Dula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pag-iisa sa Dilim

Ni: Layca Bolonton

Unang Tauhan:
May Gomez
Faye Gomez
Carl Gomez

Ibang Tauhan
Hospital Worker

Sa isang baryo sa Quezon nakatira ang pamillyang Gomez. Ang mag-asawang Faye at Carl
Gomez ay parehong 60 na taong gulang habang ang kanilang nag-iisang anak na si May ay 20 na
taong gulang. Hindi inaasahan ni Faye na sa isang araw ay mababago ang takbo ng kaniyang
buhay.

(Sa bahay)
May: (Nasa kusina habang nagluluto ng almusal) Nay, tay hali na po kayo. Kumain na tayo.
Faye&Carl: Okay anak.
Faye: (Kinuha ang ulam sa lamesa na niluto ni May at inamoy) Hmmm. Ang bango naman nito
anak parang masarap ito ha.
Carl: (Umupo) Masarap kayang magluto anak natin.
May: Oo naman tay, sige na nay umupo na kayo at kumain na tayo baka ma-late pa ako sa klase
ngayon.
Faye: Oh sige na, kakain na.

Habang sila ay kumakain naikuwento ni Faye na ngayong araw pala ang kanilang wedding
anniversary ni Carl at sila ay lalabas para ito’y ipagdiwang.

Faye: Ngayon nga pala ang ating 30th anniversary mahal.


Carl: Oo mahal, naalala ko. Kaya’t ngayong araw ay lalabas tayo at kakain sa restaurant at
gagawin natin lahat ng gusto mo.
May: (Kinilig) Oyy… Si mama at papa ang sweet. Enjoy po kayo sa date ninyo at ingat po kayo at
ako’y papasok na sa school.

Pumasok sa kolehiyo si May ng may ngiti sa kaniyang labi. Habang ang kaniyang magulang
naman ay umalis na ng kanilang bahay upang mag-date. Habang nagmamaneho si Carl, ay may
hindi inaasahang nangyari. Sila ay nadisgrasya.
(Sa Paaralan)
(Habang papunta na sana si May sa kaniyang silid aralan ay may tumawag sa kaniya)
May: (Kinuha sa kaniyang bag ang cellphone at sinagot ang tawag) Hello, sino po ito?
Hospital Worker: Si May Gomez po ba ito? Kaano-ano mo po sina Faye at Carl Gomez?
May: (Kinabahan) Magulang ko po sila. May nangyari po ba sa kanila?
Hospital Worker: Naaksidente po sila. Pumunta po kayo agad dito sa Vicente Sotto Hospital.

Pinuntahan ni May ang kaniyang mga magulang sa hospital ngunit hindi na niya naabutan ng
buhay ang kaniyang mga magulang.

(Sa hospital)
May: (Binuksan ang pinto sa silid ng kaniyang magulang) Nay, tay.
(Naglumpasay at umiyak si) Bakit ninyo ako iniwan mag-isa? Nag-iisa nalang ako dito sa
mundong ito dahil wala na kayo. Ano na ang silbi ng buhay ko kung wala kayo dito. Kayo ang
liwanag sa buhay ko nay, tay eh. Ang dilim na ng buhay ko ngayon ng wala kayo.

Pagkalipas ng isang linggo ay inilibing ang kaniyang mga magulang. Simula noon ay hindi na
lumabas pa ng kanilang bahay si May. Hindi na nga siya nagpapa-araw at parang nakatira na
siya sa dilim.

(Sa bahay)
May: Panginoon, gusto ko ng mamatay. Kunin niyo na lang po ako, gusto ko na pong makasama
ang mga magulang ko. Para sa akin ang mundo ngayon ay puno ng kadiliman. Wala na po akong
ganang mabuhay.

Nagpatuloy pa ng isang buwan ang pamumuhay ni May sa kadiliman. Isang araw habang siya ay
natutulog, dinalaw siya ng kaniyang magulang sa kaniyang panaginip at sinabihan na siya ay
lumabas na at huwag ng magkulong sa loob ng kanilang bahay na may maraming rason pa
upang siya ay mabuhay.

(Paggising ni May ay tumulo ang kaniyang luha)


May: Nay, tay. Salamat po sa pagdalaw kahit sa panaginip lang. Mahirap man po pero
kakayanin ko po ito para sa inyo. Makakahanap rin po ako ng rason upang mabuhay.

Lumabas ng bahay si May. Hindi niya namalayan na sa paglalakad niya ay dinala siya ng
kaniyang paa sa isang madilim na tunnel o lagusan. Natakot si May sa kaniyang napasok, ngunit
pinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang paglalakad.
May: Napapagod na akong maglakad, bakit ba kasi lumabas pa ako sa bahay at ang dilim pa
dito.

Pagkatapos ng halos sampung minuto niyang paglalakad ay may nakita na siyang liwanag.
Nakalabas na siya sa tunnel at hindi niya inaasahan ang bumungad sa kaniya.

May: (Nakita niya ang Simbahan) Lord, ito po ba ang kasagutan sa lahat ng problema ko?
Patawad po dahil nakalimutan ko pong magsilbi sa inyo. Ngayon ay alam ko na, marami pa
palang rason na ako ay mabuhay.

Hindi niya inakala na sasagutin ng Panginoon ang lahat ng kaniyang katanungan. Napagtanto ni
May na sa lahat ng kadiliman na kaniyang nadaanan ay kailangan mong kumilos, lumaban at
bumangon dahil sa huli makikita mo rin ang liwanag. At ang liwanag na iyon ay galing sa ating
Panginoon.

You might also like