniyang ina.

a. Lutuan
b. Nagbibingi-bingihan
c. Nagluluto sa kawali
d. Nagrereklamo

4. Ang mga sumusunod ay mga denotatibong kahulugan ng "Ahas" maliban sa?

a. Gumagapang
b. Hayop na makamandag
c. Nanunuklaw
d. Traydor

5. Alin sa mga sumusunod ang denotasyon ng salitang "Apoy".

a. Naglalarawan sa matinding damdamin


b. Mainit at nakapapaso na ginagamit sa pagluluto
c. Pakiramdam ng taong nilalagnat
d. Wala sa nabanggit

6. Ano ang pangatnig na bubuo sa pangungusap? "Mabigat ang trapiko______ nahuli ako sa klase"

a. Kaya
b. ngunit
c. upang
d. kung

7. "Maaari tayong maglaro _____ tapos na tayo sa ating takdang-aralin"

a. bagamat
b. ngunit
c. kung
d. subalit

8. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap?

a. Pang-uri
b. Pangatnig
c. Pang-ukol
d. Pang-angkop

9. Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan?

a. Pangatnig
b. Pang-ukol
c. Pang-angkop
d. Pang-abay

10. Tukuyin ang pangatnig na ginamit mula sa pangungusap na, "Mag-aaral akong mabuti, upang
mataas ang makuha ko sa pagsusulit."

a. -ng
b. sa
c. mabuti
d. upang

11. Ano ang tawag sa bahagi ng banghay na siyang pinakamadula kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

a. kakalasan
b. kasukdulan
c. tunggalian
d. wakas

12. Ano ang tawag sa panitikang may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan?

a. pabula
b. epiko
c. maikling kwento
d. dula

13. Ano ang tawag sa elemento ng maikling-kuwentong tumutukoy sa paglalabanan ng pangunahing


tauhan at sumasalungat sa kaniya?

a. suliranin
b. tunggalian
c. kakalasan
d. kasukdulan

14.Kailan isinilang si Genoveva Edroza Matute?

a. 3 Enero 1915
b. 3 Enero 1920
c. 30 Enero 1920
d. 30 Enero 1915

15. "Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na
kaligayahan." Hindi malilimutan ng batang si Fe ang binanggit ng kaniyang guro. Ano ang maaaring
ipakahulugan nito?

a. Laging may pangalawang pagkakataon sa lahat ng bagay


b. Pagkikimkim ng problema
c. Hindi pagpapakita ng kaniyang pinagdaraanan, kalungkutan man o kaligayahan
d. Ipagpatuloy lamang ang buhay

16. Ang mga sumusunod ay ang mga kaisipan at aral na mapupulot mula sa "Ang Kwento ni Mabuti"
maliban sa?
a. Pagpapakita ng kalakasan ng mga kababaihan sa kabila ng mga problema
b. Pagiging matatag ng mga guro sa kabila ng personal na problema
c. Katapatan sa asawa
d. Mabuting ehemplo sa kabataan

17. Namatay at naiburol ang ama ngunit hindi sa tirahan ni mabuti at ng kaniyang anak.
Nangangahulugan lamang ito na?

a. Hindi pumayag si Mabuti na maiburol ito sa kaniyang bahay


b. May galit si Mabuti sa ama ng kaniyang anak
c. Sa punerarya ito ibinurol
d. May iba pa itong asawa kaya doon ito ibinurilol

18. Sa paanong pamamaraan sinimulan ng may-akda ang kuwento?

a. Pagtatanong
b. Paglalarawan
c. Pagbibigay-linaw
d. Pagbabalik-gunita

19. Ano ang maituturing pinakarurok oh kawilihang bahagi o pangyayari sa kwento?

a. Nang magkita si Mabuti at ang bata sa isang sulok ng silid


b. Nang mamatay ang asawa ni Mabuti
c. Nang sumagot ang isang bata na may alam tungkol sa asawa ni mabuti
d. Nang ikwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak

20. Sa dakong hulihan ng kwento, inilarawan si Mabuti ng ganito -- "Muli niyang ipinamalas sa amin
ang nakatagong kagandahan sa aralin namin sa Panitikan" Nangangahulugan lamang itong?
a. Master ni Mabuti ang pgtuturo ng Panitikan
b. Iniiwasan ni Mabuti ang mga problema
c. Maganda pa rin ang pagtingin niya sa buhay sa kabila ng mga suliranin
d. Ikinatuwa niya ang pagkamatay ng ama ng kaniyang anak

You might also like