Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Napakalaki ng epekto ng pandemya sa ating lipunang ginagalawan lalong lalo na sa usaping


pangkalusugan at edukasyon. Bilang suporta sa usaping pangkalusugan, ang Sangguniang
Kabataan ay nakiisa sa pamamahagi ng mga Relief Goods at namigay ng mga Basic Personal
Protective Equipment gaya ng Alcohol at Facemask. Sa usaping edukasyon, ang sangguniang
kabataan ay nagbigay ng suporta sa pamamagitan ng pagbubuo ng programang naaangkop sa
bagong mode of learning ng mga kabataan sa gitna ng pandemya.

2. Ang isang bagay na naging pinakamahirap ay ang mag-isip ng bagong estratehiya at hakbangin
sa kung papaanong makukumbinsi ang bawat myembro ng komunidad na sundin ang
pinatutupad na protocol. Kung papaanong masosolusyunan ang kanilang bawat hinaing at hiling
sa tuwing magpapatupad ng mga lockdowns.

3. Ngayong panahon ng pandemya isa sa mga lubhang naapektuhan ang edukasyon kung kayat
napakalaki ng pagbabagong pinagdadaanan ng bawat mag-aaral lalong lalo na ang mga nag-
oonline class. Bilang bahagi ng Sangguniang Kabataan sa ganitong sitwasyon, ang Sangguniang
Kabataan ng Iriron ay naglunsad ng EduKABATAAN Project. Ito ay Programa ng Sangguniang
kabataan ng Iriron para sa mga bata at kabataan na nasa loob at labas ng paaralan na layong
makapagbigay ng tulong at suporta sa pagkakaroon ng maayos at dekalidad na edukasyon sa
gitna ng pandemya. Nasa ilalim ng EduKABATAAN Project ang limang programa, Una, ang
Programang OnLane Class, na layong tulungan ang mga kabataang Irironians na nag-aaral sa
Senior High School at Kolehiyo sa ibat-ibang paaralan sa pangunahing teknikal na aspeto ng
online class bilang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral sa gitna ng pinagdadaanang
pandemya. Ikalawa, ay ang ConnectStudy na layong makapagbigay ng makabuluhang
oportunidad sa mga kabataang Irironians ng libreng access sa internet na kanilang magagamit sa
pag-aaral sa ibat-ibang alternatibong pamamaraan. Ikatlo, ay ang KalapitGuro na layong bigyang
agapay ang mga batang pinakanangangailangan ng gabay sa pag-aaral sa ibat-ibang
alternatibong pamamaraan. Ito ay sa pamamagitan ng boluntaryong pagkalinga mula sa kapwa
kabataan at nakatatanda na kalapit-bahay na may malasakit at kakayahang gumabay sa piling
mag-aaral. Ikaapat ay ang InklOSYbong Edukasyon, na para sa mga Out of School Youth na
layong mabigyan sila ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang libre at
magkaroon ng disenteng trabaho. Ito ay sa pakikipagtulungan sa Plan International, Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA), Ohrganza Advocare at Barangay Council.
Panglima ay ang Proyektong CTRL+P, ito ay may layong makapagbigay ng libreng print ng mga
school projects and outputs para sa lahat ng mga estudyanteng irironians na kinakailangan nila
para sa kanilang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral. Ilan lamang yan sa mga programang
inilunsad ng Sangguniang Kabataan ng Iriron bilang tugon, tulong at suporta nito sa mga
kabataan sa usaping Edukasyon ngayong panahon ng pandemya.

You might also like