Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Agriculture
Learning Activity Sheets
Quarter 1 - Week 1-8
WEEK 1
Pangalan: ______________________________ Baitang:______________
Seksyon: ________________________________ Petsa: ____________

Aralin 1: PAGTATANIM NG HALAMANG ORNAMENTAL BILANG


ISANG PAGKAKAKITAANG GAWAIN

LAYUNIN: 1.1 Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa


pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang pagkakakitaang Gawain.

Impormasyon para sa mga Mag-aaral:


Napakagandang tingnan ng ating paligid lalo na kung ito ay puno ng
magagandang halaman. .Kaya ang Kagawaran ng Edukasyon ay isinali sa
ating Basic Education Curriculum ang Pagtatanim ng Halamang
Ornamental bilang unang hakbang kung saan ang mga mag-aaral sa ika-
apat na baitang ay tuturuan ng mga kasanayan kung paano magtanim
at ,mag- alaga ng mga halamang ornamental para simulang pagandahin
ang paligid ng tahanan at pwedi rin nilang mapagkakitaan sa mga darating
na araw paglaki nila.

LEARNING COMPETENCY:
EPP4AG-Oa-1
Activity 1. Lagyan ng Check ( / ) ang mga kasanayan sa pagtatanim ng
mga Halamang ornamental at lagyan ng Ekis ( X ) ang mga Hindi
1. ______ Ihanda ang mga kasangkapang gagamitin sa pagtatanim ng
halamang Ornamental.
2. ______ Kumunsulta sa isang mangingisda kung paano magtanim ng
mga ito.
3. ______ Magtanong o interbyuhin ang isang Landscape Gardener
tungkol sa pagtatanim ng mga halaman.
4. ______ Makinig mabuti sa guro habang tinatalakay ang mga kasanayan
sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.
5. ______ Gawin ng may pag-iingat ang gagawing pagtatanim.

Activity 2: Pangarap kong Hardin


Iguhit mo ang iyong Pangarap na Hardin sa loob ng kahon.

Activity 3: Mangarap Para Umasenso


Directions: Anu-ano ang mga dapat taglayin ng isang negosyante upang
kumita sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang Ornamental? Lagyan
ng hugis puso ang patlang kung ito ay nararapat at manatiling blanko
ang patlang kung hindi nararapat.
________ 1. Mahalagang gumawa ng talaan ang kabuuang ginastos sa
gagawing pagtitinda ng mga halaman at may sapat na kaalaman sa
pagtanim ng halamang ornamental.
________ 2. Kailangan ang pagtitipid upang umunlad ang negosyo.
________ 3. Mainam na sa pagpaplano kung saan ,kailan,at paano
magbebenta ng mga halamang ornamental.
________ 4. Gumastos ng higit pa sa kinita upang umunlad ang negosyo.
________ 5. Dapat isama sa pagpaplano ang kagamitang gagamitin sa
paghahalaman at may tamang pag-iingat sa paggamit ng mga ito.
Eden F Samadan etal.Unang Edisyon 2015 EPP 4 Manual and LM pages
324-325 and 351
Answers’ Key
Activity 1:
1. /
2. X
3. /
4. /
5. /
Activity 2:
10 puntos ( Ang magulang /guro ang siyang magbibigay ng tamang iskor)
Rubrics na susundin: creativity -3 Content -4 Neatness -3
Activity 3
1. Hugis puso
2. Hugis puso
3. Hugis puso
4. Manatiling blanko
5. Hugis puso
Inihanda ni:
LUCIA P. MALIG

EPP 4 Teacher (AES)


WEEK 2

Pangalan: ___________________________________ Baitang: ________

Seksyon: _________________________________Petsa: _____________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Panimula at mga Susing Konsepto:

Ang mga gawaing ito ay sadyang nilikha upang higit mong


mapagyaman ang iyong kaalaman at kasanayan sa aralin na ito. Lalo na
sa mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental.

Ang mga kahalagahan dulot ng paghahalamang ornamental sa


kapaligiran at sa kabuhayan ng pamilya, Maasahan mong malaki ang
maibabahagi ng gawaing ito sa sarili, pamilya bagkus sa bayan.

Ang mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang


ornamental.

● Para makapigil sa pagguho ng lupa at pagbaha, kumakapit ang mga


ugat ng mga punong ornamental sa lupang taniman kaya makaka-iwas
sa landslide o pagguho ng lupa.

● Naiiwasan ang polusyon, nililinis ang hangin ng mga halamang


ornamental para sa pamilya at sa pamayanan.

Kasanayang Pagkatuto at Koda:

Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para


sa pamilya at pamayanan. Code: EPP4AG-0a-2
Gawain 1: Panuto: Gamit ang Geometric Webbing itala sa loob ng bilog
ang mga pakinabang dulot ng pagtatanim ng halamang ornamental, at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Pakinabang ng Pagtatanim ng Halamang Ornamental

1. 3.

2. 4.

A. Bakit kailangang magtatanim ng halamang ornamental?

_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________________

B. Anu-anong pakinabang ang makukuha sa pagtatanim ng halamang


ornamental?

