For Hard Copy Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 64

i

ANTAS NG KAGALINGAN NG MAGAARAL SA PAGSULAT NG WIKANG


FILIPINO IKA-1O BAITANG

Isang Tesis

Na iniharap sa
Paaralang Gradwado
Capitol University,
Lungsod ng Cagayan de Oro

Bilang Pagtupad sa
isa sa mga Pangangailangan ng
MASTER NG SINING SA FILIPINO

LEONIESES J. KILATON
Hulyo 2021
ii

APPROVAL SHEET
This research entitled “ANTAS NG KAGALINGAN NG
MAGAARAL SA PAGSULAT NG WIKANG FILIPINO SA IKA-
10 BAITANG” prepared and submitted by LEONIESES J.
KILATON in partial fulfilment of the requirements for the
course Research Methodology in Master of Arts in
Education major in Filipino has been examined and
recommended for oral examination.

JOSEPHINE OXILLO-OTED, PhD


Adviser

PANEL OF EXAMINERS

Approved by the Panel of Examiners in partial fulfilment of the


requirements for the course Research Methodology in Master of Arts in
Education major in Filipino with a grade of ___________.

EDWIN C. DU, PhD


Chairman

EVA L. ALCANTARA, PHD JOSEPHINE OXILLO-OTED, PhD


Member Member

Accepted and approved in partial fulfilment of the requirements for


the course Research Methodology in Master of Arts in Education
major in Filipino.

EDWIN C. DU, PhD


Dean, Graduate School
iii

ABSTRAK

Ang pananaliksik ay may layuning makuha ang antas ng


kagalingan ng mag-aaral sa pagsulat ng wikang Filipino sa ika-10
baitang. Nilalayon din nitong matukoy kung mayroon bang pagkakaiba
ng antas ng kagalingan ng magaaral sa pasulat ng wikang filipino batay
sa kanilang propayl; edad, kasarian atbp. Ginamit ng mananaliksik ang
diskriptibong pamamaraan. Ang Descriptive Survey Research Design ay
angkop na napili ng mga mananaliksik. Ang ika-10 baitang ng mga
magaaral ang napiling respondente upang makilahok sa pagaaral na ito.
Lumabas sa pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang
antas kasanayan sa pagsulat ng wikang filipino ayon sa kanilang edad,
kasarian , buwanang kita ng magulang at edukasyon. Batay sa mga
datos na nakalap ang mga sumusunod na kongklusyon ay nabuo:
Karamihan sa mga respondente ay babae na may gulang na 16 pababa,
na may 10,000 pababa na buwanang kita ng magulang at nakapagtapos
sa Sekundarya. Lumalabas sa kabuuang resulta na mayroong mataas,
katamtaman at kailangan paglinangin ang antas ng kagalingan ng mga
mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng mga
ideya at pagbibigay diin sa mga salita. Walang pagkakaiba ang antas ng
kagalingan ng mag-aaral sa mahusay na pagsulat ng wikang Filipino
kung ang mga respondente ay titipunin ayon sa kanilang edad,
buwanang kita ng magulang at edukasyong natapos ng kanilang mga
magulang at may pagkakaiba ang antas ng kagalingan ng mga mag-aaral
sa pagsulat ng wikang Filipino kung ang mga respondente ay titipunin
ayon sa kanilang kasarian.

Mga Susing Salita: Antas, kasanayan, kagalingan, Pananaliksik, Wikang


Filipino, kahusayan, at Pagkatuto sa paraang Pagsasanay
iv

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong patuloy

na nagbiga-suporta upang maging matagumpay ang pagaaral na ito.

Hindi ito mabibigyang kulay kung hindi dahil sa mga mabubuting

pusong naghandog ng tulong at suporta para matapos ang pag-aaral na

ito. Una, sa aming propesor Doc. Josephine Oted, na may mahabang

pasensya sa paggabay upang maitama ang mga pagkakamali’t

pagkukulang sa bawat bahagi ng aking pag-aaral. Sa walang humpay at

walang pagod niyang pagsusubaybay sa pag-aaral para lamang

mabigyang lakas na ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa makatapos

ang isang mananaliksik. Higit sa lahat ay ang paghubog sa kakayahan ko

bilang isang mananaliksik dahil sa ipinakilala niya ang pananaliksik

hindi bilang isang mahirap at nakakatamad na gawain kung hindi

ipinakilala niya ang pananaliksik bilang kaalaman na nararapat hanapin,

at mahalin.

Pangalawa ay sa Dekano ng Paaralang Gradwado na si Dr. Edwin C. Du,

para sa pagkakataong ibinigay sa aking papel na mailahad bago ang

itinakdang araw ng huling pagdedepensa. Sa mga kaalamang

pampananaliksik na ibinahagi at tulong para sa pagpapabuti ng aming

mga papel, ito’y nagsisilbing inspirasyon para mas lalo pang pagsikapan

ng isang mananaliksik na pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Isang


v

mahalagang aral ang binahagi niyo sa aming mga mag-aaral, at iyon ay

tumutukoy sa tunay na sining ng pagsusumikap.

Pang-apat, sa aking pamilya na walang sawang sumusuporta at

nagpapalakas ng aking loob para tapusin ang aking pag-aaral. Sa mga

payo at pangaral na nagbibigay inspirasyon sa akin na sa kanila lamang

ay itinuturing na kayamanan, buong puso ko itong pinasasalamatan.

Panglima, sa institusyong nagpapaaral sa akin na patuloy binibigay ang

mga pangangailangan ko sa aking pag-aaral, ay walang sawang

pinasasalamatan sa pagkakataong ibinigay para ako’y makapag-aral

pang muli. At sa aking mga kaklase lalong-lalo na sa aming Ate Ma’am

Flora Mae Ebalang na walang sawang nagbibigay-tugon sa aking mga

katanungan.

Higit sa lahat, ang pang-anim, ang walang katapusang pagmamahal ng

Poong Maykapal na hindi ako pinabayaan at patuloy na nagbibigay rason

para ako’y magpatuloy sa aking mga adhikain sa buhay.


vi

DEDIKASYON

Ang pag-aaral ay taos-pusong inihahandog sa aking:

Pamilya

Capitol University

mga naging guro/propesor

mga kamag-aral

mga kaibigan

at

POONG MAYKAPAL
vii

TALAAN NG NILALAMAN

NILALAMAN PAHINA

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

ABSTRAK iii

PASASALAMAT iv

DEDIKASYON vi

TALAAN NG NILALAMAN vii

KABANATA 1: ANG SULIRANIN

Panimula 1

Batayang Teoritikal 4

Balangkas Konseptwal 5

Iskematik Dayagram 5

Paglalahad ng Suliranin 7

Paglalahad ng Pagpapalagay 7

Kahalagahan sa Pag-aaral 7-8

Saklaw at Limitasyon 9

Katuturan ng mga Katawagan 9-10

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA


AT PAG-AARAL 11-22
viii

KABANATA 3: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik 23

Lokasyon ng Pananaliksik 24

Disenyo sa pagpili ng mga Tagatugon 24

Mga Tagatugon 25

Instrumento ng Pananaliksik 26

Pagpapatotoo ng nilalaman ng Instrumento 26

Katanggapan ng Instrumento 26

Paraan ng Pagmamarka 27

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos 27

Pag-estadistika ng Pananaliksik 28

KABANATA 4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI


AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS 29-43

KABANATA 5: BUOD, NATUKLASAN, NABATID


AT MUNGKAHI 43-46

TALASANGGUNIAN 47

MGA KARAGDAGANG DAHON 48

APENDIKS A Liham Pahintulot

APENDIKS B Talatanungan

APENDIKS C Liham para sa mga Tagatugon

APENDIKS D Sertipiko ng Pagpapatibay


sa Katanggapan ng Talatanungan
ix

APENDIKS E Pagmamarka sa Papel-Pananaliksik


ng mga mag-aaral
1

Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ayon sa mga dalubhasa, ang pagsulat ay pagsasalin o sa ano mang

kasanayang maaring magamit na mapagsasalinan ng na buong salita,

simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag

ang nasa kanyang isipan (Castro, 2016).

Dagdag pa nito, ang pagsulat ay isang paraan ng pagwawaksi sa

papel ng mga nararanasan o nalalaman. Isang napakalaking hamon ito

sa karamihan sapagkat hindi ito kalimitang ginagawa sa ordinaryong

pagkakataon, kaya’t bihira ring nalilinang ang kasanayang ito.

Napakahalaga na mapagtuunan ito ng pansin, sapagkat isa ito sa mga

gingamit na pamantayan sa pagkilatis kung gaano kahusay ang isang

tao. Ginagamit sa pagsukat ng talino o nalalaman hindi lamang sa loob

ng silid-aralan, kundi maging sa paghahanap ng trabaho at pagkuha ng

mga lisensya o sertipikasyon sa tanggapan ng pamahalaan sa iba’t ibang

panig ng mundo. Kaya’t nararapat lamang na bigyang pansin ito upang

matutunan ang wastong gamit nito tungo sa maayos na kinabukasan.

