Professional Documents
Culture Documents
CHRISTIAN ILLAGA Modyul 3 Ibat Ibang Genre NG Panitikan
CHRISTIAN ILLAGA Modyul 3 Ibat Ibang Genre NG Panitikan
I. Panimula/Introduksyon:
Ang kaluwalhatian ng panitikan ay ang kung paano ito tumutulong sa tao upang magbigay-alam
sa nakaraan, nagtuturo ng kabutihan at tumutulong sa paghubog ng pagkakakilanlan. Ang panitikan
ay isang pagsasalaysay na maaring ihanay sa katotohanan o bunga ng kathang-isip lamang. Ayon
kay Villafuerte (1994), may iba‟t ibang paraan ng pagpapahayag at may iba’t ibang tunguhin at
layunin ang bawat isa. Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng sarili, sa kapwa, pagbabahagi ng
kabatiran, ng opinyon, kuro-kuro, paniniwala at pagbabahagi rin ng karanasan sa iba.
Sumibol ang iba’t ibang genre ng panitikan baon ang iba’t ibang estilo ng pagsasalaysay.
Bawat akda ay may sariling kahulugan, katangian, elemento at layunin. Iba-iba ang kanilang pisikal
na anyo sapagkat maraming elementong napapaloob na maaring mayroon sa isa ngunit wala sa iba.
Ang kagalingan ng isang panitikan ay hindi kumakatawan sa iisang obra lamang. Bagkus, ito ay
nagsusupling ng maraming uri ng akda na ginagigiliwan at patuloy na kinapupulutan ng aral ng
kabataan.
T A L A M B U H A Y P P T P T
M N E W X Q T T S W L A A T F
A K T A L U M P A T I R L H G
C L D R V W G H S Z A A N C U
T L A T B T H J D C Y B M G O
C I V M A E H N G T U U U M P
D T N L A R K O H Y I L L L E
G V U U H T L B B H O A F P B
T N M L M U R E Y L B G I Q L
L P R G A H U L P O T K Z V M
G Q R V D U L A T G O G Y I O
T W Z X C V V N N M R F V B N
M A I K L I N G K U W E N T O
G V A S D F G H J K L Y R E Q
L Y B A L I T A J L B M R Y R
Maraming iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Tingnan sa ibaba
ang iba’t ibang genre ng panitikan na binigyan ng pagpapakahulugan.
ALAMAT - Isa sa mga unang kuwento ng mga Pilipino. Bago pa man dumating ang mga
Kastila ay mayroon ng alamat ang ating ninuno.
PABULA - Akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop. Nagmula sa salitang griyego na
“muzos” na ang ibig sabihin ay mito o myth.
PARABULA - Ang salitang parabola ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito ay matandang
salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ang
parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan.
Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid
na landas. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan;
ang binibigyan ng diin ay aral sa kuwento.
- Si Edgar Allan Poe ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento” sapagkat siya ang
kauna-unahang manunulat na nagpakilala ng maikling kuwento bilang isang sining.
Salaysay- Walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi
nagmamalabis bagama‟t masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan.
Kuwento ng Katatawanan- May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga
pangyayari sa kuwentong ito.
Yugto- Ang bahaging ito ang ipinaghahati sa dula. Inilaladlad ang pangmukhang
tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin
ang mga nanonood.
5. Saynete- Ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang
dulang ito ay may layuning magpatawa.
SANAYSAY
- Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng
may-akda.
TALAMBUHAY
TALUMPATI
- Isang pahayag sa harap ng mga taong handang makinig. Layunin nito na magpahatid
ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa upang makasakit o magpapaniwala.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
MITOLOHIYA – katipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga kwento tungkol sa mga diyos at
diyosa
Ang mga akdang patula ay nahahati sa mga taludtod o saknong at ginagamitan ng mga salita
na maaaring may sukat, tugma at talinghaga o maaari ring wala.
Inuuri sa anyong patula ang sumusunod:
BULONG - Ito’y binubuo ng ilang taludtod at ginamit ng ating mga ninuno upang
magpasintabi o hingan ang mga lamang-lupa tulad ng mga dwende at mga espiritu.
Binibigkas ito kapag sila’y dumadaan sa madilim o madawag na lugar bilang pagbati sa mga
espiritung hindi nakikita. Ginamit din ang mga bulong bilang pangkulam o pang-engkaanto.
Makikita sa mga bulong ang malaking paggalang at pangamba ng ating mga ninuno sa mga
espiritung hindi nakikita.
BUGTONG - Ito’y matatalinghagang parirang may sukat at ugma. Ang mga ito’y
nagtataglay ng butil ng karunungang hinabi sa maikli at patugmang pahayag upang ipasagot
sa iba.
