Villariaza, Irish Mae SpokenWordsPoetryPiyesa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pandemya

Kung pag-uusapan lang ang mga isyu sa kasalukuyan, alam nating pandemya na agad
ang naiisip ng karamihan.
Ngunit meron pa nga bang sakit na nananalanta o itinanim na lamang natin sa utak
kaya tayo'y nangangamba?
Maaaring ang karamiha'y takot na makalanghap ng hangin at takot makipag sa palaran
sa labas.
May mga tao rin na kahit anong unos o sakuna ay patuloy pa ring nagtatrabaho para sa
kanilang pamilya.
Hirap makisama dahil sa distansyang ipinapatupad.
Kasiyaha'y tila ba nalilimitahan.
Masdan natin ang bawat kabahayan, tila ba nawala na ang tradisyong sinusubaybayan.
Bawal ang pagtitipon-tipon para magselebra ng iba't ibang okasyon, bawal din ang
'videokeng' nagpapaingay sa nayon.
Hindi rin mawawala ang mga matitigas ang ulo na tila ba'y nagpapakasuperhero,
walang proteksyong dala, mapamask, panyo man o tuwalya.
Iniisip nilang ang 'virus' na nananalanta ay naninirahan na lamang sa mga utak ng
madla.
Huwag sana nating hintaying may mawala sa atin bago tayo kumilos, sugpuin ang virus
sa pamamagitan ng pagsunod sa bawat utos.
Ang pagsusuot ng proteksyon ay mahalaga, upang tayo ay makaligtas sa pandemya.

You might also like