Sa pananaw naman ni David (2016), ang pagsusulat ay katumbas

ng pagkukuwento. Ang manunulat ang nagkukuwento. Ang pagsusulat

ay hindi lang tungkol sa salita. Kasama nito ang pag-iisip ng paksa,

pananaliksik, pagtatanong at marami pang iba. Mayroong iba’t ibang

dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao. Una, kagaya ng nabanggit
2

sa itaas, ito ay dahil sa pangangailangan ng kurso o ng pag-aaral.

Ikalawa, pampalubag-loob ito, halimbawa ay ang

pagsusulat sa taalarawan. Ikatlo, para maibahagi o mapatunayan ang

natatagong talento kagaya ng ginagawa ng mga makata o kagaya ng

pagsusulat ng mga sanaysay bago tanggapin ang sino man sa isang

mataas na uri ng trabaho. Ikaapat, para maibahagi ang kaalaman

kagaya ng ginagawa ng mga mamahayag at mga dalubhasa o ng mga

mananaliksik na nagsusulat ng aklat at iba pa (Nuncio et al., 2014).

Hindi tulad ng pagsasalita, pormal na pinag-aaralan ang pagsulat.

Ito’y isang sining na nangangailangan ng malalim na pag-unawa at pag-

iisip. Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong

interpersonal na gumagamit ng simbolo na isinusulat/iniuulit. Ang

pagsulat sa Filipino ay gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28

letra (a,b,c…z).

Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat dahil nahaharap tayo sa iba’t

ibang uri ng sulatin araw-araw tulad ng dyaryo, phone bills, electric bills,

liham, paalaala, adbertisment, atbp. Ang sinumang normal na tao ay

nakapagsasalita nang walang sistematiko o pormal na pagtuturo. Ngunit

kakaiba ang pagsulat kailangan ang pormal na pagkatuto sa pagsulat at

nagaganap ito sa paaralan (Abangan et al., 2013).

May mga taong pinagkalooban ng biyayang magkaroon ng

kakayahan sa pagsulat. Magkagayunman, ang sining na ito ay napag-

aralan. Dapat lamang sundin ang mga pamantayan sa masining na pag-


3

sulat. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at tamang

pagbibigay ng diin sa paghayag. Kailangan makatwiran, malinaw, at

maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. Kailangang may

sapat na kaalaman sa wika, balarila at retorika. Kailangan ding

may lubos na mekanismo ng pagsusulat tulad ng ispeling, pagbabantas,

paggamit ng malaki at maliit na tiitk, paggamit ng italika, pagsulat ng

tambilang at pagpapaikli ng mga salita at talata. Pwedeng ipahayag sa

ating kapwa ang ating mensahe na nakatitik, pagsusulat ang ating

komunikasyon. Ang talastasan sa pamamagitan ng liham, telegram,

magasin at mga aklat ay isa rin sa komunikasyong pagsulat.

Dagdag pa niya, mayroong formal at di-formal sa pagsulat. Ang

formal na pagsulat ay nangangailangan ng maingat na pagpili sa himig

nito. Ito ay karaniwang bunga ng pananaliksik, may maingat na pagpili

ng mga salita at may maayos na banghay ng pangungusap. Layunin

nitong magbigay ng mga bagong kaalaman sa mambabasa. Samantala,

sa di-formal na pagsulat, ang may akda ay nagpapahayag ng sarili sa

wikang kinagamayan at sa formal na maibigan. Para lamang itong

nakikipag-usap sa mambabasa, nagbibigay ng sariling palagay o opinyon

ang may-akda at walang modelong pinaparisan. Layunin nitong

magbigay ng aliw o kawilihan sa bumabasa.

Ang mahusay na pagsulat ay gaya ng pag-awit. Hindi natin alam

kung paano umawit para magustuhan ang magandang tinig at ang pag-

awit na sa aking palagay ay kakaiba sa karaniwan ang mahusay na


4

pagsulat ay laging kalakip ang marunong sumulat. Kailangan umugnay

ka sa inyong mambabasa sa kapwa nilalaman ng istilo (Ong, 2007).

Konseptwal na Balangkas

Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na gamitang letra o

alpabeto. Isang proseso ng pagtatala ng karakter sa isang midyum na

may layuning makabuo ng mga salita (School Works, 2010). Ayon

naman kay Villafuerte (2005) ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng

iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap na tao.

Sabi naman ni Aguirre (2014) ang pagsulat ay pagsasalin sa papel

o anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng

nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa

layuning maipahayag ang kanyang/kanilang isipan. Ito ay kapwa pisikal

at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay

pisikal na aktibiti sapagkat dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti

sapagkat hindi maaring hindi gamitin ang utak sa pagsulat.

Sa pananaw naman ni Daniels (2013) ang pagsulat ay isang

sistema na kumulang na permanenten panandang ginagamit upang

kumatawan sa isang pahayag kung saan maari itong muling makuha

nang walang interbensyon ng nagsasalit. Kung pagbabasihan naman

ang pananaw ni Coulmas (2012), ito ay isang set ng nakikitang

simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang

sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe

na maaring makuha o mabigyang-kahulugan ng sinuman na may alam


5

sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.

Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay ang paghahatid

ng mensahe ng awtor (opinion man o mga kaalaman) sa mga mababasa

sa tulong

ng mga titik o simbolo o kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa

paghahatid ng mensahe ang pagiging epektibo ay nakasalalay sa paraan

ng kanyang pagsulat, wikang gagamitin, linaw ng mensahe, uri ng

impormasyon at iba pang mga salik (Castro, 2010).

Samakatwid, ang pagsulat ay isang kontinuwum (continuum) na

mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat

sa isang banda at nang mas complex na gawain sa kabilang dulo. Sa

herarkiya ng sining ng wika, ang pagsulat ay maituturing na

pinakamataas at pinakatampok na kasanayang nararapat linangin sa

mga mag-aara (Fajardo, 2013).

Konseptuwal na Balangkas

Ang pananaliksik ay nakatuon sa antas ng kagalingan ng mga

magaaral sa pagsulat ng wikang filipino sa isa sa mataas na paaralan ng

Misamis Oriental. Ito ay ginamitan ng process approach na kung saan

sinubukan ng mananaliksik na makuha ang antas ng kagalingan ng

magaaral sa pagsulat ng wikang filipino na nakatuon sa kaisahan ng

ideya at pagbibigay-diin ng mga salita sa pamamagitan ng pagpapabasa

ng isang kwento at gagawan ng nila ng buod.

Sa bahaging ito, ang pag-aaral na ito ay itinutuklas ang Antas ng


6

kagalingan ng mag-aaral sa na pagsusulat sa Wikang Filipino.

Malayang Baryabol Hindi Malayang Baryabol


Propayl ng respondente Antas ng kagalingan ng

 Edad magaaral sa pagsulat ayon sa:

 Kasarian  Pagka-ugnay ugnay ng

 Buwanang Kita ng mga ideya

Magulang  Kaisahan ng mga ideya

 Edukasyong
Pigura  ng
1: Iskimatikong dayagram na nagpapakita Pagbibigay
malayangdiin ng mga
baryabol
at hindi malayang baryabol. salita
natapos ng

magulang
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa antas ng Kagalingan ng mag-aaral

sa na pagsusulat sa Wikang Filipino sa taong panuruan sa 2020-2021.

Ito ay naglalayon na matugunan ang mga sumusunod na mga

katarungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa sumusunod:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian;

1.3 Buwanang kita ng mga magulang;

1.4 Edukasyong natapos ng magulang;

2. Ano ang Antas ng kagalingan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

Wikang Filipino ayon sa:

2.1Pagka-ugnay ugnay ng mga ideya;


7

2.2Kaisahan ng mga ideya;

2.3 Pagbibigay diin ng mga salita;

3. Mayroon bang pagkakaiba sa antas ng mga kagalingan ng mag-

aaral sa pagsusulat sa Wikang Filipino kung titipunin ayon sa:

3.1 Edad;

3.2 Kasarian;

3.3 Buwanang kita ng mga magulang;

3.4 Edukasyong natapos ng magulang;

Null Haypotesis

Basi sa isinigawang pagkalap at pagkuha ng lumabas na walang

makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kagalingan sa mahusay na

pagsusulat ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang , sa

pagpapatuloy ng pag-aaral na ito ang Null Hypotesis ay sinubukan sa

antas na 0.05 na pagkakaiba.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa maraming kadahilanan.

Mga Namamahala ng Paaralan/Administrador. Ang pag-aaral na

ito ay makapagbibigay ng pananaw sa mga programa at pagpaplano

upang sila ay magtulungang mapaunlad, malinang at magabayan ang

antas ng kagalingan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng wikang Filipino.


8

Sa Mga Magulang. Mabigyan sila ng higit pang kaalaman tungkol

sa antas ng kagalingan ng kanilang mga anak sa pagsusulat ng wikang

Filipino at makatulong sila sa paglinang nito.Bilang unang guro ng

kanilang mga anak. Sila ang pangunahing tagasubaybay sa wasto at

epektibong pagkatuto ng mga mag

aaral sa wikang Filipino.