_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Gawain 2:

Panimulang Pagtatasa

Piliin ang tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng


halamang ornamental maliban sa isa.

a. Napagkakakitaan
b. Nagpapaganda ng kapaligiran
c. Nagbibigay ng liwanag
d. Naglilinis ng maruming hangin

2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang


ornamental sa pamilya at pamayanan?

a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan


b. Nagbibigay ng kasiyahan sa pamilya
c. Nagpapaunlad ng pamayanan
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang sumusunod ay mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang


ornamental maliban sa isa.

a. Nagiging libangan ito na makabuluhan


b. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya
c. Nagpapababa ito ng presyo ng bilihin sa palengke
d. Nababawasa nito ng maruming hangin sa kapaligiran

4. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng


halamang ornamental?
a. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran
b. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya
ang maruming hangin sa kapaligiran
c. A at B
d. Walang tamang sagot

Gawain 3 :

Gumawa ng album na magpapakita ng pkinabang na makukuha ng


pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng halamang ornamental.

Repleksyon:

Paano makakatulong sa araw-araw nating pamumuhay ang pagtatanim ng


halamang ornamental? Paano mo mahihikayat ang iyong pamayanan na
magtanim ng halamang ornamental.

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Sanggunian:

Edukasyong pantahanan at Pangkabuhayan LM, Ika-apat na baitang


Unang Edisyon 2015 , Samadan, Eden F...etal.. Pages 320-323

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan TG, Ika-apat na baitang


Unang Edisyon 2015, Samadan, Eden F..etal.. Pages 128-130
Key:

Gawain 1

1. Para makapigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.


2. Naiiwasan ang polusyon, nililinis ang hangin ng mga halamang
ornamental.
3. Sinasala ng mga halamang ornamental ang maruming hangin.
4. Ito din ay nagpapaganda ng kapaligiran, lalo na ang pagtatanim
ng mga namumulaklak at humahalimuyak.

A. Nagtatanim tayo ng mga halamang ornamental dahil sa mga


pakinabang na makukuha natin sa mga ito: malinis na hangin,
napipigil ng pagguho ng lupa at pagbaha, naiiwasan ang polusyon at
nagpapaganda ng kapaligiran.

B.
● Para makapigil sa pagguho ng lupa at pagbaha, .
● Naiiwasan ang polusyon, nililinis ang hangin ng mga halamang
ornamental.
● Sinasala ng mga halamang ornamental ang maruming hangin.
● Nagpapaganda ng kapaligiran.

Gawain 2

1. C
2. D
3. C
4. C

Inihanda at Isinumite ni:

Elsa M. Tiotuico
WEEK 3
Pangalan: ______________________________ Baitang:______________
Seksyon: ________________________________ Petsa: ____________
LEARNING ACTIVITY SHEET
Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo o Pagtatanim ng Halamang
Ornamental
Panimula at mga Susing Konsepto:
Ang mga halamang ornamental ay may iba’t ibang katangian, ito ay
mga halaman/punong ornamental na may mataas at may mababa, may
namumulaklak at di-namumulaklak, may madaling palaguin, at may
mahirap palaguin, may nabubuhay sa lupa at may nabubuhay sa tubig.
Kaya mahalagang piliin ang itatanim na halamang ornamental na angkop
sa lugar na pagtataniman.
Marami ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng halamang punong
ornamental upang ang magiging kapakinabangan nito ay makabuluhan.
May mga paalala sa pagsasagawa ng pagtatanim ng mga halaman/punong
ornamental sa bakuran ng tahanan gaya ng sumusunod:
● Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa gilid, sa
kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman.
Halimbawa: Pine tree, Fire tree, Rubber plant, Red palm, Golden
shower tree, Cypress
● Ang mga halamang ornamental na mabababa ay itinatanim sa mga
panabi o paligid ng tahanan, maaari sa bakod, sa gilid ng daanan o
pathway.
Halimbawa: Tulip, Bonsai, Morning glory, Mayana, Hydrangeas
● Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay
inihahalo o isinasama sa mga halamang di namumulaklak.
Halimbawa: Red ginger, Rosas, Silver dust, Palmera, Corn plant
● Ang mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin ay
maaring itanim kahit saan ngunit ang mahirap palaguin ay itinatanim
sa lugar na maaalagaan nang mabuti.
Halimbawa: Gumamela, Lilies, Lavender, Boungainvillas,
Anemone, Maiden grass
●Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay maaring
itanim sa tamang makakasama nito.
Halimbawa: Puno ng manga, Santan, Fortune plant, Lemon
grass, Dahlia, Oregano
●Ang mga halamang lumalago sa tubig ay maaari sa babasaging
sisidlan sa loob ng tahanan o sa fish pond sa halamanan.
Halimbawa: Water lily, Lotus, Water Lettuce, Amazon lily, Duckweed

Kasanayan sa Pagkatuto:
Naipapakita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/pagtatanim ng
halamang ornamental Code: EPP 4-AG-0d-6

GAWAIN 1
Panuto: Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
___1.Pine tree A. halaman/punong ornamental na
namumulaklak
___2.Puno ng manga B. punong ornamental na matataas
___3.Bonsai C. halamang ornamental na mababa
___4.Water lily D. halaman/punong ornamental na
nabubuhay sa lupa
___5.Rosas E. halamang ornamental na nabubuhay sa
tubig
GAWAIN 2:
Dahil sa pandemya, maraming mga Pamilyang Pilipino ngayon ang nawiwili
sa mga halaman ornamental. Kuhanan ang inyong halamang ornamental
ng larawan, idikit ang nakuhang larawan sa isang malinis na papel at isulat
kung paano Ninyo ito inaalagaan kasama ng inyong pamilya.

