Professional Documents
Culture Documents
Why This OFW Won't Be Home For Christmas
Why This OFW Won't Be Home For Christmas
Ang panahon ngayon ay tinatawag din na Age of Computers. Sa katunayan halos
lahat ng indibidwal ay gumagamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang mga gawain
sa eskwelahan o trabaho. Ang mga ito ay natutuhang gamitin ng mga normal na Pilipino
at nagiging parte ng kanilang pang araw-araw na buhay.
Katawan:
Ano nga ba ang naging parte ng mga Pilipino sa pag-usad ng teknolohiya dito sa
Pilipinas? Nariyan ang mga lokal na imbensyon na di lamang dito pumatok, kundi pati
na rin sa ibang bansa. Bukod pa rito ay nakilala rin ang mga Pilipino sa ibang bansa sa
larangan ng Impormasyong Pangteknolohiya. Dito sa ating bansa ay sunud-sunod
naman ang pag-dagsa ng mga computer shop.
Malaking bilang sa ating populasyon ang gumagamit ngcellphone. Tayo nga ang
naturingang, “Texting Capital of the World.” Bakit nga ba nahumaling ang mga Pinoy sa
teknolohiyang ito? Hindi rin matapos ang pagbabago-bago ng mga cellphone. Buwan-
buwan ay palaging may mga nilalabas na bagong modelo ang mga kumpanyang
gumagawa ng mga ito. Dapat nating malaman kung anu-ano ang mga pamantayan ng
mga Pilipino sa pagbili ng cellphone.
Hindi lamang sa Impormasyong Pangteknolohiya at cellphonenahilig ang mga
Pinoy. Sa gaming ay nauso rin ang PSP, PS, Nintendo at XBOX, “It kills boredom”, ika
nga. Ito ay nagiging libangan at sa iba naman ay pagkakakitaan. Paano? Nagbebenta
ang iba ng mgaaccessories para sa mga ganitong gamit. Tunay ngang maparaan ang
mga Pinoy.
Alang-alang naman sa pagkahilig ng mga Pinoy sa musika ay talaga naming
tinangkilik ang mga mp3. Ang mga ito ay tinatawag dingmini dukebox. Ito’y nalalagyan
ng mga kanta at pwedeng mapakinggan saanman.
Marami pang iba’t ibang produkto ang teknolohiya sa makabagong panahon. At
walang katiyakan kung ano pa ang mga susunod na darating….
Konklusyon:
Nais ng blog namin na tumalakay tungkol sa industriya ng teknolohiya sa Pilipinas.
Layunin namin na tukuyin kung hanggang saan na ang nararating ng mga Pilipino
pagdating sa mga makabangong gamit o gadgets. Aalamin din namin ang iba pang
bahagi at aspeto ng teknolohiya sa buhay ng isang Pilipino.