Orientation Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang araw!

Narito ang ating Parent's and Student's Orientation para sa nalalapit na Limited Face-toface classes sa
ating paaralan.

Bilang paghahanda sa ating gagawing face-to-face classes, narito ang mga hakbang upang maisagawa
ito.

Una, magbibigay ang ating mga guro ng survey form at consent form patungkol sa limited face-to-face
classes, kung saan, magbibigay ang mga magulang ng knilang pahintulot kung lalahok ang knilang mga
anak sa limited face-to-face classes.

Napapaloob din sa consent form ang pagsang-ayon ng nga magulang sa mga patakaran na gagawin sa
pagsasawa ng ating LF2F classes. kabilang na dito ang pagpadala sa kanilang mga anak ng maliit na
lalagayan n may alcohol, pagdala ng sariling pagkain at inumin, pagpresenta nga vaccination card at Qr
code at pagsusuot ng prescribed uniform.

Nirerespeto po namin anuman ang inyong desisyon o kapasyahan.

Ikalawa, ang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Pra grade 7-10 ay may bilang na
dalawampung bata lamang sa isang silid - aralan.

Ikatlo, ang sistema ng kanilang pag-aaral. Pra sa nga pinahintulutan ng magulang at mayroon bakuna,
Hahatiin sa dalawang grupo ang kanilang pangkat na magkakaroon ng 20 miyembro kada grupo. Ang set
A ay papasok sa umaga mula 8:00am hanggang 12:30. Samantala ang set B ay papasok sa hapon mula
12:30-4:30. Ang pagpasok ng mga mag-aaral ay Alternate o Salitan base sa kanilang baitang o grade
level sa pamamagitan ng gabay kanilang gurong-tagapayo. SA unang linggo ay grade8 at grade 9. At sa
pangalawang linggo ay Grade 7 at g10.

Ikaapat, para sa aktwal na pagpasok ng mga bata sa paaralan at kani-kanilang silid aralan, kinakailangan
ang pagsunod sa health protocols at school procedures.

Una, sundin ang mga traffic signs na mkikita sa daanan. Ang yellow lines ay para sa entrance, ang pink
lines ay papuntang exit at ang blue lines namang ay papubtang palikuran o CR. Samantala ang tangerine
circles naman ay kanilang standing point.

Pangalawa, pagsusuot ng face mask saan mang parte ng paaralan.


Pangatlo, sa ating triage, ay kukuhanan sila ng temperture, paglalagay ng alcohol / saniter sa kamay,
pagpresenta ng vaccination cards at Qr code.

Pang-apat, paghuhugas ng kamay sa ating handwashing facility.

Panlima, Sa pagpasok ng mga mag-aaral sa kni-kanilang silid-aralan at kukuha sila ng HDF na


kinakailangan nilang sagutan at ang mga modules na gagamitin sa buong klase.

Pang-anim, upang mapanitili ang tamang distansya at maiwasan ang pagdikit-dikit, sundin ang gabay
patungo sa tamng upuan.

Pang-pito, ang pangpasa ng output, HDF, at modules ay gagawin lamang pagkatapos ng klase. Ilalagay
eto sa mga boxes s likuran. Sundin din po nating ang tamang daanan patungo sa Exit.

Mariing ipinapaalala na ang mga mag-aaral ay dapat nasa paaralan na, 30-45 minuto bago ang kanilang
schedule. Habang mananatili naman s modular distance learning ang mga hindi pinahintulutan ng mga
magulang o kaya ay walang bakuna. Magpapatuloy ang kanilang schedule ng pagkuha at pagsauli ng
modules kada Biyernes.

Para sa ating mga magulang na nag-aantay sa knilang mga anak, naglaan po ang ating paaralan nga
waiting area. Panatilihin lamang natin ang Physical o Social Distancing at iwasan ang pakikipag-usap sa
isa't-isa.

Mariing po nating sundin ang mga nabanggit para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, maging ng
ating mga sarili upang patuloy nating maibahagi ang edukasyon sa ating mga mag-aaral sa kabila ng
pandemya.

Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

You might also like