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay alam

sa mga mag-aaral kung nasa anong antas ng kagalingan sa pagsusulat

ng wikang Filipino mayroon ang bawat isa nila. Nakapagbibigay daan din

ito upang lubos na malinang ng mga mag-aaral ang kanilang kagalingan

sa pagsulat ng wikang Filipino.

Sa Mga Guro. Bilang tagapaghatid ng kaalaman sa mga mag-aaral

ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mapaunlad ng mga guro

ang kanilang sariling kagalingan, kasanayan at kaalaman sa wikang

Filipino.

Sa Mga Mananaliksik. Ito ang magsisilbing gabay sa hinaharap na

pananaliksik at pag-aaral sa asignaturang Filipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa isa sa mga pampublikong

paaralan na sakop sa lalawigan ng Misamis Oriental. Ginanap sa


9

paghuling kwarter ng taong panuruan 2020-2021. Saklaw sa pag-aaral

na ito ang mga mag-aaral sa ika-10 baitang.

Ang pag-aaral na ito ay nalilimitahan sa antas ng kagalingan ng

mag-aaral sa pagsulat ng wikang Filipino ng mag-aaral sa ika-10

baitang.

Depinasyon ng mga Terminilohiya

Upang maiwasan ang pagkalito ang mga terminilohiya ay binigyan

ng teoritikal at konseptwal na pagpapakahulugan.

Balarila. Sa pag-aaral na ito, ang salitang balarila ay

nangangahulugang ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan

ng mga sumusunod: morpolohiya o pagsusuri sa pagkakabalangkas ng

salita; ng sintaks o pagsasaayos upang ang mga salita ay makabuluhang

pangungusap.

Dalubhasa. Sa pag-aaral na ito, ang salitang malikhain ay

nangangahulugang ang dalubhasa ay isang magaling, bihasa o

ekesperto sa isang bagay o gawain.

Istilo. Sa pag-aaral na ito, ang salitang istilo ay ay

nangangahulugang pamamaraan. Ito ay ang paraan kung papano

ginawa ang isang gawain.

Kasanayan. Sa pag-aaral na ito, ang salitang kasanayan ay

nangangahulugang ang natutunang kapasidad o kakayahan na

maipatupad ang mga resultang nauna nang natukoy at kadalasang may

mababang paggugol ng panahon, enerhiya o pareho ang kasanayan ay


10

ang isang pinag aralan upang iyong mapakinabangan at dahil dito ay

natutupad mo ang ano mang gustuhin mo.

Kubli. Sa pag-aaral na ito, ang salitang kubli ay

nangangahulugang ang mga nakatagong ibig ipakahulugan ng mga

salitang ginamit.

Mabisa. Sa pag-aaral na ito, ang salitang mabisa ay

nangangahulugang pagtukoy sa pagiging epektibo ng isang mambabasa

sa paksang binabasa.

Malikhain. Sa pag-aaral na ito, ang salitang malikhain ay

nangangahulugang pagiging mapanlikha o pagiging mapaglikhain

(creative). Ito ay ang kababalaghan o penomeno kung saan ang isang tao

ay nakakalikha ng bagong bagay.

Sa pag-aaral na ito, ang salitang malinang ay nangangahulugang

madebelop ang kakayahan sa pagbabasa ng isang taong kasangkot dito.

Midyum. Sa pag-aaral na ito, ang salitang midyum ay tumutukoy

ito sa daluyan o daanan ng inihahatid na mensahe.

Pagsasalin. Sa pag-aaral na ito, ang salitang malikhain ay

nangangahulugang (pagsasalinwika) ay ang gawain ng pagpapaunawa ng

mga kahulugan ng panitik (teksto), at ng kinalabasang paglikha ng

katumbas na teksto – na tinatawag na salinwika– na naghahatid ng

kaparehong mensahe na nasa ibang wika. Tinatawag na pinagmumulang

teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang patutunguhang wika ay


11

tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay tinatawag

na puntiryang teksto.

Pagsasatitik. Sa pag-aaral na ito, ang salitang pagsasatitik ay

nangangahulugang ang pagsulat ng mga ideya gamit ang mga titik

(alpabeto) na siyang magiging simbolong nakasulat na may mga

kahulugan.

Pakikipagtalastasan. Sa pag-aaral na ito, ang salitang

pakikipagtalastasan ay nangangahulugang isang paraan ng

komunikasyon para tayong lahat ng mga Filipino ay mag kakaintindihan

at mag kaunawan sa isat isa.

Sosyo-kognitibong pananaw. Sa pag-aaral na ito, ang salitang

sosyo kognitibong pananaw ay nangangahulugang proseso ng pagsulat.

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay ng

maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskripto. “Sosyo” salitang

tumutukoy sa lipunan ng mga tao. “Kognitib”tumutukoy sa pag-iisip.

“Sosyo-kognitibong pananaw sa Pagsulat” na ang pagsulat ay kapwa

isang mental at isang sosyal na gawain.


12

Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura

at pag-aaral na makabuluhang ginamit ng mananaliksik upang lalong

maging maliwanag ang paglalahad ng kasalukuyang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Binigyang-diin ni Tompkins et.al (2016) ang pagsulat bilang isang

proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi nahahati sa iba’t ibang

yugto. Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang dapat

matutuhan ng mga mag-aaral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan

din niya kung paano mag eksperimento sa gamit sa wika. Dahil sa

ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa mga mag-aaral

ang prosesong pagdulog na binubuo ng sumusunod na mga yugto:

prewriting; drafting; revising; editing at publishing.

Ang mga gurong gumagamit ng ganitong lapit ay nagbibigay sa mga

mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta sa pagbuo ng isang

sulatin - sapat na oras at feedback. Ang kabisaan ng paggamit ng


13

prosesong pagdulog sa pagsulat ay pinatunayan sa kwalitatibong pag-

aaral na isinagawa ni Concepcion (2016). Lumabas sa kanyang pag-aaral

na mas mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung

ginagamitan ng prosesong pagdulog ang mga ito. Napatunayan ding

malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang ng komprehensyon ng

mga mag-aaral, lalo pa kung isinasaalang-alang ang interes, kakayahan

at istilo sa pagkatuto ng mga estudyante.

Ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang

kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa

pagtatanggi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung

alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika

upang makapangatwiran siya ng mabisa; kailangang alam din niyang

taglayin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain sa isang kawili-

wiling paglalahad; kailangan mayroon din siyang kakayahan sa

pagbibigay ng sariling pagpapasya at iba pa. Ang pagsulat ay isang

kompleks na kasanayan. Ang isang manunulat ay kailangang may sapat

na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin.

Ang impormasyon ay maaaring sa mga sangguniang aklat, dyornal

at iba pa o mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid at

personal na mga karanasan. Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat

ang dahilan kung bakit sila nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito
14

sa kanyang paraan ng pagsulat. Ang kaibahan sa anyo o porma ng isang

sulatin ay nakabatya ng malaki sa layunin.

Dapat alam nila ang istilo ng wikang angkop na gagamitin sa lahat

ng pagkakataon. Dapat isaalang-alang ang mga kumbinasyon sa

pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling

pormat at istilo ng wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa

pagsulat ng isang memorandum. Ang isang manunulat ay dapat

magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip.

Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatanhi ng mga

bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o

hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang

makapangatwiran siya ng mabisa; kailangang alam din niyang taglayin

ang kanyang imahinasyon at maging malikhain sa isang kawili-wiling

paglalahad; kailangan mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng

sariling pagpapasya at iba pa

(http://edukasyun.com/2013/12/10/kahalagahan-ng-pagsulat).

Ang pagsulat ay isang kompleks na proseso sa pag-iisip. Isa sa mga

tungkulin ng manunulat ang makabuo ng maayos na talataan na

naglalahad ng malinaw na ideya at mga pansuportang detalye. Nagagawa

rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang

pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay

na teksto sa pamamagitan ng mga angkop na pang-ugnay.


15

May sistema ng pagpapahalaga, dapat isaalang-alang sa pagsulat

ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at handa

niyang panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang

mga sumusunod:

● Ano ang mahalaga sa paksa

● Ano ang maganda o mahusay na pagsulat

● Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin.

Ang Mekaniks, “ang pagsusulat, pagbabaybay, pagbabantas, at

kombenasyon sa pagsulat.” Dapat isaisip na ang maayos na

pagkakasulat ng isang sulatin ay isang kailanganin na dapat isaalang-

alang sa pagsulat. Kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin sa

pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin dapat kaligtaan ang wastong

pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa pagsulat.

Ang proseso ng pagsulat, dapat mabatid ng isang manunulat ang

mga proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa; paglilikom ng

mga ideya; paggawa ng draf o borador; pagrerebisa; pag-eedit, ibayong

pagtingin at pagpapakinis sa buong manuskripto at paglalathala.

Mapapansing ang dating kaalaman ng manunulat at ang mga

kasanayan sa paghinuha ang nasa sentro ng modern ,pagpapatibay ng

paniniwalang ang pagsulat ay pag-uugnay ng impormasyon mula sa

teksto at impormasyon na nasa isipan ng manunulat.

