Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PRE-K/

GRADE 5
KINDER

Quarte Pangalagaan
r
1 ang kalikasan
FILIPINO
Aralin 1

SIMULAN
Gumuhit ng isang kapaligiran na malinis, maraming
halaman, may malinis na ilog, at may makukulay na bulaklak.

Pamantayang
Pampagkatuto

Naiuugnay
ang sariling
karanasang sa
napakinggang
teksto.
F5PN-Ia-4

Nagagamit
nang wasto
ang mga
pangngalan at
panghalip sa
pagtalakay
tungkol sa
sarili,sa mga
tao, hayop,
lugar,bagay at
pangyayari sa
paligid
F5WG-Ia-e-2

St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 1


KINDER
GRADE 5
BASAHIN
“Narinig mo na ba ang awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran”
ng grupong Asin? Ano ang mensahe ng nasabing awit? Sa
kasalukuyan ba ay napapanahon pa rin ang mensahe nito? Bakit?
Ano nga ba ang tungkulin nating mga tao sa pangangalaga ng
diagdig. Kung makapagsasalita ang Inang Kalikasan, ano kaya ang
FILIPINO kaniyang sasabihin sa patuloy na pagkasira ng kapaligiran dahil sa
mga tao?

Ang Baryo Luntian

Matagal ding Nawala si Lisa sa Baryo Luntian. Apat na taon


na
nang siya ay umalis dito para mag-aral sa Maynila. Nang
makapagtapos siya sa kursong Edukasyon ay ipinasya niyang
bumalik sa kanilang lugar upang doon magturo.
Nalungkot si Lisa sa kaniyang dinatnan dahil nagbago ang
baryong dati ay malinis at maraming puno at mga halaman. Ang
tangi niyang nakikita ay mga putol na puno at mga tuyot na
halaman.
Habang pauwi si Lisa ay nakasalubong niya si Albert na
kaniyang kababata.
“Uy, Lisa, kumusta ka na? Ang tagal mong nawala a,” bati ni
Albert.
“Oo nga e, kailangan ko kasing pumunta sa Maynila para mag-
aral. Pero ngayong nakapagtapos na ako ay dito na muli ako
maninirahan,” sagot ni Lisa.
“Siya nga pala, ano ang nangyari at nagkaganito na ang ating
baryo?” usisa ni Lisa.
“Mabuti at naitanong mo iyan, Lisa. Alam mo kasi magmula ng
may magtungo ritong mga negosyante at nag-alok ng malaking pera
para sa mga puno rito ay nakalbo na ang paligid,” kuwento ni Albert.

Page 2 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER
“Ganoon ba? Pati ang mga halaman ay tuyot na ang lahat.
Nakakalungkot talaga, Albert.”
“Magmula kasi nang makuha ng bawat isa ang pera ay
nawalan na sila ng pakialam sa baryo natin,” malungkot na
kuwento ni Albert. “Naku, Lisa, halika na at ako na ang bubuhat ng
iyong mga gamit. Ihahatid nakita at mukhang bubuhos ang
malakas na ulan.” FILIPINO
“Sige, mabuti pa nga. Maraming salamat, Albert.”

Ilang oras pa lamang mula nang makauwi si Lisa sa kanilang


bahay ay bumuhos ang napakalakas na ulan.wala itong tigil dala
na rin ng napabalitang bagyo. Habang tumatagal ay tumataas ang
tubig baha. Nagdesisyon na si Lisa na iakyat na ang lahat ng
kanilang gamit. Sa tulong ng kaniyang ina at ama ay mabilis nilang
naiakyat ang lahat ng gamit sa itaas ng bahay. Sama-samang
nagdasal ang pamilya ni Lisa para sa paghino ng ulan.

Kinagabihan ay tumila na ang ulan ngunit ang baha ay hindi


pa rin humuhupa. Kinaumagahan ay lumabas na si Lisa ng
kanilang bahay nang makitang wala na ang tubig baha.
Pinagmasdan niya ang nangyari sa kanilang lugar. Maraming
gamit ang nagkalat at mga patay na hayop. Punong-puno ng putik
ang kapaligiran. Nanghina si Lisa sa mga nakita. Masyadong
maraming pininsala ang bagyo.

Maya-maya ay lumapit ang isang kabaryo ni Lisa na


tumatangis. "Lisa, tulungan mo kami, walang natira sa aming
St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 3
KINDER
GRADE 5
gamit, lahat ay tinangay ng baha, gayundin ang aming
kabuhayan."
"Huwag po kayong mag-alala, hihingi tayo ng tulong sa
kinauukulan, tumahan na po kayo," tugon ni Lisa.
Marami ang dumating na tulong sa Baryo Luntian, at dahil
doon ay unti-unting nakabangon ang mga tagaroon.
FILIPINO Dahil sa nangyari ay kinausap ni Lisa ang lahat ng tagabaryo,
iminungkahi niya ang muling pagbabalik ng kalinisan at kaayusan sa
baryo. Sumang-ayon naman ang lahat kay Lisa kaya't tulong-tulong
ang lahat sa pagtatanim at paglilinis ng Baryo Luntian. Hindi
nagtagal ay nanumbalik ang kagandahan at kalinisan ng kanilang
lugar.

