Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Lyceum of the Philippines-Laguna

Former Lyceum Institute of Technology


Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Pagsasaliksik sa mga Dahilang


Higit na Nakakaapekto sa
Pagbagsak sa ilang Asignatura sa
Kursong ECE

Jessa Marie S. Borcer

Ma. Ramona Alcantara

Jariette Molinyawe

Pierce Gianni Desear


Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Kabanata 1
Panimula
Introduksyon
Ang Electronics and Communications Engineering o ECE ang isa sa mga unang kursong inialok sa
mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines-Laguna (dating Lyceum Institute of Technology)
noong ito ay nagbukas sa publiko noong Enero 2000.
Ayon sa datos mula sa Office of the Registrar ang ECE ang isa sa pinakadominanteng kurso
sa paaralan. Pumangalawa ito sa rami ng populasyon sumunod sa International Tourism and Travel
Management (ITTM) at pangalawa rin sa buong Engineering Department kasunod ng Industrial
Engineering.
Sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, nagsasagawa ang paaralan ng pangangalap
ng datos tungkol sa kursong ito. Bilang ito ay kabilang sa mga kursong kumukuha ng board exam,
mahigpit itong binabantayan ng paaralan lalo’t higit ang ipinapakitang husay ng mga mag-aaral.
Mula sa Departamento ng Engineering at Computer Studies, hindi maittanggi ng mga datos
mula sa Registrar na maraming bumabagsak taun-taon sa mga asignaturang sangkot ang matematika.
Ilan sa mga asignaturang ito ang Trigonometry at Algebra sa unang taon at Solid mensuration at
Analytic Geometry sa ikalawang taon.
Kaugnay ng mga nabanggit na datos at pagsusuri ng institusyon, ang pagiging kabilang ng
ECE sa mga kursong kumukuha ng Board Exam ay nakadaragdag ng pressure sa isang mag-aaral.
Kasama pa sa mga ito ang oras na inilalaan sa pag-aaral at gradong kailangang bantayan upang hindi
bumagsak. Dahil rito ang mga mananaliksik bilang parte rin ng mga mag-aaral na kumukuha ng
kaparehong kurso, ay nais malaman ang mga nakakaapekto at dahilan ng pagbagsak ng mga mag-
aaral. Ito ay isasagawa upang makapagbigay tuon at mapagbuti pa ng mga mag-aaral ang kanilang
pag-aaral.
Ang pag-aaral ay isasagawa sa pamamagitan ng sarbey kung saan ay ilalahad ng mga mag-
aaral ng ECE ang mga dahilan ng kani-kanilang pagbagsak sa mga asignatura. Mula sa sarbey ay dito
magmumula ang mga sagot sa mga katanungan ng mga mananaliksik.

Suliranin
Ang pagsasaliksik ay pangunahing isinagawa upang sagutin ang sumusunod na
mga katanungan:
1. Demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondente:
a. Edad
b. Kasarian
c. Taon/Baitang
d. Marka (GWA)
2. Ano-anong mga salik ang nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral ng
ECE sa ilang asignatura?
a. Emosyonal
b. Pisikal
c. Sosyal
3. Ano-ano ang mga asignaturang kadalasang naibabagsak ng mga mag-aaral?
a. Unang Taon
b. Ikalawang Taon
c. Ikatlong Taon
d. Ikaapat na Taon
e. Ikalimang Taon
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Kahalagahan
Ang pag aaral ng "Mga dahilan ng pagbagsak sa mga asignatura ng mga mag-aaral ng ECE
ayon sa karanasan ng Ikalimang Taon Batch 2014-2015 ng Lyceum of the Phils. Laguna" ay
makatutulong partikular sa mga kasalukuyang mag aaral ng ECE:

