COVID19

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAKIISA LABAN SA COVID19

(Editorial)

Ang patuloy na paglubo ng bilang ng mga taong may Covid19 sa Pilipinas ang nagdulot ng
pangamba sa milyong mamamayang Pilipino para sa kanilang kaligtasan. Dahil dito, inaasahan ng
pmahalaan na makiisa upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 habang patuloy silang naghahanap na
mabisang gamot panlunas ditto.

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong


coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang
sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at
mga may dati nang karamdaman.

May naitalang mahigit kumulang na 400,000 katao na ang may covid19 sa Pilipinas ayon sa
statistika ng Dept. of Health ngayong Nobyembre 2020. Marami na ang umaangal dahil sa epekto ng
pandemya. Sinisisi nang ibang mga tao ang pamahalaan sa kawalan ng kanilang aksiyon at maling mga
impormasyon na kanilang binibigay. Ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa kagawaran ng
kalusugan ay unit-unting lumalabas.

Sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga taong may Covid19 ay siya ring pag-igting ng kagustuhan
ng pamahalaan ng magkaroon ng bakuna o gamot. subalit patuloy naman ang paki-usap ng pamahalaan
na sundin ang mga protocols na inilatag nila para sa kapakanan ng nakararami. Ang bansang Pilipinas ay
nagsasagawa din ng mga pananaliksik batay dito. Batay kay Pangulong Rodrigo Duterte, ginagawa ng
pamahalaan ang kanilang makakaya upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Sinigurado din
niya na kahit anong mangyari, kung sakaling magkaroon ng gamot o bakuna laban sa Covid19, ang
pamahalaan ay nakahandang bilhin agad ito.

Habang ang pamahalaan ay naghahanap ng mabisa at pangmatagalang solusyon, ang mga


Pilipino ay dapat makiisa, tumulong, at magkaroon ng disiplina upang Covid19 ay maiwasan at
pangamba ay mawala.

KWEN FHE A. TUNGPALAN


Grade 7- Mapagmahal

You might also like