Kaugnay na Pag-aaral
16

Ayon kay Kellogg (2014), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga

kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula at

makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Ganito rin ang

sinabi ni Gilhooly (2005) na ang pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang

mga tao ay bumubo, gumagamit at nagbabago ng panloob na

simbolikong modelo.

Binanggit pa ni Kellogg na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal

ng utak. Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral

ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng pagpapasya at gawain sa

pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang mayamang produkto na

ginagawa ng mga manunulat.

May ilang argumento rin na sinabi si Kellogg sa pag-aaral ng

pagsulat. Una. Ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang

kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip na mabuti ay maaaring hindi sapat na

kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin

ang kinakailangang kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang

instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa.

Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na

gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawwaing pampag-iisip. Bilang

pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupunyagi na

mag-isip.
17

Ang modelong kognitibo nina Bereiter at Scardamalia (2016) ay

nagbigay ng dalawang panukala sa pagbuo ng pagsulat. Ang isang

modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang

nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay at ang ikalawang modelo ay

nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang

nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat. Nagkaroon din ng problema

rito kung paano maipakikita ang proseso ng pagsulat at kung kailan

nagsisimulang magsulat ang manunulat.

Marami na ang ginawang mga pag-aaral tungkol sa Antas ng

kasanayan sa pagsulat na inaasahang makakatulong sa pagpapa-unlad

ng kasanayang ito.

Ayon kay Badayos (2013) marami ring bilang ng mga mag-aaral

ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at

kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga

ng maling konsepto at mahinang stratehiya sa pagtuturo ng pagsulat.

Kadalasan, naapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga

mag-aaral sa pagsulat.

Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga

mag-aaral sa kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng

pagsulat. Masasalamin ang kahandaang ito sa maraming gawaing

inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat.


18

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang

maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at

ilustrasyon ng ating kaisipan. Samakatuwid ang pagsulat ay bunga ng

ating mga karanasan at kaalaman. At ito ay binibigyan ng interpretasyon

sa pamamagitan ng pagsulat. Ang kawalan ng karanasan at kaalaman sa

isang paksa ay isang balakid sa epektibong pagpapahayag at pagbuo ng

komposisyon.

Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa

wastong gamit ng mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at

retorika. Marapat lamang na ang isang mag-aaral ay maihanda at

magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang nabanggit upang maging

magaan at mabisa ang pagsulat

(http://www.study.com/subjects/kaugnay-na-literatura-sa-pagbasa-

page1.html).

Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga

mag-aaral sa kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng

pagsulat. Masasalamin ang kahandaang ito sa maraming gawaing

inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat (Rudell, 2006).Ang

pagsulat bilang isang proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi

nahahati sa iba’t ibang yugto.

Dahil sa ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa

mga mag-aaral ang process approach na binubuo ng sumusunod na mga


19

yugto: bago sumulat; paggawa ng barador; pagrerebisa; pag-eedit at

paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit ng ganitong dulog ay

nakabibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta sa

pagbuo ng isang sulatin, ito ay ang sapat na oras sa pagsusulat at

pagbibigay ng puna. Pinatutunayan lamang nito na nararapat na

maituturo sa mga mag-aaral ang process approach sa pagsulat upang

maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat.

Inaalis din nito ang mga balakid na maaaring humahadlang upang

madali ang pagpapahayag ng saloobin at pananaw tungkol sa isang

paksa.

Mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga mag-aaral ay

bibigyan nga sapat ng panahong makapagsusulat; binibigyang diin na

ang pagsulat nangangahulugan ng eksperimentasyon sa paggamit ng

wika, pagsubok ng mga bagong ideya, isang gawain ng paglikha.

Mahalaga ring mabigyan ng angkop na kasangkapan.

Ang bawat institusyon ng lipunan gaya ng paaralan ay may

responsibilidad sa paghuhubog ng kasanayan sa pakikipagtalastasan na

maaaring ito ay pasalita o pasulat man. Ang paglinang ng kakayahang ito

ay magdudulot ng mahigit na pakinabang sa bawat kabataan na

nagnanais na marinig ang saloobin, maunawaan ang pagkatao,

maibulalas ang kanilang damdamin at makamit ang mataas na antas ng

karunungan at kaganapang pantao (Bernales et al., 2015).


20

Ganito rin halos ang paniniwala ni Lantolf (2015) kaugnay ng

pagsulat at pagkatuto sa pagsulat. Para sa kanya, mahalagang salik ang

interaksyong sosyal sa pagkatuto ng mga magaaral. Nakatutulong ito sa

tulong ng scaffolding, ang suporta o gabay na ibinibigay ng guro, kamag-

aral, at magulang upang mapagtagumpayan ng mga-aaral ang mga

gawaing lubhang mahirap para sa kanya. Binigyang-diin pa ni Lantolf na

mas makabubuti ang mga kolaboratibong gawaing hahamon sa

kakayahan ng mga estudyante habang may suporta ang guro, at klase,

kaysa paulit-ulit na mga gawaing kaya nang isagawa ng mag-aaral nang

nag-iisa. Habang natututuhan ng mag-aaral ang isang aralin, unti-unti

nang inaalis ng guro ang kanyang paggabay sa iba’t ibang gawain,

kabilang na ang pagsulat. Samakatwid, habang nararanasan ng mag-

aaral ang proseso ng pagsulat, nagkakaroon siya ng malawak na

kaalaman tungkol sa paksang kanyang isinusulat.

Nagaganap ito sa patuloy niyang obserbasyon sa kanyang guro

bilang modelo ng kanyang gawaing pasulat, gayon din sa interaksyon

niya sa mga kapwa mag-aaral. Nangangahulugan lamang na hindi

lamang gawaing pang-indibidwal ang pagsulat. Nagaganap ito sa isang

discourse community na ang bawat kasapi ng komunidad ay malayang

nakikipagtalastasan.ipinahayag niya ang proseso ng dulog sa pagsulat ay

nangangailangan ng maraming hakbang mula sa paglikha ng ideya,

pagsulat, pagrerebisa at pagkuha ng feedback sa mga bumasa ng iyong


21

sinulat at pagsulat muli. Siya ay nagdesinyo ng mga hakbanging sa

pagsulat na hango sa ganitong pananaw. Ang kanyang desinyo ay

nakabalangkas ng ganito.

Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa rin ang mga mag-aaral

na nakatatapos ng elementarya na kulang sa kakayahan sa pagsulat.

Kung nakasusulat man, ang kanilang mga nililikhang sulatin ay hindi

tumutugon sa mga itinakdang kraytirya sa kanilang antas ng pagkatuto

(Bersales at Villafuerte, 2008).

Ayon kina Alejo et al. (2008), may iba't ibang kahulugan ang

pagsulat gaya ng mga sumusunod:

• Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag

na gamit ang mga letra ng alpabeto.

• Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa

ibabaw ng papel para katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng

isang wika.

• Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang

midyum na may layuning makabuo ng mga salita.

Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya ang

tahasang pagsasanay ay dapat na gawin upang malinang nang husto ang

kasanayan sa pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon

muna ng kaalaman sa iba't ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat


22

Panimulang pagsulat-sa yugtong ito ng pagsulat ang mag-aaral ay

nagpaplano ng isusulat bago sulatin ang borador. Ito rin ay dumaraan sa

mga sumusunod na proseso.

● Pagpili ng paksa- natutuon ito sa pagpili ng paksa batay sa inyong

interes at lawak ng kaalaman. Itala ang lahat ng mga ito, mula sa mga ito

ay pumili ng iyong paksang susulatin.

● Pagpili ng anyong komposisyon- ito ay nakatuon sa pagdedesisyon kung

ang susulatin ay isang sanaysay, talambuhay, o maikling kwento. Ito ang

magbibigay sa iyo ng gabay sa pagsulat.

● Limitan ang paksa- kailangan pumili lamang ng isang aspekto o bahagi

ng iyong paksang nais na sulatin.

Pagsulat ng borador- nakatuon sa pagsulatng iyong unang

borador. Magsulat at hayaan muna ang mga maling baybay at

bantas.Maaari mo naman itong itama pagkatapos mong basahin muli

ang iyong borador.Hayaan mo ang daloy ng ideya. Sundin mo ang plano o

banghay (https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabasa_(gawain) .
23

Kabanata 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay inilahad ang mga disenyo ng pananaliksik,

lokal ng pag-aaral, pinagmulan ng datos, instrumentong ginagamit sa

pag-aaral, instrumentong ginamit sa pananaliksik, pamamaraan ng

pagbibigay ng iskor, pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at

estatistikang ginamit sa pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng pananaliksik

Ginamit ng mananaliksik ang diskriptibong pamamaraan. Ito ay

isang paraan upang ipaliwanag ang mga datos at mga karakteristiks sa

napag-aralan. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang

Descriptive Survey Research Design ay angkop na napili ng mga

mananaliksik. Ang nasabing uri ay ginagamitan ng mga survey

questionnaires o talanatungan na pupunan ng mga respondente at siyang

panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang

disenyong ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat mas madaling


24

kumuha ng mga kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga

respondente.