1. Upang malaman ang mga bagay na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag aaral
2. Upang matulungan ang mga mag aaral hinggil sa mga dahilan ng pagbagsak sa mga asignatura ng
mga mag-aaral ng ECE ayon sa karanasan ng Ikalimang Taon Batch 2014-2015 ng Lyceum of the
Phils. Laguna.
3. Upang mabigyan ng pansin ng mga guro/propesor ang mga asignatura na magpapaunlad rin ng
estilo sa kanilang pagtuturo. Ito ay makatutulong sa mga propesor at maging higit sa ating
institusyon.
4. Upang magbigay babala at upang mapagtuunan ng mas malaking atensyon at paghahanda ng mga
susunod na batch ng ECE ang mga pag aaralan upang makaiwas sa pagbagsak.
5. Upang maipakita ng sapat ang mga asignatura na naibabagsak o inuulit ng isang estudyante ng
Elektronika na syang magbibigay ng dagdag na impormasyon at ideya sa lahat ng mag aaral na
kumukuha ng kursong ECE.
6. Upang malaman ang importansya ng pag aaral at sakripisyo na maaaring maidulot ng pagbagsak.
7. Upang magbigay solusyon o pamamaraan na syang makatutugon sa mga problemang
nakakaapekto sa pag aaral ng mga mag aaral.

Layunin
Pangunahing layunin ng pagsasaliksik ay upang makatugon sa mga sumusunod:
1. Malaman ang mga dahilan sa pagbagsak ng mga mag-aaral ng ECE sa ilang
asignatura.
2. Malaman ang mga asignaturang kadalasang naibabagsak ng mga mag-aaral ng
ECE.
3. Makapagbigay ng solusyon sa mga problemang nakakaapekto sa pagbagsak ng
mga mag-aaral sa ilang mga asignatura.

Saklaw at Limitasyon
Ang pagsasaliksik ay naglalayon lamang na makapagbigay ng konkretong sagot sa
mga katanungan tungkol sa mga dahilan ng pagbagsak ng mga mag-aaral. Ang mga sagot
na makukuha at mababasa sa pag-aaral na ito ay mula lamang sa persepsyon ng ng
ikalimang taon ng kursong ECE batch 2014-2015 bilang representasyon ng limang taong
pag-aaral sa Lyceum of the Philippines-Laguna. Wala nang ibang pagsusuri ang
isinagawa.
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Konseptwal na Balangkas

Demograpik
ong
Kadalasang Pagkakakila
Pagbagsak nlan Emosyonal
Dahilalang
Mga Dahilan
Mga Higit na
Asignatura
ng Pisikal
nakakaapek Resulta
Pagbagsak
to
Sosyal

Talahanayan 1
Paradigma
Ipinapakita ng balangkas ang mga bagay o mga kategorya ng mga salik na
nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral ng ECE sa ilang mga asignatura. Nakasaad
sa balangkas ang Emosyonal, Pisikal at Sosyal na aspeto. Ipinapakita rin ng balangkas
ang magiging resulta gayun din ang salik na higit na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga
mag-aaral sa kursong ECE.

Sintesis
Ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral sa
kursong ECE ay naayon sa kanilang emosyonal, pisikal at sosyal na pakikitungo sa
kanilang paligid na ginagalawan. Lumalabas sa mga pag-aaral ng mga eksperto, malaking
porsyento ng pag-iisip ay naiimpluwensyahan ng mga salik na ito.

Inaasahan sa Pag-aaral
Inaasahan ng mga mananaliksik na makapagbigay ng konkreto at espisipikong sagot sa mga
suliranin sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa salik na higit na nakakaapekto sa pagbagsak sa
ilang asignatura ng mga mag-aaral sa kursong ECE.
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Depinisyon ng mga Terminong Ginamit


Upang mas maging ganap at madali ang pag-intindi ng mga mambabasa ay minarapat ng mga
mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ito

 ECE o Electronics and Communications Engineering- isang disiplinang ng inhenyeriya


ginamit sa konteksto ng pamanahong papel:

kung saan ang mga langkap o kumponenteng pangkuryente na hindi nakalinya at active na
katulad ng mga tubong elektron, at mga aparatong semikonduktor, lalo’t higit na ang mga
transistor, mga diode at mga integrated circuits, ay ginagamit upang makapagdisenyo ng mga
electronic circuits, mga aparatong elektroniko at mga electronic systems, na karaniwang
kinabibilangan din ng mga langkap na pangkuryenteng hindi aktibo at nakalapat sa mga
circuit boards.. Nagpapahiwatig ang kataga ng isang malawak ng larangang pang-inhenyeriya
na sumasakop sa mahahalagang kabahaging mga larangan na katulad ng analogong
elektroniks, digital na elektroniks, elektroniks na pangtagapagkonsumo, embedded systems at
enerhiyang pang-elektroniks. Ang inhenyeriyang elektronika ay humaharap sa
pagsasakatuparan ng mga paglalapat, mga prinsipyo at mga algoritmong napaunlad sa loob
ng maraming kaugnay na mga larangan, halimbawa na ang pisika ng solidong estado,
inhenyeriyang pang-radyo, telekomunikasyon, sistemang pangkontrol, pagpuproseso ng
signal, inhenyeriyang pangsistema, inhenyeriyang pangkompyuter, inhenyeriyang pang-
instrumentasyon, pagkontrol ng enerhiyang kuryente, robotika, at marami pang iba.

