Professional Documents
Culture Documents
Teoryang Eksistentiyalismo
Teoryang Eksistentiyalismo
AY 2021-2022 School Theme: Benedictine Education- Mission at the Service of the Human Person
PAN.6 PANUNURING PAMPANITIKAN
TAKDANG-ARALIN: TEORYANG EKSISTENTIYALISMO
JULIEN P. TOMOLAC BSED FILIPINO III
A. PAMAGAT: Si Ama
AY 2021-2022 School Theme: Benedictine Education- Mission at the Service of the Human Person
Buod:
Pinilit ipakita sa simula ng kwento ang kakaibang katangian ng
pangunahing tauhan na lalong nagpabigay katanungan sa mambabasa kung
bakit ganoon ang ugali ng ama sa kwento. Sa simula pa lamang ay ipinakita na
kung gaano kaprinsipyo ang ugali ng ama, malinaw na ipinakita ang kanyang
ugali at kataasan, ayaw mangutang na loob at lalong ayaw mautangan ng loob.
Dito na makikita ang masasabing isang matinding sakit ng tao na tinalakay
sa kwento na pagkakaroon ng “pride”, ang siyang naglalayo sa pangunahing
tauhan sa kanyang kapwa at ito rin ang nagtayo ng pader sa pagitan niya at ng
kanyang mga anak.Sa kabilang dako, maituturing na huwaran ang ama sa
kalagitnaan sapagkat sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod napagtapos niya
ang kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral na bihira nang mangyari sa
kasalukuyan.
Sa huling sandali ng buhay ng pangunahing tauhan ay nabigyan nang
pagkakataon ang mga anak na gawin ng mga ito ang matagal na nilang nais
gawin, ito ay ang mapagsilbihan at mapatikim ng ginhawa ang mga magulang
ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ng ama ay hindi niya binigyan ng
pagkakataon ang mga anak na maisagawa ang kanilang nais na libing sa ama
dahil nag- ipon ang ama ng sariling pera para sa isang payak na libing.
Ipinakita ng ama ang pagiging maprinsipyo niya ngunit dahil dito damang
dama ang dangal ng pangunahing tauhan.
Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan: Ang akdang ito ay isang Maikling Kuwento dahil
naglalaman ito ng mga mahalagang pangyayari. Sa kabila ng kaiksian ng
kwento ay kapupulutan pa rin ito ng mga magagandanag aral at nag-iiwan ng
panibagong karunungan sa isipan ng mga mambabasa.
AY 2021-2022 School Theme: Benedictine Education- Mission at the Service of the Human Person
C. Mga Tayutay:
Dalawang manok, kaya kong magbuwal; kung lalampas pa ron ang
gusto nila’y sabihin mong kanila ka na akin ang dalawang manok ko”.
Sa pahayag na ito makikita na mayroong pagpipilian ang ama, kung
ibibigay ba niya ito sa nangangailangan o hindi. Ngunit mas pinili ng
ama na maging praktikal sa buhay.
"Paano po kung magkabisita tayo?" minsa'y nasabi ni Ate Maring kay
Ama. "Baka po magdatingan dito ang mga kaklase ko." "Harapin mo,
tapos!"
Ang pahayag na ito ay isang Pag-uyam (Sarcasm)