Kinalalagyan ng Pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa sa Aplaya National High School

na matatagpuan sa Aplaya , Jasaan, Misamis Oriental. Ang mga

respondente ay nasa ika-10 baitang na mga magaaral sa taong panuruan

2020-2021 na may kabuuang populasyon na tatlong daa’t walo (308)

magaaral. Ang mag-aaral na respondente ay nanggaling sa iba’t ibang

lugar ng lungsod ng Jasaan, Tagoloan at Villanueva sa lalawigan ng

Misamis Oriental.

Ang Aplaya National High School (ANHS) ay naitayo sa taong 1976

binuo sa ilalim ng pamamahala ni kapitan Victorico Valledor.

Sa ngayon, Aplaya National High School ay mayroon ng Labing-

apat (14) na may 3 sekyon sa bawat level sa pamamahala ni Virgilio I.

Diaz , Jr. – punong guro.

Mga Respondente

Ang pinag-aaralan ay ang mga mag-aaral sa ika-10 baitang taong

panuruan 2020-2021.

Sa kabuuang populasyon na tatlong daan at walo (308),

animnapu’t dalawa (62) respondente ang napili na sampol para sa pag-

aaral na ito.
25

Paraan ng Pagkuha ng Sampol

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

ika-10 baitang sa isa sa mga paaralan sa Misamis Oriental 2020-2021.

May tatlong daan at walo (308) ang populasyon ng mga magaaral. Sa

populasyong ito ang kabuuang bilang ng mga respondente ay animnapu’t

dalawa (62) sa pamamagitan ng purposive sampling.

Ang ginagamit ng mga mananaliksik para makuha ang sample size

ay purposive sampling. Ang ginamit na pamantayan upang malaman

kung sino ang mga karapatdapat na maging respondente ay ang mga

sumusunod: 1.) dapat nakaenrol sa taong panuruan 2020-2021. 2.) mga

mag-aaral na nasa ika-10 baitang at 3.) Ang mga magaaral ay dalawang

seksyon lang na tinuturuan ng guro sa Filipino.

Instrumentong Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagsulat ng

sanaysay ito ay ginagamit sa pagtaya ng antas ng kagalingan ng mag-

aaral sa na pagsulat sa wikang Filipino.

Ang nabanggit na pagsulat ng sanaysay ay binubuo ng mga iskor

na 18 para sa kaugnayan ng mga ideya, 18 para sa kaisahan ng mga

ideya, 14 para sa pagbibigay diin ng mga salita. Ang kabuuang iskor ay

50.

Paraan ng Pangangalap na mga Datos


26

Isang liham ang ginawa at pinalagdaan sa Punong-guro ng

paaralan upang maging patnubay sa pagmumudmud ng talatanungan.

Ang pamimigay ng sarbey-kwestyuner ay isinagawa pagkatapos makuha

ang permiso ng pangulo ng paaralan.

Ang mga mag-aaral ay personal na mamahagi at magmumudmud

ng talatanungan sa mga respondente kung saan ang mga ito ay binigyan

ng dalawampung minuto (20) upang sagutin ang mga katanungan

Pamamaraan ng Pagmamarka

Bibigyan ng iskor ang unang burador at pinakahuling burador ng

mga mag-aaral gamit ang mahusay na pagsusulat ng wikang Filipino.

Magsisilbing tagapagwasto at tagapagbigay puna ang guro. Magkahiwalay

ang iskor sa kaugnayan ng mga ideya, kaisahan ng mga ideya at

pagbibigay diin ng mga salita. Ang bawat iskor sa pagsulat ng burador at

ang huling burador ay ihahambing upang masusukat ang kahusayan sa

pagsulat ng wikang Filipino. Susukatin din ang kabuuan ng iskor o

bahagdan na nakuha sa bawat component upang matukoy ang bawat

antas ng kagalingan sa pagsulat.

Narito ang mga sumusunod na panuntunan:

A. Pagmamarka sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya at kaisahan ng

mga ideya.
27

Talahanayan 1

Iskor Interpretasyon

16-18 Pinakamataas

11-15 Mataas

6-10 Katamtaman

0-5 Mababa

B. Pagmamarka sa pagbibigay diin ng mga salita.

Talahanayan 2

Iskor Interpretasyon

11-14 Mataas

6-10 Katamtaman

0-5 Mababa

C. Kabuuang pagmamarka.

Talahanayan 3

Bahagdan Interpretasyon

90-100 Napakamagaling

85-89 Magaling

75-84 Katamtaman
28

74 Pababa Kailangan panglinangin

Kagamitang Istatistiko

Ang mananaliksik ay gumamit ng sumusunod na pagsusuring

pang istatistika sa pagsusuri at enterpretasyon ng mga pag-aaral.

Frequency at Porsyento bilang ng pamamahagi na ginamit upang

matukoy ang personal propayl na sumasagot sa mga tuntunin ng edad,

kasarian at baitang.

Weighted Mean ginagamit upang matukoy ang antas ng kagalingan ng

mga mag-aaral sa pagsulat ng wikang Filipino.

ANOVA ginagamit upang matukoy ang pagkakaiba sa antas ng

kagalingan ng mag-aaral sa na pagsulat sa wikang Filipino ng mga mag-

aaral sa unang sa ika-10 baitang sa taong panuruan batay sa kasarian,

edad at baitang.
29

KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Inilalahad ng kabanatang ito ang analisis at interpretasyon ng mga

datos na nakalap mula sa pag-aaral. Ang interpretasyon ay sistematikong

sumusunod sa organisasyon ng mga problema na inilalahad na sa mga

naunang mga kabanata ng pag-aaral.

Unang Suliranin. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa edad,

kasarian, buwanang kita ng magulang, at edukasyong natapos ng

magulang ?

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa edad. Ayon sa talahanayan, kadalasan sa mga

respondente ay may edad na 16 pababa taong gulang (29 o 46.78%)

habang ang may pinakamababang bilang ay may edad na 23 pataas (4 o

6.45%). Samakatuwid, mas maraming mga mag-aaral na may edad 16


30

pababa o mas bata pa kumpara sa mga respondente na nasa edad 23

pataas sa ika-10 baitang ng mga magaaral sa mataas na paaralan ng

Aplaya na naka-enroll sa taong panuruan 2020-2021.

Talahanayan 4

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Edad Bilang Bahagdan


16 pababa 29 46.78
17-18 19 30.64
19-20 4 6.45
21-22 6 9.68
23 pataas 4 6.45
Kabuuan 62 100

Ang Talahanayan 5 ay nagpapahiwatig ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa kasarian na babae at lalaki. Ito ay nagpapakita na

mas marami ang populasyon ng mga babaeng mag-aaral na may (37 or

59.68 %). Sa kabilang dako naman, ang mga lalaking mag-aaral ay may

kakaunti lamang na populasyon na may (25 or 40.32%). Ito ay

nagpapahiwatig na mas marami ang babae kaysa lalaking mag-aaral na

nasa ika-10 baitang ng mga magaaral sa mataas na paaralan ng Aplaya

na naka-enroll sa taong panuruan 2020-2021. Ayong kay Bernales na

karamihan sa mga kababaihan ay mahilig sa pagsusulat kung kaya ang

mga kalalakihan ay may iba pang hilig maliban sa pagsusulat.

Talahanayan 5
31

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Kasarian Bilang Bahagdan

Lalaki 25 40.32

Babae 37 59.68

Kabuuan 62 100

Ang talahanayan 6 ay nagpapahiwatig ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa buwanang kita ng kanilang mga magulang.

Ipinapakita sa talahanayan ang pagkakaiba ng buwanang kita ng mga

magulang ng mga respondente. Nakasaad na mayroong (39 o 62.90%) na

kumikita ng 10, 000 pababa. Mayroon namang (9 o 14.52%) na kumikita

sa 10,000-15,000. Sa 16,000-19,000 naman ay binubuo ng (4 o 6.45%)

at mayroong (10 o 16.13%) ang mayroong buwanang kita hanggang

20,000 pataas. Sa madaling sabi, mas marami sa mga magulang ng

respondente ay mabababa ang buwang kita kumpara sa mga magulang

na may matataas na buwanang kita kung saan ang buwanang kita ay

nakakaapekto sa pagaaral na ito.

Talahanayan 6

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Buwanang kita ng

Magulang

Buwanang Kita Bilang Bahagdan

10,000 pababa 39 62.90


32

10,000-15,000 9 14.52

16,000-19,000 4 6.45

20,000 pataas 10 16.13

Kabuuan 62 100

Ang talahanayan 7 ay nagpapahiwatig ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa edukasyong natapos magulang. Ito ay nagpapakita

na mayroong mga magulang ng mga mag-aaral na hindi nakapagtapos ng

sekondarya na may (5 o 8.07%). Mayroong bilang na (29 o 46.77 %) na

magulang ng mag-aaral ang nakapagtapos sa sekondarya. At may (3 o

4.84%) ang hindi nakapagtapos sa kolehiyo at mayroong bilang na (25 o

40.32%) ang nakapagtapos ang magulang sa kolehiyo. Samakatuwid,

karamihan sa mga magulang ng respondente ay nakapagtapos sa

sekondarya ngunit hindi naman nalalayo ang bilang ng mga magulang ng

respondente ang nakapagtapos sa kolehiyo.

