GR05 Fil Q1 A7 Edited

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PRE-K/

GRADE 5
KINDER

Puksain ang
Aralin 7 mga Halimaw
FILIPINO
sa Lipunan
BASAHIN
Naging malaking isyu sa pamahalaan ang paggastos ng mga
pulitiko ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF)
na kilala rin sa tawag na pork barrel para sa pansariling
kapakanan. Isa itong anyo ng korupsiyon na dahilan ng paghihirap
ng bayan. Para itong halimaw na pumipinsala sa ekonomiya ng
bansa at ugat ng kahirapan ng ating mga kababayan. Bilang mag-
aaral sa ikalimang baitang, may magagawa ka kaya upang
labanan ang dambuhalang halimaw ng katiwalianng dahilan ng
miserableng sitwasyon sa ating bansa?

Pamantayang
Pampagkatuto

Nagagamit
ang
magagalang
na pananalita
sa pagsasabi
ng hinaing o
reklamo
F5PS-Ig-
12.18

Ang Halimaw
St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 1
KINDER
GRADE 5
(Maikling Kuwento)
ni Joel Costa Malabanan

Sa isang malayong bayan na pamilyar sa ating lahat ay may


isang mapaminsalang halimaw na pumapatay at kumakain ng tao,
winawasak din ng halimaw ang mga pananim, palaisdaan, at
FILIPINO anumang hanapbuhay ng mga tao, ang halimaw na ito ay may ulo
ng isang buwaya, makapal na balat na kulay luntian, pakpak na
tulad ng sa isang higanteng paniki, anim na malalaking galamay,
at mahabang buntot na may kakayahang dumurog ng matitigas na
bagay. Kapag nakatayo, ang halimaw ay may taas na pitong
talampakan at higit malaki kaysa ordinaryong tao. Marami ng
mandirigma ang nagtangkang labanan ang halimaw ngunit silang
lahat ay nangabigo. Sa tatlumpong taon, sunod-sunod at walang
humpay ang pahirap na ginagawa ng halimaw sa sambayanan at
saglit lamang na humihinto ito tuwing buwan ng Mayo na bawat
ikaanim na taon.
“Nanghihina ang halimaw tuwing ikaanim na taon at maaari
lamang itong mapaslang kapag buwan ng Mayo!” ang sabi ng
walumpu’t anim na taong albularyong si Mang Poncing na matagal
nang saksi sa delubyong idinudulot ng halimaw sa sambayanan.
“Paano po matatalo ang halimaw?” ang tanong ni Nonoy sa
matanda. Matagal nang nagsasanay si Nonoy bilang mandirigma.
Nais niyang ipaghiganti ang kaniyang ama na pinatay ng halimaw
at ang kaniyang kuyang si Manuel na hindi na nakabalik pa sa
kanilang bayan sapul nang magtangka rin itong labanan ang
halimaw may anim na taon na ang nakalipas.
“Narito ang mahiwagang espada ng panday! Tanging ito
lamang ang sandatang tatalab sa makapal na balat ng halimaw!”
ang tugon ni Mang Poncing. “Kung hindi lamang lubhang matanda
na ako, ako na sana ang pupuksa sa halimaw. Ikaw Nonoy, bata
ka pa at malakas, marahil nga ay ikaw ang nakatakda para
puksain ang halimaw kung kaya sa iyo ko na ipinagkakaloob ang
espadang ito!” ang dagdag pa ng matanda.
“Mang Poncing, nasaan na po ang panday na siyang may-ari
ng espadang ito?” ang tanong ni Nonoy habang iwinawasiwas ang
mahiwagang espada.
“Namatay siya dahil nalinlang siya ng halimaw. Tuso ang
halimaw na nagpapahirap sa ating bayan kaya mag-iingat ka,” ang
sabi ni Mang Poncing. “Ngayon ang pag-ulit ng ika-anim na taon
ng pagpapahirap sa atin ng halimaw at sa darating na buwan ng
Mayo, kailangang samantalahin mo ang kahinaan ng halimaw.
Itarak mo sa puso ng halimaw ang espada upang magwakas na
ang kaniyang kasamaan,” ang dagdag pa ng matanda.
At nagsanay si Nonoy sa larangan ng pakikidigma bilang
paghahanda sa napipintong paghihiganti sa halimaw. Ang

