Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
D EPA R TM EN T OF ED U C A TION DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
MALUBOG INTEGRATED SCHOOL

ULAT NG TAGUMPAY SA PAGDIRIWANG NG PAMBANSANG BUWAN AT ARAW


NG PAGBASA 2021
(ACCOMPLISHMENT REPORT IN CELEBRATION OF
NATIONAL READING MONTH 2021)
Ika – 30 ng Nobyembre 2021
via Google Meet

Ang Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa ay isinasagawa taun-taon alinsunod sa


misyon ng Kagawaran ng Edukasyon na itaguyod ang pagmamahal sa pagbabasa sa mga mag-
aaral. Ito ay isang pagdiriwang sa buong bansa na dapat ipagdiwang ng mga mag-aaral, mga
guro, mga magulag at maging mga stakeholders. Ang tema ng taong ito ay “Bawat Bata
Bumabasa sa Kabila ng Hamon ng Pandemya.” Bawat paaralan ay inaasahang sumunod sa mga
inirerekomendang aktibidad at hinihikayat na magdagdag pa kung sa tingin nila ay angkop sa
pagdiriwang. Ang Buwan ng Pagbasa ay inaasahang magbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral
na gunitain ang kahalagahan ng pagbabasa sa kanilang paglalakbay para sa kaalaman. Magagawa
nilang ipakita ang kanilang mga talento at interes sa napakaraming aktibidad. Higit pa rito, ang
Buwang ng Pagbabasa ay magtatampok ng iba’t-ibang mga kasanayan na maaring magpahusay
sa bawat kakayahan ng mag-aaral.
Bilang isang institusyon ng karunungan, kailangang mapalaganap ng isang paaralan ang
pagmamahal sa pagbasasa sa bawat mag-aaral. Kaya bilang suporta sa DepEd Memorandum –
Curriculum instruction – No. 466 2. 2021 na may temang “2021 Pambansang Buwan at Araw ng
Pagbasa,” ang Malubog Integrated School ay nagsagawa ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng
Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa (BPAP) ngayong Nobyembre.
Ilan sa mga isinagawang programa ng paaralan ay ang Patimpalak sa Dugtungang
Pagbasa, at storytelling na ginanap noong Nobyembre 29, 2021 sa pamamagitan ng Google
Meet. Sa pagsisimula ng programa ay nagbigay ng maikling pagbati at pagsalubong ang Master
Teacher ng Malubog Integrated School, si Gng. Pamela E. Cabusao. Matapos ang ilang
introduksiyon, ang mga mag-aaral sa ikaanim, ikalima, at ikaapat na baitang ay nagtagisan ng
galling at husay sa Dugtungang Pagbasa. Ang mga kalahok mula sa iba’t – ibang baitang ay
binigyan ng isang sipi ng kuwento. Ito ay itinalaga ng Filipino Division Supervisor at ito lamang
ang ginamit sa kompetisyon. Dahil sab anta ng pandemya, ang patimpalak ay ginanap sa
pamaraang bertwal (Google Meet). Lahat ng kalahok ay dumalo sa patimpalak at nagpresenta ng
kanilang kuwento bilang isang pangkat (ayon sa baitang). Walang kalahok ang pinahintulutang i-
record ang sariling pagsasalaysay sa kuwento at isumite bilang entri sa patimpalak. Ang
koordineytor sa Filipino ng paaralan ang pumili ng mga hurado sa kompetisyon. Ang mga
kalahok ay binigyan ng rubrik o pamantayan sa paghuhusga. Mahalaga ang rubriks dahil
nililinaw nito sa mga mag-aaral ang mga katangiang dapat taglayin at nagsisilbing mga tuntunin
ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa target ng pagkatuto at pamantayan para sa tagumpay.
Bago inanunsiyo ang nagwagi sa patimpalak, sinaksihan ng lahat ang isang natatanging
bilang mula kay Bb. Ma. Concepcion M. Milana, isang guro sa sekondarya at koordineytor sa
Filipino (sekondarya), para sa kaniyang pagkukuwento (storytelling). Sadyang nakakaantig ang
ginawang pagkukuwento ni Bb. Milana.
Matapos ang kapanapanabik na tagisan sa Dugtungang Pagbasa, itinanghal na kampion
ang mga piling mag-aaral sa ikaanim na baitang. Sila ay nagtamo ng 95% mula sa kabuuang
marka ng mga hurado. Samantala, nasungkit ng mga piling mag-aaral sa ikaapat na baitang ang
ikalawang puwesto, at nasa ikatlong pwesto naman ang mga piling mag-aaral sa ikalimang
baitang. Ang panalong pangkat ay tatanggap ng “Sertipiko ng Pagkilala” at tanda ng pagkilala
(token), samantalang ang mga pangkat na hindi mananalo ay makakatangap ng “Sertipiko ng
Pakikilahok” at tanda ng pagkilala (token).
Bago matapos ang programa ay nagbigay ng kaniyang Panapos na Salita si Bb. Milana,
ang Koordineytor sa Filipino (Sekondarya). Ibinati niya ang lahat ng mag-aaral na nakibahagi sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
D EPA R TM EN T OF ED U C A TION DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
MALUBOG INTEGRATED SCHOOL

patimpalak. Nagpasalamt din siya sa mga dumalo sa palatuntunin, lalo na sa mga magulang na
nagpakita ng pagsuporta.
Ang tagumpay ng isang pagdiriwang ay dahilan lamang ng pagtutulungan. Ang
palatuntuning ito ay nagpatunay na ang bawat mag-aaral sa Malubog Integrated School ay
bumabasa sa kabila ng mga hamon ng pandemya.

Inihanda ni:

MA. CARMEL L. CATUBAY


Koordineytor sa Filipino – Elementarya

MA. CONCEPCION M. MILANA


Koordineytor sa Filipino – Sekondarya

Ipinasa kay:
AUSONIA B. COGTAS, Dev.EdD.
Punong Guro

DOKYUMENTASYON
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
D EPA R TM EN T OF ED U C A TION DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
MALUBOG INTEGRATED SCHOOL
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
D EPA R TM EN T OF ED U C A TION DIVISION OF CEBU CITY
NORTH DISTRICT 3
MALUBOG INTEGRATED SCHOOL

You might also like