ENHACED - GRP 10 - DLP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Bulacan State University


Malolos Bulacan
Kolehiyo ng Edukasyon

Masusing Banghay Aralin sa Filipino-6

I. Layunin:

Sa loob ng 45 minutos, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nagagamit ng wasto ang Kayarian ng mga Pang-uri sa ibat-ibang sitwasyon.


B. Nabibigyang pansin ang paggamit ng mga pamilyar at di-kilalang salita.
C. Nakakabuo ng pangungusap gamit ang pang-uri at mga di-kilalang salita.
II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Kayarian ng Pang-uri at Pagbibigay kahulugan sa mga di-kilalang salita.

B. Sanggunian: “Ang agila at salagubang” (Kislap ng Wika: Batayan at Sanayang Aklat sa


Filipino 6, Pahina 102-109)

C. Kagamitan:
i. Pisara o white board v. Mga larawan
ii Marker
iii. Loptop computer
iv. Projector at projector screen
III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
Maari ba kayong tumayo para sa - ( Tumayo ang mga mag-aaral upang
maikling panalangin? manalangin)
Estudyante 1 maari ba na ikaw ang - (Estudyante 1 tumayo sa harap upang mamuno
mamuno sa panalangin. sa panalangin.
 Pagtala ng Liban
Mag-aaral 2 may lumiban ba sa ating -“Wala po Ma’am”
klase?
 Pagbati
“Magandang umaga 6-Sampaguita! -“Magandang umaga din po Ma’am”

 Pagpuna sa Paligid
“Bago kayo umupo, tignan nyo muna ang
inyong paligid at pulutin ang maliliit na (Pinulot at inayos ng mga bata ang upuan)
kalat na inyong makikita, ayusin rin ang
inyong mga upuan.”
“Maraming salamat, maari na kayong
maupo.
B. Paglalahad ng Aralin

I. Pangganyak
“Mga bata may inihanda akong maikling -“Nakikinig nang mabuti ang mga mag-aaral.”
kanta para sa inyo.”
“Pero bago tayo mag simula sa pag-awit,
babasahin ko muna sa inyo ang panuto
para lubos ninyong maunawaan ang ating
gagawin.”
“Handa naba kayo?” -“Opo Ma’am!”

 Panuto: Ang maikling awit na ito ay


isang Video Presentesyon at may tono na,
kahawig ng kantang pang “Hele-hele
Agila” na ating inawit kahapon.”
(Ang guro at mag-aaral ay nag-umpisa -(Tumayo ang mga mag-aaral upang umawit at
na sa pag-awit) umindak)

Liriko
Liriko
Tong, Tong, Tong Pakitong-kitong
Tong, Tong, Tong Pakitong-kitong
(Pang-uri )
(Pang-uri )
Tong, tong, tong, tong, Pakitong-kitong
Tong, tong, tong, tong, Pakitong-kitong
Alimango sa dagat, malaki at masarap
Alimango sa dagat, malaki at masarap
Kay hirap hulihin, sa pagkat nangangagat.
Kay hirap hulihin, sa pagkat nangangagat.
Tang, tang, tang tang, Pakitang-kitang
Tang, tang, tang tang, Pakitang-kitang
Alamanga sa dagat, malaka at masarap
Alamanga sa dagat, malaka at masarap
Kay harap halaan, sa pagkat nangangagat.
Kay harap halaan, sa pagkat nangangagat.
Teng, teng, teng, Paketeng- keteng
Teng, teng, teng, Paketeng- keteng
Elemenge se deget, melete at meserep
Elemenge se deget, melete at meserep
Key herep heleen se pegket nengengeget
Key herep heleen se pegket nengengeget
Ting, ting, ting, Pikiting-kiting
Ting, ting, ting, Pikiting-kiting
Ilimingi si digit, maliki it misirip
Ilimingi si digit, maliki it misirip
Kiy hirip hilihin, si pigkit ningingigit
Kiy hirip hilihin, si pigkit ningingigit
Tong, tong, tong, tong, Pokotong-koyong
Tong, tong, tong, tong, Pokotong-koyong
Olomongo so dogot, maloko at mosorop
Olomongo so dogot, maloko at mosorop
Koy horop holohon, so pogkot nongongogot
Koy horop holohon, so pogkot nongongogot
Tung, tung, tung, tung, Pukutung-kutung
Tung, tung, tung, tung, Pukutung-kutung
Ulumungu su dugut, Maluku at musurup
Ulumungu su dugut, Maluku at musurup
Kuy hurup huluhun, su pugkut nungungugut.
Kuy hurup huluhun, su pugkut nungungugut.
Tong, tong, tong, tong, Pakitong-kitong
Tong, tong, tong, tong, Pakitong-kitong
Alimango sa dagat, malaki at masarap
Alimango sa dagat, malaki at masarap
Kay hirap hulihin, sa pagkat nangangagat.
Kay hirap hulihin, sa pagkat nangangagat.

