Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:Angel Ann J, Celfa Marka:

Kurso/Seksiyon: BSE Filipino A-1. Petsa:11/24/21

“Hadlang sa mabuting komunikasyon”

Maraming dahilan kung bakit may nakakasagabal sa komunikasyon,


ako’y magbibigay ng limang dahilan na nakakasagal

•Una- ang hindi pakikinig sa kausap o kapag ang iyong kausap ay


hindi nakikinig. Isa ito sa rason kung bakit hindi n’yo nauunawaan
ang isa’t isa.

•Pangalawa- Mahina ang memorya ito ay nakakasagabal sa


komunikasyon dahil hindi nila maalala kung ano ang sinabe sakanila
na nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan.

•Pangatlo- Perseptwal na balakid, dahi ang bawat isa sa atin ay may


iba’t ibang pananaw sa buhay na dapat nating galangin.

• Pang apat- Emosyonal na balakid. Ito ay dulot ng takot , hindi


pagtitiwala sa taong nakapaligid sakanya. Panghihinala kung ang
ipinapakita ba sakanya ay katotohanan o kasinungalingan. Isa ito sa
mabigat na dahilan kung bakit may hindi pagkakaunawaan ang
bawat isa sa atin, dahil itong mga tao na nakakaransan ng gan’to ay
sila yung na trauma, kaya hirap magtiwala sa mga nakapaligid
sakanila

•Panglima- Kultural na balakid. Mga tradisyon na hindi


pagkakapare-pareho na minsan ito ay pinaguumpisahan ng hindi
pagkakaunawaan ng bawat isa. Dapat galangin natin kung ano ang
kanilang tradisyon, ganun din dapat sila.
Ang limang halimbawa na aking Ibinigay ay ang rason kung bakit
hindi nagkakaunawaan ang bawat isa sa atin. Una, dapat kung ang
ating kausap ay may ganon na problema atin itong unawain at
habaan natin ang ating pasensya dahil hindi ito madali para sa
kanila. Pangalawa, may mga tao na kapag kausap natin sila ay wala
sila sa konsentrasyon o sila ay makakalimutin, kaya kahit ano
sabihin natin sakanila, ito ay kanilang nakakalimutan na nagiging
dahilan kung bakit ito ay nakakasagabal sa komunikasyon. Pangatlo,
Para sa akin Ito ang pinaka sagabal sa komunikasyon, dahil pahat
tayo ay may kanya kanyang pananaw. Kung sa tingin mo na tama ka,
sa kanila ang iyong sinasabe ay mali, dahil nga may iba silang
paniniwala na kahit anong gawin mo, hindi mo na ito mababago pa.
Pang-Apat, Ang pagiging Emosyonal ay napaka hirap kung ikaw ay
nakakaramdam nito, dahil hirap kang magtiwala sa mga nakapaligid
sayo, tingin mo may nasasabi sila sa’yo na hindi maganda o hindi ka
nila maintindihan kung bakit ka ganyan, kaya mas pinipili mo na
huwag na lamang makipag komunikasyon sa iba. Pang Huli, kultural
na balakid. Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at
pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring
magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.

Ang lima na aking ibinigay ay rason kung bakit may hindi


pagkakaunawaan ang bawat isa, dapat natin unawain ang bawat isa
at igalang kung ano ang ating pagkakaiba, dahil iyon ang nararapat
na gawin. Respeto at paggalang ang ating gawin para sa kaayusan
ng ating bansa.

You might also like