Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PRE-K/

GRADE 5
KINDER

Papurihan ang
Aralin 3 mga Bagong
Bayani FILIPINO

BASAHIN
Si Darna ay isang kathang-isip na tauhan ng Pinoy Komiks
na nilikha at binigyang-buhay ng batikang Pilipinong manunulat na
si Mars Ravelo noong dekado 50. Isa siyang tunay na Pinoy
superhero na lubos na kinasabikan, pinuri, at kinalugdan ng
sambayanang Pilipino dahil sa taglay niyang lakas, ganda, at
karisma sa madla. Ilang ulit na ring naisapelikula at naipalabas
bilang telenobela ang pakikipagsapalaran ni Darna bilang
tagapagligtas ng mamamayan. Kagaya ng isang superhero, ang
mga nanay na Overseas Filipino Workers (OFW) ay nagtataglay
rin ng kabayanihang hindi matutumbasan.

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna


(Maikling Kuwento)
ni Edgar Samar

Pamantayang
Pampagkatuto

Nasasagot ang
mga tanong sa
binasang
teksto
F5PB-Ic-3.2

Naitatala ang
mga
kabayanihang
Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. "Uuwi na ang maaaring
Nanay mo!" sabi niya habang nasisilip ko na halos ang ngalangala maisagawa ng
isang kabataan
niya sa kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako. F5PN-Ic-g-7
Kasi, hindi ko pa naman talaga nakikita nang totohanan si Nanay.
Alam ko lang ang hitsura niya dahil sa mga picture. Lagi
siyang may karga-kargang bata. Noong nakaraang Pasko,
nagpadala siya ng picture na kasama nila si Santa. Isang beses ko
pa lang siyang nakausap sa telepono. Itinanong ko kung ano ang
hiniling kay Santa nung batang buhat-buhat niya. Tawa lang nang
tawa si Nanay. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko.
St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 1
KINDER
GRADE 5
Maliit na maliit pa raw ako noong umalis si Nanay papuntang
Hong Kong. Karga-karga nga raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa
airport ng buong angkan namin. "Tatay, bakit po ba umalis si
Nanay?" Tinitigan muna ako ni Tatay bago siya sumagot. Laging
ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako tungkol kay Nanay.
"Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo sa ibang
FILIPINO bansa. Aba, ang galing naman kasi ng Nanay mo."
"Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-
milyong mikrobyo sa bahay. Isang pasada lang niya ng wonder
walis niya, swissss! Patay lahat ng dumi na nagdadala ng sakit."
"Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok
mang labahin. Sa maghapon, kuskos dito, piga roon. Walang
sinabi ang mantsa! Lilinis at puputing tiyak ang labada."
"Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power."
"Anong parang si Darna? Si Darna talaga ang Nanay mo,"
pagmamalaki ni Tatay. "Aba, kahit sino'y hindi niya inuurungan!
Sinumang umiiyak na bata'y tumatahan agad kapag kaniyang
inawitan. Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang tinutuluyan at
ayaw na siyang paalisin."
"Pero 'Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya
darating? Bakit di na lang niya liparin papunta rito sa 'tin para
mabilis?" Napangiti lang si Tatay. "Liliparin nga niya. Kaso lang,
kailangan niyang tawirin ang isang malawak na dagat bago siya
makarating dito sa atin." Isang malawak na dagat pa pala ang
tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya maligaw? Hindi tuloy ako
makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako ni Nanay? Aba,
ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa pasukan. Si
Darna yata ang Nanay ko!
Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw?
Nandiyan na si Nanay? Aba, hayun nga't may bumababa sa dyip ni
Tatay. Nandito na si Nanay! Kamukhang-kamukha nga ni Nanay
ang babae sa picture. Ang ganda pala lalo ni Nanay sa totohanan.
Ano kayang hitsura niya kapag siya na si Darna? Buhat-buhat ni
Tatay ang isang malaking kahon. Hila-hila naman ni Nanay ang
isang malaking bag.
Nahiya akong magpakita kay Nanay pero 'yung ibang mga
tao, mga tito at tita ko, mga kapitbahay namin, nakapaligid lahat
kay Nanay. Alam na kaya ng lahat ng tao sa bahay na siya si
Darna? Saan kaya niya itinago 'yung batong agimat niya?
Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang kahon.
Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon.
Iyong pantuyo raw ng buhok, para kay Tiya Lupe. Iyong pantimpla
ng kape, kina Manang Letty. Iyong pandurog ng mga prutas, kina
Manong Ben. Ang dami pang iba. Ang galing! May madyik lahat ng
mga gamit na dala ni Nanay. Meron din kaya siyang ibibigay na
madyik para sa akin?

