Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Detailed Lesson Plan

LAYUNIN

A. Natatalakay ang konsepto ng bansa


B. Nakabubuo ng kahulugan ng bansa
C. Naipaliliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa

PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Ang Pilipinas ay Isang Bansa

B. Sanggunian: Learner’s Material, p. 2-7

K to 12- AP4AAB-Ia-1;AP4AAB-Ib-2;AP4AAB-Ib3

C. Kagamitan: mapa ng Asya at mundo, powerpoint,laptop

D. Konsepto: May apat na Elemento ang Pagkabansa, ito ay Tao, Teritoryo, Pamahalaan at Soberanya o
Ganap na kalayaan.

E. Pagpapahalaga sa natutunan ng bata: kooperasyon,

F. Metodolohiya: Inductive Method

PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

A.Panimulang Gawain magandang araw sa inyo


mga bata. Magandang araw din po.
Pagbati

Dasal Bago tayo magsimula tayo AM EN…


muna ay manalangin.

Makapangyarihang ama,
pinupuri ka namin at
pinasasalamatan. Sa
panibagong buhay, lalong-
lalo na sa mga batang ito,
na siyang nagsisikap upang
matuto sa pangaraw araw.
Bigyan nyo po ng kalakasan
ang kanilang mga
magulang, na siayang
nagsasakripisyo, upang
mapag-aral ang mga batang
ito at bigyan niyo po ng
kalakasan at katalinuhan
ang mga batang ito upang
matuto at maisagawa ng
maayos ang pag-aaral
naming ito. Yun lamang
po , ang aming samot
dalangin sa matamis na
pangalan ni Jesus na ating
tagapagligtas.

AMEN..

Pakidampot po ang kalat at


Aayusin ng mag-aaral ang silid aralin at
Pagsasaayos ng silid aralin isaayos ang inyong mga
dadamputin ang kalat.
upuan.

Pagtatala ng mga pumasok at Wala pong lumiban sa klase.


lumiban sa klase May mga lumiban ba sa
inyong mga kaklase sa araw
na ito?
(kukunin ang talaang ng
liban ng klase sa sekretarya
ng klase)

B.Balik-aral sa nakaraang aralin Handa na ba kayo sa ating Handa na po kami.


at/ o pagsisimula sa bagong aralin mga bata?
aralin

ARALING PANLIPUNAN
Tara at simulan natin ang
ating aralin sa isang Araling Panlipunan’y naglalaman
masayang awitin,sabayan ng mga impormasyo’t kaalaman
niyo ang awitin na Araling
Panlipunan.. Pangyayaring naganap noon

Kahapon hanggang ngayon


Lahat ay bahagi ng edukasyon

Araling Panlipuna’y pag-aralan

Ating tuklasin mga kaganapan

Kasaysayang nangyari noon

Maging aral sa atin ngayon

Hamon sa’tin at gawing inspirasyon

Araling Panlipunan’y naglalaman

ng mga impormasyo’t kaalaman

Pangyayaring naganap noon

Kahapon hanggang ngayon

Lahat ay bahagi ng edukasyon

Araling Panlipuna’y pag-aralan

Ating tuklasin mga kaganapan

Kasaysayang nangyari noon

Maging aral sa atin ngayon

Hamon sa’tin at gawing inspirasyon

(mga posibleng sagot ng bata)


Ano ang kahulugan ng
Ang bansa po ay isang lugar na mayroon
bansa? tao.

Paano masasabi na ang Masasabi po na bansa ang isang lugar


isang lugar ay isang bansa?
kung meron pong namumuno dito.

Bakit tinawag na bansa ang


Ang Pilipinas po ay matatawag na bansa
Pilipinas? kapag may gobyernong namamahala.

C.Paghahabi sa layunin ng aralin Pangkatin ang mga bata at Ang mga bata ay tutungo sa kanilang mga
magsagawa o isakilos ang
itinalagang mga kagrupo.

Babasahin isa-isa ng mga bata ang


pamantayan sa pangkatang gawain.

mga patakarang nasa tsart.


1. Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang
Ano ang pamantayan sa bawat isa ay bibigyan ng gawain?
pangkatang gawain.
2. Pumili ng lider,tagapagtala ng oras, taga
sulat at taga ulat.
Basahin nga ang una at 3. Isasagawa sa limang minuto ang
ikalimang pamantayan sa
pangkatang gawain. pangkatang gawain at tatlong minutong
presentasyon.

4. Mangyaring obserbahan ang


katahimikan.

5. Makipagtulungan sa grupo.

C. Proseso ng Pagkatuto Gawain 1:

Gawain PANUTO:

Basahin ang pangungusap


sa bawat bilang.

Kung ito ay nagsasabi ng


katangian ng isang lugar 1. TAMA
para maituring na isang
bansa isulat ang TAMA at
kung hindi isulat ang MALI
. 2. MALI

______1. May mga


mamamayang naninirahan
3. MALI
sa isang bansa.

______2. Pinamamahalaan
ng taga ibang bansa. 4. TAMA

______3.Binubuo ng tao,
teritoryo at pamahalaan
5. TAMA
lamang.

______4. May sariling


pamahalaan.
______5. May sariling
teritoryo na tumutukoy sa
kalupaan, katubigan, at
himpapawid.