Idikit ang larawan ng halamang ornamental dito

PARAAN KUNG PAANO ITO INAALAGAN

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________

Repleksiyon:
Sagutin: Bakit kailangan mong sumunod sa wastong pamamaraan sa
pagpapatubo or pagtatanim? Ano ang maidudulot nito sa iyong pananim or
sa iyong pinatutubong halaman?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2015

Susi sa Pagwawasto:
GAWAIN 1 GAWAIN 2
1. B Ang guro ang magwawasto sa sagot
2. D
3. C
4. E
5. A

INIHANDA AT ISINUMETE NI:


MARNELLI P. DAVID
JOSE P. DIZON ELEMENTARY SCHOOL
WEEK 4
Pangalan: _______________________ Baitang: ________________
Pangkat: _________________________ Petsa: __________________

LEARNING ACTIVITY SHEET


WASTONG PAMAMARAAN SA PAGHAHANDA NG TANIMAN NG
HALAMANG ORNAMENTAL
Panimula at Susing Konsepto

Nais mong ayusin ang inyong bakuran upang makagawa ng simpleng


landscape gardening. Mas magiging maayos at mapalamuti ang inyong
bakuran kung may kaalaman ang gagawa ng simpleng landscape
gardening. Alamin muna ang anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi
maganda ang dating mga tanim, maaring dagdagan ng lupang mataba o
anumang organikong bagay na maaring ihalo. Hindi lalago nang maayos
ang mga pananim kapag tuyo, matigas, at bitak-bitak na lupa. Ganito rin
ang mangyayari kapag malagkit at sobrang basa ang lupa.

Matapos makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna kung


anong uri ng lupang taniman ito. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas at bitak-
bitak, nararapat na haluan ito ng mga organikong bagay gaya ng mga
binulok na mga halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong
dahon at mga dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang
taniman. Kapag malagkit at sobrang basa haluan din ito ng compost upang
lumuwag ang lupa.
Kapag naayos na ang lupang taniman, pwede na itong bungkalin gamit
ang asarol at piko. tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di
kailangang bagay. Kapag nabungkal na ito, lagyan ng organikong pataba
gaya ng kompos o humus at patagin ito gamit ang kalaykay(rake).
Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang taniman, maaari na itong
taniman ng mga halaman o punong ornamental
Kung nais mong maging kaakit-akit ang lugar ng inyong taniman, ang
magandang disenyo ng lupa ay naka angat ng bahagya at may iba’t ibang
hugis ng bato sa mga gilid ng lugar ng taniman. Kung ang lugar na
pagtataniman ng mga halamang ornamental ay malawak maari mo itong
lagyan ng mga accessories gaya ng pergola, maliit na fish pond, garden
set at grotto. Kung ito naman ay di-gaanong malawak, simpleng kaayusan
lamang ang bagay na ilagay gaya ng mga palamuting banga o
porselanang sisidlan.

Kasanayang Pampagkatuto
1.4.2 paggawa/ paghahanda ng taniman EPP4AG-0d-6 .
Naipakita ang wastong pamamaraan sa paggawa at paghahanda ng
taniman.

GAWAIN 1
A. Panimulang Pagtatasa
1. Alin sa mga sumusunod ang dapat na unang isinasaalang-alang sa
pagsasagawa ng pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. Mga halamang ornamental
b. Lugar na pagtataniman
c. Mga kasangkapang gagamitin
d. lahat ng mga ito
2. Kailangang alamin muna ang uri ng lupang tataniman ng mga halamang
ornamental bago magsagawa ng Gawain
a. oo
b. hindi
c. Maari
d.
Depende
B. Bilugan
ang mga
kasangkapan na maaring gamitin sa pagbubungkal ng lupa upang
maayos ang lugar sa pagtataniman?

C. Ayon sa nabanggit sa Panimula/Susing Konsepto magbigay ng tatlong


bagay na maaaring isama or gawing organikong pataba na makakatulong
upang maging mataba ang lupang taniman.
1. __________________2. ________________3.__________________
Gawain 2
Ang mag-aaral ay susubukang maghanap ng lugar sa tahanan na maaring
pagandahin gamit ang mga kaalaman sa basic landscaping. Gamitin ang
mga halamang makikita sa tahanan lamang. Ito ay kuhunan ng litrato at
ipadala sa guro kung ikaw ay kabilang sa online class. Kung ikaw ay
walang ornamental o halaman sa tahanan ikaw ay maaaring gumihit na
lang sa isang puting papel at lagyan ng kulay ang nais mong landscaping
at ilakip ito sa inyong modules/envelop.