PALAWAKIN
Bumuo ng mga salita mula sa mga letra ng salitang kalikasan.
Pagkatapos, gamitin sa sariling pangungusap ang mabubuong mga
salita.

__________________ _______________
__________________ _______________
__________________ kalikasan _______________
__________________ _______________

TALAKAYIN
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot
sa mga patlang.
1. Ano ang ginawa ni Lisa sa Maynila?
_________________________________________________

2. Ano ang naabutan ni Lisa sa Baryo Luntian?


_________________________________________________

3. Ano ang naramdaman ni Lisa matapos makita ang kanilang


lugar?
_________________________________________________

4. Sa iyong palagay, may kasalanan ba ang mga tao sa nangyari


sa kanilang lugar?
_________________________________________________

Page 4 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER
5. Sa iyong sariling paraan, paano mo pangangalagaan ang ating
kalikasan?
_________________________________________________

FILIPINO
PALALIMIN
Basahin ang talata tungkol sa bagyong Yolanda. Paano mo
maiuugnay sa iyong sariling karanasan ang binasang teksto?
Bumuo ng talata na hindi bababa sa limang pangungusap kaugnay
nito.

Ang Hagupit ni Bagyong Yolanda

Labis na naapektuhan ang kabisayaan sa kalamidad na tumama


sa kanilang lugar. Sinalanta ng Bagyong Yolanda ang maraming
lugar sa pulo ng Visayas. Nagsimulang manalanta ang bagyo
noong Nobyembre 3, 2013 at tuluyang umalis ng bansa noong
Nobyembre 11, 2013. Marami ang naitalang nasawi sa
pananalasa ng bagyong ito. Nagdulot ito ng malawakang
pagkawasak lalo na sa mga pulo ng Samar at Leyte. Sa ngayon,
hindi alam ng mga kababayan nating biktima kung paano muling
babangon matapos ang nangyari. Dagsa naman ang dumarating
na mga tulong mula sa ating mga kababayan gayundin mula sa
iba’t ibang bansa.

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 5


KINDER
GRADE 5

FILIPINO
Tandaan

Ang pangngalan ay salita na tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.

May dalawang uri ang pangngalan. Ito ay ang sumusunod:


1. Pangngalang pantangi- tumutukoy sa tiyak na ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Nagsisimula ito
sa malaking letra.
2. Pangngalang pambalana- tumutukoy sa karaniwang
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Nagsisimula ito sa maliit na letra.

Ang panghalip ay salitang ipinapalit o inihahalili sa


ngalan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Ang panghalip panao ay mga panghalip na ipinapalit
o inihahalili sa ngalan ng tao. Ito ay mauuri sa tatlo:
1. Panauhan- unang panauhan, ikalawang panauhan, at
ikatlong panauhan
2. Kailanan- isahan, dalawahan, at maramihan
3. Kaukulan- palagyo, paukol, at paari

SURIIN
Tukuyin kung pantangi o pambalana ang pangngalan sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

____________1. Baryo Luntian ___________6. puno


____________2. halaman ___________7. Albert
____________3. Lisa ___________8. nanay
____________4. guro ___________9. bulaklak
____________5. bagyo ___________10. Maynila

Page 6 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER
GAWIN MO
A. Bilugan sa loob ng panaklong ang angkop na panghalip panao
sa bawat pangungusap.
1. Kuya ang tawag nila sa akin. Pinakamatanda kasi (ako, ikaw,
siya) sa buong klase.
2. Ang mga kamag-aaral niya ay nagkakaisa. (Siya, Sila, Kami) ay
palaging nagtutulungan.
FILIPINO
3. Dakila si Ina. (Ako, Ikaw, Siya) ang palaging nag-aalaga sa
amin.
4. Ako at si Tony ay palaging magkasama. (Tayo, Kami, Sila) ay
tunay na magkakaibigan.
5. Ikaw at si Ana ang tutulong kay Ina. (Tayo, Kayo, Kami) ang
maghuhugas ng pinggan.

MAGSANAY PA
Narito ang mga miyembro na bumubuo sa isang pamilya.
Isulat ang mga gampanin ng bawat isa. Gumamit ng panghalip
panao sa iyong pangungusap.

NANAY TATAY

ANAK

St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 7


KINDER
GRADE 5

FILIPINO

Page 8 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.

You might also like