Professional Documents
Culture Documents
Ang 4 Na Sistemang Pang-Ekonomiya AraLipunan
Ang 4 Na Sistemang Pang-Ekonomiya AraLipunan
Table of Contents
Ano ang Sistemang Pang-ekonomiya?
Traditional Economy
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Iba pang Artikulo
Traditional Economy
Ang traditional economy ay ang pinakapayak at pinakamatandang sistema sa apat na uri. Ang
sistema na ito ay nakabatay sa paglikha ng produkto at serbisyo na sumusunod sa
naaakmang panahon. Madalas ang sistema na ito ay makikita sa mga rural na lugar kung
saan ang agrikultura ang pangunahing kabuhayan.
Madalas limitado ang mga pinagkukunang yaman ng mga tao na bahagi ng komunidad na
sumusunod sa traditional economic system. Maaaring na kukunti lamang ang likas na yaman
sa lugar na iyon o mahirap maglakbay papasok at palabas sa lugar na iyon. Ang sistemang
ito ay nagkukulang sa kakayahan lumikha ng surplus.
Dahil sa primitibong anyo nito, ang traditional system ay mas sustinable kaysa sa ibang
sistemang pang-ekonomiya, dahil ang maliit na output ng sistema na ito ay sumisigurado na
kaunti lamang ang nasasayang na pinagkukunang yaman para sa produksyon.
Market Economy
Ang market economy ay kumikilos sa konsepto ng free market. Ang pamahalaan ay hindi
nakikialam sa ekonomiya. Ang pamahalaan ay may maliit na kontrol lamang sa mga
pinagkukunang yaman at hindi nakikiaalam sa mga mahalagang bahagi ng produksyon. Ang
regulasyon ng pamilihan ay nagmumula sa mga mamimili at sa epekto ng paggalaw ng
supply at demand.
Command Economy
Dahil sentro ang pamahalaan ng sistema na ito, ang pamahalaan ay bahagi ng pagpaplano
hanggang sa pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman. Ang command economy ay may
kakayahan na lumikha ng maayos na supply ng mga pinagkukunang yaman at nakakatulong
din ito para mabigyan ang mga mamamayan ng mababang presyo ng bilihin. Madalas ay
kontrolado ng gobyerno ang mga mahahalagang industriya sa bansa tulad ng tubig, kuryente,
paliparan, daungan at mga riles. Ang mga mamamayan ay may kontrol sa mga hindi gaanong
importanteng sektor ng ekonomiya tulad ng agrikultura.
Kung may napakamahalagang supply ng isang pinagkukunang yaman sa isang lugar, mas
malaki ang pagkakataon na gamitin ng lipunan na iyon ang command economy. Ito ay
madalas na nagaganap kapag may natuklasan na isang mahalagang yaman tulad ng ginto at
langis. Sa sitwasyon na ito, papasok ang pamahalaan upang kontrolin ang mahalagang
pinagkukunang yaman na iyon.
Ang command economic system ay karaniwang nakikita sa mga komunistikong lipunan dahil
ang karamihan ng mahahalagang desisyon pang-ekonomiya ay nakabatay sa desisyon ng
pamahalaan.
Ang sistema na ito ay malaki ang kabutihang nagagawa kung ang mga pinuno ay binibigyan
ng priyoridad ang kabutihan ng nakararami at ng kanilang bansa. Ngunit bihira lamang ito
mangyari ito sa isang awtokratikong komunistang bansa.
Isang kahinaan ng command economy ay ang mabagal na pagkilos nito sa harap ng mga
pang-ekonomiyang krisis. Dahil sentralisado ang pagdedesisyon nito, sila ay nagiging bukas
sa mga suliranin na dulot ng mga problema sa ekonomiya at lumalala dulot ng mabagal na
pagbibgay ng wastong aksyon sa mga problema na ito.
Mixed Economy
Karamihan ng mga bansa sa daigdig ay sumusunod sa mixed economy. Kung saan ang
karamihan ng mga industriya ay nasa pribadong pamamalakad at ang natitira ay bumubuo sa
mga pampublikong serbisyo na nasa ilalim ng pamamalakad ng pamahalaan.
Ano ang Ekonomiks?: Ano ang mga Salik ng Ano ang Sosyalismo?
Kahulugan, Kahalagahan at Uri Produksyon? September 29, 2020
June 16, 2021 September 23, 2020 In "Araling Panlipunan"
In "Araling Panlipunan" In "Araling Panlipunan"
Pingback: Bakit sa Tabi ng mga Ilog Nagsimula ang mga Sinaunang Kabihasnan? |
AraLipunan
AFFILIATE DISCLAIMER
This site contains links to the Involve Asia Affiliate, Amazon Affiliate Program, and
other affiliate programs. If you click and purchase anything through those links, we
will receive a small commission. Those referral fees are used for the upkeep of the
site
Recent Posts