Kriterya:
Nilalaman ng paksa/guhit 40%
Pagkakaisa/Creativity 35%
Balance and Harmony 25 %
Total 100%

Gawain 3
Gumawa ng isang 2-5 minutong video presentation or vlog na nagpapakita
ng tamang paghahanda ng lupang taniman para sa halamang ornamental.
Maaari itong gawin sa isang paso kung ikaw ay walang malawak na
taniman. Ito ay ipadala o send sa inyong guro para sa mga online class.
Kung wala kang internet sa tahanan, iguhit sa isang puting papel ang iyong
natapos na proyekto at isulat na lang sa puting papel ang mga
pamamaraan na iyong ginawa at ilagay sa inyong modules/envelop.
Kriterya 5 4 3 2 1
Angkop ba ang pagkakagawa ng
disenyo ?

Gaano kayos ang pagkakagawa ng


disenyo?

Nagsumite ng gawain sa takdang oras

Gaano kaayos ang kabuuan ng


disenyo?

Gawain 4

Iguhit ang star sa patlang kung wasto ang pahayag at buwan


naman kung mali ito.
_____1. Ginagamit ang organikong pataba upang lalong magbitak-bitak
ang lupa.
_____2. Ang kalaykay at asarol ay iilang lamang sa mga kagamitan na
maaring gamitin sa pagtatanim.
_____3. Malaking tulong ang pag-aayos ng lupang taniman bago itanim
ang mga halaman.
_____4. Ang dumi ng aso, pusa at tao ay maaaring gamitin o ihalo bilang
pataba sa halaman.
_____5. Ang paggawa ng landscape gardening ay makakatulong sa
kaayusan at kagandahan ng taniman.

Repleksiyon
Ano ang iyong natutunan sa inyong Gawain?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Reference (Book)
Doblon, T.B, Macawile, S,A. et.al. 2019. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: FEP Printing
Corp for DepEd-BLR.

Susi sa Pagwawasto:

Inihanda ni

ROCHEL R. SAYCO
Teacher 1
STA. TERESITA E/S
WEEK 5 
Pangalan: ____________________________ Baitang: ____________
Seksiyon: _______________________ Petsa: ______________

GAWAING PAGKATUTO
PAG-AANI AT PAGSASAPAMILIHAN
NG HALAMANG ORNAMENTAL

Panimula/Susing Konsepto 
Mahalaga na pag-aralang mabuti ang mga paraan ng pag-aani at
pagsasa-pamilihan sa mga halamang oranamental. Dapat din na malaman
ang mga halamang madaling maipagbili. Ang mga halamang ornamental
lalo na ang mga namumulaklak ay maaaring ipagbili kung ang mga ito ay
may taglay na bulaklak, sapagkat ang bulaklak ay nakakaakit sa mga mata
ng mga mamimili.

Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-aani at sa


pagsasapamilihan sa mga halamang ornamental. Dapat ding alamin ang
mga halamang madaling maipagbili.
May mga palatandaan kung kailan maaaring anihin at ibenta ang
mga ito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga palatandaan kung
kailan aanihin ang mga ito:

1. Malapad, makintab at berde ang mga dahon


2. Walang nakakapit na kulisap at peste sa dahoon.
3. Malusog at mayabong ang puno.
4. Maayos at siksik ang mga ugat.
5. Maganda ang pagkakabuka ng mga talulot ng bulaklak.
6. Sariwa at mabango ang mga bulaklak.
7. Mahaba, Matibay at matigas ang mga tangkay.
Isa sa mga epektibong paraan sa pagsasapamilihan ng mga
halaman ay sa pamamagitan ng flyers, posters, brochures o catalogs.

Sa pagsasapamilihan, may iba’t-ibang pamamaraan na maaaring


piliin at gamitin. Ang mga sumusunod ay ilan sa paraang maaaring gamitin.

1. Pamamakyaw-paraan kung saan ang mga nagtitinda ay dumi-


diretso sa pataniman at binibili ng maramihan ang mga produkto
kaya nabibili sa murang halaga.
2. Pagdaan ng mga ahente-Pagbili ng isang ahente o
mangangalakal ng mga produkto at saka ipagbili sa kanyang
sariling pamamaraan.
3. Pagkontrata-pamamaraan kung saan bago pa man anihin ang
mga halaman ay mayroon ng usapan sa pagitan ng nagtitinda at
mamimili.
4. Pagti-tingihan-pagtitinda ng mga produkto ng paisa-isa tulad ng
sari-sari store.
5. Pagtitinda sa kooperatiba-pagtitinda ng mga produkto sa mga
tindahang kooperatiba.

Kapag nakapili na sa mga paraang nabanggit ay maaari ng iayos ang


mga halamang ornamental sa kaakit-akit at magandang presentasyon.
Maaring ibentang nakapaso, nakaplastik at minsan sa tangkay o sanga
ang mga ito. Maaari ring lagyan ng mga tag ng presyo ang mga ito upang
maging madali ang pagbebenta. Ang halaga o presyo ay ibinabatay sa laki,
uri at haba ng pag-aalaga.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga
halamang ornamental. EPP4AG-Of-10
PAMARAAN
Gawain 1:
Lagyan ng T ang patlang bago ang bilang kung tama ang
pangungusap at M kung mali ito:
_____1. Ang pag-aani ng halamang ornamental ay ayon sa panahon ng
mga selebrasyon.
____ 2. Kailangan malusog na ang halaman bago anihin.
____ 3. Ilagay lamang kung saan-saan ang inaning halaman.
____ 4. Dapat ay mayroong tamang sukat sa pagpuputol sa mga
halamang ornamental.
____ 5. Mas maganda ang pag-aani kung mura sa palengke ang mga ito.

