KOMFIL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Komunikasyon ay ang proseso ng pagpapabatid ng mensahe mula sa tagapaghatid tungo sa

tagatanggap nito. Nanggaling ito sa salitang latin na ‘’communis’’ na ang kahulugan sa engles ay
‘’ordinary’’ at ‘’ karaniwan’’ naman kapag isinalin sa filipino.

Layunin;

Sa pagtatapos ng yunit, inaaasahang matututunan ng mag aaral ang mga sumusunod;

Natutukoy nag mahahalagang sangkap sa kailangan para saepektibong komunikasyon o


pakikipagtalastasan

Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao ang bawat pagproseso ng empormasyon para sa epektibong
kumunikasyon

Panimulang Gawain

Sagutan.

Gamit ang iyung cellular phone, tumawag ang iyong kaibigan na matagal mo ng hindi Nakita. Dahil sa
matagal na panahon, napatagal ang inyong pag-uusap. Matatawag ba itong komunikasyon ? ipaliwanag
gamit ang 4-5 pangungusap.

Talakayan

Sangkot sa komunikasyon ang mga sumusunod na makrong kasanayan sa pag-aaral nito;

1. Pagsasalita
2. pakikinig
3. Pag-uunawa
4. Pagbasa
5. Pagsulat

Mga uri ng komunikasyon

1. Komunikasyon berbal

ito ay ginagamitan ng wika na maaaring pasulat at pasalita. Ang ordinaryong pakikipag-usap ng mga
kasangkot sa komunikasyon sa tindahan, sa tambayan, sa mga kapamilya, at Kapuso ay maituturing
na komunikasyon berbal. Ang simpleng text message ay pumapasok din sa depinisyon ng
komunikasyon.

2. Komunikasyon di-berbal

Ang mga kilos o galaw ng katawan ay isang uri ng komunikasyon di-berbal. Ang simpleng pagtango,
pagkindat, at pagtulong sa kapwa ay ilan sa mga halimbawa nito.

Anyo ng komunikasyon

1. Intrapersonal na komunikasyon
Ang intrapersonal na komunikasyon ay seflmeditation na komunikasyon. Kinakausap ng tao ang
kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
2. Interpersonal na Komunikasyon
Ang Interpersonal na Komunikasyon ay ang ugnayan ng isang tao sa iba pang tao. Nagaganap
dito ang paikot na proseso kaya’t hayag na hayag ang tugon o feedback. Dalawang tao lamang
ang kasangkot sa komunikasyong ito (ang pagpapadala at ang tumatanggap)
3. Komunikasyong Pambuliko
Ito ay ang ugnayang komunikasyon ng isang tao at dalawa o higit pang katao. Linyar ang
Komunikasyon sa komunikasyong pampubliko. Halimbawa nito ay miting de avance, at seminar.
4. Komunikasyong Pangmadla
Maihahantulad sa komunikasyong pampubliko ang komunikasyong pangmadla ngunit nagkaiba
lamang ang mga ito sa kasangkapang gamit sa pagpapadala ng mensahe. Ito ay label ng
komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o kung
saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig/tagapanood. Ito ay itinuturing na
pinakapormal at pinakamagastos na anyo ng komunikasyon.

Komunikasyon at Proseso Nito

Inihahatid ng tagapaghatid (sender) ang mensahe sa pamamagitan ng tsanel(channel) sa


tagatanggap (receiver) nito. Ang pagbuo ng mensahe at paghahatid nito sa iba ay tinatawag
na encoding.Ang pagkakahulugan ng mensahe ay tinatawag na decoding. Feedback cycle
naman ang tawag sa pagbibigay ng tugon na maaring berbal o di-berbal na tugon.

ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

1. Ang tagapaghatid ng mensahe( sender ). Dito nagsisimula ang proseso ng komunikasyon.


Ang tagapaghatid ay tinatawag ring communicator or source.
2. Ang tagatanggap ng mensahe ( receiver). Tinatawag din itong interpreter ng mensahe.
Dapat talasan nito ang kanyang mga mata,tainga, at pakiramdam at kailangan din nitong
tanggalin ang lahat ng balakid upang makapag-isip ng tamang diskarte na makatutulong
upang hindi maputol ang daloy ng komunikasyon.
3. Ang mensahe. Ito ay tumutukoy sa impormasyong nais maiparating ng tagapaghatid sa
tatanggap.
4. Daluyan ( channel ng komunikasyon ). Ito ay tumutukoy sa paraan kung paanong ang
mensahe ay maipahatid nang buong husay mula sa tagapaghatid tungo sa tagatanggap.
5. Tugon (feedback). Ito ang pinakapinal na punto upang masabi na ang mensahe ay
matagumpay na naihatid,natanggap, o nauunawaan.
6. Ingay(Noise/Barrier). Ito ay hindi lamang tumutukoy sa naririnig ng tainga kundi anumang
nakakaapekto sa buong Sistema o proseso ng komunikasyon. Maaari itong makita sa
dalawang anyo: ang internal at eksternal na ingay. Ang Internal na ingay ay tumutukoy sa
anumang balakid ng komunikasyon na makikita mismo sa loob ng naghahatid at
tumatanggap ng komunikasyon. Ang eksternal na ingay ay tumutukoy sa mga ingay na
nanggagaling sa kapaligiran ng taong naghahatid ng mensahe.

