Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KALIGTASAN NG MGA PRESO, KAMPANYA KONTRA DROGA SA MGA KULUNGAN SA BANSA AT

DIGITAL RECORD NG MGA ITO TAMPOK SA PAGBISITA NG DILG SA BJMP

Mahigpit na ipinagbilin ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Benjamin
“Benhur” Abalos Jr. sa Bureau of Jail Management Ang Penology (BJMP) ang pagtiyak sa kaligtasan ng
mga bilanggo sa mga kulungan sa bansa.

Sa Unang Command Visit ni Abalos makaraamg maitalaga bilang DILG Chief ni Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Marcos Jr., pinuri nito ang maayos na performance mga BJMP particular na sa
pangangalaga sa mga preso sa bansa o yung tinatawag nilang “Person Deprived of Liberty”.

Nais nang opisyal na tutukan pa Lalo Ng BJMP ang pagtiyak sa lagay kalusugan Ng mga preso upang
makaiwas Ang mga ito sa mga nakahahawang sakit kabilang na Ang COVID 19 at tuberculosis.

Sinabi Ng opisyal na kabilang sa balakin nito Ang mag-ikot sa mga kulungan sa bansa upang magsagawa
Ng mga inspeksyon at para na Rin masiguro ang kalagayan Ng mga preso nationwide.

Binalaan din ni Abalos Ang mga opisyal Ng BJMP kaugnay Ang paglipana ng ipinagbabawal na gamot o
DROGA sa mga kulungan.

Anito nakaumang na ang mga drug testing sa mga preso na biglaan umanong isasagawa ng DILG.

Para Naman sa pagtiyak sa mga tala Ng mga nakakulong nais nito Ang digitization sa pamamagitan ng
Single Carpeta System.

Siniguro Naman ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral na kabilang sa pinagtutuunang pansin ng tanggapan
Ang digitization.

Nakatala na umano sa kanilang system Ang mga pangunahing record Ng mga preso.

Nakapasok na umano sa kanilang database system Ang mga commitment order Ng mga preso, medical
records Ng mga ito at mga pangunahing impormasyong personal

“Aside from the module of PDL general records, PDL medical information, welfare and development
programs availed, good conduct time allowances, and authorized visitors will also be uploaded in the
system”, ani Iral.

Kasamang bumisita ni Abalos sa BJMP sina Undersecretary for Operations Atty. Lord Villanueva at
Undersecretary for Public Safety Serafin Barretto Jr-MARTHA ABIGAEL VIÑEGAS

You might also like