Professional Documents
Culture Documents
FPL 2ndQ Week 12
FPL 2ndQ Week 12
FPL 2ndQ Week 12
ARALIN 1:
TALUMPATI
EXPLORE
PAGSASANAY 1: Ano- ano ang iyong nalalaman tungkol sa talumpati? Ibahagi ang iyong kaalaman.
Kahulugan at Katangian Pamagat o Halimbawa ng Talumpating Iba Pang Bagay Na Alam Ko Tungkol
Alam Ko Dito
FIRM UP
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang particular na paksa.
APAT NA URI NG TALUMPATI
1. Biglaang talumpati (Impromptu) – ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
2. Maluwag (Extemporaneous) – ito rin ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda ngunit nagbibigay
ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibibigay bago ito ipahayag.
3. Manuskrito – ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong talumpati – ito ay kagaya ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi
nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
ARALIN 2:
Iba’t Ibang Uri ng Liham
EXPLORE
1. Nakasulat na ba kayo ng isang liham?
2. Anong klaseng liham ang inyong naisulat?
3. Para sa iyo, ano ba ang kahalagahan ng isang liham?
ARALIN 1: TALUMPATI
DEEPEN
PAGSASANAY 2: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano ka makasusulat ng isang epektibong talumpati?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Ano- ano ang dapat ikonsidera o bigyang-pansin sa pagsulat nito?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
TRANSFER: TALUMPATI
PAGSASANAY 3: Bilang isa sa mga lider sa inyong paaralan, ikaw ay napiling sumulat ng talumpating ilalathala sa isang
magasing itatampok para sa nalalapit na youth congress sa inyong rehiyon. Binigyan ka ng pagkakataong gawin ito
upang mahikayat at magbigay impormasyon sa kapwa kabataan upang mas maging responsible sa pagpapahayag o
paggamit ng social media at mga makabagong teknolohiya. Gamitin ang espasyo nitong papel para sa iyong talumpati.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati 5
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati 5
Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika 5
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan 5
Kabuoang Puntos 20
TRANSFER
Ipagpalagay na ikaw ay isang empleyado ng pampublikong tanggapan at malapit nang magretiro sa iyong
tungkulin. Nais mong mabigyang-linaw ang mga paraan sa pagkakaloob ng mga benepisyo at pribilehiyong
pangkalusugan. Magsaliksik ka ng mga kaalaman sa benepisyong pangkalusugan na maaaring matamo ng isang
empleyado sa pampublikong tanggapan at sumulat ka ng liham na nagtatanong sa Kalihim Pangkalusugan. Gamitin ang
nakalaang espasyo ng papel na ito para isulat ang iyong liham.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng liham 5
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang liham 5
Nakasusulat ng liham batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika 5
Nakabubuo ng liham na may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan 5
Kabuoang Puntos 20