Page 2 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER
pagkamatay ng kaniyang ama at kapatid ay magkakaroon na ng
hustisya sa sandalling mapatay niya ang halimaw. Ngunit higit sa
lahat, ang pagtatagumpay niya ay buong puso niyang ihahandog
sa bayan na malaon nang nabaon sa pagdurusa at kahirapan
dahil sa mapaminsalang halimaw.
Dumating na sa wakas ang panahong inaabangan ni Nonoy.
Nabalitaan niyang sumalakay sa karatig na bayan ang halimaw. FILIPINO
Noon ay ikasampung araw ng buwan ng Mayo at maagang-maaga
pa lamang ay nag-aabang na si Nonoy sa lugar kung saan
posibleng lumitaw ang halimaw. Hindi siya nabigo sapagkat sa
katanghaliang tapat ay nakita niya ang paparating na halimaw.
Mabagal at mababa ang paglipad nito na parang may hinahanap.
Napatunayan niyang tama si Mang Poncing, mukhang mahina nga
ang halimaw dahil hapong-hapo ito nang dumapo malapit sa
kaniyang kinaroroonan. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si
Nonoy, inihanda niya ang espada ng panday at dahan-dahang
lumapit sa nakatalikod na halimaw.
Isang malakas na taga ang ibinigay niya sa nabiglang
halimaw. Tanggal ang isang pakpak nito at umaringking sa sakit.
Galit na hinarap nito si Nonoy at inihampas ang mahabang buntot
na muntik nang tumama sa balikat ng mandirigma. Isang
matinding bigwas ang ibinigay ni Nonoy at naputol ang dalawang
galamay ng halimaw. Nang makatiyempo ay ubod lakas na
itinarak ni Nonoy ang espada sa tapat mismo ng puso ng halimaw.
Bumulwak ang masaganang dugo at agad na nangisay ang
halimaw. Maging si Nonoy ay nagulat dahil hindi niya inakalang
napakadali niyang matalo ang halimaw.
Subalit laking pagkagulat ni Nonoy nang makitang
nagbabago ng anyo ang agaw-buhay na halimaw. Sa pagkabigla
ni Nonoy ay nakita niya ang kanyang kuya Manuel sa katauhan ng
halimaw. Di yata’t ang nawawala niyang kapatid ang halimaw?
Ngunit hindi pa roon nagtatapos ang pagkagimbal ni Nonoy. Unti-
unting nanginig ang kaniyang katawan at may kung anong
pagbabagong nagaganap sa kaniya. Dalawang animo pakpak ang
tumubo sa likod niya at ang mukha niya ay humaba sa anyo ng
isang buwaya. At sa dakong likuran niya ay tumubo ang isang
mahabang buntot. Nadagdagan din ng dalawa pa ang kaniyang
mga kamay.
“Hindi! Ano ang nagyayari sa akin! Hindi totoo ito,” ang sigaw
ni Nonoy na ngayon ay isa nang ganap na halimaw. Huli na nang
mapagtanto ni Nonoy ang katotohanan na ang sinumang
makapatay sa halimaw ang siyang susunod na magiging halimaw.
Sumigaw si Nonoy ngunit ibang tinig na ang lumabas sa kaniya-
tinig na nakasisindak. Siya na ang bagong halimaw! Lumipad ang
bagong halimaw patungo sa kalawakan.

St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 3


KINDER
GRADE 5
Buwan ng Hunyo. Pinulot ni Mang Poncing ang espada ng
panday. “Nabigo si Nonoy! Anim na taon na naman ang aking
hihintayin bago mapuksa ang halimaw. Sino kaya ang
makakapuksa sa halimaw na siyang salot ng sambayanan?”
malungkot na iniwan ng matanda ang lugar na iyon upang muling
maghanap ng bagong bayani.
FILIPINO Sa dako pa roon, patuloy sa paghahasik ng lagim ang
bagong halimaw-mas mabagsik, mas matakaw, at mas malupit.

TALAKAYIN
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong
sagot sa mga patlang.

1. Bakit walang kamatayan ang halimaw sa akda?


_________________________________________________
_________________________________________________

2. Ano ang dapat na ginawa ni Nonoy upang tuluyan nang


maglaho ang halimaw?
_________________________________________________
_________________________________________________

3. Ano ang isinasagisag ng buwan ng Mayo sa akda?


_________________________________________________
_________________________________________________

4. Ano ang pangunahing aral ng akda? Ipaliwanag.


_________________________________________________
_________________________________________________

5. Sa paanong paraan maiuugnay ang “halimaw” sa kalagayan


ng ating bansa? Ipaliwanag sa pamamagitan ng isang talata.
Lagyan ng angkop na pamagat ang talatang gagawin.
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

PALAWAKIN

Page 4 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.


PRE-K/
GRADE 5
KINDER
Hanapin sa kahon ang pinakamalapit na kahulugan ng
salitang may salugguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa

mapaminsala tatalab itarak

umaringking pagkagimbal mabagsik


FILIPINO
patlang.
______________1. Dumaing sa sakit ang bata dahil sa kaniyang
sugat.
______________2. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Nonoy
nang magbago siya ng anyo.
______________3. Namatay ang halimaw nang itusok niya sa
puso nito ang mahiwagang espada.
______________4. Hindi niya batid kung eepekto ang gamot sa
sakit ni Angel.
______________5. Naging labis na matapang ang kaniyang aso
dahil sa matagal nitong pagkakatali.

Magagalang na Pananalita
Ang magagalang na pananalita ay mahalaga sa
pakikipag-usap sa kapuwa. Napatitibay nito ang ugnayan sa
pamilya at sa ibang tao at nagpapakita ito ng mabuting pag-uugali.
Mga halimbawa:

1. Pagbati
Magandang umaga po!
Magandang tanghali po!
Magandang hapon po!
Magandang gabi po!

2. Paghingi ng pahintulot
Maaari po ba…?
Puwede po ba…?

3. Pagtugon
po
opo

SURIIN
Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng M ang
patlang kung ito ay nagpapakita ng paggalang.
____1. Kunin mo iyong aklat ko.
____2. Maaari po ba akong bumisita sa aking kamag-aral bukas?
____3. Magandang umaga po, Binibining Asuncion!
St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc. Page 5
KINDER
GRADE 5
____4. Kayo po ba ang ina ni Luisa?
____5. Padaanin nga ninyo ako!
____6. Sino ang kumuha ng pagkain ko sa mesa?
____7. Puwede ko po bang mahiram ang kompyuter mamaya?
____8. Ano po ang ulam natin ngayon, Nanay?
____9. Ate, magluto ka na!
FILIPINO ____10. Magandang gabi po sa inyo, Lolo at Lola!

MAGSANAY PA
Pumili ng limang magagalang na pananalita. Sumulat ng iba’t
ibang sitwasyon na maaari mong magamit ang mga pinili mo.

1. _________________________________________________
_________________________________________________

2. _________________________________________________
_________________________________________________

3. _________________________________________________
_________________________________________________

4. _________________________________________________
_________________________________________________

5. _________________________________________________
_________________________________________________

Page 6 St. Lorenzo Ruiz Academy of Tagum, Inc.

You might also like