Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Balladeng, Ashley O.

Ginoong Jun Bangco


9B Modyul #1

Ano ang mabuting gawin kung ikaw ay pinatawad at binigyan ng isa pang
pagkakataon?

: Huwag sana sayangin ang pagkakataon na ibinigay marahil ang pagpapatawad ay madali
lamang sa iba ngunit sa ibang tao naman ito ay mahirap marahil hindi nila kaagad kayang
magtiwala sa isang taong nakasira na ng kanilang tiwala, dapat rin itong pahalagahan marahil
ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ay may rason.

Paano nasasalamin sa kultura ng isang bansa gamit ang salaysay na nagmula rito?

- Maraming katangian ang pwedeng sumalamin sa isang bansa gamit lamang ang
salaysay na nagmula rito katulad ng mga matatalinhagang salita na inilalagay na
mayroong mga malalalim na kahulugan sa kanilang wika pati narin ang wikang
ginagamit nila upang isalaysay ang kanilang ginawang salaysay marahil hindi lahat ng
tao sa mundo ay ingles ang unang lenggwahe at maraming bansa ay mayroong sariling
lenggwahe maliban sa ingles na mas nakakakilala sa kultura ng isang bansa.

Anong uri ng ama ang ama sa akdang binasa?

- ang ama sa nabasa nating akda ay isang ama na kung saan mayroon itong paboritong
anak at ayun ay ang kanyang bunsong anak.

Kung ikaw ang ama sa parabola, ibibigay mo ba ang iyong ipamamana sa iyong anak
kahit ikaw ay buhay

- hindi po kundi ang aking ipapamana ay akin munang itatago habang ako ay nabubuhay
at kapag dumating na ang araw kung kailan ako ay lilisan na sa mundong ibabaw ay
tsaka ko na ibibigay sa kanila ang pamana upang ito'y kanilang mapakinabangan ng
mabuti.

Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad sa kanyang mana?

- hindi po dahil siya ay nakaramdam ng matinding kagutuman sa bansang kanyang


pinuntuhan at dahil sa kanyang pag ubos ng pamana dahil sa babae ay napilitan siyang
kumain ng kaning baboy.

Paano nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang mana?


- kaniya itong nilustay sa mga masasamang babae saad ng kanyang kuya o
nakakatandang kapatid.

Ano ang ibinunga ng pagtatakwil niya sa magulang? May kakilala ka bang anak na
ganito ang kinahinatnan ng buhay dahil sa pagiging alibugha?

- ang naging bunga sa pagtatakwil ng bunsong anak sa kanyang magulang ay sya rin
itong bumalik sa kanila ngunit hindi natuwa ang panganay marahil nga sa ginawa nitong
pag-iwan sa kanila at bigla na lamang bumalik. Ako po ay nagpapasalamat na wala po
akong kilalang anak na ganito ang naging hinatnan marahil lahat ng aking kaibigan ay
nasa wastong alaga pa ng kanilang mga mamahal na pamilya

Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa kanyang anak na muling


nagbalik? Kung ikaw nasa katayuan ng ama, ganoon din kaya ang iyong gagawin?

- makatarungan po sya na hindi marahil kung nalaman lang ng ama ang ginawa ng
kanyang bunsong anak sa kanyang pamana sa ibang bansa ay hindi na ito nagabala
magpahanda at kaniya itong tinuruan ng leksyon at hindi rin po ito makatarungan dahil
po ibang ia ang pagtrato ng ama sa kanyang bunso at panganay na anak, dapat po ang
kanyang pagtrato ay balanse lamang, walang aangat at wala rin pong bababa.

Masisisi mo ba ang anak na panganay na maghinanakit sa kanyang ama? Kung ikaw


ang nasa kanyang kalagayan, gaanon din kaya ang iyong gagawin? Ipaliwanag.

- hindi po dapat sisihin ang panganay na anak na nag hinanakit sa pagtrato ng kanyang
ama sa kanya marahil makikita nga natin sa akda na ang panganay na anak ang andyan
parati sa tabi ng kanyang ama noong nawala at lumipad pa-ibang bansa ang bunso
ngunit saad nya nga ni isang beses ay hindi man lang sya pinaghandaan ng magarbong
handaan katulad ng ginawa ng ama sa pag uwi ng bunso nyang anak. Kung ako man
ang nasa kanyang kalagayan ay mas gugustuhin ko na lang pong tumahimik kaysa mga
hinanakit marahil maaring balewalain lang nila ang aking mga hinanakit at ipagpapatuloy
ang selebrasyon may posibilidad rin po na bumawi ang ama sa kanyang kakulangan
ngunit sa sitwasyon na iyon ay malabo mangyari dahil hindi masyadong nakikita ng ama
ang panganay at nasa bunso lamang ang lahat ng kanyang atensyon.