Konteksto ng komunikasyon (Context)

1. Pisikal. Ang oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay mahalagang konteksto ng


komunikasyon.
2. Sosyal. Ito ay tumutukoy sa mga personal na ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyon.
3. Kultural. Ito ay isa sa pinakamahalagang salik na nakakaapekto sa buong proseso ng
komunikasyon. Ito ay tumutukoy sa prinsipyo o paniniwala ng isang pangkat.
4. Sikolohikal. Ito ay mood at emosyon ng mga kasangkot sa buong proseso ng komunikasyon. Ito
ay tumutukoy sa prinsipyo o paniniwala ng isang pangkat.
5. Historical. Ito ay ang mga inaasahan ng bawat kasali sa proseso ng komunikasyon batay sa
kaganapang nangyari sa nakaraan.

PROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.

Tinutukoy ng pagpo-proseso ng impormasyon ang aktibidad ng utak mula sa mga gawaing


kinasasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang indibidwal. Mahalaga ang
prosesong ito na sa konteksto ng komunikasyong pananaliksik sapagkat ang katangian ng stimuli na may
kaugnayan sa komunikasyon- nasa parehong pinamagitan(mediated) at interpersonal na komunikasyon-
ay kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na kung saan ang isang indibidwal ay nakikipagsapalaran
sa pagpo-proseso ng impormasyon.
Mga Kategorya ng Sanggunian

Makatutulong sa lalim ng argumento ng isang pag-aaral ang kakayahan ng mga mananaliksik na


gumamit ng iba’t-ibang uri ng sanggunian bilang batayan. Ang mga kategorya ng sanggunian ay ang mga
sumusunod:

1. Primaryong Datos. Ito ay mga datos na hinalaw mula sa mga dokumentong isinulat sa panahon
na isinagawa ang aktwal na pananaliksik. Nanggaling ang mga ito sa mga orihinal na dokumento
kung saan nakabatay ang pananaliksik tulad ng : Talumpati, Liham, Birth Certificate, Diaries,
Transkripsyon ng live news feed, pangunahing balita ng kaganapan, record ng korte, panayam,
sarbey, orihinal na pananaliksik, o ang sangguniang aklat.
2. Sekondaryang Datos. Ito ay galing sa mga dokumentong isinulat matapos ang isang kaganapan.
Ito ay tumutukoy sa mga impormasyong nakalap batay sa interpretasyon ng may akda o
manunulat sa mga kaganapang nangyari na maaaring kinasasangkutan ng obserbasyon at may
kinikilingan at subhektibong komentaryo na sinusubukang ipaliwanag ang isang pangyayari.
Halimbawa nito ay datos na nanggaling sa mga sangguniang material(reference material). Tulad
ng Diksyunaryo at ensayklopedia, aklat na may mga artikulo na nagbibigay ng interpretasyon,
rebuy, o binibigyan ng synthesis ang orihinal na pananaliksik.
3. Tersyaryang Datos. Ito ay tumutukoy sa mg datos na hinalaw sa mga dokumentong
naglalarawan sa mga primarya at sekondaryang sanggunian. Halimbawa ay indexes- nagbibigay
ng mga pagkakakilanlan kung saan nanggaling ang impormasyon katulad ng may akda, pamagat
ng aklat, artikulo at journal, tagapaglathala, petsa,bolyum, at isyu bilang paglalathala, at pahina
bilang; abstrak- ibinuod ang primarya at sekondarya; database- mga online na indexes.

MGA MUNGKAHI SA PAGKUHA NG IMPORMASYON BUHAT SA MGA SANGGUNIAN.


Tungkulin ng mananaliksik na bigyang rekognisyon ang may-akda ng sanggunianna ginamit ng
mananaliksik o mag-aaral.Kung sumangguni sa mga aklat o dyoma;, mahalagang bigyang
pansinang pahina bilang ng sanggunian kung ang mahalagang kaisipan ay sinipi,inayos bilang
talata, o binigyan ng Buod. Mahalaga ang URL at ang petsa kung kailan kinuha ang impormasyon
sa isang website kung gagamitin na sanggunian ang internet. Ang tamang rekognisyon sa may-
akda ay nararapat lamang na kabayaran para sa kanyang karunungang hindi ipinagdamit
kailanman.
Bakit Kailangan ng siping Panloob at Paglalagay ng Sanggunian
Ang Siping panloob (citation) ay kailangan upang matugunan ang mga sumusunod:
1. Mabigyan ng tamang pagkakilala ang may-akda.
2. Mabigyan ng sapat na balidasyon ang iyong mga argumento at ipinaglalaban.
3. Mabuksan ang batis na pinagmulan ng isang prinsipyo at paniniwala upang maging batayan
ng iyong pagsisiyasat.
4. Maipagbigay-alam sa mga mambabasa ng iyong akda kung gaano kapana-panahon ang ideya
na iyong sinasanggunian para sa iyong pag-aaral
5. Maiwasan ang pagnanakaw ng talion ng iba o plagiarism.

Plagiarismo ( Plagiarism )

Mayroong nagaganap na plagiarism o pagnanakaw ng karunungan ng iba kung sa iyong


pagsusulat ay makikita ang alinman sa mga sumusunod na pangyayari:
1. Inilalahad na mistulang ikaw ang orihinal na may-akda kahit ito ay hinalaw lamang sa
iba.

2 Anyo ng Plagiarismo

a. Direkta- Kung ang pagkopya ay buong-buo, kasama ang tama at maling mga baybay ng
salita at wala itong pagkakilala sa totong may-akda ng sulatin.
b. Di-Direkta- pangongopya ng mahalagang impormasyon sa iba bagamat may kaunting
modipikasyon sa orihinal ay hindi pa rin mabigyan ng nararapat na rekognisyon ang
orihinal na may-akda.

You might also like