Gawain 2
A. Gumuhit ng isang malaking bulaklak na may limang talulot(petals)
Isulat sa loob ng bawat talulot ang mga paraan sa
pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental. Gawin ito sa
malinis na papel.
B. Gumuhit ng limang dahon. Isulat sa loob ng bawat dahon ang mga
palatandaan na maaari ng anihin ang halamang ornamental.
Gawin sa panibagong malinis na papel.

Gawain 3
Gamit ang internet. Magmasid at magtala ng mga pagkakaiba ng
halaga o presyo ng ornamental na halaman. Sa mga walang internet
maaring magtanong sa mga nakakatanda sa bentahan ng mga halamang
ornamental at ang bawat halaga.

Mga Halamang Halaga o Presyo


Ornamental 1 dosena 1 bugkos / tali 1 tangkay
1.
2.

3.

4.

5.

Rubrics sa Pagwawasto
5 puntos- kung nakapagtala ng 5 halamang ornamental, halaga ng 1
dosena, 1 bungkos o tali, 1 tangkay.
4 puntos- kung nakapagtala ng 4 halamang ornamental, halaga ng 1
dosena, 1 bungkos o tali, 1 tangkay.
3 puntos- kung nakapagtala ng 3 halamang ornamental, halaga ng 1
dosena, 1 bungkos o tali, 1 tangkay.
2 puntos- kung nakapagtala ng 2 halamang ornamental, halaga ng 1
dosena, 1 bungkos o tali, 1 tangkay.
1 puntos- kung nakapagtala ng 1 halamang ornamental, halaga ng 1
dosena, 1 bungkos o tali, 1 tangkay.

Gawain 4
Sa isang malinis na sagutang papel, sagutin sa buong pangungusap
ang tanong sa ibaba at ipaliwanag ang iyong sagot.

Bakit mahalaga na matutunan ng isang batang tulad mo ang wastong


pag-aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental?

Rubrik sa Pagwawasto
5 puntos- Nakasagot at naipaliwanang ng napaka-ayos ang sagot sa
tanong.
4 puntos- Nakasagot at naipaliwanang ng maayos ang sagot sa tanong.
3 puntos- Nakasagot at naipaliwanang ng di-gaanong maayos ang sagot
sa tanong.
2 puntos- Nakasagot at di-naipaliwanang ng maayos ang sagot sa tanong.
1 puntos- Nakasagot ngunit walang paliwanag ang sagot.

Pangwakas
Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay ibinatay sa
kanilang laki, uri, at haba ng pag-aalaga.
Ipinagbibili ang halamang ornamental ng naka-paso o naka-plastik at
minsan sanga o tangkay.
Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang malaman kung
kumikita o nalulugi ang paghahalaman.

Mga Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral at Patnubay ng Guro. Unang Edisyon 2015
(Teresita B. Doblon, Ma. Shirley A. Macawile, Ernesto R. Abletes, Judy R.
Rondina 2015)

Barza.2016. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-Ikaapat na


Baitang Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog) Sta. Teresa Publications, Inc.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. M 2. T 3. M 4. T 5. M
Gawain 2
Ipapasa sa Guro ang natapos na gawain at pupuntusin ng guro.
Gawain 3
Sundin ang Rubrik sa Pagwawasto.
Gawain 4
Sundin ang Rubric sa Pagwawasto.

WEEK 6
Pangalan:___________________________ Lebel: _______________
Seksiyon: ___________________ Petsa: _______________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Pag-aani at Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental

Panimula /Susing Konsepto


Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-aani at
pagsasapamilihan sa mga halamang ornamental. Dapat ding alamin ang
mga halamang madaling maipagbili.
Ang mga halamang ornamental lalo na yung mga namumulaklak ay
maaaring ipagbili kung ang mga ito ay may bulaklak na. Maaaring mabili
ang mga halamang may bulaklak sapagkat ito ay mapang-akit sa mga
mata ng mga tao.
Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay ibinabatay sa
kanilang laki, uri at haba ng pag-aalaga.Ipinagbibili ang halamang
ornamental nang naka-paso o naka-plastik at minsan sanga o tangkay.
Mahalaga rin ang may kaalaman sa pagtutuos upang malaman kung
kumikita o nalulugi ang paghahalaman

MELC/Kasanayang Pagkatuto at Koda


Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga Halamang
Ornamental. EPP4AG-OF-10

Pamaraan
Gawain 1 Tama ba ako o Mali?
Isulat ang T sa patlang kung ang pangungusap ay tama at M kung mali ito.
____1. Ang pag-aani ng halamang ornamental ay ayon sa panahon ng
mga selebrasyon.
____2. Kailangang malusog ang halaman bago anihin
____3. Ilagay lamang kung saan-saan ang inaning halaman.
____4. Dapat mayroong tamang sukat sa pagpuputol sa mga halamang
ornamental.
____5. Mas maganda sa pag-aani kung mura sa palengke.