 Asignatura- Lagom ng mga aralin sa ilalim ng isang disiplina.


Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Kabanata 2
Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral
Ayon kay Ellan Langer et.al (1987), kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa
kakayahang umunlad ng isang indibidwal sa klase ang emosyonal na nararamdaman. Mas
nakakapag-isip ng maayos ang isang indibidwal kung walang bumabagabag sa kanya.
Sinuportahan naman ito nina Tetlock, Skitka at Boettger (1989), mas napapadali at
gumagana ang utak sa mga gawaing ginagamitan ng pag-iisip kung ang mga taong
nakapaligid sa isang indibidwal ay nakapagbibigay ng mabuting impluwensya at may
positibong pananaw na maaari nitong mapaghugutan ng inspirasyon.
Ayon naman kina Kaplan at Miller (1987); Forsyth (1990) lumalabas na
nakakaapekto ang emosyonal na aspeto sa kakayahang mag-isip ng isang indibidwal.
Ayon din sa kanila kapag ang isang indibidwal ay kulang o may panlabas na salik na
nakakaapekto sa kaisipan nito ay mas napipilitan ang utak na mag-isip na nagbubunga sa
paglabas ng hormone kung saan ay naiinis ang isang indibidwal sa mga gawaing hindi
niya magawa na nagdudulot sa pagkasawa o dili kaya’y kawalan ng ganang mag-isip.
(Social Psychology. Forms of Emotional Thinking)
Pinabulaanan naman ito nina Campbell, Tesser at Fairey (1986) may kakayahan
ang utak na labanan ang mga panlabas na aspetong nakakaapekto sa pag-iisip depende sa
kung paano tingnan ng indibidwal ang isang problema (positibo o negatibo). (Social
Psychology. Identities, Attitudes and Behavior)
Ayon kina Higgins at Bargh (1987), Zarate at Smith (1990, 1992), nakakaapekto
ang tao at lugar na ginagalawan ng isang indibidwal sa pag-iisip. Maaaring kasarian at
pinagmulan ng indibidwal, ugali, o ang mismong tahanan o pamayanan na kinabibilangan
nito sa pagresolba ng problema.
Nakakaapekto sa pag-aaral ang impluwensya ng mga taong nakapaligid sa isang
indibidwal pagkat may iba’t ibang aspeto o gawaing nakakakuha ng atensyon nito.
Nalilipat ang atensyon ng isang indibidwal sa gawain o bagay na ito na nagiging sanhi ng
pagkawala ng interes nito sa pag-iisip.
Dinagdagan ito nina Elizabeth Lottus et.al (1979, 1984), nakakaapekto rin ang
bisyo sa pag-iisip ng maayos. Ilan sa maituturing na bisyo ay ang kaadikan sa internet o
mga sugal kabilang rin ang paninigarilyo at paggamit ng droga. (Social Psychology. The
Influence of the Environment)
Ayon nmn sa artikulo ng Berbano (2014) isa sa maraming problema na
kinakaharap ng mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa,
ang pinanggalingang paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya.
Ikatlong maaaring maging suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang
estudyante. Ayon pa sa kanya, minsan ay napipilitan lamang kunin ng mga estudyante
ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman ay naiimpluwensyahan
ng mga kaibigan o kapwa kamag-aral. Ito ay nagdudulot naman sa ikaapat na problema –
ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang pagpili ng kurso ay
napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang magsasaad
ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda. (www.prezi.com)
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Kabanata 3
Disenyo At Metodo ng Pagsasaliksik
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga pamamaraan ng pananaliksik na
ginagamit sa pagsasagawa ng pag-aaral. Kabilang dito ang mga paglalarawan ng mga
disenyo ng pananaliksik, setting ng pananaliksik, populasyon, at pamamaraan sa
pagtitipon ng data, instrumento ng pananaliksik at pang-istatistikang tritment ng data.

