Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Page 1-5: Anu-ano na ang mga Alam mo?

I.
1. Ano ang dalawang paraan ng pag-uuri ng panitikang Filipino?
a. Paraan ng pagsasalin
b. Anyo ng panitikan
2. Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ay ang:
a. Patula
b. Patuluyan
c. Patanghal
II.
1. A
2. C
3. C
4. A
5. A

III.
1. Tula
2. Awiting Bayan
3. Maikling Kuwento
4. Sanaysay
5. Dula

ARALIN 1: Ang Panitikang Filipino – Isang Panimulang Aralin


Page 7: Subukan Natin Ito
1. Ano ang tawag sa paraan ng paghahalin ng panitikan sa
pamamagitan ng dila o bibig?
 Pasalindila
2. Sino ang nagdala ng imprenta dito sa ating bansa? Ano ang
kahalagahan ng imprenta sa ating panitikan?
 Mga Kastila ang nagdala ng imprenta dito sa ating bansa at
mahalaga ito sapagkat nailalapat natin sa libro ang mga kaisipang buhat sa
mga manunulat, sa pamamagitan nito nakakapaglimbag tayo ng maraming
kopya ng mga panitikan na siyang magpapasa-pasa at magpapasalin-salin
sa iba’t ibang henerasyon.
3. Sa kasalukuyang panahon, anu-anong makabagong paraan ng
paghahalin ng panitikan ang karaniwang ginagamit? Makabubuti ba
ito o hindi?
 Sa kasalukuyang panahon na umuunlad na ang teknolohiya ang
panitikan ay nasasalin na rin sa pamamagitan ng tape recorder, kompyuter
disk, at sa mga applications na pwede ng mailagay sa kahit anong gadgets.
Sa kabilang banda ito ay nakasasama sapagkat ang tradisyunal na paraan
ng pagbabasa natin ng panitikan gaya ng pagbubuklat ng libro ay unti-unti
ng nabubura sa kasaysayan subalit nakagaganda rin sapagkat ito naman ay
nakakatulong sa matagal na pagpapanatili at pagpepreserba ng mga
panitikan na kahit lumipas pa ang ilang panahon ay mananatili pa ring buo
at sariwa kung pakikinggan o mababasa.

Page 8: Subukan Natin Ito


1. Ano ang tatlong uri ng panitikan ayon sa anyo?
a. Patula
b. Patuluyan
c. Patanghal
2. Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
a. Ang panitikan ay nasa anyong patula kung ito ay saknungan na ang
bawat taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mga pantig at may
magkakasintunog o magkakatugmang pantig sa hulihan. Maaari rin naman
itong malaya at wala ang mga katangiang unang nabanggit.
b. Patuluyan naman ang anyo ng panitikan kung tulad lamang sa
pang-araw-araw na takbo ng pagsasalita o mga kaisipan ang paglalahad.
Sa halip na pasaknong ang mga taludtod, ito ay patalata.
c. Ang panitikan ay patanghal kung ito’y isinasadula sa entablado, sa
bahay, o sa bakuran o kahit na sa daan o saanman. Ito’y maaaring patula o
patuluyan, dahil maaaring ang diyalogo nito ay nasusulat sa alinman sa
dalawang anyo.

Page 9-10: Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan


1. Pasalindila
2. Balat
3. Kastila
4. Pasalinsulat
5. Pasalintroniko
6. Patuluyan
7. Patanghal
8. Patula
9. Patuluyan
10. Patanghal

ARALIN 2: Ang Anyong Patula


Page 19: Magbalik-aral Tayo
1. G
2. A
3. E
4. D
5. C
6. B

Page 20-21: Alamin Natin ang Iyong Natutuhan


1. Anu-ano ang mga uri ng anyong patula. Ibigay din sa bawat anyong
patula ang iba’t ibang uri nito.
a. Tulang Pasalaysay
 Epiko
 Awit at Korido
 Balad
b. Tulang paawit o liriko
 Awiting Bayan
 Soneto
 Elehiya
 Dalit
 Pastoral
 Oda
c. Tulang pangtanghalan
 Komedya
 Melodrama
 Trahedya
 Parsa
 Saynete
d. Tulang Patnigan
 Karagatan
 Duplo
 Balagtasan
2. Anu-ano ang tatlong uri ng tulang pasalaysay. Ihambing ang bawat isa.
a. EPIKO – ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa
kababalaghan at pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa
mga panganib at hamong kanyang natatanggap.
b. AWIT at KORIDO – ay tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t hari,
prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ng pantig, habang
ang korido naman ay may 10 ang sukat.
c. BALAD – ay ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Mayroon
itong anim hanggang walong pantig.
3. Sagutin ang Palaisipan

