Grade 3 Pre Test Pangkatang Pagtatasa Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

PRETEST

ACADEMIC PROFILING IN LITERACY (Filipino)

PANGKATANG PAGTATASA SA PAGBASA AT PAGTATAYA SA


ORAL NA PAGBASA

Pangalan ng Mag-aaral:
Pangkat at Baitang:
Pangalan ng Guro:
Paaralan:

Petsa: Oras nagsimula: umaga/hapon

PANGKATANG PAGTATASA SA PAGBASA


BAITANG 3

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos,

basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa

sagutang papel.

TEKSTO A

ANG LORO NI LOLO KIKO

May loro si Lolo Kiko.

Nagsasalita ang loro ni Lolo.

Keso ang paborito nito.

Aba! Nakawala ang loro!


Ay! Nasa puno na ang loro!

Bilang ng mga salita: 29

(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004

1. Ano ang alaga ni Lolo Kiko? (Literal)


a. aso b. loro c. pusa

2. Ano ang paborito ng alaga ni Lolo? (Literal)


Paborito nito ang _________________ .
a. makalipad sa puno
b. makatikim ng keso
c. makausap si Lolo Kiko

3. Ano kaya ang naramdaman ni Lolo nang mawala ang loro?


(Paghinuha)
a. masaya b. malungkot c. nagalit

4. Saan kaya naganap ang kuwento? (Paghinuha)


Naganap ang kuwento sa ____________ .
a. Bahay b. gubat c. paaralan

5. Ano ang isa pang magandang pamagat sa kuwento? (Pagsusuri)


a. Si Lolo Kiko
b. Ang Loro sa Puno
c. Ang Alagang Loro
TEKSTO B

MANONOOD AKO!

May karera ng kotse.

Makukulay raw ang mga kotse.

Manonood ako ng karera.

Magdadala ako ng kamera.

Magsisimula na ito.

Sasakay na ako sa bisikleta.

Mabilis ang andar ko.

Naku! Dumulas ang bisikleta!

Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!

Bilang ng mga salita:42

Sinulat ni:T. Nong

6. Saan papunta ang bata sa kuwento? (Literal) Papunta ang bata


sa _____________ .
a. parada ng mga kotse
b. karera ng mga kotse
c. karera ng mga bisikleta
7. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa mapapanood ng
bata? (Literal)
a. Madaming bisikleta rito.
b. Makukulay ang mga kotse rito.
c. Makukulay ang mga bisikleta rito.

8. Bakit kaya mabilis ang andar ng bata? (Paghinuha)


a. Gusto niyang mapanood ang karera.
b. Sasali siya sa makulay na parada.
c. May kaibigan siya sa karera.

9. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang nasaktan ang bata sa


kuwento? (Paghinuha)
a. Mabilis and andar ko.
b. Naku! Dumulas ang bisikleta!
c. Aray! Kay daming putik ng tuhod ko!

10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para


sa kuwento? (Pagsusuri)
a. Parada ng mga Kotse
b. Karera ng mga Kotse
c. Karera ng Bisikleta

TEKSTO C

O PAGONG!

O, pagong na maliit

sa garapon nakatira.

Ikaw ba ay sasaya
kapag nakawala ka na?

O, batang mabait

tulungan mo ako.

Paglabas ko rito

masaya talaga ako.

Bilang ng mga salita: 30

(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004)

11. Nasaan ang pagong sa kuwento? (Literal) Ang pagong ay


nasa ___________________ .
a. loob ng hardin
b. loob ng garapon
c. labas ng garapon

12. Alin sa sumusunod na mga salita ang nagsasabi tungkol sa


pagong? (Literal)
a. mabait b. maliit c. masaya

13. Sino ang nag-uusap sa kuwento? (Paghinuha)


a. ang mga bata
b. ang mga pagong
c. ang bata at ang pagong
14. Ano kaya ang nararamdaman ng pagong sa kuwento?
(Paghinuha) Ang pagong ay ___________.
a. malungkot b. masaya c. galit

15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong ito? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-kaalaman.
c. Nais nitong magbigay ng aliw.

TEKSTO D

REYNA NG DUWENDE

Selina ang pangalan

ng reyna ng mga duwende.

Lagi siyang nakaupo

sa malaking balde.