Hiningi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa ang magulang niya.

Kaparehas na pangyayari:
lumapit ang anak sa kanyang magulang at hiningi ang kanyang mamanahin mula
sa kanila : superbook 'the prodigal son'

Nilustay ng anak ang kanyang minana sa hindi wastong pamumuhay.


Kaparehas na pangyayari:
kinuha ng anak ang ipong pera ng kanyang magulang at ginamit ito sa hindi
magandang gawain : aking nabalitaan

Nang naghirap ang anak ay namasukan ito bilang alila.

Kaparehas na pangyayari:
nagibang bansa ang anak at sa hirap sa ibang bansa ay wala syang ibang
opsyon kundi ang mamasukan bilang isang alila : mmk 'passport'

Dahil sa paghihirap, nagsisi ang anak sa kanyang ginagawa at naalala ang magulang.

Kaparehas na pangyayari :
sa paghihirap na dinanas ng anak sa ibang bansa wala na itong ibang inisip
kundi ang kanyang mga magulang pati parin ang kanyang mga kapatid : mmk
'passport'

Bumalik ang anak at humingi ng tawad sa magulang. Pinatawad ang anak at pinatuloy
muli sa kanyang tahanan.

Kaparehas na pangyayari:
bumalik ang anak at tinanggap sya pati narin pinatawad ng mga magulang ng
buong kamay : superbook 'the prodigal son'

1. Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat


na tawagin ninyong anak.

- Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay ang ating sinasabit tuwing tayo ay nagtatapat ng
ating mga kasalanan sa Panginoon sa tulong ng mga pari. Ang mga salita na ito ay
mahalaga marahil iyong inaamin na ika'y nagkasala. At hindi lang dito, sa pamamagitan
rin ng pagtatapat natin sa kanya ng ating mga kasalanan ay muli tayong matatawag na
kanyang anak dahil tayo muli nyang napatawad at tinanggap ng buong kamay sa
kanyang mga bisig.

2. Dapat tayong magsaya at magalak sapagkat namatay na ang kapatid mo,


ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit nasumpungan.

- Ang pinaparating netong pahayag na ito ay tayo'y magsaya at magdiwang sapagkat


dumating na ang panahon kung saan kinuha na ng ating Panginoon ang kanyang iisang
anak. Ngunit, pagkalipas ng tatlong araw sya ay muling nabuhay at biglang nawala.
Naghanap at naghanap ang mga tao sa kanya at muli itong nakita.

Pamagat ng dulang pantelebisyon o pelikula : Parabula ng Alibughang anak


MMK 'Passport'

Pagkakahawig ng Dalawa
: Sila ay umalis ng bansa at ang mga ito ay parehong nagtatrabaho bilang mga alila sa ibang
bansa
: Parehas silang sinalubong ng kanilang pamilya ng buong kamay

LCV (Compassionate)
- Ang ating LCV ngayon ay ang pagiging Compassionate na maari nating iugnay sa
akdang ating nabasa. Nakasaad sa akda na hindi patas ang pakikitungo ng ama sa
kanyang dalawang anak na kung saan dapat natin itong baguhin at dapat tayo ay
magkaroon ng compassionate sa kapwa natin pamilya marahil tayo ay nasa isang
tirahan at kung hindi nagpapakita ng habag o compassion tayo ay maaaring mag
watak-watak di oras.

LLIM (Habit 5 : Seek First to understand, then to be understood)


- Sa ginawa ng bunsong anak na pagkuha ng kanyang mana sa kanyang ama at lumisan
upang pumunta ng ibang bansa at gastusin lamang ang mana sa mga masasamang
babae ay dapat nya munang kinunsulta ang kanyang ama marahil ang mana ay hindi
basta basta lamang ginagastos at dapat ito ay tinatago upang pagdating ng panahon ay
iyo na itong magamit ng buo.

Repleksyon
: Para sa ating modyul ngayon ay mayroon sa ating pinabasa na akda na mula sa Israel na
kung saan mayroong dalawang magkaibang anak ang isang mayaman na ama, at sa akda ring
ito ay makikita natin ang pagkakaroon ng paborito at ang paggastos ng perang mana sa mga
masasamang bagay. Sa akda ring ito ay ating matututunan na dapat nating tratuhin ang bawat
kasapi ng pamilya ng pantay pantay walang lalamang at walang mawawala marahil hindi natin
namamalayan na yung isa palang kasapi ay andyan lang tahimik na tumutulong ngunit hindi
natin makita at ang isa naman ay palaging at palagi nating hinahanap ngunit wala namang
naitulong na kahit konti sa ating pamilya.

You might also like