Talahanayan 7

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edukasyong Natapos ng

Magulang

Antas na pinag-aralan ng Bilang Bahagdan


Magulang
33

Nakapagtapos ng 5 8.07
Elementarya
Nakapagtapos ng 29 46.77
Sekundarya
Hindi nakapagtapos ng 3 4.84
Kolehiyo
Nakapagtapos ng Kolehiyo 25 40.32

Kabuuan 62 100

Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa rin ang mga mag-aaral na

nakatatapos ng elementarya na kulang sa kakayahan sa pagsulat. Kung

nakasusulat man, ang kanilang mga nililikhang sulatin ay hindi

tumutugon sa mga itinakdang kraytirya sa kanilang antas ng pagkatuto

(Bersales at Villafuerte, 2008).

Ikalawang suliranin: Antas ng kagalingan ng mag-aaral ayon sa

pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng mga ideya at

pagbibigay diin ng mga salita.

Ang talahanayan 8 ay naglalahad ng distribusyon ng

respondente batay sa antas ng kagalingan sa pagsulat ayon sa

kaugnayan ng mga ideya. Makikita dito na karamihan sa mga

respondente ay nagtala sa Mataas na leybel na may 35 o 56.45 na

bahagdan. Pumapangalawa ang nagtala sa Pinakamataas na leybel na

may 17 o 27.42 na bahagdan. Pangatlo naman ang nagtala sa


34

Katamtaman na leybel na mayroong 10 o 16.13 at walang nagtala sa

Mababang leybel. Samakatuwid lumalabas na ang kabuuang diskripsyon

sa pag-aaral na ito ay Mataas sa antas na pagkakaugnay sa mga ideya ng

mga respondente.

Talahanayan 8

Distribusyon Ng Mga Respondente Batay Sa Antas Ng Kagalingan Ng

Mag-aaral Ayon Sa Pagkaugnay-ugnay Ng Mga Ideya

Kaugnayan ng mga Bilang Bahagdan

ideya

Pinakamataas 17 27.42

Mataas 35 56.45

Katamtaman 10 16.13

Mababa 0 0

Kabuuan 62 100

Ang talahanayan 9 ay naglalahad ng distribusyon ng

respondente batay sa antas kagalingan sa pagsulat ayon sa kaisahan ng


35

mga ideya. Makikita dito na karamihan sa mga respondente ay nagtala sa

Mataas na leybel na may 33 o 53.23 na bahagdan. Pumapangalawa ang

nagtala sa Katamtaman na leybel na may 15 o 24.19 na bahagdan.

Pangatlo naman ang nagtala sa Pinakamataas na leybel na mayroong 14

o 22.58. At walang nagtala sa Mababang leybel. Samakatuwid lumalabas

na ang kabuuang diskrpisyon sa pag-aaral na ito ay Mataas sa antas ng

kaisahan sa mga ideya ng mga respondente.

Talahanayan 9

Distribution Ng Mga Respondente Batay Sa Antas Ng Kagalingan Ng

Mag-aaral Ayon Sa Kaisahan Ng Mga Ideya

Kaisahan ng mga ideya Bilang Bahagdan

Pinakamataas 14 22.58

Mataas 33 53.23

Katamtaman 15 24.19

Mababa 0 0

Kabuuan 62 100

Ang talahanayan 10 ay naglalahad ng distribusyon ng

respondente batay sa antas kagalingan sa pagsulat ayon sa kaisahan ng

mga ideya. Makikita dito na karamihan sa mga respondente ay nagtala sa


36

Mataas na leybel na may 32 o 51.61 na bahagdan. Pumapangalawa ang

nagtala sa Katamtaman na leybel na may 30 o 48.39 na bahagdan. At

walang nagtala sa Mababang leybel. Samakatuwid lumalabas na ang

kabuuang diskrpisyon sa pag-aaral na ito ay Mataas sa antas ng

pagbibigay-diin sa mga salita ng mga respondente.

Talahanayan 10

Distribusyon Ng Mga Respondente Batay Sa Antas Ng Kagalingan Ng

Mag-aaral Ayon Sa Pagbibigay Diin Ng Mga Salita

Pagbibigay diin ng mga Bilang Bahagdan

salita

Mataas 32 51.61

Katamtaman 30 48.39

Mababa 0 0

Kabuuan 62 100

Ikatlong suliranin: Mayroon bang pagkakaiba sa antas ng kagalingan

ng mag-aaral sa pagsusulat sa Wikang Filipino kung ang respondente


37

ay titipunin ayon sa edad, kasarian, buwanang kita ng magulang at

Edukasyong natapos ng magulang.

Ang talahanayan 11 ay naglalahad antas ng kagalingan ng

mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng mga

ideya, at pagbibigay diin ng mga salita ayon sa edad ng mga respondente.

Ang may edad na 16 pababa ay may bahagdan na 77.40 sa pagkaugnay-

ugnay ng mga ideya, 78.67 sa kaisahan ng mga ideya at 74.64 sa

pagbibigay-diin ng mga salita, sa kabuuan ay may bahagdan na 76.90 na

may intrepetasyon na katamtaman. Ang may edad na 17-18 ay may

bahagdan na 82.45 sa pagkaugnay-ugnay ng ideya, 77.49 sa kaisahan ng

mga ideya at 77.81 sa pagbibigay-diin ng mga ideya, sa kabuuan ay may

79.25 na bahagdan na may interpretasyon na katamtaman. Ang may

edad na 19-20 ay may bahagdan na 70.83 sa pagkaugnay-ugnay ng

ideya, 73.61 sa kaisahan ng mga ideya at 73.21 sa pagbibigay-diin ng

mga ideya, sa kabuuan ay may 72.55 na bahagdan na may

interpretasyon na kailangan paglinangin . Ang may edad na 21-22 ay

may bahagdan na 75 sa pagkaugnay-ugnay ng ideya, 62.96 sa kaisahan

ng mga ideya at 70.23 sa pagbibigay-diin ng mga ideya, sa kabuuan ay

may 69.39 na bahagdan na may interpretasyon na kailangan paglinangin

. Ang may edad na 23 pataas ay may weighted mean na 80.55 sa

pagkaugnay-ugnay ng ideya, 73.61 sa kaisahan ng mga ideya at 73.21 sa


38

pagbibigay-diin ng mga ideya, sa kabuuan ay may 75.79 na bahagdan na

may interpretasyon na katamtaman.

TALAHANAYAN 11

Antas ng kagalingan ng mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga

ideya, kaisahan ng mga ideya at pagbibigay diin ng mga salita ayon

sa edad

Edad Pagkaugna Kaisahan Pagbibiga Kabuuan Interpretasyo

y-ugnay ng ng mga y diin ng n

mga ideya ideya mga salita

16 77.40(4.64) 78.67(4.6 74.64(3.4 76.90(4.2 katamtaman


pabab
9) 8) 7)
a
17-18 82.45(4.95) 77.49(4.6 77.81(3.6 79.25(4.4 katamtaman

8) 3) 2)

19-20 70.803(4.2 73.61(4.4 73.21(3.4 72.55(4.0 Kailangan

5) 2) 2) 3) paglinangin

21-22 75(4.5) 62.96(3.7 70.23(3.2 69.39(3.8 Kailangan

8) 8) 5) paglinangin

23 80.55(4.83) 73.61(4.4 73.21(3.4 75.79(4.2 katamtaman


pataas
2) 2) 2)

Ang talahanayan 12 ay naglalahad antas ng kagalingan ng mag-

aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng mga ideya,


39

at pagbibigay diin ng mga salita ayon sa kasarian ng mga respondente.

Ang mga Lalaki ay may bahagdan na 74.67 sa pagkaugnay-ugnay ng mga

ideya, 72.89 sa kaisahan ng mga ideya at 74 sa pagbibigay-diin ng mga

salita. Sa kabuuan ay may bahagdan na 73.85 na may intrepetasyon na

kailangan panglinangin. At ang mga babae ay may bahagdan na 81.08 sa

pagkaugnay-ugnay ng ideya, 78.23 sa kaisahan ng mga ideya at 75.68 sa

pagbibigay-diin ng mga ideya. Sa kabuuan ay may 78.32 na bahagdan na

may interpretasyon na katamtaman.