Disenyo ng Pagsasaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-
kwantitatib na pagsasaliksik. Tinangkang suriin at ilarawan ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na ito ang kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral ng Ikalimang Taon ng
kursong ECE Batch 2014-2015 hinggil sa pinakanakakaapekto sa pagbagsak ng mga
mag-aaral sa ilang asignatura.

Lugar ng Pag-aaral
Ang pagsasaliksik ay isinagawa sa Unibersidad ng Liceo ng Pilipinas o Lyceum of
the Philippines-Laguna dating Lyceum Institute of Technology. Ito ay matatagpuan sa
Km.54, National Highway, Makiling, Calamba City, Laguna. Nag-aalok ang unibersidad
ng undergraduate at graduate mga programa sa iba't-ibang mga larangan, kabilang ang
pag-aaral ng computer, engineering, sining, negosyo, accountancy, turismo, mabuting
pakikitungo sa pamamahala at medisina. Nag-aalok na rin ang unibersidad ng K to 12
program.
Sumusunod sa tagline nitong, "Taking the Lead", ang unibersidad ay patuloy na
naghahangad para sa mga pagpapahusay sa pamamagitan ng pagkuha ng world-class na
pagkilala at pamantayan. Dahil sa patuloy na pagsisikap ng unibersidad, ito ay
sertipikadong ngayon at ginawaran ng Gintong Pagkilala ng Investors in People (IiP),
isang pang-internasyonal na akreditasyon na dinisenyo upang mag-advance sa pagganap
ng samahan sa pamamagitan ng mga empleyado nito. Ang LPU Laguna ay ang
pangalawang unibersidad sa sa Pilipinas na kinilala ng IiP, kabilang nito ang kaakibat
nitong paaralan, ang LPU Batangas. Sa loob lamang ng tatlong taon matapos ang
pagkakatatag nito, ang unibersidad ay ginawaran ng ISO 9001: 2008.
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Populasyon ng Respondente
Mga mag-aaral ng Ikalimang Taon ng kursong ECE Batch 2014-2015 sa
Lyceum of the Philippines-Laguna.
Ang respondente ay binubuo ng 31 mag-aaral, lahat ay enrolled at binubuo ng
regular at mga di-regular na mag-aaral. Sila ay nasa pagitan ng 20-24 na taong gulang
at may limang taong residensya sa kursong ECE. Sila ang napiling respondente ng
mga mananaliksik pagkat sila ay mayroong limang taong residensya sa kurso at mas
makakapagpaliwanag ng kanilang karanasan sa pag-aaral ng kursong ito.
Talahanayan 2
Ikalimang Taon ng Babae Lalaki Kabuuan
Kursong ECE Batch
2014-2015 sa LPU- 13 18 31
Laguna

Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagserbey. Ang mga
mananaliksik ay nag-handa ng serbey-kwestyoner upang malaman ang pananaw ng
Ikalimang Taon ng kursong ECE tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pagbagsak
sa ilang asignatura.
Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananliksik na
mangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan sa aklatan tulad ng journal, libro
atbp.

Tritment ng mga Datos


Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng salik na higit na
nakakaapekto sa pagbagsak sa ilang asignatura sa kursong ECE, kaya naman hindi ito
nangangailangan ng mga numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang
ang pamanahong papel ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na
sinagutan ng mga respondente. Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente,
pipiliin lamang ang mga sagot na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik o sa
ginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay
mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Hakbang/Proseso ng Pag-aaral

Pagtukoy sa Paksa

Pagbuo ng estratehiya sa
pagsasaliksik

Pahtukoy sa mga respondante

Pagbuo ng unang bahagi ng


pananaliksik

Pangangalap ng mga kaugnay


na literatura at pag-aaral

Pagsusuri sa hanguan

Pagpormula ng Sarbey-
Kwestyuner

Pagsa-sarbey

Paradigma
Ipinapakita ng tsart ang proseso at hakbang na isinagawa ng mananaliksik sa
pagbuo at pagkalap ng datos para sa pamanahong papel. Nasa unahang hakbang ang
pagpormula sa konteksto ng papel habang nasa may pagitna at padulo ang pangangalap
ng mga datos mula sa respondent at mga aklatan.
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Istatistikang Paraan ng Pag-aaral


Ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na pamamaraang istadistika upang
bigyang kahulugan ang mga datos na nakalap.