“Nagustuhan nyo ba mga bata?” -“Opo Ma’am!”


“Mahusay! At magaling kayong umawit -(Masayang umupo ang mga mag-aaral)
6-Sampaguita”

“Ngayon ano ang napansin nyo sa ating -“Estudyante 3 Ma’am ito po ay tungkol sa
inawit kanina?” Alimango sa dagat at inilalarawan ng maikling
"Napakagaling!"(Bibigyan ng guro ang kanta ang katangian nito”
bata ng recitation chips.)

“Maari nyo bang isulat sa pisara ang mga


salitang naglalarawan?” -(Ang mga bata ay nag-uunahan sa pagsagot)
"Mahusay!"(Bibigyan ng guro ang bata -“Estudyante 4 Mataba.”
ng recitation chips.)

“Sino pa ang may nakitang salita at


gustong sumagot?” -“Estudyante 5 Masarap.”
"Mahusay!"(Bibigyan ng guro ang bata
ng recitation chips.)
“Ang MATABA at MASARAP ay
halimbawa ng Pang-uri. Ang mga
salitang ito ay nag lalarawan sa
Alimango.”
“Naiintindihan nyo ba 6-Sampaguita?” -“Opo Ma’am”

II. Presentasyon ng Aralin

 Balik-Aral - (Nag-uunahan sa pagtaas ang mga mag-aaral)


(Ang guro ay magbibigay ng maikling
board work para sa mga mag-aaral)
Mga Katangian ng karakter sa kwento
Panuto: Batay sa larawan sa pisara,
idikit sa baba ang mga katangian ng mga AGILA - Makasarili at nais kainin si kuneho.
karakter sa kwento at magbigay rin ng
maikling paliwanag pagkatapos. SALAGUBANG–Malakas ang loob, kaibigan ni
(Nagumpisa ng magtawag ang guro) kuneho at naghiganti kay Agila.

KUNEHO- Maliksi at mayroong napakatabang


tiyan.

HARING ARAW- Sa kanya nagtungo si Agila


upang humingi ng tulong at doon na lamang
“Mahusay! (Bibigyan ng guro ang mga
mamugad.
bata ng recitation chips)

III. Pagtalakay

"Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa


Kayarian ng Pang-uri at Pagbibigay
kahulugan sa mga di-kilalang salita."
“Handa naba kayo?” -“Opo Ma’am!”
"Ano ang Pang-uri? Maaari niyo bang (Sabay sabay babasahin ng mga mag-aaral)
basahin." -"Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o
"Magaling!" nagbibigay turing sa panggalan o panghalip."
"Narito ang apat na Kayarian ng Pang-
uri; Payak, Maylapi, Inuulit, at
Tambalan.
"Ano ang Payak?" Basahin natin." -(Sabay-sabay babasahin ng mga mag-aaral)
Halimbawa: "Ito ay binubuo ng mga salitang ugat lamang."
"Gutom si Agila at ito ay naghahanap ng
pagkain."
"Sa tingin niyo ano ang salitang payak sa -Estudyante 2 "Gutom Ma'am! Dahil ito ay
pangungusap na ito?" salitang ugat po."
"Mahusay!"(Bibigyan ng guro ang bata
ng recitation chips.)

“Lungkot ang kanyang nadarama sa


tuwing naaalala niya ang kaibigang si
kuneho.”
“Ano ang payak sa pangungusap?” -Estudyante 3 “Lungkot Ma’am.”
“Mahusay! (Bibigyan ng guro ang bata
ng recitation chips.)
-(Ipinakita ng guro ang larawan nang
malungkot na agila sa mga mag-aaral)

"Ang pangalawa naman ay ang Maylapi. -(Sabay-sabay babasahin ng mga mag-aaral)


Pakibasa ng lahat." "Binubuo ng salitang ugat na may panlapi."
Halimbawa:
"Huwag ako ang dagitin mo, maliit
lamang akong hayop.
"Ano ang Maylapi sa pangungusap na -Estudyante 4 "Dagitin po ang maylapi sa
ito?" pangugusap Ma'am."
"Napakagaling!"(Bibigyan ng guro ang
bata ng recitation chips.)