Hal. Oo nga’t pagong
Nasa ilalim ang bubong. (bangka)
KASABIHAN – ayon kay Jose Villa Panganiban, ay mga salitang bukambibig ng mga bata
at matatanda na kung tawagin ay Mother Goose o Nursery Rhymes, tulang pambata o tulang
walang diwa o tugmang mababaw ang isinasaad na kahulugan at hindi matalinghaga.
Hal. Kuwarta/Pera na naging bato pa.
Soneto - Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing-apat na taludtud; ang
nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa
likas na pagkatao.
Oda - Pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao,
masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
Balada (Ballad) - Ito ay may himig sa awit dahil ito ay inaawit habang may
nagsasayaw noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay napatukoy na ito sa tulang
kasayasayan na may 6 hanggang 8 na pantig.
TULANG PASALAYSAY
Walang
AWIT 12 Mabagal kapangyarihan Florante at
(makatotohanan) Laura
Nasasaniban ng
KURIDO 8 Mabilis kapangyarihan Ibong Adarna
(pantasya)
Duplo – isang uri ng laro na nagtatanghal ng madulang pagtatalo sa paraang patula. Ito
ay nilalaro kung sa ikasiyam ng gabi mataps malibing ang namatay.
Panubong – ito’y isang dula kung saan isang mahabang tula ang binibigkas nang
paawit. Ginagawa ito bilang parangal sa isang dalagang may kaarawan.
IV. Pagtatasa
Pagsasanay Blg.2
Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan. (2 pts bawat isa)
Parabula at Pabula
Sanaysay at Talumpati
Pagsasanay Blg. 3
Panuto: Isulat ang mga sagot sa bawat hanay gamit ang Memory Matrix. Sa unang hanay, isulat
ang lahat ng uri ng akdang tuluyan / patula. Sa pangalawang hanay, isulat ang katangian
ng akda at sa panghuling hanay ay magbigay ng isang halimbawa sa bawat uri ng akda
pamagat lang ang isulat.
1.
2.
3.
4.
5.
AKDANG PATULA
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsasanay Blg.4
Panuto: Gumawa ng isang orihinal na tula bilang paglalagom sa iyong natutunan. Ang
orihinal na tula ay nasa anyo ng malayang taludturan at may apat na saknong lamang. Para sa
paggawa ng tula, gawing batayan ang inihandang rubriks.
__________________________
Pamagat
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
V. Pagpapayaman
A. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot na nasa kahon.
Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang. Titik lamang ang isulat.
______ 1. Ang mga pahayag ay hindi tuwirang nagpapakita sa literal na kahulugan ng mga
salitang ginamit.
______ 2. Isinusulat ito hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay
magamit na huwaran ng iba.
______ 3. Layunin nitong makapagbatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng
aral.
______ 4. Anyo ng panitikan na ang pahayag na ginamit ay nakaayon sa tamang estruktura
ng gramatika.
______ 5. Katha sapagkat likha ng panulat at buhay sapagkat ang kasaysayan ang
isinalaysay, kung hindi man lubos na gawa sa isip, ay hinango sa mga
pangyayaring tunay na naganap sa buhay.
______ 6. Nagbigay kahulugan bilang isang imitasyon o panggagad ng buhay.
______ 7. Kinikilala bilang haligi ng sinanunang pabula.
______ 8. Nagbabahagi ng kasalukuyang kalagayan sa lipunan.
______ 9. Maaring hango sa tunay na buhay o isinusulat bunga ng malaya at malikhaing
kaisipan ng manunulat o scriptwriter.
______ 10. Hindi kailangan ang mataas na panahon sa pagbabasa sapakat
nagtataglay lamang ng iilang tauhan at damdaming may kaisahan.
Mga Aklat
Ang Panitikan
https://www.slideshare.net/MarlenePanaglima/ang-panitikan-198812758
Panitikan ng Pilipinas
https://books.google.com/books/about/Panitikan_ng_Pilipinas.html?id=pQYxvHD3rt8C
VII. Pidbak:
(Maaari ninyong isulat sa bahaging ito ang inyong nais sabihin o tugon o kaya
ay komento tungkol sa modyul 1 para maging basehan sa pagrebisa at pagpapaunlad
pa nito. Ito ay walang kinalaman sa inyong marka o iskor, hindi ito pupuntusan. Nais
lamang ng may akda na malaman ang inyong tugon kung nakatulong ba ang modyul
na ito sa iyong pag-aaral. Nakatulong ba ang mga gawain at pagsasanay upang
mahasa ang iyong kakayahan. Malaya kayong isulat ang inyong nadama habang
sinasagutan ang modyul na ito.)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
-wakas