1. Kadalasan at Bahagdan (Frequency and percentage distribution)


– ang mga datos ay inilahad sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bilang ng mga mag-
aaral na tumugon sa mga inihandang katanungan ng mga mananaliksik at pagbibigay
bahagdan sa resulta nito.
Pormula:

Kung saan ang:


P = bahagdan
∑ = kabuuang bilang ng sumagot
N = kabuuang bilang ng mga respondente

2. Kabuuang kinalabasan (Weighted Mean) – ito ay ginamit sa pananaliksik


upang malaman ang kabuuang kinalabasan ng mga kalahok.

Pormula:

Kung saan ang:


̅= �eigh� �
∑ ̅ = kabuuan ng pagmamari ng at ̅; kung saan ang ay ang kadalasan ng bawat
marka at ang ay ang katumbas na pagpaparami
ng bawat marka.
N= kabuuan ng mga ginamit na tagasagot.

3. Pangkalahatang kabuuang kinalabasan (average weigted mean)


– ipinapakita dito ang pangkalahatang kinalabasan ng mga indikasyon na inilahad sa
pananaliksik.
Pormula:

Kung saan ang:


AWM= Average Weighted mean
∑̅ = kabuuang bilang ng kinalabasan
N = Bilang ng Indikasyon
Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

Sarbey Kwestyuner
Mahal na kamag-aral,
Kami ay mga mag-aaral sa unang taon, klase ng I-I ay nagsasagawa ng isang pag-aaral sa kursong Filipino. Ang
aming pag-aaral ay may paksang Dahilang higit na Nakakaapekto sa Pagbagsak sa Ilang Asignatura sa Kursong
ECE. Hinihiling na basahing ang mga panuto at matapat na sagutin ang mga tanong na nakatala. Ang sagot na
makukuha namin mula sa iyo ay lubos na kapaki-pakinabang sa aming pag-aaral. Asahan na aming iingatan ang
anumang impormasyon na ipagkakatiwala mo sa amin.
Maraming salamat sa iyong kooperasyon.

Lubos na gumagalang,
MGA MANANALIKSIK
I. Demograpikong Pagkakakilanlan
1.1 Student Number:
1.2 Edad:
1.3 Kasarian:
1.4 Marka (GWA)
a. Pinakamababa (1st-5th year) b. Pinakamataas
5.00-3.00 1.00-1.25
2.75-2.25 1.50-1.75
2.00-1.75 2.00-2.25
1.25-1.50 2.50-3.00

II. Istatus ng Pag-aaral (Panuto: Maaaring pumili ng higit sa isa)


a. Taon ng Pagbagsak b. Bilang ng asignaturang naibagsak (Kabuuan)
Unang Taon Isa-Dalawa
Ikalawang Taon Tatlo-Apat
Ikatlong Taon Lima-Anim
Ikaapat na Taon Pito-Walo
Ikalimang Taon Siyam-Sampu

III. Sarbey
Panuto: Lagyan lamang ng tsek () ang kolum ng napiling kasagutan.
4- Lubos na sumasang-ayon 3- Sumasang-
ayon
2- Di sumasang-ayon 1- Lubos na di sumasang-ayon
4 3 2 1

1. Hindi maituon ang atensyon sa klase dahil parating


puyat.

2. Natutuon ang oras ng pag-aaral sa paggamit ng social


networking site, kaibigan at bisyo.

3. Hindi maipokus ang pag-aaral dahil sa emosyonal na


problema (pamilya, pinansyal, pag-ibig)

4. Hindi pumapasok sa klase dahil sa hirap at kawalan ng


interes.

5. Kakulangan ng oras sa pag-aaral.

6. Hindi binibigyang halaga ang pag-aaral dulot ng


katamaran.

7. Bumababa ang marka dahil sa kakulangan ng motibasyon


mula sa magulang.

8. Nahihirapang mag-aral dahil sa palyadong memorya.

9. Natataranta dahil sa dami ng magkakasabay na gawain.

10. Hindi makapagpokus sap ag-aaral dahil sa magulong


kapaligiran (maingay, malapit sa sugalan o peryahan)

11. Bumababa ang marka dahil sa gawaing ko-kurikular.


Lyceum of the Philippines-Laguna
Former Lyceum Institute of Technology
Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna
Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter

You might also like