PABABA PAHALANG
1. tulang tungkol sa bukid 3. tulang 14 ang taludtod
2. awit tungkol sa relihiyon 5. tulang tungkol sa isang yumao na
4. pahayag ng isang papuri o 6. awit na tungkol sa pag-ibig, kawalang pag-asa,
panaghoy pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan
Aralin 3: Mga Anyong Patuluyan
Page 23: Subukan Natin Ito
Maglista ng mga limang alamat o mito na alam mo sa ibaba.
Pagkatapos, maghambingan kayo ng mga kasama mong mag-aaral. Kung
meron siyang alam na Alamat o Mito na hindi mo pa alam, pakiusapan mo
siyang ikuwento niya ito sa iyo. Ganoon din ang gagawin mo kung meron
kang alam na hindi pa nila alam.
1. Alamat ng Pinya
2. Alamat ng Sampalok
3. Alamat ng Bulkang Mayon
4. Alamat ng Langaw
5. Alamat ng Saging
Page 26: Subukan Natin Ito
Kahulugan ng Parabola:
Ang parabula ay kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng mga
talinghaga at nagtuturo ng aral. Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating
Panginoong Hesukristo sa kanyang pangangaral.
Page 30-34: Alamin Natin ang Iyong Natutuhan
1. Pabula
2. Alamat
3. Pabula
4. Parabola
5. Palaisipan

ARALIN 4: Mga Anyong Patuluyan Pa Rin at Mga Anyong Patanghal


Page 36-37: Magbalik-aral Tayo
1. Ano ang kaibahan ng nobela sa maikling kuwento?
 Ang maikling kwento ay kayang mabasa o matapos ng isang upuan
lamang ngunit ang nobela ay hindi dahil sa dami ng pahina at
kabanata nito.
2. Saan magkapareho ang maikling kuwento at nobela?
 Pareho silang prosa at parte ng akdang patuluyan, pareho ring
nagbibigay ng aliw sa mga mambabasa nito kung saan ito ay
naghahatid ng mahahalagang aral o impormasyon na siyang
pumupukaw sa damdamin ng mga nakababasa nito.
3. Anu-ano ang mga uri ng nobela?
Ang mga sumusunod ay ang uri ng nobela;
a. Nobela ng Tauhan
b. Nobelang Makabanghay
c. Nobelang Maromansa
d. Nobelang Historikal
e. Nobelang Malayunin
f. Nobelang Masining
Page 39: Magbalik-aral Tayo
1. Magbigay ng apat na halimbawa ng sanaysay
a. Sanaysay tungkol sa Sarili
b. Sanaysay tungkol sa Pag-ibig
c. Sanaysay tungkol sa Opinyon
d. Sanaysay tungkol sa Kapaligiran
2. Magbigay ng tatlong katangian ng pormal o sersoyong sanaysay
a. Ito ay naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman
b. Ang mga salitang ginagamit ay pinipili kaya mabigat basahin
c. Ang tema nito ay seryoso, maintelektuwal at walang halong pagbibiro
3. Magbigay ng tatlong katangian ng personal o pamilyar na
sanaysay.
a. Ito ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay
sa mga paksaing karaniwan, pang-araw- araw at personal.
b. Ang pananalita ay magaan, madaling maintindihan, nahahaluan pa
minsan ng kolokyal.
c. Ito ay subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala
ng may-akda ang pananaw.
4. Magbigay ng limang katangian ng dapat taglayin ng isang magaling
na manananaysay
a. May mabilis na utak
b. Sensitibo sa kapaligiran
c. May laging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at ng mga
bagay-bagay
d. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin
e. May kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong
kapakanan
Page 42-44: Anu-ano ang mga Natutuhan mo?
1. Sanaysay
2. Awit
3. Maikling Kwento
4. Elehiya
5. Karagatan

You might also like