-(Ipinakita ng guro ang larawan nang


agila kung paano ito man dagit)

“Nabasag ang mga itlog ni Agila dahil


kay Salagubang.”
“Ano ang maylapi sa pangungusap?” -Estudyante 5 “Nabasag po Ma’am!”
“Mahusay!” (Bibigyan ng guro ang bata
ng recitation chips.)

-(Sabay-sabay babasahin ng mga mag-aaral)


"Ang pangatlo naman ay ang Inuulit. "Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng
Basahin natin." buong salita."
Halimbawa:
"Nang makatulog si haring araw ay
binagsakan niya ng dakot-dakot na lupa
ang paanan ng kamahalan." -(Sasagot ang isang mag-aaral)
"Sa tingin niyo ano ang salitang inuulit -"Estudyante 5 Ang salitang inuulit po ay dakot-
sa pangungusap?" dakot!"

“Mahusay!"(Bibigyan ng guro ang bata


ng recitation chips.)

“Araw-araw naghahanap ng pagkain si


Agila sa kagubatan.
-“Estudyante 6 Ma’am, Araw-araw ang salitang
“Ano ang salitang inuulit sa pangugusap
inuulit.”
na ito?”
“Mahusay!”(Bibigyan ng guro ang bata
ng recitation chips.)

At ang huli ay Tambalan. Basahin -(Sabay-sabay babasahin ng mga mag-aaral)


natin." "Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang
Halimbawa: salitang pinagsama."
"Patay-gutom si Agila kaya niya kinain
si Kuneho."
"Ano ang tambalan sa pangungusap"? -(Sasagot ang isang mag-aaral)
“Mahusay!(Bibigyan ng guro ang bata ng "Estudyante 7 Patay-gutom po ang tambalan sa
recitation chips.) pangungusap”

“Malalaki at malalagong halamang-


gubat ang nakikita ni Agila mula sa
itaas.”
“Ano ang tambalan sa pangugusap?” - “Estudyante 8 Halamang-gubat Ma’am.”

“Mahusay! (Bibigyan ng guro ang bata


ng recitation chips.)

"Mga bata, naiintindihan niyo ba?" -"Opo Ma'am."

“Ngayon ay atin namang bigyang pansin


ang paggamit ng mga pamilyar at di-
kilalang salita.”
“Handan naba kayo?” -“Opo Ma’am!”
“Bago tayo mag patuloy sa ating aralin
may hinda akong maikling laro.”
-(Sinimulan na ang maikling laro)
Panuto: Hanapin ang mga di-kilalang (Sasagot ang mga mag-aaral)
salita sa Word Search Puzzle na ito.
M A B A N A A G A N Mga Sagot:
H L U N G G A M N T 1. Himpapawid
I B O N I L O G O N 2. Mabanaagan
3. Kapalaluan
M G H J K B A K S G
4. Nilalang
P T A T S T A N A N 5. Dagitin
A A Y Q S D A I R A 6. Lungga
P O O Q T B N T A L
A N P O F R H I W A
W G K A S A A G S L
I A G U B A Y A T I
D H A G I L A D E N
K A P A L A L U A N

“Narito ang mga halimbawa at


kahulugan ng di-kilalang salita, at ito
ay ginamit sa pangungusap.
"Lumilipad at pagala-gala si Agila sa
himpapawid."

"Ano ang di-kilalang salita sa -"Estudyante 9 Ma'am himpapawid ang ibig


sabihin ay kalangitan."
pangungusap at ano ang ibig sabihin
nito?
"Mahusay!"
"Ang ibig sabihin ng himpapawid ay
kalangitan."