TALAHANAYAN 12

Antas ng kagalingan ng mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga

ideya, kaisahan ng mga ideya at pagbibigay diin ng mga salita

kaisahan ng mga salita ayon sa kasarian

Kasaria Pagkaugna Kaisahan Pagbibigay Kabuuan Interpretas

n y-ugnay ng ng mga diin ng yon

mga ideya ideya mga salita

Lalaki 74.67(4.48) 72.89(4.73 74(3.45) 73.85(4.10 Kailangan

) ) panglinang

in

Babae 81.08(4.86) 78.23(4.69 75.68(3.53 78.33(4.36 Katamtam


40

) ) ) an

Ang talahanayan 13 ay naglalahad antas ng kagalingan ng

mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng mga

ideya, at pagbibigay diin ng mga salita ayon sa buwanang kita ng

magulang ng mga respondente. Ang may buwanang kita na 10,000

pababa ay may bahagdan na 79. 34 sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya,

75.36 sa kaisahan ng mga ideya at 75.09 sa pagbibigay-diin ng mga

salita.Sa kabuuan ay may bahagdan na 76.60 na may intrepetasyon na

katamtaman . Ang may buwanang kita na 10,000-15,000 ay may

bahagdan na 79.01 sa pagkaugnay-ugnay ng ideya, 75.31 sa kaisahan ng

mga ideya at 79.37 sa pagbibigay-diin ng mga ideya. Sa kabuuan ay may

77.90 na bahagdan na may interpretasyon na katamtaman.May

bahagdan na 83.33 sa pagkaugnay-ugnay ng ideya, 84.72 sa kaisahan ng

mga ideya at 71.43 sa pagbibigay-diin ng mga ideya sa may buwanang

kita ng magulang na 16,000-20,000. Sa kabuuan ay may 79.83 na

bahagdan na may interpretasyon na katamtama. At ang may buwanang

kita na 20,000 pataas ay may bahagdan na 71.11 sa pagkaugnay-ugnay

ng mga ideya, 74.44 sa kaisahan ng mga ideya at 70.10 sa pagbibigay-

diin ng mga salita.Sa kabuuan ay may bahagdan na 71.85 na may

intrepetasyong kailangan panglinangin.

TALAHANAYAN 13
41

Antas ng kagalingan ng mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga

ideya, kaisahan ng mga ideya at kaisahan ng mga salita ayon sa

buwanang kita ng magulang

Buwana Pagkaugnay Kaisahan Pagbibiga Kabuuan Interpretasy

ng kita -ugnay ng ng mga y diin ng on

ng mga ideya ideya mga

magula salita

ng

10,000 79.34(4.46) 75.36(4.5 75.09(3.5 76.60(4.2 Katamtama

Pababa 2) 0) 6) n

10,000- 79.01(4.74) 75.31(4.5 79.37(3.7 77.90(4.3 Katamtama

15,000 2) 0) 2) n

16,000- 83.33(5) 84.72(5.0 71.43(3.3 79.83(4.4 Katamtama

20,000 8) 3) 7) n

20,000 71.11(4.27) 74.44(4.4 70.10(3.3 71.85(4) Kailangan

pataas 7) 7) paglinangin

Ang talahanayan 14 ay naglalahad antas ng kagalingan ng

mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng mga

ideya, at pagbibigay diin ng mga salita ayon sa edukasyong natapos ng

magulang ng mga respondente. Ang mga magulang na nakapagtapos ng

Elementarya ay may bahagdan na 81.11 sa pagkaugnay-ugnay ng mga

ideya, 84.44 sa kaisahan ng mga ideya at 80 sa pagbibigay-diin ng mga


42

salita.Sa kabuuan ay may bahagdan na 81.85 na may intrepetasyon na

katamtaman. Ang may magulang na nakapagtapos ng sekundarya ay

may bahagdan na 79.50 sa pagkaugnay-ugnay ng ideya, 76.05 sa

kaisahan ng mga ideya at 75.12 sa pagbibigay-diin ng mga ideya. Sa

kabuuan ay may 76.89 na bahagdan na may interpretasyon na

katamtaman. Ang mga magulang na di-nakapagtapos ng Kolehiyo ay may

bahagdan na 79.63 sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, 75.93 sa

kaisahan ng mga ideya at 80.96 sa pagbibigay-diin ng mga salita.Sa

kabuuan ay may bahagdan na 78.84 na may intrepetasyon na

katamtaman . At ang may magulang na nakapagtapos ng kolehiyo ay

may bahagdan na 76.22 sa pagkaugnay-ugnay ng ideya, 74.44 sa

kaisahan ng mga ideya at 73.71 sa pagbibigay-diin ng mga ideya. Sa

kabuuan ay may 74.79 na bahagdan na may interpretasyon na kailangan

paglinangin.

TALAHANAYAN 14

Antas ng kagalingan ng mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga

ideya, kaisahan ng mga ideya at kaisahan ng mga salita ayon

edukasyong natapos ng magulang

Antas na Pagkaugna Kaisaha Pagbibigay Kabuuan Interpretas

natapos ng y-ugnay ng n ng diin ng yon

magulang mga ideya mga mga salita

ideya
43

Nakagtapos ng 81.11(4.87) 84.44(5. 80(3.73) 81.85(4.5 Katamtama

Elementarya 07) 6) n

Nakapagtapos 79.50(4.78) 76.05(4. 75.12(3.51 76.89(4.2 Katamtama

ng Sekundarya 56) ) 8) n

Di 79.63(4.78) 75.93(4. 80.96(3.78 78.84(4.3 Katamtama

nakapagtapos 56) ) 7) n

ng kolehiyo

Nakapagtapos 76.22(4.57) 74.44(4. 73.71(3.44 74.79(4.1 Kailangan

ng kolehiyo 47) ) 6) paglinangin

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Basi sa isinagawang pananaliksik nandito ang kabuuang lagom,

konklusyon at rekomendasyon sa pagaaral para sa :

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay idinisenyo upang matukoy ang antas ng

kagalingan ng mag-aaral sa pagsulat ng wikang Filipino sa ika-10 baitang

sa taong panuruan 2020-2021. Sa loob ng konteksto, ang pag-aaral na

ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na mga suliranin. [1] Ano

ang propayl ng mga respondente batay sa mga sumusunod na salik;

Edad, Kasarian, Buwanang kita ng Magulang at Edukasyong natapos ng

magulang [3] Mayroon bang pagkakaiba sa antas ng kagalingan ng mag-


44

aaral sa pagsusulat sa Wikang Filipino kung ang respondente ay

titipunin ayon sa edad, kasarian, buwanang kita ng magulang at

edukasyong natapos ng magulang.

Metodolohiya

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa pagkalap ng mga

impormasyon. Ang pag-aaral ay ginawa sa Mataas na paaralan ng

Aplaya. May kabuuang bilang na 62 ang mga respondente na sentro ng

pag-aaral.

Mga Natuklasan

1. Mula sa 62 na kabuuang bilang ng mga respondente, ang edad na

16 pababa ay nakakuha ng pinakamataas na bilang na mayroong

29 o 46.78 na bahagdan habang ang edad na 23 pataas naman ay

nakakuha ng pinakamababa na bilang na mayroong 4 o 6.45 na

bahagdan.

2. Karamihan sa mga respondente ay mga kababaihang mag-aaral na

umabot ng 37 o 59.68 na bahagdan kumpara sa bilang ng

kalalakihan na umabot ng 25 o 40.32 na bahagdan.

3. Karamihan sa mga respondente na may 10,000 pababa na may

buwanang kita ng magulang ay may 39 o 62.90 na bahagdan,

pumangalawa ang may 20,000 pataas na may 10 o 16. 13 na

bahagdan, kasunod ang 10,000-15,000 na may 9 o 14.52 na


45

bahagdan at panghuli ang may 15,000-20,000 na buwanang kita

na may bahagdan na 4 o 6.45.

4. Bumilang na mas marami ang mga magulang na nakapagtapos sa

sekundarya na may 29 o 46.77 na bahagdan, nakapagtapos ng

kolehiyo na may bahagdang 25 o 40.32, sinundan ng nakapagtapos

sa elementarya na may 5 o 8.06 na bahagdan at panghuli ang 3 o

4.84 na bahagdan ng mga magulang na hindi nakapagtapos ng

kolehiyo.

5. Ang kinalabasan at resulta ng pag-aaral sa antas ng kagalingan sa

pagsulat ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan ng

mga ideya at pagbibigay diin sa mga salita sa mga mag-aaral sa

ika-10 baitang.

6. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kagalingan ng

mag-aaral sa mahusay na pagsulat sa wikang Filipino ayon sa

kanilang edad, buwanang kita ng magulang at edukasyong

natapos.

Konklusyon

Batay sa mga datos na nakalap ang mga sumusunod na

kongklusyon ay nabuo:

1. Karamihan sa mga respondente ay babae na may gulang na 16

pababa, na may 10,000 pababa na buwanang kita ng magulang at


46

nakapagtapos sa Sekundarya.

2. Lumalabas sa kabuuang resulta na mayroong mataas,

katamtaman at kailangan paglinangin ang antas ng kagalingan ng

mga mag-aaral ayon sa pagkaugnay-ugnay ng mga ideya, kaisahan

ng mga ideya at pagbibigay diin sa mga salita.

3. Walang pagkakaiba ang antas ng kagalingan ng mag-aaral sa

mahusay na pagsulat ng wikang Filipino kung ang mga

respondente ay titipunin ayon sa kanilang edad, buwanang kita ng

magulang at edukasyong natapos ng kanilang mga magulang.

