Pagkilala Sa Katotohanan at Opinyon 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GAWAIN #4 PAGKILALA SA KATOTOHANAN AT OPINYON

Layunin: Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin/ akala /
pahayag / ko, iba pa)

DIREKSIYON: Basahin ang teksto hinggil sa PAGKILALA SA KATOTOHANAN AT OPINYON.


Pagkatapos, sagutin ang gawain na makikita sa ibaba. Ang gawaing ito ay nakatalaga lamang ng
DALAWANG ARAW (Lunes at Martes).

PAGKILALA SA KATOTOHANAN AT OPINYON

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at


tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at
maaaring tiyakin ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at
mga taong nakasaksi nito.

Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero
puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon ngunit
mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

Sa madaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga


ebidensya samantalang ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling paniniwala lamang.

Tandaan, bagamat ito’y isang paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang paghabi ng
opinyon ay nakasalig sa kanyang karanasan at/o mga nabasang prinsipyo o kaisipan. Sa
pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na
pananda:

a. Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang ayon sa, tinutukoy ng,
mababasa sa, makikita sa, ayon kay, ayon sa aking nabasang artikulo at iba pa

b. Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin
o Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa,sadya
o Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang, samantala

GAWAIN #4
1. Sumulat ng sanaysay gamit ang mga kataga o salita na ginagamit sa pagbibigay-opinyon.
Balikan ang paksang OPINYON, positibo at negatibong opinyon. Ang paksa ay ang
paggamit ng makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral na nasa Junior High School.
Maging malikhain sa pagsulat ng sanaysay. Narito ang mga gabay na tanong para sa
pagsulat ng sanaysay:

a. Nakakatutulong nga ba ang makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral sa Junior


High School?
b. Ano ang positibo at negatibong epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral?
c. Magbigay ng iyong karanasan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Maganda
ba ang naidulot nito o hindi maganda?
d. Ano ang maimumungkahi mo sa mga kapwa mo mag-aaral sa Junior High?
TANDAAN: Maaaring kumuha ng ideya sa internet, artikulo, pananaliksik at iba pang
sanggunian ngunit IWASAN ANG PANGONGOPYA kung hindi mo gusto na mabawasan
ang iyong puntos.
RUBRIKS PARA SA PAGMAMARKA:

PAGGAMIT NG MGA SALITA SA PAGBIBIGAY- 5 4 3 2 1 ISKOR


OPINYON
1. Nakagamit ng pito hanggang sampung mga salita
na ginagamit sa pagbibigay-opinyon.
2. Angkop ang pagkakagamit sa mga kataga.
GRAMATIKA AT WASTONG BANTAS
3. Kakikitaan ng kaalaman sa pagbuo ng
pangungusap.
4. Naiintindihan at organisado ang pagkakabuo ng
mga pangungusap.
5. Wasto ang pagkakagamit sa mga bantas tulad ng
kuwit at tuldok.
PAKSA
6. Hindi lumalayo sa paksa ang pagbibigay-opinyon.

RUBRIKS PARA SA PAGMAMARKA:

PAGGAMIT NG MGA SALITA SA PAGBIBIGAY- 5 4 3 2 1 ISKOR


OPINYON
1. Nakagamit ng pito hanggang sampung mga
salita na ginagamit sa pagbibigay-opinyon.
2. Angkop ang pagkakagamit sa mga kataga.
GRAMATIKA AT WASTONG BANTAS
3. Kakikitaan ng kaalaman sa pagbuo ng
pangungusap.
4. Naiintindihan at organisado ang pagkakabuo ng
mga pangungusap.
5. Wasto ang pagkakagamit sa mga bantas tulad ng
kuwit at tuldok.
PAKSA
6. Hindi lumalayo sa paksa ang pagbibigay-opinyon.

RUBRIKS PARA SA PAGMAMARKA:

PAGGAMIT NG MGA SALITA SA PAGBIBIGAY- 5 4 3 2 1 ISKOR


OPINYON
1. Nakagamit ng pito hanggang sampung mga
salita na ginagamit sa pagbibigay-opinyon.
2. Angkop ang pagkakagamit sa mga kataga.
GRAMATIKA AT WASTONG BANTAS
3. Kakikitaan ng kaalaman sa pagbuo ng
pangungusap.
4. Naiintindihan at organisado ang pagkakabuo ng
mga pangungusap.
5. Wasto ang pagkakagamit sa mga bantas tulad ng
kuwit at tuldok.
PAKSA
6. Hindi lumalayo sa paksa ang pagbibigay-opinyon.

You might also like