Gawain 2 Pili na!


Bilugan ang bilang sa ibaba ang nagpapakita ng kahalagahan o mabuting
dulot ng pag-aani at pagsasapamilihan ng halamang ornamental .

1. Dagdag kita ,kung ipagbibili ang inaning halamang ornamental


2. Nakakaganda sa kapaligiran kung malusog at namumulaklak na
ito.
3. Nakapagbibigay saya ang mga halamang ornamental na
namumulaklak sa mga taong bumili nito.
4. Nakakasikip sa tahanan ang mga halamang ornamental
5. Naglilinis at nagbibigay ng sariwang hangin ang mga halamang
ornamental.
6. Pwedeng ipamigay o iregalo sa mga kapitbahay ang mag sobrang
inani.
7. Walang pakinabang ang mga halamang ornamental.
8. Anihin ang mga halamang ornamental ng wala sa tamang gulang.

Gawain 3
Sa pamamagitan ng isang panayam sa iyong mga magulang, lolo at lola o
mga nakakatandang kapatid o kasama sa bahay, magbigay 10 halimbawa
ng Halamang Ornamental na pwedeng anihin at ibenta.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain 4
Gumawa ng slogan tungkol sa mabuting dulot ng pag-aani at
pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa buhay ng tao.
Rubriks sa Pagwawasto
8-10 5-7 3-4 2-1
Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo magulo Walang
ay mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napaka ganda Maganda at Maganda Di maganda at
at napakalinaw malinaw ang ngunit di Malabo ang
ng pagkakasulat gaanong pagkakasulat
pagkakasulat ng mga titik malinaw ang ng titik
ng mga titik pagkakasulat
ng titik
Kaugnayan sa May malaking Di gaanong kaunti ang Walang
Paksa kaugnayan sa may kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang kaugnayan sa paksa ang paksa ang
slogan paksa ang slogan slogan
slogan

Repleksyon
Matapos mong mapag-aralan ang wastong pag-aani at
pagsasapamilihan ng halamang ornamental. Isulat mo sa isang malinis na
sagutang papel ang iyong saloobin o natutunan sa mga gawain ngayon.

Inihanda ni:

MICHELLE G DEL ROSARIO


Lourdes Northwest E/S

WEEK 7
Pangalan:___________________________ Lebel: _______________
Seksiyon: ___________________ Petsa: _______________
GAWAING PAGKATUTO
Pag-aalaga ng Hayop
at Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa Loob ng Tahanan
Kabutihang Dulot sa P

Panimula /Susing Konsepto


Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong maraming dulot na
kabutihan.
Tulad ng pag-aalaga ng aso sa bahay, ito ay
nakakatanggal stress at ayon sa mga pag-
aaral ito rin ay nakapagpapababa ng dugo.

Ang pusa ay isa ring hayop na mainam


alagaan, bukod sa ito’y tagahuli ng daga
mabait din itong kalaro ng mga bata.

Ang mga ibon bilang alagang hayop sa


bahay ay madaling maturuan.Maraming ibon
ang natututong magsalita.

Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan


sa bahay dahil sa sila ay eco-friendly animals.
Ang dumi ng kuneho ay maaring ipunin at
gawing pataba sa ornamental na halaman
dahil ito ay mayaman sa nitrogen at
phosphorus.

Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa


tahanan. Ito ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil naka-aalis ito ng stress
at nakapagpapababa ng dugo. Ang alagang hayop sa tahanan ay
maituturing na isang magandang kasama sa bahay. Kung ang mga
alagang hayop ay pinararami, ito ay maaaring maipagbili upang
makadagdag kita sa pamilya.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop sa
tahanan.
Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan.
Code: EPP4AG-Oh-15
GAWAIN 1:
Bilugan ang bilang ng mga pangungusap na nagpapakita ng mabuting
bagay na naidudulot sa pag-aalaga ng hayop sa tahanan.
1. Nakapagbibigay ng saya at nakaka-alis ng inip.
2. Nakapagpapabuti sa kalusugan
3. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak.
4. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.
5. Nakapagbibigay ng pagkakataong mag-ehersisyo.

GAWAIN 2:
Kulayan ang mga larawan ng mga hayop na puwedeng
alagaan sa loob ng tahanan.

A. B. C.

D. E.
GAWAIN 3:
Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay at bigyang
linaw ang mga ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?
2. Gaano karami ang inaalagan mo?
3. Ano-ano ang mga kapakinabangan nito sa iyo?

GAWAIN 4:
Sa isang malinis na papel. Iguhit at kulayan ang nais na alagaang
hayop at isulat sa ibaba nito kung ano ang kabutihang maidudulot ng pag-
aalaga mo nito.