"Nagpaikot-ikot ang kuneho sa pusod ng


kagubatan upang hindi siya mabanaagan
ni Agila." -(Sasagot ang isang mag-aaral)
"Ano ang di-kilalang salita at ano ang -"Estudyante 10 Ma'am mabanaagan at ang ibig
ibig sabihin nito?" sabihin nito ay Makita.”
"Magaling!"
"Ang ibig sabihin ng mabanaagan ay
makita."
"Kailangang isumbong ko sa kanya ang
ginawang kapalaluan ni Salagubang sa
aking mga itlog."
"Ano ang di-kilalang salita at ano ang -"Ma'am kapalaluan at ag ibig sabihin, nito ay
ibig sabihin nito?" kalikutan.
"Mahusay!"
"Ang ibig sabihin ng kapalaluan ay
kalikutan."
-"Opo, Ma'am."
"Naiintindihan niyo ba?"
”Mahusay, bigyan natin ng tatlong
bagsak ang bawat isa!” “Isa, Dalawa, Tatlo! Mahusay!”
“Isa, Dalawa, Tatlo! Mahusay!”
C. Pagsasanay/ Pangkatang Gawain

“Okay klass yamang wala na kayong iba


pang katanungan at naintindihan, nyo na
ang ating aralin”
“Magkakaroon tayo ng maikling laro,
alam ko naman, kanina pa kayo sabik na
sabik sa ating gawain.”

“Maghahanap kayo ng kapartner nyo sa -(Nagumpisa nang maghanap ng kapartner at mga


larong ito at kailangan nyong mag-aaral)
magtulungan”

Panuto: Sa Larong ito pabilisan ang


bawat magkapares sa pagsagot at pagtaas -(Nakikinig ng mabuti ang mga mag-aaral)
ng sagutang papel” Ang unang pares na
makakapagtaas kaagad at tama ang
hinihinging sagot ay authomatic dagdag
sa kanilang puntos. ”
“Mayroon akong dalawang sets ng laro
na ito. Sa unang set may Sampo akong
salita na ipapakita at kailangan nyong
hulaan at isipin ang iba pang kahulugan
nito. Ang magkapares na mananalo sa set
na ito ay maglalaban sa pangalawang set
na aking ibibigay.
Sa pangalawang set magbibigay ulit ako
ng mga salita na halimbawa naman ng
Kayarian ng Pang-uri, maari itong
Payak, Tambalan, Maylapi at Inuulit.
Ngunit ang kinakailangan nyo lang gawin
ay bubuo kayo ng maikling pangungusap
gamit ang salita na ito.

“Walang maingay at panatilihin ang -Opo Ma’am.”


kaayusan ng bawat isa.”

“Ang mananalo na magkapares ay -(Masaya ang mga mag-aaral at handa na sa


makakatanggap ng papremyo at plus 5 sa maikling laro)
darating na quarterly exam.”

D. Paglalahat:

“Ano ang ating tinalakay ngayon at anu- -(Nag-uunahan sa pagtaas ng kamay ang mga
ano ang inyong mga natutunan para sa mag-aaral)
araw na ito?” -“Estudyante 9 Ma’am Tinalakay natin ang
(Nagsimula na magtawag ang guro) kayarian ng Pang-uri at Paggamit ng mga
pamilyar at di-kilalang salita. Nalaman natin na
ang Kayarian ng Pang-uri ay bahagi ng
“Mahusay!”(Ibinigay ng guro ang
premyo sa bata) pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing
sa panggalan o panghalip. Nabigyan din natin ng
wastong gamit ang apat na anyo nang pang-uri sa
ibat-ibang sitwasyon. Ito ay ang payak, maylapi,
inuulit at tambalan."
Nabigyan din nating pansin at kahulugan ang
mga pamilyar at di-kilalang salita.

“Pangalawa, mag bigay ng halimbawa -“Estudyante 10 Ma’am halimbawa ng mga


nang mga di-kilalang salita na ating salitang ito ay lungga na ang ibig sabihin ay ang
ginamit sa talakayan. maliliit na lugar o tahanan nang mga insekto” at
ang pangalawang halimbawa naman ay
“Mahusay!”(Ibinigay ng guro ang nagngangalit na ang ibig sabihin ay “Nanlilisik
premyo sa bata) ang mga mata ng agila dahil sa galit.” Pangatlo
naman ay Dakot-dakot na ang ibig sabihin ay
“Hakot ng buong kamay” pangapat naman ay
Nabulabog na ang ibig sabihin ay naistorbo ang
agila kaya ito ay lumipad.” At ang panghuli ay
Napakaliksi na ang ibig sabihin ay “maabilis
tumakbo. Nakabuo din po kami ng mga
pangungusap gamit ang kayarian ng pang-uri sa
ating isinagawang maikling laro.”

