MIS Buwan NG Wika Narrative Report

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
D EPA R TM EN T OF ED U C A TIO N MALUBOG INTEGRATED SCHOOL

ULAT NG TAGUMPAY SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2022


(ACCOMPLISHMENT REPORT IN CELEBRATION OF
BUWAN NG WIKA 2022)
Ika – 31 ng Agosto 2022
Bilang pakikiisa sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong ilaan ang
buwan ng Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan at wika ng bansa at
bilang pagsuporta sa DepEd Cebu City Division Memorandum No. 659, s. 2022 na may pamagat
na “PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2022,” ang Malubog Integrated School ay
nagsagawa ng mga aktibidad upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2022 na may temang,
“FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGLIKHA AT
PAGTUKLAS.” Layunin ng pagdiriwang na ito na bigyang pagkilala ang natatanging kakayahan
at kasanayan ng mga mag – aaral at guro sa pagkukuwento, pagsulat, pagbigkas at pagbasa,
bigyang parangal ang mga malikhaing mag – aaral at guro sa madulang pagkukuwento, pagsulat
at pagbigkas ng tula, at interpretatibong pagbasa, mapaigting ang paggamit ng wikang Filipino,
at maganyak ang mga mag – aaral at guro na pahalagahan ang Wikang Filipino sa pamamagitan
ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wika 2022.
Bilang panimulang gawain, isinagawa sa unang lingo ng Agosto ang pagpapaskil at
pagkakabit ng tarpaulin na naglalayong magbigay alam sa mga guro, mag – aaral, at maging
mga magulang sa mahalagang pagdiriwang. Naglabas din ng memo ang paaralan upag maging
gabay ng mga guro at mag – aaral sa iba’t – ibang gawain na inihanda ng koordineytor sa
Filipino para sa buong buwan. Isa sa mahalagang gawain na kalakip ng memorandum ay ang
pagsasagawa ng mga patimpalak at ang pagsusuot ng Filipiniana o mga katutubong kasuotan.
Nagkaroon ng patimpalak sa Madulang Pagkukuwento para sa mga mag – aaral mula Kinder
hanggang Ikatlong Baitang, patimpalak sa SULKAS – Sulat, Bigkas ng Tula sa mga mag – aaral
mula Ikaapat hanggang Ikaanim na Baitang, at patimpalak sa Interpretatibong Pagbasa para sa
mga mag – aaral mula Ikapito hanggang Ikasampung Baitang. Isang kalahok bawat seksiyon
lamang ang sumali sa bawat patimpalak na ginanap noong Ika – 26 ng Agosto 2022. Narito ang
mga mag – aaral na nagkamit ng mga gantimpala sa bawat patimpalak sa pagdiriwang ng Buwan
ng Wika 2022;
MADULANG PAGKUKUWENTO
Unang Gantimpala Gabriella Franchesca Rivera – Ikatlong Baitang
Ikalawang Gantimpala Shawn Faith V. Lerion – Ikalawang Baitang
Ikatlong Gantimpala Samantha Klienzy Englatera – Ikatlong Baitang
SULKAS – SULAT, BIGKAS AT TULA
Unang Gantimpala John Rei E. Endoso – Ikalimang Baitang
Ikalawang Gantimpala Joy Micah B. Olino – Ikaanim na Baitang
Ikatlong Gantimpala Precious Hilary Grace A. Baring – Ikaapat na Baitang
INTERPRETATIBONG PAGBASA
Unang Gantimpala Samantha P. Pabalate – Ikasiyam na Baitang
Ikalawang Gantimpala Fatima B. Daroy – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Gantimpala Khrisna Jane L. Abregana – Ikawalong Baitang

Ang seremonya ng paggawad ay isinagawa noong Ika – 31 ng Agosto 2022 sa loob ng


silid – aralan lamang sapagkat ang paaralan ay nagkaroon ng emergency classes at sumusunod sa
shifting schedule. Ang ground at stage ay ginagamit ng mga mag – aaral sa Junior High School
bilang pansamantalang silid – aralan.
Sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari, naging matagumpay ang pagdaraos ng
Buwan ng Wika 2022 at maging ng Buwan ng Kasaysayan ng Malubog Integrated School. Dahil
ito sa pagtutulungan ng mga guro at mga koordineytor ng Filipino at Araling Panlipunan, at sa
patuloy na pagtangkilik ng mga mag – aaral at pagtampok ng kanilang mga kakayahan at
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
D EPA R TM EN T OF ED U C A TIO N MALUBOG INTEGRATED SCHOOL

kahusayan bilang pagsuporta sa ating mahal na Wika, na siyang dahilan ng ating


pagkakakilanlan ng bawat isa.

Inihanda ni:

MA. CARMEL L. CATUBAY


Koordineytor sa Filipino – Elementarya

MA. CONCEPCION M. MILANA


Koordineytor sa Filipino – Sekondarya

Ipinasa kay:
AUSONIA B. COGTAS, Dev.EdD.
Punong Guro

DOKYUMENTASYON

Pagsasabit ng tarpaulin sa may tarangkahan ng paaralan


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
D EPA R TM EN T OF ED U C A TIO N MALUBOG INTEGRATED SCHOOL

Pagdaraos ng patimpalak sa Madulang Pagkukuwento, SULKAS, at Interpretatibong Pagbasa

Paggawad ng parangal sa mga lumahok at nagwagi sa mga patimpalak.

Pagsuot ng mga Katutubong Kasuotan ng mga guro bilang pagtangkilik sa Buwan ng Wika at
Buwan ng Kasaysayan

You might also like