Inihanda at isinumite ni:

AIZEL A. TOLEDO
MNES-T1
WEEK 8
Pangalan:___________________________ Lebel: _______________
Seksiyon: ___________________ Petsa: _______________
GAWAING PAGKATUTO
Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng Hayop

Panimula at mga Susing Konsepto


Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa
wastong pag-aalaga ng ating mga hayop upang sila ay lumaki ng maayos
at hindi maging sakitin. Tatalakayin dito ang wastong pamamaraan ng pag-
aalaga ng hayop na tinukoy natin sa nakaraang aralin. Malalaman natin
kung paano sila palalakihin sa pamamaraang wasto at maka-agham.
Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa kanila (mga
alagang hayop) upang sa gayon sila ay makapagdudulot ng kung ano ang
maaasahan natin mula sa kanila.
Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain.
Nakakatulong ito upang maalis ang ating stress at gumanda ang ating
kalusugan. Madadagdagan din ang kita ng mag-anak kung ito ay
mapaparami at maipagbibili. Kaya dapat nating malaman ang maayos na
pamamaraan ng pagaalaga upang lubos na mapakinabangan at
masiyahan sa gawaing ito.
Dapat sundin at isaalang-alang ang mga wastong pamamaraan
upang maramdaman ng alagang hayop na sila ay mahal ng nag-aalaga sa
kanila. Dapat ay:
- binibigyan sila ng maayos at malinis na tirahan;
- maayos ang pag-aalaga sa kanila tulad ng pagpapaligo,
pag-eehersisyo, at pagpapabakuna o pagpapainom ng gamot
kung kinakailangan;
- pinapakain ng maayos at masustansyang pagkain;
- nililinis ang kanilang tirahan at
- kinakausap tulad din ng isang tao.

MELC/Kasanayang Pampagkatuto:
L.O. 2 Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.
2.1.1 Pagsasagawa ng maayos na pag-aalaga ng hayop.
Code: EPP4AG0h-17

GAWAIN 1
Panuto: Gamit ang “graphic organizer”, itala sa loob ng kahon ang mga
tamang paraan ng pag-aalaga ng mga hayop.
1.

2. 3.

4. 5.

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin nang buong katapatan ang mga sumusunod na tanong. 1.
Nakita mong marumi at nangangamoy na ang kulungan ng inyong baboy
sa likod-bahay. Ano ang gagawin mo? Bakit?

___________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Mahal na mahal ni Mang Tasyo ang alaga niyang pusa kaya lagi niya
itong pinapakain sa tamang oras, at madalas kinakausap pa niya ito. Kung
ikaw ay may alagang hayop gagawin mo rin ba ang katulad ng ginagawang
pag-aalaga ni Mang Tasyo? Bakit?

________________________________________________________
________________________________________________________

GAWAIN 3

Panuto: Sagutan ang mga sumusunud na katanungan at isulat sa isang


malinis na sagutang papel ang iyong sagot.
1. Bakit kailangang bigyan ng wastong pagkain at malinis na tirahan
ang mga alagang hayop? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano makakasiguro na masustansya ang pagkaing ibinibigay sa
alagang hayop?

GAWAIN 4
Panuto: Matapos mong mapag-aralan ang kahalagahan ng pag-aalaga ng
hayop at ang tamang pag-aalaga, subukin namang gawin ang mga
sumusunod.
1. Magmasid sa inyong pamayanan, alamin kung anu- anong uri ng hayop
ang inaalagaan at pinagkakakitaan ng mga tao sa inyong lugar.

2. Magtala ng ilang pamamaraang kanilang isina-sagawa para sa


mahusay na pagpapalaki sa kanilang mga alaga

3. Iguhit ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan na dapat


isaisip at isagawa sa pag-aalaga ng hayop.

Repleksyon
Panuto: Isulat sa isang sagutang papel ang iyong mga naging saloobin at
napagtanto sa iyong mga gawain ngayon.

Inihanda at isinumite ni:


MARICAR S. PABALAN
Teacher 1

GAWAING PAGKATUTO
Ligtas na Tirahan ng Mga Alagang Hayop
Panimula/Susing Konsepto

Ang pag-aalaga ng hayop ay nagdudulot ng maraming kabutihan. Ito


ay isang gawain na nagbibigay kasiyahan sa mga tao at maging sa mga
hayop na inaalagaan. Nakatutulong ito upang gumanda ang ating
pakiramdam at kalusugan dahil ito ay nakakatanggal ng stress.
Ang mga hayop ay mahalagang nilalang ng Diyos kung kaya sila ay
dapat pagtuunan ng atensyon. Ang pagkain, tubig at gamot ay ilan sa mga
kailangan nila upang sila ay maging malusog. Tulad ng mga tao, ang mga
hayop ay may lugar kung saan sila malayang makakagalaw at mabubuhay.
May mga hayop na maaaring alagaan sa ating bahay dahil ang mga ito ay
kapaki-pakinabang. Gayun pa man, mas mainam kung may sarili silang
lugar. Ito ang magsisilbing tahanan para sa kanila.
May mga dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng matitirhan para sa
mga alagang hayop. Una, ito ay dapat nakaangat sa lupa upang maging
komportable ang mga ito. Ikalawa, May sapat na malinis na tubig malapit
sa kanilang bahay. Ikatlo, ito ay dapat nasisikatan ng araw. Ikaapat, may
maayos na daanan ng tubig o kanal. Ikalima, tama lamang ang layo nito sa
tahanan ng kanilang tagapag-alaga.

