Professional Documents
Culture Documents
Pre Test Filipino 10
Pre Test Filipino 10
Region III
Schools Division of Zambales
AMUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Amungan Iba, Zambales
School ID: 301004
Panimulang Pagtataya
Filipino 10
S.Y. 2022-2023
Pangalan: ______________________________________________ Iskor: __________________
Seksyon: _________________________________ Petsa: __________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar ___________, karapat-dapat lamang
siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay ang dapat
gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. dahil sa b. bunga c. tuloy d. kung gayon
2. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. pangyayari b. aksiyon c. karanasan d. proseso
3. Nalusaw ng modernisasyon ang karamihan sa mga katutubong kultura ng mga Pilipino..
a. karanasan b. pangyayari c. aksiyon d. proseso
4. _________ nangyari iyon upang malaman ng sambayanan ang kalagayan ng bansa sa kamay ng mga
politikong namumuno sa gobyerno. Alin ang angkop na ekspresiyon na nagpapahiwatigng pagbabago o
pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako b. sa ganang akin c. Sa palagay ko d. Sa paniniwala ko
5. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng
relasyong _________.
a. layunin at resulta b. paraan at layunin c. sanhi at bunga d. paraan at resulta
6. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala.”
a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na hindi ipinagkakatiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
7. Mga kwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. nobela b. pabula c. parabula d. dagli
8. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ________.
a. amo b. bathala c. Diyos d. siga
9. Ito ay naglalahad ng kwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
a. epiko b. alamat c. mitolohiya d. dagli
10. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang kahulugan ang salitang
kadena sa loob ng pangungusap?
a. nagtataglay ng talinhaga c. maraming taglay na kahulugan
b. taglay ang literal na kahulugan d. lahat ng nabanggit
11. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula b. sanaysay c. nobela d. maikling kwento
12. Ang pagiging disiplinado, pagiging maka-Diyos , at pagiging mapagbigay ng mga Muslim ay
nagpapakita lamang ng _____________.
a. katotohanan b. kabutihan c. kagandahang-asal d. wala sa nabanggit
13. Anong pagsubok ang ibinigay ni Venus na ikinapahamak ni Psyche?
a. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog.
b. Binigyan niya si Psyche ng prasko at pupunuin ito ng itim na tubig mula sa ilog na Styx.
c. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng kagandahang kukunin ni
Psyche mula kay Proserphine.
d. Inutusan niya si Psyche na pagsama-samahin ang mga magkakauring buto bago dumilim.
14. Ayon sa ulat ng PAGASA, malaki ang posibilidad na uulan ngayon. Ano ang gamit ng ekspresiyon na
may salungguhit sa pahayag?
a. nagpapahayag ng pananaw
b. nagpapahiwatig ng pagbabago
c. pag-iiba ng paksa
d. pag-iiba ng pananaw
15. Anong kaisipang nakapaloob sa akdang “Cupid at Psyche” ang maiuugnay sa nagyayari sa sarili?
a. Pagmamalasakit sa ibang taong nangangailangan ng tulong o suporta.
b. Maging pantay ang tingin sa lahat kahit ano pa man ang katayuan nito sa buhay.
c. Pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan at pag-isipan ang bawat desisyon ng hindi ito
ikapahamak ng sarili at ng ibang tao.
d. Buong pagtanggap at pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya ng walang halong
pagkukunwari.
24-25. Piliin sa loob ng kahon ang ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw na angkop gamitin
sa pangungusap.
24. _________ ang kaniyang pag-upo sa posisyon ay simula na ng pagbabago para sa kabutihan ng
bayan.
25. _________ sa mga datos na ipinakita masasabi ko na ang dahilan ng pangangaliwa ng isang tao ay
nagsimula sa estado ng kaniyang pamilya.
26. “Kailangang mahirati ang kanyang paningin sa dakong itaas ng mundo”. Ano ang katulad na
kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. maghirap b. masanay c. mahumaling d. magawi
27. “Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang
uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring paglabas sa liwanag o patungo sa liwanag”. Ano ang
kaugnay na kahulugan ng “wastong pag-iisip”?
a. atubili b. pagninilay-nilay c. guni-guni d. intelektwal
28. Anong pang-ugnay ang ginagamit sa pagdaragdag ng impormasyon?
a. kaya b. saka c. bunga d. kasi
29. Umiyak ang bata dahil sa panunukso ng kaniyang mga kaklase. Anong pang-ugnay ang ginamit sa
pangungusap?
a. mga b. ang c. kaniyang d. dahil sa
30. Masyadong dinamdam ni G. David ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong
itakwil. Palibhasa’y ama, _________ napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskurso ang
angkop sa patlang?
a. sa wakas b. pagkaraa’y c. sa dakong huli’y d. pagdating ng panaho’y
31. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa mitolohiyang “Cupid at Psyche”?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang mga pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makakaligtas sa halimaw na asawa.
32. Ang bahagi o balangkas ng sanaysay na naglalahad sa kabuuan, pangkalahatang palagay, o pasya
tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katwirang inisa-isa sa katawan ng akda?
a. panimula b. gitna o katawan c. wakas d. wala sa nabanggit
33. Ang mahalagang sangkap ng sanaysay na nakakaapekto sa pagkaunawa ng mambabasa. Ang maayos
na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa
sanaysay.
a. tema b. anyo at estruktura c. kaisipan d. wika at estilo
34. Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Ano ang gamit ng pandiwang
may salungguhit?
a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso
35. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan.
a. Ibalon b. Illiad and Odyssey c. Gilgamesh d. Beouwolf
47. Nasunog ang maraming bahay dulot ng malawakang apoy. Ano ang gamit ng pandiwang may
salungguhit?
a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. pangyayari
48. Ang pagkakagamit nito ay nakakaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit
ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
a. Anyo at Estruktura b. Wika at Estilo c. Tema d. Kaisipan
49. “Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan.” Ano ang amit ng panandang may
salungguhit?
a. kontradiksyon b. pagdaragdag c. paghahambing d. kaibahan
50. ______ , pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kanyang mga tao bilang alaala. Ano ang
angkop na pananda ang angkop gamitin sa pahayag?
a. Una b. Pagkatapos c. Sa huli d. Noon
Inihanda ni:
CATHERINE E. DASIG
Guro
Pinagtibay ni:
REYNALDO T. ALTERADO
Punongguro