E. Ebalwasyon:

“Ngayon ay mag kakaroon tayo ng -(Nakikinig ng mabuuti ang mga mag-aaral)


maikling pagsusulit, tungkol sa ating
napag-aralan”
“Maglayo layo kayo ng bahagya at
walang magkokopyahan. Ang mahuli
kong mangopya minus 2 sa papel.

Pangalan:_______________ Petsa:__________
Seksyon:________________ Iskor:__________ -(Sinagutan na nang mga mag-aaral ang maikling
pagsusulit)
I. Panuto: Tukuyin ang nakasalungguhit kung ito
ay Kayarian ng Pang-uri. Pumili sa kahon at
ilagay sa patlang ang tamang sagot.

Payak Inuulit

Tambalan Maylapi

_________1. Si Ana ay nagsaliksik tungkol sa


mga katangian at pag-uugali ng mga ibon sa
kagubatan. Natuklasan niya na ang mga
magkakasinglaki ay sabay-sabay na lumilipad
patungo sa iisang direkyson.

_________ 2. Si Elizabeth ay may ginintuang


tinig kaya lagi siyang nagwawagi sa tunggalian
sa kantahan.
__________3. Sina George, Kyle at Felix ay
pumunta sa Parke upang maglaro ng habulan.
Ngunit sa kanilang paglalakad ay mayroong
naganap na aksidente, kaya naman kaagad silang
nagulat sa pulis.

__________4. Mahal na mahal ni Mang Kanor


ang kanilang ilaw ng tahanan. Kaya naman
patuloy silang inaalagaan at pinaghahanda ng
makakain nito sa araw-araw.

__________5. Pinapanood ni Andrew ang


kaniyang paboritong palabas na mulawin, sa
kaniyang panonood hindi maiwasan ni Andrew
na gayahin, sa paglipad ang Agila.

II. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng pamilyar


at di-kilalang salita na nakasalungguhit, isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Patuloy sa paglipad ang agila, hindi niya


nilubayan ang maliksing kuneho.

a. Iniwan b. sinamahan c. tinantanan

_____2. “Nagugutom ako at wala akong


panahong makinig sa sinasabi mo munting
nilalang.
a. hayop b. tao c.bagay

_____3. Lumilipad at pagala-gala si Agila sa


himpapawid
a. dagat b. kalangitan c. gubat
_____4. Oo nga, nagngangalit ang kanyang mga
tingin, tsirp! tsirp! tsirp! Ngunit saan ka
magtatago?” ang tugon ni salagubang.

a. natatakot b. nagmamakaawa c. nanlilisik

_____5.Nagpaikot-ikot ang kuneho sa pusod ng


kagubatan upang hindi siya mabanaagan ni Agila.

a.makita b. kuhanin c. abutin

“Mayroon lamang kayong 10 minutos para


sagutan ang inyong maikling pagsusulit.”
“At pagkatapos ay ating tse-tsekan.”

(Pinapasa na, ng guro ang mga papel at


ipinalit sa magkabilang “row” ng upuan ng
mga mag-aaral ang mga papel at inumpisahan
nang tsekan)
Mga sagot: Mga sagot:
I.
1. Inuulit I.
2. Tambalan 1. Inuulit
3. Maylapi 2. Tambalan
4. Tambalan 3. Maylapi
5. Payak 4. Tambalan
II. 5. Payak
1. C II.
2. A 1. C
3. B 2. A
4. C 3. B
5. A 4. C
5. A

IV. Takdang-Aralin

Panuto: Hanapin at basahin ang kwento ng “Ang Hukuman ni Sinukuan” at pagkatapos, magtala
ng sampong salita nang kayarian ng Pang-uri at bumuo ng maikling pangungusap gamit ang mga
salitang ito sa inyong kwaderno.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Inihanda Nina:

De Guzman, Xhella Rain D.


Geronimo, Lara
Ramos, Marielajessa
(Pangkat – 10)

KONTRIBUSYON NG MEMYEMBRO SA MASUSING BANGHAY ARALIN:

De Guzman, Xhella Rain D. Geronimo Lara Ramos Marielajessa

- Tatlong Layunin - Presentasyon ng Aralin - Pamamaraan


- Pagsasanay/ Pangkatang gawain (Balik-Aral) (Panimulang Gawain)
- Ebalwasyon -Talakayan -Paglalahad ng Aralin
- Takdang-Aralin (Pangganyak)
- Nag Compile ng Masusing Banghay Aralin

You might also like