MELC/Kasanayan sa Pagkatuto:
Pagbibigay ng wastong lugar o tahanan
Code: EPP4AG-Oh-17

Gawain 1: Tahanan Mo, Tirahan Ko


Panuto: Piliin ang mga pangalan ng mga hayop na maaaring alagaan sa
ating tahanan dahil sa dulot na kapakinabangan ng mga ito. Isulat ang
mga ito sa loob ng larawang bahay.

manok tigre

elepante pusa

leon kuneho

aso ibon
Gawain 2: I-crossword Puzzle Mo
Panuto: Buuin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat sa
patlang ng tamang salita. Hanapin sa crossword puzzle ang mga sagot at
bilugan ang mga ito.
1. Ang tirahan ng mga hayop ay dapat nakaangat sa _________.
2.Dapat may sapat at malinis na ________ malapit sa kanilang tirahan.
3. Ang tirahan ng mga hayop ay dapat nasisikatan ng __________.
4. May maayos na daanan ng tubig o __________.
5. Dapat tama ang __________ ng tirahan ng mga hayop sa bahay ng
mga nag-aalaga sa kanila.
k l t h d
a t u b i
n s b p n
a m i o a
l r g s r
l a y o a
b a h a w

Gawain 3: Ideya Ko, Iguguhit Ko


Panuto: Tingnan ang mga larawan ng mga hayop. Alin sa mga ito ang nais
mong alagaan? Sa isang malinis na sagutang papel, isulat ang pangalan
ng hayop sa loob ng parisukat. Iguhit sa loob ng parihaba ang isang ideal
na lugar o tirahan kung saan ilalagay ang iyong napiling hayop.

Gawain 4: Iginuhit Ko, Ikukuwento Ko


Panuto: Sa iyong malinis na sagutang papel sumulat ng isang talata na
may limang pangungusap upang ilarawan ang iyong iginuhit sa Gawain 3.
Lagyang ng akmang pamagat para rito.
Inihanda ni at Isinumite ni:

RHOVENA D. BUENACIFRA
Teacher 1
TEODORO P. TINIO E/S

Mga Sanggunian WEEK 6


Edukasyong Pantahanan at Mga Sanggunian: WEEK 7
Pangkabuhayan 4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Misosa Pagsasapamilihan ng mga Unang Edisyon 2015
halamang ornamental Patnubay ng Guro pp 172-177
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan EPP Grade 4 Learner’s Material,
Unang Edisyon 2015 Department of Education, 2015
Kagamitan Ng Mag-aaral pp399-410
Edukasyong Pantahanan at
Mga Sanggunian: WEEK 8 Pangkabuhayan, Patnubay ng Guro,
Department of Education, 2015
References for Learners/Sanggunian: Website: www.slideshare.net/loralight/k-to-
Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 12-grade-4-learners
Grade 4 Kagamitang Mag-aaral,
Department of Education, 2016 Ferrer, Porfiria F. et.al., Edukasyon sa
MISOSA Pag-aalaga ng Hayop, LRMDS Pantahanan at Pangkabuhayan 4, p
Portal 124-130 Batayan Aklat DepEd 1997
Susi sa Pagwawasto Doblon,Teresita B. et.al. Edukasyon sa
Pantahanan at Pangkabuhayan 4, p
416-420, Batayn Aklat , DepEd 2015

Susi sa Pagwawasto Gawain 1


WEEK 6 Ibon, aso, pusa, kuneho
Gawain 1 Gawain 2
1. T 2. T 3. M 4. T 5. M Susi sa Pagwawasto: 1. lupa
Gawain 2 WEEK 8 2. tubig
Mga bilang na dapat bilugan 3. araw
1, 2, 3, 5, 6 Tamang Paraan ng Pag- 4. kanal
Gawain 3 aalaga ng Hayop 5. layo
Maaring magkakaiba
ang mga sagot. Gawain 1 Gawain 3 at 4
Gawain 4 -binibigyan sila ng maayos at Pupuntusin ng Guro ang mga
Pupuntusin ayon sa malinis na tirahan; isusumiteng sagot.
Rubrik sa Pagpupuntos - maayos ang pag-aalaga sa
kanila tulad ng pagpapaligo,
pag-eehersisyo, at
Susi sa Pagwawasto: pagpapabakuna o Pagpapakain at Paglilinis
WEEK 7 pagpapainom ng gamot ng Tirahan
GAWAIN 1: 1,2,3,4,5 kung kinakailangan; Gawain 1
GAWAIN 2: A,B,D,E - pinapakain ng maayos at 1. Kulungan
GAWAIN 3 AT 4: SARILING masustansiyang pagkain; 2. masustansiyang
SAGOT - nililinis ang kanilang tirahan 3. gamot kontra bulate
at 4. bentilasyon
- kinakausap tulad din ng 5. bahay
isang tao.
Gawain 2
Gawain 2, 3 at 4 (Isusulat Tangapin lahat ng sagot .
ang sariling saloobin ng bata)
Gawain 3
Ligtas na Tirahan ng Mga Gamitin ang rubriks sa
Alagang Hayop pagbibigay ng marka.

You might also like