Assessment Examination 1. Tagalog

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANDIYOSESIS NA DAMBANA AT PAROKYA NI SAN ISIDRO LABRADOR – Talavera, Nueva Ecija – Pilipinas

Panimulang Pagtatasang Pagsusulit para sa Ministeryo ng mga Lingkod Altar


Pangalan: ________________________________________ Petsa: _____________ Marka: _____________
I. PAGTUKOY. Isulat sa patlang ang salita o mga salita upang matukoy ang hinihinging impormasyon. (50pts)
_____________________________ 1. Siya ang kasalukuyang Santo Papa ng Simbahang Katolika.
_____________________________ 2. Siya ang kasalukuyang Obispo ng ating Diyosesis ng Cabanatuan.
_____________________________ 3. Siya ang kasalukuyang Kura Paroko ng ating parokya.
_____________________________ 4. Siya ang kasalukuyang katuwang ng ating Kura Paroko.
_____________________________ 5. Siya ang kinikilalang patron ng mga sacristan.
_____________________________ 6. Ito ang tinatagurian nating pinakamataas na uri ng panalangin.
_____________________________ 7. Bahagi ng Misa kung saan ipinapahayag ang Salita ng Diyos.
_____________________________ 8. Siya ang walang-hanggang Punong Pari na nagtatag ng Eukaristiya.
_____________________________ 9. Bilang ng Utos ng Diyos
_____________________________ 10. Ito ang unang sakramentong tinatanggap ng isang Katoliko.
_____________________________ 11. Bilang ng Utos ng Santa Iglesya?
_____________________________ 12. Patrong Pintakasi ng ating Dambanang Parokya.
_____________________________ 13. Bikarya na kinabibilangan ng ating parokya
_____________________________ 14. Aklat na ginagamit ng lector sa Pagpapahayag ng Salita ng Diyos
_____________________________ 15. Aklat kung saan binabasa ng pari ang Mabuting Balita.
_____________________________ 16. Petsa kung kalian itinalaga sa Pagsamba ang altar ng parokya.
_____________________________ 17. Petsa kung kailan itinakda ang ating simbahan bilang Dambana
_____________________________ 18. Bilang ng Bikarya na mayroon ang ating diyosesis
_____________________________ 19. Antas (class) ng relikya ng ating patron na nasa ating simbahan
_____________________________ 20. Ang karaniwang nagsusuot ng dalmatika
_____________________________ 21. Ang nagsusuot ng pectoral cross
_____________________________ 22. Ang lababo na karaniwang natatagpuan sa mga sakristiya
_____________________________ 23. Tela na ginagamit sa paghawak sa mitra at baculo ng Obispo
_____________________________ 24. Ang langis na ipinapahid sa mga kinukumpilan
_____________________________ 25. Banal na kasangkapan na pinagtatanghalan ng Santisimo Sakramento

II. PAGTATAPAT-TAPAT. Pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga salita at parirala. (10 pts)
__________ 1. Puti a. Misa para sa Panahon ng Adbiyento, Kuwaresma at sa yumao
__________ 2. Berde b. Misa para sa mga Martir, Pentekostes, at Biyernes Santo
__________ 3. Lila c. Misa para sa Pasko ng Pagsilang, Pasko ng Pagkabuhay,
__________ 4. Pula d. Misa para sa Ika-3 Linggo ng Adbiyento at Ika-4 na Linggo ng Kuwaresma
__________ 5. Rosas e. Misa para sa Karaniwang Panahon
III. PAGSUSUNOD-SUNOD. Ilagay sa patlang ang mga titik na nararapat upang mapagsunod-sunod ang mga
tagpo sa bawat Misteryo ng Rosaryo. (40 pts)
1. Mga Misteryo ng Tuwa _____ , _____ , _____ , _____ , _____
2. Mga MIsteryo ng Liwanag _____ , _____ , _____ , _____ , _____
3. Mga Misteryo ng Hapis _____ , _____ , _____ , _____ , _____
4. Mga Misteryo ng Luwalhati _____ , _____ , _____ , _____ , _____

a. Ang Pananalangin ng Panginoong Jesus sa Halamanan


b. Ang Pagtatatag ng Panginoong Jesus sa Banal na Eukaristiya
c. Ang Pagsilang ng Panginoong Jesus sa Belen
d. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik sa Panginoong Jesus
e. Ang Pagpuputong ng korona sa Mahal na Birheng Maria
f. Ang Pagpapasan ng Panginoong Jesus ng Krus patungong Kalbaryo
g. Ang Pagpapako at Pagkamatay ng Panginoong Jesus sa krus
h. Ang Pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos
i. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga alagad
j. Ang Pagkatagpo sa Panginoong Jesus sa Templo
k. Ang Pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus
l. Ang Paghahandog sa Panginoong Jesus sa Templo
m. Ang Paghahampas sa Panginoong Jesus sa Haliging Bato
n. Ang Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria kay Santa Elizabet
o. Ang Pagbubunyag ng Panginoong Jesus sa Kasalan sa Cana
p. Ang Pagbibinyag sa Panginoong Jesus sa Ilog Jordan
q. Ang Pagbabalita ng Pagkakatawang Tao ng Panginoong Jesus
r. Ang Pagbabagong-anyo ng Panginoong Jesus sa Bundok Tabor
s. Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Jesus
t. Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria
V. PAGLALAHAD. Isulat ang kabuoan ng mga sumusunod na panalangin sa Wikang Ingles o Filipino.
1. Ama Namin/ Our Father

2. Aba Ginoong Maria/ Hail Mary

3. Luwalhati/ Glory be

You might also like