Berdeng balde ang paborito niya

at balat ng saging

ang korona niya.

O! Kay saya ni Reyna Selina!

Bilang ng mga salita: 35

Sinulat ni: T. Nong

16. Para saan ang balde ng reyna? (Literal)


a. Upuan ito ng reyna.
b. Ginagamit ito sa paglalaba.
c. Lalagyan ito ng tubig ng reyna.

17. Ano ang nararamdaman ng reyna? (Literal)


______________ ang reyna.
a. Nag-aalala b. Natutuwa c. Napapagod

18. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa kuwento? (Paghinuha)


a. Hinahawakan ng mga duwende ang korona.
b. Ang korona ay may mamahaling diamante.
c. Galing sa prutas ang korona ng reyna.

19. Saan kaya naganap ang kuwento?(Paghinuha) Naganap ang


kwento sa ______________ .
a. kaharian ng mga balde
b. kaharian ng mga saging
c. kaharian ng mga duwende

20. Bakit kaya sinulat ang “Reyna ng Duwende”? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Nais nitong magbigay ng aliw.
Phil-IRI Graded Passage Assessment (ORAL NA PAGBABASA)

Panuto: Gamitin ang Teksto C- O PAGONG upang matukoy ang iskor ng mga mag-aaral sa
Oral na Pagbabasa. Ilagay ang wastong simbolo sa mga salitang mali ang basa. Isulat ang
oras kung kailan nagsimula at natapos magbasa upang masukat ang bilis ng mag-aaral sa
pagbasa. GAWIN at KUMPLETUHIN lahat ng kinakailangang impormasyon upang matiyak
ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral.

INDIVIDUAL SUMMARY OF RESULTS


Individual Summary of Miscues

Types of Miscues Example Number of Miscues


(Uri ng Mali) (Bilang ng Salitang mali
ang basa)

1 Mispronunciation (Maling Bigkas)

2 Omission (Pagkakaltas)

3 Substitution (Pagpapalit)

4 Insertion (Pagsisingit)

5 Repetition (Pag-uulit)
Transposition (Pagapapalit ng
6
lugar)

7 Reversal (Paglilipat)

Total Miscues (Kabuuan)

Number of Words in the 30 salita

Passage

Oral Reading Score

Reading Level (Antas ng Pagbasa)


Oral Reading Score: the number of words- number of miscues X 100
Number of words
Write here

Reading Speed: No. of words read X 60


Reading time in seconds
Write here

Comprehension: No. of correct answers


No. of questions X 100= % of comprehension

Write here

Phil-IRI Oral Reading Profile

Oral Reading Level Word Reading Score (in %) Comprehension Score (in %)
Independent 97-100% 80-100%
Instructional 90-96% 59-79%
Frustration 89% and below 58% and below
Nonreader/Non-decoder *wasn’t able to decode

Student’s Reading Profiles Per Passage

Reading Profile per


Word Reading Reading Comprehension
passage
Independent Independent Independent
Independent Instructional Instructional
Instructional Independent Instructional
Instructional Frustration Frustration
Frustration Instructional Frustration
Frustration Frustration Frustration

Learner’s Word Reading Profile: __________________________


Learner’s Reading Comprehension Profile: __________________________
LEARNER’S READING PROFILE: _________________________
Behaviors while Reading (Paraan ng Pagbabasa) / or X
adapted from Gray Oral Reading Behavior
Does word-by-word reading (Nagbabasa nang pa-isa isang salita)
Lacks expression; reads in a monotonous tone (Walang damdamin; walang
pagbabago ang tono)
Voice is hardly audible (Hindi madaling marinig ang boses)
Disregards punctuation (Hindi pinanpansin ang mga bantas)
Points to each word with his/her finger (Itinuturo ang bawat salita)
Employs little or no method of analysis (Bahagya o walang paraan ng
pagsusuri)
Other observations: (Ibang Puna)

Kwalitatibong Analisis:
Tanong: Ano ang mga maling salita na madalas binibigkas? Makaaapekto ba ito sa
kahulugan ng salita o teksto?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Inihanda ni:
______________________
Guro sa Pagbasa

Iniwasto ni:
______________________
Tagapangulo sa Pagbasa

Binigyang Pansin:
______________________
Punungguro

You might also like