Page 2 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER
"At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay
ay para sa mahal kong anak na si Popoy." Ako 'yon! Ako 'yon!
Naalala pala ako ni Nanay. Wow! Ang gaganda ng pasalubong ni
Nanay. Parang nakababasa siya ng isip. Alam niya na mahilig ako
sa libro kahit hindi naman niya ako tinanong. Kasama kaya iyon sa
mga power niya? FILIPINO
Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong.
"Nanay, kayo po ba talaga si Darna?" Napatingin lahat ng tao sa
akin. Napasulyap si Nanay kay Tatay. Ngumiti lang si Tatay.
Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap nang mahigpit na
mahigpit.

TALAKAYIN
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.
1. Makatwiran ba ang ginawa ng tatay na pagpapakilala sa anak
niya na ang nanay nito ay si Darna? Bakit?
___________________________________________________
_________________________________________________

2. Ano ang mensahe ng kuwento? Ipaliwanag.


___________________________________________________
_________________________________________________

3. Tunay nga bang maituturing na “bagong bayani” ang mga


OFW? Bakit?
___________________________________________________
_________________________________________________

4. Ano ang positibo at negatibong naidudulot ng pagiging OFW ng


ating mga kababayan? Ipaliwanag.
___________________________________________________
_________________________________________________

5. Kung makakapagtapos ka ng pag-aaral sa hinaharap, nanaisin


mor in ba na magtrabaho sa ibang bansa at iwan ang pamilya
mo sa Pilipinas? Bakit?
___________________________________________________
_________________________________________________

St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 3


KINDER
GRADE 5

PALAWAKIN
Ibigay ang kahulugan ng bawat salita batay sa pagkakagamit
nito
sa kuwento. Pagkatapos, gamitin ito sa sariling pangungusap.
FILIPINO
1. Ngalangala-
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Karga-karga
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Pasada-
___________________________________________________
___________________________________________________

4. Tumatahan-
___________________________________________________
___________________________________________________

5. Inuurungan-
___________________________________________________
___________________________________________________

6. Agimat-
___________________________________________________
___________________________________________________

Kasarian ng Pangngalan
1. Pambabae- tawag kapag ang pangngalan ay ginagamit para sa
babae.
Mga halimbawa: Julia, yaya, madre, ate, lola
2. Panlalaki- tawag kapag ang pangngalan ay tumutukoy sa mga
lalaki.
Mga halimbawa: Daniel, lolo, pari, kuya, maestro
3. Di-tiyak- tawag kapag ang pangngalan ay maaaring tumutukoy sa
lalaki o sa babae.
Mga halimbawa: pulis, bata, kapatid, guro, nars
4. Walang kasarian- pangngalang ginagamit sa mga bagay na hindi
babae at hindi naman lalaki.
Mga halimbawa: laptop, bundok, mp3, aklat, lapis

Page 4 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER

Panghalip Panaklaw
Ang panghalip panaklaw ay tumutukoy sa kaisahan o
kalahatan
ng mga tinutukoy na tao, bagay, o lugar.
Mga halimbawa: lahat anuman alinman FILIPINO
sinuman isa lima

Tandaan

Ang pangngalan ay may apat na kasarian. Ang


mga ito ay ang panlalaki, pambabae, di-tiyak, at walang
kasarian.
Ang panghalip panaklaw ay tumutukoy sa
kaisahan o kalahatan ng mga tinutukoy na tao, bagay, o
lugar.

SURIIN
Tukuyin kung anong kasarian ng pangngalan ang bawat
salita. Isulat sa patlang ang PL kung panlalaki, PB kung
pambabae, DT kung di-tiyak, at WK kung wala.

_______1. anak _________6. aklat


_______2. upuan _________7. ninang
_______3. ina _________8. abogado
_______4. tatay _________9. hari
_______5. kamag-aral _________10. damit

GAWIN MO
Punan ng angkop na panghalip panaklaw ang patlang
upang mabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

anuman lahat saanman


sinuman bawat isa alinman

St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 5


KINDER
GRADE 5
1. Walang _____________ ang puwedeng humatol sa kaniyang
kapuwa.
2. Ang ____________ ay inanyayahang dumalo sa
kaarawan ng pangulo.
3. Siya ay may balak na pumasyal ______________ sa
bansa.
FILIPINO 4. ______________ ay may karapatang mag-aral.
5. Tayo ay anak ng Diyos _______________ ang lahi mo.

GAMITIN
Magtala ng mga bagay na kayang gawin ng isang batang tulad
mo na sa iyong palagay ay maituturing na kabayanihan.

1. ___________________________________________________
___________________________________________________

2. ___________________________________________________
___________________________________________________

3. ___________________________________________________
___________________________________________________

4. ___________________________________________________
___________________________________________________

5. ___________________________________________________
___________________________________________________

Page 6 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.

You might also like