4. May pagkakaiba ang antas ng kagalingan ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng wikang Filipino kung ang mga respondente ay titipunin

ayon sa kanilang kasarian.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga natuklasan at mga konklusyon, buong

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Sa unang baitang pa lamang ng mga mag-aaral na may

asignaturang Filipino ay kinakailangang turuan na ng mga guro

ang mga bata sa leksyon na naayon sa kanilang leybel ng pag-

iintindi.
47

2. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga bata ay minsan

nababagot sa asignaturang Filipino, kung kaya’t naka depende ito

sa guro kung ano ang dapat gawin upang mapanatili ang interes ng

mga mag-aaral sa nasabing asignatura.

3. Kinakailangan na may malawak na kaalaman ang isang guro sa

mga akmang layunin ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.

4. Mabusising alamin ng mga guro ang mga elemento at proseso sa

paglinang ng pagtuturo ng asignaturang Filipino.

5. Sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ay kailangang bigyan ng guro

ng mga pagganyak na naayon sa paksa upang makuha ng guro ang

atensyon o interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

6. Mga mungkahing pamagat para sa mga susunod na mananaliksik:

a. Antas ng Kasanayan ng mga Guro sa pagtuturo ng asignaturang

Filipino.

b. Stratehiya ng mga guro sa pagturo ng asignaturang Filipino.


48

BIBLIOGRAPIYA

A. MGA AKLAT

Castillo M., Quijano H., Bondame F., Sagun R., Pena R., Komunikasyon
sa Akademikong Filipino (FILIPINO 1) , 1518
Aharez St. Sta Cruz Manila, Booklore Publishing Corporation,
2008.

Arrogante J., Golla N. at Ballena A., Pinaunlad na Pagbasa at Pagsulat


(Arrogante et al), Quad Alpha Cetrum Bldg., 125 Pineer Street,
Mandaluyong City 1550, National Book store, 2010.
49

Javier C., Tanawan D. at J. Decena, Sandigan ng Komunikasyon, 14


Sinag Street Highway Hills, Mandaluyong City, Philippines,
Academic Publishing Corporation, 2001.

Casanova Arthur, Ligaya R. at Vidanes A., Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t


Ibang Disiplina, 856 Daang Nicanor Reyes, Sr. Sanpaloc, Manila,
Rex Book Store Inc., 2001.

Atanacio H., Lingat Y., at Morales R., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik, 839 EDSA, South Triangle, Quezon City, C & E
Publishing, Inc., 2009.

Abangan V. at Ugot I., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


(FILIPINO 2), Sta. Ana, Manila, Lacsamana Press & Publishing
Corporation, 2010.

Bernales R. et al., Pagbasa aat Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, 105


Engineering Road, Araneta University Village, Potrero, Malabon
City, Mutya Publishing House Inc., 2009.

Abangan V., at ugot I., Komunikasyon Sa Akademikong Filipino (Fil1),


Sta. Ana, Manila, LACSAMANA Press and Publishing Corporation,
2013.

Nuncio E., Nuncio R., Valenzuela R., Malabuyog V., at Gragosin M.,
Makabagong Filipino Sa Nagbabagong Panahon: Batayang Aklat Sa
Kapaki-pakinabang Na Komunikasyon Sa Ika-21 Siglo (Fil 1), 839
EDSA, South Triangle, Quezon City, C & E publishing Inc., 2014.

Castro I. Ph.d. at Rosario Z., Kritikal Na Pagbasa at Akademikong


Pagsulat
Tungo Sa Pananaliksik, Beato Angelico Building, Espanya, Maynila
1015 Philippines, University of Santo Tomas, Piblishing House
(2010).
WEBLIOGRAPIYA

Pangilinan, VictoriaJ. (2014). Pagsasaling-Wika.


http://documents.tips/documents/pagsasaling-wika-
558449b8a5884.html
50

Batoon, Love (2014). Fil 3, Pagsasaling-Wika.


https://prezi.com/9dueksxvftpm/copy-of-copy-of-pagsasaling-
wika/. Prezi Inc.
Esteves, Zean (2013). Fil 3, Pagsasaling-Wika.
https://prezi.com/vdwbepv7fhs4/pagsasaling-wika/. Prezi Inc.
LinkedIn Corporation © 2016

http://www.slideshare.net/allanortiz/pagsasaling-wika-23507045

http://www.authorstream.com/Presentation/chamccurry-1890496-

pagsasaling- wika-fil3/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsasalin

http://www.depinisyon.com/depinisyon-46064-dalubhasa.php

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsasalin

http://www.slideshare.net/PaulMitchellChua/komunikasyon-10044098

https://www.tagalog-dictionary.com/search?word=kubli

https://groups.yahoo.com/neo/groups/PNU0108fil3/conversations/

topics/24

http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2015/07/filipino-uri-ng-

diin.html

http://documents.tips/documents/aralin-1-diin-ng-salita.html

https://prezi.com/av7rzsoqrbzz/retorika/

https://ruselleish.wordpress.com/2011/07/16/filipino3-kohirens/

https://myschoolworks.wordpress.com, 2010
51

https://prezi.com/mga-batayang–kaalaman-tungkol-sa-

pagsulat.com,2014

https://prezi.com/d0ivpb04hra7/kahulugan-at-kahalagahan-ng-

pagsulat/?_e_=7%2CPAGE_ID10%2C3446948421

https://yramenna77.wordpress.com/2012/11/18/proseso-ng

pagsulat/?_e_pi_=7%2CPAGE_ID10%2C7869272755

July 23, 2021


52

VIRGILIO I. DIAZ, JR.


School Principal I
Aplaya National High School

Sir:

Greetings!
I am LEONIESES J. KILATON, presently connected with DepEd-
Misamis Oriental , Aplaya National High School. I am currently enrolled
in the program Master of Arts in Filipino at Capitol University, Cagayan
de Oro City. At present, I am doing my research proposal with a title
“Antas ng Kagalingan ng mag-aaral sa Pagsulat ng Wikang Filipino sa
ika-10 Baitang” during this summer of school year 2020-2021.
In view of this, I would like to ask permission from your office to be
allowed to do pilot testing via google forms to selected Grade 10 students
enrolled in this school year . This is to test the reliability of the
instrument which will be used in my study. Moreover, gathering of data
will follow after the conduct of pilot test. My selected Grade 10 Creativity
and Contentment students in Filipino subject enrolled for the school year
2020-2021 will be utilized as respondents.
I am anticipating for an approval regarding this request.
Thank you and God Bless!

Sincerely yours,

LEONIESES J.
KILATON
MAFIL Student
Noted by:

DR. EDWIN C. DU
Dean, Graduate School
Capitol University
Graduate School
53

INFORMED CONSENT FORM


I am LEONIESES J. KILATON, a Masters of Arts in Filipino student of Capitol
University. As a candidate for the degree program, I am conducting a research project on
FILIPINO. The objective of this study is to investigate the “ ANTAS NG KAGALINGAN
NG MAGAARAL SA PAGSULAT NG WIKANG FILIPINO. In view of the above rationale,
may I ask you to participate in this research study?

You are chosen to take part in the study considering that you and your co-
respondents directly represent the qualities that will best address the study. There is no
risk to you in participating in this project.

The data generated by this study will be kept confidential. Respondents will not be
named in any manner of publication and identities are strictly private that may be derived
from this study. Research files, papers, documents and audio recordings will be kept
secured and only the researcher can access them.

You are absolutely free to decide whether to take part or not to take part in this
survey. If you decide to participate and chose to stop at your own free will you can
terminate your participation. There will be no consequences nor will you be penalized for
not participating.

Confidentiality and Privacy of Data


All information gathered about you as a result of this study will be secured and
absolutely confidential. There is definite assurance from the researcher that
confidentiality, privacy and anonymity will be observed during and in the aftermath of data
collection, storage and publication of the research study. All data generated in the
process of the research study will be properly stored in paper or electronic form for a
period covering ten years after the research study has been completed.

Thank you for carefully reading the information in this form and for your voluntary
participation in this survey.

CONSENT
With my signature affixed in this consent form, I hereby affirm that I have read
and understood the instructions and was given the chance to seek further information. I
am fully aware and I have understood very well that this is purely voluntary and that I
am not obligated to participate and may decline for no reason and cost. I freely give my
consent to participate in this study.

Signature: VIRGILIO I. DIAZ, JR.


Principal I
Date: _________________________
CURRICULUM VITAE
54

Name : Leonieses J. Kilaton

Address : Aplaya, Jasaan, Misamis Oriental

Birthday : October 27, 1995

Civil Status : Singel

Religion : Catholic

Contact Number : 09261438121

Education

Post Graduate Studies

Master of Arts In Education major

Filipino – on going

Capitol University, Cagayan De Oro City

Tertiary Education

Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Tagoloan Community College

Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental

School Year 2016-2017


55

Work Experiences

Aplaya National High School


Teacher 1
Aplaya, Jasaan, Misamis Oriental
September 9, 2019 to present

Liceo de Cagayan University


Senior High School Teacher
May 2019 to September 8, 2019

MOIST Balingasag
Senior High School Teacher
June 2017 to April 2019

Leonieses J.Kilaton
Mananaliksik

You might also like