Pagsusuri Ang paksang pag-aaralan


natin ngayon ay tungkol sa
natatalakay ang konsepto
ng bansa.

mahalagang malaman at
maunawaan ninyo ang
kahulugan ng bansa at bakit
tinatawag na bansa ang
Pilipinas?

 Ano ang kahulugan ng


bansa?

 Paano masasabi na ang


isang lugar ay isang
bansa?

 Bakit tinawag na bansa


ang pilipinas?

Pagpapakita ng larawan sa
bata.

 Ano ang nakikita nyo Ang nakikita po namin ay isang watawat.


sa larawan?

 Ano ang naiisip niyo Ang naiisip po namin ay ang Watawat ng


kapag nakikita niyo Pilipinas.
ito?

(Babasahin ng sabay-sabay ng mga mag-


aaral)
Ano ang kahulugan ng Ang bansa ay lugar o teritoryo na may
bansa? naninirahang mga grupo ng tao
na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan,kung kaya makikita
ang iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon, at lahi.
Paano masasabi na ang
isang lugar ay isang bansa?

4 na Elemento ng
Pagkabansa

Tao
Teritoryo
Pamahalaan
Soberanya o Ganap na
Kalayaan

Mga bata ano na nga ulit


ang apat na elemento ng Ang apat na elemento po ng pagkabansa
pagkabansa? ay Tao, Teritoryo, Pamahalaan at
Soberanya o Ganap na Kalayaan.
TAMA!

TAO
- Ang tao ay
tumutukoy sa grupong
naninirahan sa loob ng
isang teritoryo na bumubuo
ng populasyon ng bansa.

TERITORYO
-Ang teritoryo ay
tumutukoy sa lawak ng
lupain at katubigan, kasama
na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito
ay tinitirhan din ng mga tao
at pinamumunuan ng
pamahalaan.

PAMAHALAAN
-Ang pamahalaan ay isang
samahan o organisasyong
politikal na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng
sibilisasyong lipunan.

SOBERANYA O
GANAP NA KALAYAAN
-Tumutukoy sa
kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan

Alam niyo ba na meroong


dalawang anyo ang
Soberanya?

2 Ang Anyo Ng Soberanya

 Panlabas na Soberanya
-ito ay ang pagkilala ng (dipende sa sagot ng mga bata.)
ibang bansa sa kalayaang
ito.

 Panloob na Soberanya
-ito ay ang pangangalaga ng
sariling kalayaan

PANUTO: Iguhit ang


masayang mukha kung ang
sinasabi ng pangungusap ay
tama at malungkot na
mukha kung mali. Isulat
ang sagot sa sagutang
papel.

_____1.Ang Pilipinas ay
isang bansa.
1.
_____2. hindi malaya ang
Pilipinas kaya hindi ito
isang bansa. 2.

Abstraksiyon _____3. tao, tritoryo, at


pamahalaan lamang ang
3.
kailangan para maging
isang bansa ang isang lugar.
_____4.Ang Thailand ay 4.
maituturing na isang bansa
dahil ito ay malaya, may
sariling teritoryo at 5.
pamahalaan, at may mga
mamamayan.
_____5. Ang lugar na
pinakikialaman ng ibang
bansa at walang sariling
pamahalaan ay hindi
maituturing na bansa .

Paglalapat ng aralin sa TANONG MO, SAGOT


pangaraw-araw na buhay KO
Lahat ba ng bansa sa
Maituturing lamang na bansa ang isang
mundo ay bansa?
lugar kung ito ay nagtataglay ng apat na
elemento ay tao, teritoryo,pamahalaan at
ganap na kalayaan ng soberanya.

Bukod sa Pilipinas, ano pa


ang ibang mga bansa? Ang ilan sa halimbawa ng bansa ay
Malaysia, Indonesia, Thailand, United
States, United Kingdom, Saudi Arabia at
China.

Mahalaga ang gampanin ng Pangulo ng


Mahalaga ba na may
isang bansa , dahil sa kanya nakasalalay
Pangulo ang isang bansa? ang pamumuno o pagiging malaya ng
isang bansa.

Ano ang natutunan nyo, Ang natutunan po namin ay tungkol sa


ngayong araw? Natatalakay ang konsepto ng bansa.

E. Paglalahat ng Aralin

Bakit maituturing na isang Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may


bansa ang Pilipinas? mga naninirahan ditong tao, may sariling
teritoryo, may pamahalaan , at may ganap
na kalayaan.

IV. Pagtataya ng Aralin

Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1.Ang Pilipinas ay isang bansa.


_____2. hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
_____3. tao, tritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang lugar.
_____4.Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at
pamahalaan, at may mga mamamayan.
_____5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na
bansa .
Sagot: 1. 2. 3. 4. 5.

V.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Basahin ang maikling tula. Bilugan ang mga salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa.

Pilipinas, Isang Bansa

Ni Ynnos Azaban

Pilipinas, isang bansa

Tao’y tunay na malaya

Mayroong namamahala

May sariling teritoryo

Para talaga sa tao.

(Ang mga bata ay tahimik na maglalabas ng kuwaderno upang kopyahin ang mga karagdagang gawain.)

You might also like